Chapter 72

2142 Words
Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Izyll, doon sa silid naman ay sabay na kaming bumaba at nakisaya sa mga kasama namin. Nakapagpalit na rin ako ng swimsuit at tulad nang dati ay pinanuod lang niya ako, habang nagpapalit ako. Ewan ko ba, hindi na ako naiinis ko nagagalit kapag nakatingin siya sa akin na ganoon. Para bang komportable na akong gawin ang mga bagay, na hindi naman niya dapat na makita. Hinayaan ko na lang dahil alam kong iinit lang ang ulo ko, kapag binara ko pa siya. Nang makarating kami sa dalampasigan ay nakita naming nagkaktuwaan na sila, habang naliligo. Karga ni Yuan si Cindy, habang si Jarryl naman ay si Flare. Nagtutulakan sila sa dagat, habang ang dalawang sina Zhennie naman at Heart ay tumatawa. Ngunit halata sa mukha ni Zhennie, na hindi niya gusto ang nakikita. "Hmmm, mukhang gusto ko ang ginagawa nila ah?" mayamaya ay sabi ni Izyll na nasa tabi ko. Bigla siyang yumuko nang patalikod sa akin. Kaya naman napakunot noo akong nakatingin sa kanya. "Anong trip 'yan?" tanong ko sa kanya. "Sumampa ka sa akin, sali tayo sa kanila," sabi niya. Napataas namana ang kilay ko at bahagyang tumingin sa ginagawa nila. "Tss, ayoko nga... Chansing ka lang eh," sabi ko at napaikot ang aking mata. Nilampasan ko siya at napapailing na lang habang naglalakad. Malapit na ako kina Heart, nang maramdaman kong bigla na lang akong umangat. Iyon pala ay mabilis akong binuhat ni Izyll, saka siya tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. "Siraulo ka talaga! Bitawan mo nga ako?!" sigaw ko sa kanya at pinalo ang balikat niya. Ngunit narinig ko lang na tumawa siya at hindi man lang ako pinakinggan. Hanggang sa pareho kaming bumagsak sa tubig. Tsk! Nang makaahon ako ay lumayo ako sa kanya. "Nakakainis ka talaga, kahit kailan," naiinis kong sabi sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Huwag ka nang magalit, alam mo namang ganyan ako sa iyo di ba? Haha!" tumatawa niyang sabi at sinabuyan ako ng tubig. Kaya naman gumanti naman ako sa kanya at para kaming mga bata, na nagsasabuyan ng tubig. Tinawag kami nina Flare upang sumali sa kanila, pero hindi ako sumali. Lumapit lang ako sa kanila, habang nagkakatuwaan. Itong si Izyll naman ayaw lumayo sa akin. Kahit na inaaya rin siya nina Jarryl. Hinayaan ko ang sarili ko na makisabay sa kanila. Matapos naming magkatuwaan sa dagat, ay naglaro kami ng volleyball ball sa dalampasigan. Girls vs Boys ang labanan, kaya naman sumali na rin ako. Kami nina Zhennie at Heart ang naglaro, habang sa kabila ay sina Izyll, Jarryl at Yuan. Samantalang tagabilang ng score naman si Cindy at referee si Flare. Nang magsimula ang laban ay halos pantay lang ang bawat score namin. Pakiramdam ko nga sinasadya nilang magpatalo sa amin. Dehado kami, kasi nga mga babae kami at malakas tumira ang mga lalaki. Subalit, sila ay talagang sinasadya. Kaya naman, hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa laro. Hindi nagtagal ay nainis na ako sa subrang lamya nang laro nila. Malayo na ang scores namin sa kanila. Kaya naman may naisip ako, upang ganahan sila sa paglalaro. "Magaling ba kayo sa larong ito?" sabi ko, habang hawak ang bola. Tumingin ako sa kanila at nakita kong nagkatinginan sila. "Oo naman love! Magaling kami, kaya nga nakakalaro kami di ba?" nakangising sabi ni Izyll sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, nang tawagin niya akong 'love'! Siraulo talaga ang lalaking ito. Ipagsisigawan niya ba talaga, kung ano man iyong nararamdaman niya sa akin? Napabuntong-hininga na lang. "Ganoon naman pala eh, bakit pakiramdam ko ay sinasadya niyong magpatalo? Minamaliit niyo ba ang kakayahan namin?" mataray kong sabi sa kanila. Hindi sila nakapagsalita at bahagyang nagkatinginan. "Oonga! Kanina ko pa napapansin iyon ah?" sabi naman ni Heart. "It's obvious," napapailing na sabi rin ni Zhennie. "Naku, naku! Kayo talaga boys! Hindi lang pala kami ang nakapansin eh, haha!" tumatawa namang sabi ni Cindy. "Hindi ah, nagkataon lang iyon!" depensa naman ni Yuan. Napangisi ako at napapailing na nakatingin sa kanila. "Kung ganoon, ganito na lang. Magpustahan tayo, kung sino ang manalo at matalo sa larong ito. Bawat isa sa atin ay magpustahan. Kaya naman si Izyll at ako ay may sarili ding pustahan. Ganoon rin kayong apat, kung ano ang magiging pustahan niyo. Sasabihin natin kung ano ang maaaring nating pagpustahan, ayos ba iyon sa inyo?" sabi ko sa kanila. "Pustahan?" sambit ni Heart. "Hmm, mukhang maganda iyan ah," nakangising sabi ni Izyll sa akin. "Sige, payag ako diyan. Kami ni Zhennie ang magpupustahan," sabi ni Yuan at bahagyang kumindat. "Teka, bakit tayo?" kuno't noo'ng sabi ni Zhennie. "Para maganda, haha!" "Ibig sabihin, kami ni Jarryl ang magpupustahan?" naguguluhang sabi naman ni Heart. "Haha! Huwag kang mag alala, hindi ako mahirap kapustahan," nakangiting sabi ni Jarryl at bahagyang kumindat pa kay Heart. Kaya nakita kong bahagyang nahiya si Heart sa kanya. "Sige, sinong unang magbibigay ng pustahan sainyo?" tanong naman ni Flare. "Kami muna," sagot ko. Napatitig ako kay Izyll at nakita kong ganoon rin siya sa akin. Mayamaya ay napangisi ako, habang nakatingin sa kanya. "Okay.. kapag nanalo ako, hindi kita pagbibigyan sa gusto mo at alam mo naman kung ano ang gusto mo sa akin di ba? Ang ligawan ako. Ngunit kapag natalo mo ako, pagbibigyan kita sa hiling mo," seryoso kong sabi sa kanya. "T-Teka, akala ko ayos na iyon? Na hahayaan mo akong ligawan kita?" Oonga no? "Oo, sinabi ko iyon pero iba ang ibig kong sabihin bukod do'n sa sinasabi mong panliligaw mo sa akin. Iyong parusa na sinasabi mo, hindi mo iyong magagawa habang nililigawan mo ako," nakangising sabi ko sa kanya. Sa aming dalawa ay kami lang ang nakakaalam, sa kung anong ibig sabihin nang parusa na sinasabi ko. Nakita kong natigilan siya at napaisip sa mga sinabi ko. Mayamaya ay bahagya siyang napatango. "Sige, kung iyan ang gusto mo. Ngunit kapag ako ang nanalo, alam mo na rin ang nais kong mangyari. Tulad lang rin nang sabi mo," sabi niya sa akin. "Okay.." sang ayon ko sa kanya. Mabuti na rin iyon para ganahan kami sa larong ito. Matapos naming magbigay nang kasunduan ay sunod naman sina Heart at Jarryl. Hmmm, may kakaiba din akong napapansin sa kanila. Simula noong nakabalik si Heart, na sina Jarryl ang kumuha sa kanya ay tila may nagbago sa kanilang dalawa. Hindi pa nga lang talaga ako sigurado. "Actually, hindi ko alam kung anong pustahan ang gusto ko," sabi ni Heart at bahagyang napakamot sa noo. "Haha, sige ako na lang ang magbibigay ng pustahan natin," sabi ni Jarryl. "Sige, ikaw na lang.." Napatingin ako kay Jarryl na bahagyang nag isip, sa kung anong pupustahan nila. "Sige, ganito na lang. Kung sino ang manalo o matalo sa atin ay magiging slave ng isang linggo. Okay lang ba iyon saiyo?" Napataas ang kilay ko, maging slave ng isang linggo? Hmmm, mukhang okay naman iyon. "Okay.. sige, payag ako," sang ayon ni Heart. Matapos nilang magkasundo ay sina Yuan at Zhennie naman ang magbibigay ng pustahan nila. Kaya napatingin kami sa kanila. "Ikaw ang magbigay nang pagpupustahan natin," seryosong sabi ni Zhennie kay Yuan. "Okay, kapag nanalo ako, gusto kong mag usap tayong muli at sasagutin ko ang tanong na iyon mula saiyo. Kapag natalo ako, ay hahayaan na kita," seryosong sabi ni Yuan kay Zhennie. Ngayon ko lang nakitang seryoso si Yuan, mukhang hindi lang ito simpleng laro ngayon at talagang mag e-enjoy ako. Nasisiguro akong hindi nila kami pagbibigyan na manalo. Kaya napangisi ako. "Kung sino ang unang maka-three points ay panalo," sabi naman ni Cindy. Sumang ayon kami sa sinabi niya, para naman mabilis matapos ang larong ito. "So, simulan na natin," sabi ko sa kanila. "Sinong mauuna?" tanong ni Zhennie. "Kayo na," sagot ni Izyll. Kaya naman binigay ko na kay Zhennie ang bola, upang siya ang tumira. Naging handa kami ni Heart, nang malakas niya itong tinira patungo kina Izyll. Nakita ko namang nag abang sila kung saan lalanding ang bola. Patungo ito sa may malapit kay Jarryl, kaya si Jarryl ang sumalubong dito at mabilis na tinira pabalik sa amin. Napangisi ako, nang makita ang pagiging seryoso nila sa laban. Dapat ganito na sila kanina pa, para naman ganahan kami. Si Heart ang tumira nito pabalik sa kanila, na agad rin namang tinira ni Izyll pabalik sa amin. Patungo ito sa akin, kaya naman mabilis ko rin itong tinira pabalik at muntik na nilang hindi natira. Subalit, kahit natira nila iyon ay hindi pa rin umabot sa net ang bola. Kaya naman, panalo kami sa unang round. "1 points, For the girls team!" sigaw ni Cindy. Nasa amin ang bola, kaya naman si Zhennie ulit ang tumira at malakas niya itong tinira. Sakto lang rin ang lakas no'n na hindi rin lalagpas sa linya. Nakita kong tumalong si Izyll at mahina niyang tinira patungo kay Jarryl, na agad ring tinira nang malakas patungo sa amin. Napatingin ako kay Heart, mabilis niya itong naitira bago siya napasubsob sa buhangin. Hindi iyon umabot sa net, kaya mabilis akong tumakbo upang maabutan ko iyon at tinira patungo sa kanila. Ngunit mabilis rin ang naging kilos nila at agad iyong tinira ni Yuan pabalik sa amin. Napatingin ako sa likod at si Zhennie lang ang naroon. Ngunit malayo siya, para tirahin pabalik ang bola. Samantalang si Heart naman ay kakabangon lang mula sa pagkakadapa. Kaya naman, kahit anong pilit kong habulin ito ay hindi ko na nagawa pa. Hanggang sa tuluyan na itong tumama sa buhangin. "1 point! For the boys team!" sigaw ni Cindy. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa scores namin. Pareho kaming may 1 point, kaya hindi kami maaaring maging kampante. Nasa kanila ang bola at si Jarryl ang titira nito patungo sa amin. Naging handa kaming tatlo sa kung saan mapupunta ang bola. Nang maitira na ni Jarryl nang malakas ang bola ay patungo iyon malapit sa kinaroroonan. Kaya naman naging handa ako, napansin ko naman ang paglapit nina Heart at Zhennie. Bago pa ito mapunta sa akin ay tumalon ako at sinalubong ko ito ng tira. Umabot ito sa net, ngunit sa nakikita ko ay malayo rin sila para tirahin ito. Naging mabagal ang pagbagsak nito. Lumagpas lang ito ng kauti sa net, kaya malapit lang rin ito sa net pababagsak. Subalit, sa layo nila ay hindi agad nila ito maaabutan. Kaya kahit anong gawin nila ay hindi nila ito maititira pabalik, hanggang sa tumama na ito sa lupa. "2 points! For the girls!" sigaw muli ni Cindy. "Ayos! Haha!" masayang sabi ni Zhennie at nakipag apiran sa amin. Bumaling ako kina Izyll, na nakatingin sa amin. Mayamaya ay nakita kong nag uusap silang tatlo. Malamang may gagawin silang strategy para matalo kami. Dahil nga isang panalo na lang ay talo na sila. "Magpapatalo tayo sa susunod na round, okay lang ba?" nakangising sabi ko sa kanilang dalawa. Natigilan naman sila at napakunot noo na napatingin sa akin. "Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Zhennie. "Para exciting," sabi ko at kumindat sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at walang nagawa, kundi ang tumango na lang. Ilang minuto lang ay nagsimula na ulit kami. Tulad nang sabi ko sa kanila ay sinadya naming magpatalo. Nilagay namin sa gitna si Heart, upang siya ang titira sa bola. Nagpabago kami ng line tatlo at nang itinira na iyon ni Heart ay sinadya niyang malakas ang kanyang tira. Ngunit sa maling deresyon iyon napunta. Patungo iyon sa gilid malapit kay Izyll ay lumagpas sa linya. Kaya naman, nagkaroon sila ng puntos dahil doon. "2 points! For the girls!" sigaw ni Cindy. "Dapat hindi lalagpas sa linya ang bola," sabi naman ni Flare. Muling nagpatuloy ang laro at nasa kanila na ang bola. Nakita kong si Izyll ang titira ng bola. Kaya naman naging handa kami at magkatabi kaming tatlo sa gitna. Upang makita agad namin kung saan ito pupunta. Hanggang sa itinira na iyon ni Izyll! Naghiwalay kaming tatlo, nang mapansing naging mahina ang pagtira ni Izyll sa bola at sakto lang sa paglagpas sa net. Mabilis ko iyong naitira pabalik at naging palobo papunta sa kanila. Kaya nakita kong pabor sa kanila ito at mabilis iyong hinampas ni Jarryl papunta sa amin. Ngunit agad itong sinalubong nang tira ni Zhennie. Naging palobo rin ito at mahina lang ang pagkakatira ni Zhennie. Kaya naman, mabilis ako tumalon at hinampas ang bola nang malakas patungo sa kanila. Subalit nagawa itong salubungin ulit ni Jarryl at malakas na tinira. Natigilan ako, nang makita kong saan ito patungo. Mabilis ang pagtira ni Jarryl at halos naging hangin ang bilis nito, patungo sa kinaroroonan ni Heart. Bago pa ito nagawang itira ni Heart tumama ito sa kamay niya at dahil sa subrang lakas nito ay naging dahilan rin iyon upang matumba siya. "Heart!" sigaw namin ni Zhennie at mabilis siyang nilapitan. Nakita kong namula ang kamay niya at maging ang kanyang ilong. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD