Chapter 69

2107 Words
Naririnig namin ang iyak ni Heart, habang dinaramdam ang sinabi sa kanya ni tito. Hindi ko pa rin aakalain na sasabihin niya iyon kay Heart at hindi ako sang ayon sa gusto niyang iyon. "Well, may kakayahan akong burahin ang isang alaala. Iyan ang isa sa mga ability ko, kapag nahawakan ko ang isang tao ng kahit segundo lang ay mapapagana ko ang kapangyarihang iyon. Kaya naman kapag patapos na ang isang misyon ng mga kasamahan namin ay agad nila ako pinapatawag, upang gamitin ang abiliad ko. Subalit, sa punto ito ay hindi ko iyon gagawin," mayamaya ay narinig naming sabi ni Cindy. Napatingin kami sa kanya, nakita kong seryoso siyang nakatingin sa gawi namin. Napabuntong-hininga siya at napatingin kay Daddy. "Gusto ko lang pong sabihin saiyo, na hindi tama ang sinabi mong iyon kay Heart. Kung ako si Heart, natural na masasaktan ako sa sinabi niyo at talagang galing pa talaga sainyo ang mga katagang iyon. Paano niyo magagawang burahin ang isang magandang alaala? Siguro naman isang magandang alaala sainyo si Heart. Hindi naman siya panghabang buhay na mawawala sainyo. Anak niyo siya at babalik-balikan niya kayo. Hindi niyo man siya nakakasama araw-araw ay dapat mo ring isipin, na kahit kailan ay hindi siya mawawala saiyo. Parte siya ng buhay niyo, kaya kahit anong mangyari ay mananatili siya sa inyo. Pasensya na kayo sa sinabi ko, nasaktan lang rin naman ako sa sinabi niyo kay Heart," mahabang sabi ni Heart at napayuko pa kay tito, matapos humingi ng pasensya. Napabuntong-hininga ako at muling tumingin kay tito. Nakita ko siyang dahan-dahang napaupo sa couch at napayuko. Mukhang ngayon lang niya napagtanto ang lahat ng kanyang sinabi. "Sang ayon ako sa sinabi ni Herbert," mayamaya ay narinig kong sabi ni Daddy. Kaya nagugulat naman akong napatingin sa kanya. Anong sabi niya? Sang ayon siya sa sinabi ni tito? Nagbibiro ba siya? Napakunot noo akong nakatingin ngayon kay Daddy, matapos niya iyong sabihin. "Dad," tawag ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, bago muling nagsalita. "Ngunit, iba-iba ang nasa isip namin. Sa tingin ko, nasabi niya lang iyon ay dahil wala na siyang ibang maisip pa. Kaya mas gusto na lang niyang mawala ang alaala nila ni Heart, upang hindi na siya masaktan pa lalo. Ngunit, kahit na burahin niya ang alaala ni Heart sa buhay niya ay mananatili pa rin ito sa puso niya. Sapagkat, hindi rin ganoon kadali ang burahin ang isang alaala, lalo na at karugtong nito ang puso. Kaya naman, sang ayon ako sa kanya. Kahit na burahin ko si Khendrey sa alaala ko, alam kong mananatili siya sa puso ko," paliwanag ni Daddy at ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa kanyang mga sinabi. Ngunit imbes na masaktan ako, ay biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang mga sinabi. Nanatili akong nakatingin kay Daddy, habang nakatingin rin siya sa akin. "Ngunit, kahit anong mangyari ay hindi ko buburahin ang isang magandang alaala. Isang alaala na alam kong pareho naming hindi kayang burahin. Mananatili sa alaala ko si Khendrey, hanggang sa mamatay ako. She's my daughter after all. Kaya naman Herbert, huwag mo masyadong dibdib ang pag alis ni Heart. Babalik pa rin sila sa atin, kaya naman ang dapat lang nating gawin ay maghintay," sabi ni Daddy. Nilapitan niya si Tito at tinapik sa balikat. Mayamaya ay kumalas sa akin si Heart at lumapit sa kanyang ama, saka yumakap. "Dad, please don't do that. I don't want to erase our memories. Gusto kong manatili pa rin ako sainyong isipan. Kaya pakiusap, huwag mo akong burahin sa alaala mo," pakiusap ni Heart sa kanyang ama. Nakita kong napayakap na rin si tito nang mahigpit kay Heart at doon mas lalong umiyak. "Patawad.. Patawarin mo ako sa sinabi ko, Heart. Hindi ko pa rin kasi matanggap na aalis ka na at iiwan mo na ako. Patawarin mo ako sa kabaliwan kong naisip. Pangako, hindi ko na iyon uulitin. Kaya patawad anak," umiiyak na sabi ni tito kay Heart Napangiti na lang kami sa nakikita namin ngayon. Talagang napakahirap mawalay sa mahal mo sa buhay. Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko at nakita ko si Dad, na nakapalapit na pala sa akin. Ngumiti siya sa akin, kaya naman yumakap na ako sa kanya. Matapos ang dramahan namin, ay ibigay na ni Izyll kina Daddy, tito at Zhennie ang mga bagay na iiwan namin sa kanila. Si Dad ang kumuha ng kwentas, habang si tito naman ay iyong singsing at si Zhennie ang kumuha ng bracelet. Nang maisuot na nila ang mga ito ay bahagya pa itong umilaw at nawala rin ng ilang saglit. "At dahil naisuot niyo na iyan ay asahan niyong hindi na ito matatanggal, kahit anong gawin niyo. Ingatan niyo iyan at gamitin sa tamang paraan," sabi ni Izyll. Napatango sila sa sinabing iyon ni Izyll. Matapos no'n ay nag usap pa kami. Habang nag uusap kami ay may naramdaman akong nakatingin sa gawi namin. Kaya naman bumaling ako sa guest room, kung saan ko naramdaman ang isang aura. Kaya nagtama ang paningin namin ni Clarise, na bahagyang nagulat nang makita ako. Nagtago agad siya sa likod ng pinto. Tsk! "She's awaked. I think, she heard everything," sabi ko. Napahinto naman sila pag uusap at bahagyang napatingin sa akin. Ngunit agad ring nalipat ang kanilang mga mata sa guest room at mula roon ay lumabas si Clarise. Naglalakad siya palapit sa amin, na hindi man lang kami tinitingnan. "Oh, gising ka na pala," sabi ni Heart, nang makalapit ito nang tuluyan sa. amin. Hindi ito nagsalita, kaya mariin akong napatingin sa kanya. What's wrong with her? "Kumusta naman ang pakiramdam mo?" tanong ni Zhennie sa kanya. "I think, she was shocked," sabi naman ni Flare. "Magsalita ka," mariing sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin, ngunit agad lang rin umiwas. "N-Narinig kong lahat ang mga pinag usapan niyo. A-Actually, kanina pa talaga ako gising kahit no'ng nasa kwarto pa kayong lahat. Nagpanggap lang ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sainyo. Isa pa, n-natatakot ako, lalo na sa kanila," narinig naming sabi niya at bahagyang tumingin kina Izyll. Napataas naman ang kilay ko, bahagya pa siyang lumayo nang lumapit sa kanya si Flare. "Natatakot ka sa amin?" saad ni Flare. Dahan-dahan namang napatango si Clarise sa sinabing iyon ni Flare. Kaya naman, natawa si Flare sa kanya. "Ibang klase, sinasaniban ka pa rin ba?" natatawang sabi ni Flare sa kanya. "Bakit ka naman natatakot sa kanila?" kuno't noo kong tanong sa kanya. Bigla niya akong inirapan dahil sa sinabi kong iyon. Oh? Mukhang bumabalik na ang pagiging mataray niya, noong una ko siyang nakilala. "Obvious ba? Sino naman ang hindi matatakot, kung isa mga kalaban niyo ang gumamit sa katawan ko at muntik ko nang ikamatay. Sige nga? Sino ang hindi makakaramdam ng takot, ganoong isang mortal ako?" mataray niyang sabi sa amin. Natawa ako at napangisi sa kanyang sinabi. Mukhang na-trauma nga siya sa ginawa ng mga babaeng iyon sa kanya. Hindi ko rin siya masisisi sa nararamdaman niya. "Tsss, masyado ka kasing suplada at maarte, kaya ikaw ang napili nila. Ano? Gusto mo tawagin namin sila para saiyo?" hamon sa kanya ni Flare. Hindi nakapagsalita si Clarise dahil sa sinabi ni Flare at napaiwas nang tingin dito. "Tss, ang bait mo talaga eh no?" tanging sabi ni Clarise. "Ano bang gusto mong mangyari?" mayamaya ay seryoso kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa akin at seryoso niya akong tiningnan. "Gusto kong burahin niyo ang lahat ng alaala ko, simula nang makilala ko kayo at ang mga taong iyon. Gusto kong bumalik ako sa dating normal, hindi ganito na nakakaramdam nang takot. Pwedi niyo naman sigurong gawin iyon sa akin, di ba?" seryoso niyang sabi sa amin. Hindi kami nakapagsalita at bahagyang nagkatinginan. Sabagay, kung ako si Clarise ay talagang gugustuhin kong mawala ang alala ko tungkol sa mga bagong natuklasan niya. Hindi magiging normal ulit ang buhay ko, kapag may alam ako sa ganoong bagay. Sa lagay ni Clarise ay talagang nanaisin niya iyon. "Sigurado ka ba?" sabi ko. "Oo, lahat nang alaala ko na bahagi kayong dalawa ni Heart. Iyong nangyari sa atin at iyong sa akin ay gusto kong mawala. Kahit iyon lang," sagot niya. Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako kay Cindy at napatingin naman siya sa akin. Siya lang naman ang maaaring makagawa no'n sa kanya, dahil isa iyon sa abilidad niya. "Pagbigyan mo siya," sabi ko sa kanya. Napaismid siya at tumingin kay Clarise. "Sige, pero syempre gagawin natin iyon kapag nakaalis ka na dito. Ako na ang maghahatid saiyo pauwi," sabi ni Cindy sa kanya. "Much better," tugon ni Clarise at muling tumingin sa akin. "Meeting you is really full of surprises. Isa lang ang masasabi ko saiyo, goodluck sa mundong pupuntahan mo," tanging sabi niya sa akin at tumalikod na sa amin. Sumunod naman si Cindy sa kanya, habang nakataas-kilay na naglalakad paalis. "So? Kailan niyo planong sumama sa amin?" mayamaya ay tanong ni Flare, nang makaalis na sina Cindy. Bumaling ako sa kanya at tiningnan silang lahat. "Sa susunod na araw, sa ngayon gusto kong may gawin muna bago tuluyang umalis. Let's have a vacation, together with my family. Gusto kong sasama kami, na walang kahit anong lungkot sa puso. Bukas, aalis tayong lahat at pupunta sa resort ng pamilya namin," sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at mayamaya ay nakita kong ngumiti sila. "Well, it's sounds fun," wika ni Flare. "Maganda nga iyon, ‘cous," sang ayon naman ni Heart. Maging sina Daddy at tito ay sumang ayon rin sa sinabi ko. Kaya naman nag usap pa kami ng ilang bagay, bago ako nagpaalam na muling magpahinga. Hinayaan naman nila ako. Nang makapasik na ako sa kwarto ko at isinara ito ay muli akong napabuntong-hininga. "Hays, makapagpahinga na rin.." Natigilan ako nang may nagsalita at agad akong napatingin sa may kama ko. Nakita ko doon si Izyll na prenting nakahiga at pumikit pa. "Bakit ka na naman nandito?" kuno't noo kong tanong sa kanya. "Gusto lang kitang makita at makasama, bakit ba?" sagot niya at dinilat ang kanyang mga mata. Sinamaan ko siya nang tingin. "Sa ating dalawa, ako ang dapat na nagpapahinga diyan sa kama. Kaya pwedi ba, umalis ka na at iwan mo ako dito," seryoso kong sabi sa kanya. "Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?" tila nagtatampo pa niyang sabi at dahan-dahang umalis sa kama ko. Seriously? "Umayos ka nga, hindi bagay saiyo ang magtampo ng ganyan," sabi ko at napaismid sa kanya. Naglakad ako patungo sa kama, nang makaalis na siya doon at umupo sa couch. Hindi na siya nagsalita at deretso lang siyang humiga sa kama. "Izyll," tawag ko sa kanya. "Hmmm?" tugon niya. "Nagbibiro ka lang naman di ba?" wala sa sariling sabi ko, habang nakatingin sa kanya. Nakita kong napadilat siya nang kanyang mga mata at napatingin sa akin. "Anong nagbibiro?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Iyong nararamdaman mo sa akin. Biro lang naman lahat iyon, di ba?" Nakita kong dahan-dahan siyang napaupo sa couch at seryosong tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang binibigay niya sa akin. Dahil pakiramdam ko ay napapaso ako nito. Nagulat na lang ako, nang bigla siyang nawala doon at napunta sa harapan ko. Hindi agad ako nakakilos, kaya nagkaroon siya nang pagkakataong halikan ako bigla. Isang halik, na hindi ko maintindihan kong ano. Ang tanging nasa isip ko ay tila pinaparusahan niya ako sa paraan ng kanyang paghalik. Masyado itong marahas at hindi ko alam kung paano iyon matugunan. Mayamaya ay siya rin ang kusang huminto at tinitigan ako sa kanyang mga mata. "Kahit kailan hindi ko inisip na biro ang lahat nang nangyayari sa pagitan nating dalawa. Masyadong malakas ang loob ko pagdating saiyo, dahil pakiramdam ko ay pareho tayo nang nararamdaman. Ngunit sa tanong mong iyon, ay hindi ko iyon nagustuhan at alam mo bang masakit iyon para sa akin? Seryoso ako, pero para saiyo, biro lang nang iyon," seryoso niyang sabi sa akin. Hindi ako nakapagsalita at nakita ko ang bakas nang lungkot sa kanyang mga mata. Mukhang nasaktan ko nga siya, dahil sa tanong kong iyongl sa kanya. Mayamaya ay lumayo na siya sa akin at tumalikod. "Uulitin ko saiyo, seryoso ako at liligawan kita. Ipaparamdam ko saiyo ang nararamdaman ko at kapag sinabi mo paring biro iyon ay parurusahan kita, tulad nang ginawa ko saiyo ngayon," sabi niya sa akin at bigla na lang nawala sa harapan ko. Naiwan akong natulala sa mga sinabi niya at bakas pa rin ang pagkabigla ko. T-Teka! G-Ganoon ba siya magparusa? Bakit parang talo naman ako no'n at siya ang panalo! Ayos ah! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD