Chapter 64

2311 Words
Hindi maalis ni Izyll ang tingin niya sa babaeng bigla na lang lumitaw sa harapan nila. Naglakad ito palapit sa kanila at seryoso siyang tiningnan. "Mrs. Trinity," sambit ni Izyll. Hindi ito tumugon sa kanya at nanatili itong nakatingin sa kanya nang seryoso. "Kumusta si Kherra?" sa halip na tanong nito kay Firen. Medyo nagulat pa si Firen sa biglang pagtanong nito, ngunit agad lang rin siyang nakabawi. "U-Uhm, she's still unconscious. Hindi namin alam kung kailan siya magigising. Isa pa, nararamdaman naming nanghihina ang kapangyarihan niya, kaya siguradong matagal pa bago niya mabawi ang kanyang lakas at kapangyarihan," paliwanag ni Firen dito. Napapailing ito habang nakatingin sa kanila at bahagyang napabuntong-hininga. "Pabigla-bigla kasing magdesisyon. It's too risky to do that. Alam naman iyon ni Kherra, pero ginawa niya pa rin," sabi nito. "Ano ba ang ibig sabihin no'ng ginawa nila?" seryosong tanong ni Izyll dito. "Pinagsanib nila ang kapangyarihan nila, kahit alam nila na mahina pa ang kapangyarihan ni Khendrey. Hindi pa iyon sapat para ipansanib pwersa, ngunit ginawa pa rin nila. Ngunit pwedi rin, na may isang gumawa no'n para makalaban sila sa ganoong sitwasyon," mariing sabi nito. Kaya mas lalong nagtataka si Izyll sa mga sinabi nito. Maraming tanong ang nabuo sa isipan niya, lalo na sa kung sino ang taong nag utos sa mga ito na gawin ang bagay na iyon. "Sino naman ang taong tinutukoy niyo?" nagtatakang tanong ni Izyll dito. Hindi naman agad nakasagot si Trinity at tiningnan lang nang seryoso si Izyll. Kaya naman biglang napayuko si Izyll dito. "P-Pasensya na po kayo at masyado akong matanong," hinging-paumanhin dito. Napabuntong-hininga lang si Trinity at inalis ang tingin sa kanya. "Kilala mo naman kung sino ang makapangyarihan dito sa kaharian natin, bukod sa Reyna ng mga fairy. Bukod sa kanya wala ng iba. Kahit hindi pa siya nagigising ay kaya niyang palabasin ang ilang kapangyarihan, na kaya niyang palabasin. Ngunit dahil nilalaban niya ang itim na kapangyarihan na nasa kanya ay hindi niya tuluyang maipapalabas ang buong kapangyarihan niya, dahil nakafucos iyon sa itim na kapangyarihan na bumabalot sa kanya ngayon," seryoso nitong sabi at bahagyang tumalikod sa kanila. "Ipapaalala ko lang saiyo, hindi mali ang magmahal. Subalit, darating din ang araw na mawawala rin siya saiyo. Kaya naman ihanda mo ang sarili mo, kung sakaling mawala siya saiyo," mariing sabi nito at biglang nawala. Hindi naman nagawang makapagreak ni Izyll sa sinabi nito. Masyado siyang nabibigla, tapos idagdag pa ang huli nitong sinasabi. Hindi man nito deretsong sinabi ay alam niya kung sino ang tinutukoy nito, na mawawala sa kanya. "Pareho yata tayong naiisip," narinig niyang sabi ni Firen. Hindi pa rin siya nakaimik at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. Kilala niya bilang isang manghuhula si Trinity, ngunit nalaman nilang wala na itong kakayahan pang manghula. Tinanggal na iyon nang dati nitong pinagsisilbihan, na si Reyna Hezza. Kaya hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi nito, tungkol sa mangyayari kay Khendrey. "Huwag kang masyadong mag isip nang kung ano. Siguro naman, kaya mong ilayo ang taong mamahalin mo, doon sa sinasabi niya di ba?" muling sabi ni Firen. 'Right! Gagawin ko ang lahat, huwag lang mapahamak si Khendrey!" sambit niya sa kanyang isipan at napatango-tango pa. "Tama ka, impossible iyong sinasabi niya. Well, pagkatapos nating makausap si Tita ay babalik na rin tayo upang alamin ang kalagayan nila ngayon," sabi ni Izyll. Tumango naman si Firen sa sinabi niya. Muli siyang naglakad at sumunod lang sa kanya si Firen. Habang naglalakad sila ay talagang hindi maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Trinity. Aminin man niya o hindi ay talagang nakaramdam siya nang kaba, dahil dito. "Dumaan ka pa doon sa Mommy mo?" tanong sa kanya ni Jewelle nang makarating siya. Nakita niya si Flare, na pasimpleng nakaupo lang at tila walang nakita. "Yes, Tita, hindi ba nasabi ni Flare sainyo?" tugon niya at bahagyang bumaling kay Flare na napatingin naman sa kanya. "Sinabi na niya sa akin, maging ang lahat ng kailangan niyo kung bakit kayo nandito" seryoso nitong sabi sa kanya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Tumalikod ito sa kanya at umupo sa upuan nito. Tiningnan siya nitong mabuti at tila iniisip kung ano ang gagawin sa nais nila. Naglakad siya patungo sa inuupuan ni Flare at tumabi dito. "Nasabi na ba ni Trinity, na binigyan niya ng misyon si Khendrey?" mayamaya ay sabi ni Jewelle. Nagkatinginan naman si Flare at Izyll, sa sinabing iyon ni Jewelle. Walang alam si Flare, kaya nagtatakang napatingin siya kay Jewelle. "Anong misyon, Tita?" nagtatakang tanong ni Flare. "Oh? Wala kang alam sa bagay na iyon? How about you, Izyll?" Napaiwas nang tingin si Izyll kay Jewelle, kaya napataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya at nasisiguro niyang may alam ito. "Alam mo?" saad niya kay Izyll. "It was an accident. Hindi ko intensyon na malaman na may misyong ibinigay si Mrs. Trinity sa kanya. Ngunit sa dami na nangyari ay hindi niya iyon nagawa at umabot pang kami na ang pumunta dito. Pagpasensyahan mo siya, Tita," paliwanag ni Izyll dito. Bahagya namang natawa si Jewelle sa sinabing iyon ni Izyll. Hindi niya inaasahang magpapaliwanag pa ito, dahil lang hindi nagawa ng isang tao ang ibinigay nitong misyon dito. "Mukhang may nagbago saiyo ah? Hindi ka naman dating ganyan. Sa tuwing may misyon kayo ay si Jarryl ang laging magpapaliwanag, tapos ngayon? Wow, mukhang may dapat akong malaman sa pagbabagong iyan, pamangkin," nakangising sabi ni Jewelle sa kanya. Napaiwas naman nang tingin si Izyll dito, kaya bahagyang natawa naman si Jewelle at tumingin kay Flare, na napapailing lang. "Anong nangyari diyan sa kaibigan mo, at biglang nagbago ng ganyan?" tanong niya kay Flare. Napatingin naman si Flare kay Izyll at nakita niyang pinanlakihan siya nito ng mata. Subalit, kinindatan lang niya ito bago sumagot kay Jewelle. "Inlove kasi, alam niyo na ang nagagawa kapag inlove, Tita. Biglang magbabago," sagotg ni Flare kay Jewelle. Muling napataas ang kilay ni Jewelle at nagugulat na napatingin kay Izyll, na hindi halos makatingin sa kanya. Napangisi siya. "Oh? Really? Sino naman? Siguro, isa sa mga bagong tagapagmana, tama ba ako? At siguradong si Khendrey iyon, dahil iba ka kapag nagpapaliwanag pagdating sa kanya," panunudyo ni Jewelle. Napapikit na lang Izyll sa pang aasar ni Jewelle sa kanya. Alam naman niyang malalaman talaga nito, kung ano ang ginagawa nila. Kahit magtanong ito o hindi. "O siya, bumalik na tayo sa unang topic natin. Nasabi na sa akin ni Flare ang tungkol sa mga bagay na gusto niyong kunin, para sa proteksyon ng mga taong maiiwan ng dalawang bagong tagapagmana di ba?" mayamaya ay pag iiba ni Jewelle sa usapan. Nakahinga naman nang maluwag si Izyll at doon lang siya tumingin kay Jewelle. "Yes, tita.. So, maari ba naming makuha iyon?" tugon agad ni Izyll dito. Napapikit naman si Jewelle at bahagyang napabuntong-hininga. "Okay, ibibigay ko iyon sainyo at siguraduhin niyong sa mabuti nila ito gagamitin huh?" saad ni Jewelle. "Yes, sasabihin namin iyan sa kanila," sang ayon ni Izyll, ganoon rin si Flare. Napatango naman si Jewelle sa kanila. Nakita nilang pumitik ang isang kamay nito at sa isang iglap na nasa tabi na nito ang mga bagay na nais nilang makuha. "Ilan ba ang iiwanan nila nang ganito?" tanong ni Jewelle. Nagkatinginan naman sina Izyll at Flare, bago sumagot kay Jewelle. Hindi nila iyon natanong kay Khendrey. Ngunit mukhang alam na rin nila kung ilang tao ang mahalaga dito. "Tatlo lang, para sa kanilang ama at sa kaibigan nilang si Zhennie," sagot ni Izyll. Napataas ang kilay ni Jewelle sa sinabi ni Izyll. "Okay sa akin ang ama nila, ngunit itong si Zhennie, sino siya bukod sa kaibigan nila ito?" kuno't noo'ng tanong ni Jewelle. Muling nagkatinginan sina Izyll, alam nilang kaibigan nina Khendrey si Zhennie at sinabi na nito sa kanya na higit pa sa kaibigan ang turing nila sa isa't isa. "Sigurado akong isa si Zhennie sa pinagkakatiwalaan ni Khendrey. Bukod dito ay wala na ng iba pa, kaya nais niya rin na mabigyan ito ng proteksyon dahil ito ang maiiwan sa kanilang ama," paliwanag ni Flare. "Ganoon ba?" napapatangong tugon ni Jewelle at bahagyang napaisip. "Well, bukod doon sa sinabi ko ay pamilyar din sa akin ang pangalan niya. Bukod kay Khendrey, sino pa ang may koneksyon sa babaeng iyon?" muling tanong ni Jewelle sa kanila. Hindi agad sila nakasagot, dahil hindi nila alam kung sasabihin ba nila dito ang totoo. Nagkatinginan sina Izyll at pareho silang naiisip sa akin. "So? Walang kayong alam?" seryosong sabi nito. "Kasi, aish! Noong dati naming misyon noon, kasama sina Jarryl at Yuan. Nagkakilala sila ni Yuan at nagkaroon sila ng relasyon. Ngunit nang malaman nito kung sino si Yuan ay bigla na lang siyang nawala. Iyon din ang dahilan kung bakit tumatakas dito si Yuan noon," paliwanag ni Izyll dito. Napataas ang kilay ni Jewelle at naalala ang lahat ng iyon. Ngunit hindi niya aakalain na may karelasyon sa mortal ang anak ng kanyang kaibigan. Napapailing na lang si Jewelle. "Tss, ibig sabihin nagkita sila ulit ngayon dahil sa misyon niyo? At kaibigan pa talaga niya ang dalawang bagong tagapagmana, ganoon ba?" saad nito. Sabay namang tumango ang dalawa sa sinabi ni Jewelle. Kaya napasinghal na lang siya. "Tsk! Oh siya, pagbibigyan ko ang gusto ninyo. Kunin niyo kung ano ang ibibigay niyo sa kanila," sabi sa kanila ni Jewelle. Napatango naman si Izyll at tumayo. Naglakad siya palapit dito at kinuha ang tatlong bagay na kanilang ibibigay sa mga ito. Isang singsing, kwentas at bracelet ang kinuha niya. Hindi na niya pinili ang ilang sandata na naroon dahil sa tingin niya ay hindi iyon ang kailangang pangproteksyon sa mga ito. Mas mainam nang iyon lang ang kinuha niya para maitago lamang. "So, kailan niyo sila dadalhin dito?" mayamaya ay tanong ni Jewelle. "Hindi ko pa masasabi kung kailan, ngunit sinisiguro ko na ngayong linggo lang ay nandito na kami," mariing sabi ni Izyll. "Okay, hihintayin ko ang pagdating niyo," ani ni Jewelle. "Oonga pala, Tita. May isa kasi silang kasamahan na ginamit ng black magic para kalabanin siya at ang babaeng iyon ay nag aagaw buhay matapos siyang gamitin ng mga ito. Nais sana nilang malaman kung may alam kayong gamot para dito," naalalang sabi ni Izyll dito. Napakunot noo namang napatingin sa kanya si Jewelle. Medyo nalito siya sa sinabi ni Izyll. "Huh? Ipaliwanag mo nga nang mabuti." Napatingin naman si Izyll kay Flare, kaya naman si Flare na ang nagpaliwanag kay Jewelle kung anong nangyari. Matapos maipaliwanag ni Flare ang lahat ay napapailing na lang si Jewelle. "Tsk! Kung tutuusin ay talagang nakakagalit ang ginawa niyang iyon. Ngunit may dahilan naman ito, kung bakit siya nagkaganoon. Fine, I will give some medicine for her," sabi ni Jewelle sa kanila. Napangiti naman sina Flare sa sinabi nito. Mayamaya ay tinawag ni Jewelle ang guardian niya na si Rhea at may pinakuha dito sa kaharian nito. Ilang saglit lang ay muling nagpakita si Rhea, dala ang isang maliit na bote kung saan naroon ang ilang pills. "Ipailunok niyo ito sa babaeng iyon at mawawala na ang mga bakas nang paggamit sa kanya ng mga taga-itim. Manunumbalik na rin ang lakas niya, pagkatapos niyang makainum niyan," sabi sa kanila ni Jewelle. Kinuha naman ito ni Izyll at at bahagyang tiningnan. "Maraming salamat, Tita," wika niya dito. "Tss, basta ayusin niyo lang ang trabaho niyo at hindi sila mapahamak," muling sabi sa kanila ni Jewelle. Dahil sa sinabing iyon ni Jewelle ay naalala niya ang sinabi ni Firen kanina, sa kung ano ang nangyari kina Khendrey. "Oonga pala, sinabi sa akin ni Firen na may nangyari kanina sa campus. Sumugod doon sina Demeria at Sahara. Subalit, si Khendrey ang dahilan kung bakit sila umalis rin doon. Tita, sinabi rin niya sa akin na nagsanib ng kapangyarihan sina Kherra at Khendrey. Nalaman niya na ang kapangyarihan ng gold pixie dust ang kahinaan ng mga alagad ni Reyna Hezza. Totoo ba iyon?" seryosong tanong ni Izyll dito. Natigilan naman si Jewelle sa sinabing iyon ni Izyll at napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo dahil sa kanyang narinig. "What did you say? Nagsanib sila ng kapangyarihan? Paano nangyari iyon, ganoong hindi pa naman tuluyang lumabas ang kapangyarihan ni Khendrey. Sa kanilang dalawa, si Kherra ang mapapahamak. Tsk! Rhea!" seryosong sabi ni Jewelle at biglang tinawag si Rhea, na agad namang lumitaw. "Ngayon ko lang rin nalaman ang nangyari kay Kherra. Malubha ang kalagayan niya at masyado niyang nagamit ang kanyang kapangyarihan. Sa ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, pero inaasikaso na siya doon. Matagal-tagal pa bago bumalik ang kanyang lakas," agad na sabi sa kanya ni Rhea. Napapikit na lang si Jewelle at nakaramdam ng inis sa nangyari. Napabuga siya ng hangin. Samantalang nagkatinginan naman sina Izyll at Flare. Nararamdaman nila ang kakaibang aura mula rito at alam nilang hindi nito nagustuhan ang balita. "Sige na, umalis na kayo," biglang sabi nito sa kanila. "Uhm, Tita, may huli pa sana akong sasabihin," wika ni Izyll. Kuno't noo namang napatingin sa kanya si Jewelle at napahawak sa noo nito. "Ano na naman?" tila naiinis na nitong sabi. "May isa pa silang kahilingan bago sila tuluyang sumama sa amin. Kung pwedi ba raw na paminsan-minsan ay makakalabas sila, para makita ang ama nila. Alam niyo naman siguro kung ano ang pakiramdam ng mahiwalay sa magulang di ba, tita?" saad niya dito. Hindi nakapagsalita si Jewelle at bahagyang napapikit lang. Napahilot ito sa kanyang batok. "Hindi ko pa masasagot iyan, pag uusapan namin iyan kapag nandito na siya. Sa ngayon ay hindi ko nagustuhan ang ginawa nila ni Kherra. Sabihin mo sa kanya na kailangan niya ring tanggapin ang parusang ibibigay ko sa kanya dahil sa nangyari, maliwanag ba?" mariing sabi ni Jewelle sa kanila. Walang nagawa sina Izyll, kundi ang sumang ayon na lang sa sinabi ni Jewelle saka sila umalis, upang bumalik sa mundo ng mga mortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD