Chapter 63

2071 Words
Matapos nilang tingnan si Khendrey at iwan sa ama nito ay pumunta na naman sila doon kay Clarise, na katatapos lang bihisan ng katulong nila Khendrey. Tiningnan nila ang ayos ni Clarise at ngayon nakikita na nila nang malinaw ang itsura nito. Mukhang grabe ang nangyari dito, nangingitim na ang mga mata nito at maging ang kulay ng balat ay ibang-iba na. Naawa sila sa itsura nito, ngunit wala silang magagawa. Hihintayin na lamang nila ang pagbabalik nina Flare at Izyll, mula sa kanilang kaharian. Matapos nilang tingnan si Clarise ay pumunta sila sa sala at doon umupo. Hinihintay nila kung magigising lang ba ngayon araw si Khendrey at kung makakabalik lang ng maaga sina Izyll. "May tanong ako, sa mga napapanood ko kasing palabas o mga nababasa ko sa mga novel ay magkaiba ang oras at panahon sa ibang mundo. Ganoon rin kaya sainyo?" mayamaya ay ni Zhennie kina Cindy. "Oonga no, may napapanood din akong ganyan," sabi naman ni Heart. "Well, hindi naman ganoon, pareho lang ang oras at panahon dito sa mundo namin. Ang kaharian lang ng fairythena ang naiiba, magkaiba ang oras at panahon sa kaharian ng mga guardian namin," sagot ni Cindy. "Ano iyong fairythena?" nagtatakang tanong Heart. "Iyon ang kaharian ng mga guardian natin. Sa mundo nila, ay kasing-laki nila tayo. Halos makikita mo doon ay mga makukulay na bulaklak, iyon ang sabi ni Jarrah sa akin. Hindi pa kasi kami nakakapunta doon, bukod sa magulang namin ni Izyll," sabi naman ni Jarryl sa kanila. "Ganoon ba? Ibig sabihin halos mga fairy ang naroon?" saad ni Heart. Tumango naman si Jarryl sa kanya. "Yes, sabi ni Jarrah ang mga malalaking bulaklak ang dahilan kung bakit sila nabuhay. Sa tuwing may bagong magic user na mula sa kaharian namin ay may tutubo na bulaklak para dito at iyon ang kanyang magiging guardian. Subalit, hangga't hindi pa nagigising ng tuluyan ang kapangyarihan nito ay hindi rin magigising ang guardian nila. Katulad na lang ninyo ni Khendrey, matagal bago nagpakilala sa inyo sina Kherra at Kurt," paliwanag ni Jarryl sa kanya. Napatango-tango naman si Heart sa sinabi niya. "Iyong dalawang nakalaban niyo, babalik pa kaya iyon?" mayamaya ay tanong ni Zhennie. "Hindi natin malalaman kung babalik pa ba sila o hindi. Basta kailangan lang nating maging handa, dahil mga tuso ang mga iyon," seryosong sabi ni Jarryl. "Isa pa, hindi lang sila ang pweding ipadala para guluhin tayo. Marami pa sila at malalakas din. Hindi ko rin masabi kung tama ba iyong sinabi ni Khendrey, na ang kapangyarihan ng gold pixie dust ang kahinaan nila. Sa ngayon ay kailangan na lang nating hintayin sila Izyll at si Khendrey na magising," sabi naman ni Cindy. Sabay silang napabuntong-hininga at sumang ayon sa sinabi ni Cindy. Wala silang magagawa ngayon kundi ang maghintay muna. Samantala, sa kaharian ng Legendarya, kung saan umuwi sina Izyll. Bago sila pumunta sa tita Jewelle niya ay dumaan muna siya sa kwarto kung saan naroon ang kanyang ina. Pumasok sila ni Flare at nang makapasok na sila ay nakita niyang ganoon pa rin ang kalagayan nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito, bukod sa kanya at ni Jewelle ay sila lang ang nakakahawak sa kanyang ina. Samantalang ang kanyang ama ay hindi. Tanging ang may koneksyon lang sa pagkatao ni Sweetzhelle ang nakakahawak sa kanya. Kaya hindi rin ito mahawakan ng kanyang ama ay dahil asawa lang naman ito at walang dumadaloy na dugo sa pagitan nilang dalawa. Kaya tanging siya lang ang makakahawa dito at maging ang kakambal nitong si Jewelle. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang hinalikan sa noo. "Maiwan na muna kita dito, hihintayin na lang kita doon kay Tita Jewelle," paalam sa kanya ni Flare. Tumango lang siya dito bilang tugon, kaya naman lumabas na si Flare at iniwan siya. Nang makalabas na ito ay muli niyang itinuon ang pansin sa kanyang ina. Napangiti siya, lalo na nang makita niya ang napakaamo nitong mukha. Nasa paligid pa rin nito ang kulay itim na pixie dust at kulay ginto, na tila ba naglalaban ang mga ito. Alam niyang iyon ang dahilan kung bakit hanggang ay wala pa rin itong malay. Ngunit alam niya sa sarili na hindi na magtatagal ay masisilayan rin niya ito nang tuluyan. "Alam mo bang nakita ko na ang babaeng magiging dahilan nang paggaling mo, Mom? Noong una ko siyang nakita ay talagang napahanga na niya ako. Bukod sa maganda na ay matapang pa. Hindi ko aakalaing sa kaunting panahon nang pagkakakilala namin ay magugustuhan ko siya. Ipapakilala ko siya saiyo kapag dinala na namin sila dito at nasisiguro kong magugustuhan mo rin siya. Kahit medyo mataray siya ay mabait pa rin naman siya, Mom," nakangiting kwento niya pa dito. Tila ba nanumbalik ang lahat nang alaala niya kung paano niya nakilala si Khendrey at kung paano niya rin ito nagustuhan. Natatawa na lang rin siya sa tuwing naaalala niya kung paano ito nagugulat, kapag bigla siyang pumupunta sa kwarto nito nang walang paalam. Kahit sabihin pa sa kanya ni Khendrey na mapapatay na siya nito ay wala siyang nararamdamang takot. Siguro nga dahil alam niyang hindi naman talaga iyon gagawin ni Khendrey. "Sana kapag nagising ka na, Mom, ay matanggap mo si Khendrey bilang babae na nagugustuhan ko. Ngunit huwag kayong mag alala, kayo pa rin ang unang babae sa buhay ko. Kayo pa rin ang babaeng mahal na mahal namin ni Daddy," nakangiting sabi niya at bahagyang hinaplos ang kamay nito. Napatingin siya sa pinto, nang marinig niyang bumukas ito at nasilayan niya ang kanyang ama, na bahagyang nagulat nang makita siya. "Izyll? Nakabalik ka na pala?" hindi makapaniwalang sabi nito at lumapit sa kanya. "Dad!" tawag niya at sinalubong ito nang yakap. "Tapos na ba ang misyon niyo?" natutuwang tanong nito sa kanya, matapos humiwalay sa yakap. "Hindi pa, Dad, pero malapit na. May kailangan lang kasi kaming kunin dito at babalik lang rin kami. Kami lang ni Flare ang bumalik dito," sabi niya sa kanyang ama. "Ganoon ba? Kumusta? Anong balita doon sa misyon niyo?" muling tanong nito. "Well, naging maayos naman, Dad. Noong una akala ko mahihirapan kaming hanapin sila, pero nakatadhana na nga atang makita namin sila kaagad. Maging doon sa pinapasukan ni Mommy noon ay doon rin pala sila nag aaral, kaya naman naisipan na rin namin na mag aral doon upang mapalapit sa kanila. Hanggang sa naging kaibigan namin sila. Naging mailap sa amin si Khendrey, ang babaeng may taglay na kapangyarihan tulad ni Mommy. Medyo masungit kasi, kaya nahirapan kami sa kanya noong una. Ngunit ngayon, dahil naging kaibigan na rin namin sila ay hindi na kami nahirapan pang sabihin sa kanya ang lahat," kwento niya sa kanyang ama, na nakinig lang sa lahat ng kanyang sinabi at tila natuwa pa. "Talaga? Mabuti naman kung ganoon. So, kailan mo niyo sila dadalhin dito?" saad nito. "Kapag nakabalik kami ulit dito ay kasama na namin sila. Syempre, may mga mahahalagang tao din silang maiiwan doon at kaya kami nandito ay para kunin kay tita ang mga bagay na proteksyon laban sa mga Black magic. Baka kasi balikan ng mga iyon ang pamilya nila, kaya nais nilang may maiwan silang proteksyon para sa kanila," paliwanag niya dito. Napatango naman ang kanyang ama at naisip na tama naman ang dahilan ng mga ito. Kung iisipin ay talagang walang laban ang mga ito, kung babalikan sila ng mga kalaban at gamitin. "For sure, papayag si Jewelle sa nais ninyo," nakangiting sabi ng kanyang ama. "Pero Dad, pwedi rin kaya na kapag nagawa na nila ang nais nilag gawin dito ay makakalabas pa rin ba sila? O di kaya makabalik pa sa kanilang mundo?" tanong niya sa kanyang ama. Hindi agad nakapagsalita ang kanyang ama, sa tanong niyang iyon at tila hindi alam kung ano ang tamang isagot sa kanya. "Maaari kaya iyon, Dad?" muling tanong niya sa kanyang ama. Napabuntong-hininga ito at iniwas ang tingin. "Sa ngayon ay hindi ko iyan masasagot. Para sa akin ay gusto kong makabalik pa rin sila, kapag napagaling na nila ang Mommy mo. Subalit, si Jewelle lang ang makakapagdesisyon sa bagay na iyan at siya ang dapat niyong kausapin," paliwanag ng kanyang ama. Napatango na lang si Izyll. Umaasa pa rin siya, na kahit papaano ay may magagawa siya para kay Khendrey. Alam niyang isa iyon sa ikakasaya ng babaeng gusto niya, ang makasama ang ama nito. "Sige, Dad, kakausapin ko si Tita sa bagay na iyan. Maiwan na muna kita at pupuntahan ko pa siya," sabi niya sa kanyang ama. "Sige," tugon nito at tinapik siya sa balikat. Iniwan na niya ang kanyang ama sa silid ng kanyang ina. Naglakad siya papunta sa hagdan ng palasyo at bumaba doon. Nagtanong na sila kanina ni Flare, kung nasaan si Jewelle at sinabi nitong nasa opisina ito ng kanilang Academia. Kaya doon siya pupunta upang makausap ito. Habang naglalakad siya ay nakikita niya ang studyante, na bahagyang napapatingin sa kanya. Kilala siyang snobero sa Academy at tanging sina Flare lang ang nakakalapit sa kanya. Hindi rin siya palasalita sa mga ito, subalit nagtataka pa rin siya kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Kahit na masama ang ugaling pinapakita niya sa mga ito. Kahit tiningnan siya ay hinayaan lamang niya ang mga ito. "Izyll," napahinto siya nang biglang lumitaw sa harapan niya si Firen. Nagtataka naman siyang napatingin dito dahil pakiramdam niya ay may masama itong balita. "Bakit?" "May nangyari sa campus at napalaban sila. Iyon ang sabi sa akin ni Jarrah," seryosong sabi ni Firen sa kanya. Natigilan naman si Izyll sa sinabi nito at napakunot noo siyang napatingin dito. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya dito. "Lumusod doon sina Sahara at Demeria, kasama si Clarise. Nagkagulo raw doon, nakipaglaban sina Yuan at Jarryl sa kanilang dalawa. Samantalang si Clarise naman ay si Khendrey ang pinuntirya. Pinahirapan niya si Khendrey at alam mo naman walang kakayahan si Khendrey na makipaglaban di ba? Kaya naman tinulungan siya ni Kherra at pinagamit ni Kherra ang kapangyarihan niya kay Khendrey. Kaya naman sabi ni Jarrah, si Khendrey ang nakipaglaban sa mga ito at siya rin ang dahilan kung bakit umalis na sila Demeria. Hindi nila alam kung paano nagawa ni Kherra at Khendrey na ipagsanib ang kapangyarihan nila. Kaya ngayon nawalan nang malay si Khendrey at hindi pa nagigising. Samantalang si Kherra ay ganoon din at mukhang matagal-tagal pa bago bumalik ang lakas ni Kherra," paliwanag ni Firen sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Izyll sa mga sinabi ni Firen. Pakiramdam niya ay parang ang bilis nang pangyayari. Umalis lang sila doon, tapos bigla na lang ganoon ang mangyayari. "Kung ganoon, si Khendrey? Ayos lang ba siya? Magigising ba siya agad?" nag aalala niyang tanong. "Sa ngayon, hindi pa nagigising si Khendrey. Nasa mansion nina Khendrey silang lahat at hinihintay ang paggising ni Khendrey. Maging si Clarise ay naroon din at ang gamot na dadalhin niyo ang hinihintay rin para dito, upang gumaling," muling sabi sa kanya ni Firen. Napabuga ng hangin si Izyll at bahagyang napatango sa sinabi nito. Subalit, hindi pa rin mawala sa kanya ang ginawang paglaban ni Khendrey, kina Demeria. Nasisiguro niyang malakas ang mga kapangyarihan nito, kaya imposibleng napasuko agad ni Khendrey ang mga ito. "Nalaman mo ba kung paano niya napaalis sina Demeria?" muli niyang tanong dito. "Ayon kay Jarrah, ang kapangyarihan ng gold pixie dust ang dahilan kung bakit sila napasuko ni Khendrey. Nakita nina Jarrah, kung paano nasugatan si Sahara sa ginawang atake ni Khendrey gamit ang pixie dust. Kaunti lang ang ginawang pagpalabas ni Khendrey no'n, pero nagawa niya pa ring masugatan si Sahara. Hindi rin nila maipaliwanag, basta sinabi ni Khendrey na iyon ang kahinaan nila. Ang gold pixie dust ang kahinaan nila," seryosong sabi sa kanya ni Firen. "Kahinaan nila?" wala sa sariling sambit ni Izyll. Napatango lang si Firen sa kanya. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Firen. Hindi niya inaasahan iyon at wala silang alam sa kung ano nga ba ang kahinaan ng mga ito. Hindi iyon nasabi sa kanila ni Jewelle, na siyang nakakaalam ng lahat. "Siguradong may isang tao ang nagsabi sa kanya no'n, na iyon ang kahinaan ng mga alagad ni Hezza.." Pareho silang natigilan, nang may nagsalita at mayamaya ay may lumitaw na imahe ng isang babae. Nakasuot ito ng kulay itim na damit at may suot na maitim rin na bela sa ulo nito. Agad iyong nakilala nina Izyll, ngunit ang sinabi nito ang hindi mawala sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD