Chapter 35

2229 Words
Nang makarating ako sa pool, ay nakita ko nga sina Flare at Cindy. Masaya silang nag uusap kasama si Heart. Napatingin pa sila sa akin at kumaway. Tumango lang ako at umupo sa may upuan, malayo lang sa kanila ng ilang metro. Gusto ko lang mapag isa dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Izyll. Tsk! Ano kasing pumasok sa utak niya at ganoon ang ginawa niya sa akin? Hindi ko rin tuloy maintindihan ang sarili ko, kung bakit wala akong nagawang kilos kanina. Maari ko siyang itulak palayo sa akin, ngunit hindi ko magawa. Tsk! Nakakainis talaga! "Hi my loves, bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag iisa dito eh," mayamaya ay sabi ni Gajeel, nang makita ko siyang lumapit agad sa akin. Hindi ko siya pinansin at napadikwatro na lang ako nang upo. Alam niyo bang ang sarap manapak ngayon? Kung pwedi lang sapakin ko itong isang 'to eh, tsk! "Wala ako sa mood, kaya huwag mo akong kausapin," sabi ko at napairap sa kanya. "Oonga naman, mahirap kapag nabitin kaya huwag mo munang kausapin," narinig kong sabi ni Zhennie, nang dumaan siya sa amin. Nabitin? Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa kanyang sinabi at ang bruha, kumindat lang at may panguso-nguso pa. Napatingin tuloy ako sa nginunguso-nguso niya at nakita ko ang seryosong tingin ni Izyll sa akin. Napataas-kilay akong umirap sa kanya. Tsk! Bakit ba pakiramdam ko ay nagseselos siya at isa pa, bakit naman siya magseselos? Baliw lang? "Paanong nabitin? Ano 'yon?" mayamaya ay tanong sa akin ni Gajeel at umupo sa tabi ko. Sinundan niya pa nang tingin si Zhennie, na natatawang lumapit kina Heart at ibinigay ang kanyang mga dala dito. "Huwag mo akong kausapin," naiinis kong sabi sa kanya. "My loves naman, alam mo namang namimiss kita eh. Hindi ka pa nagpaalam sa akin na pupunta ka dito. Mabuti na lang at pinayagan ako nina Dad, na sumunod dito saiyo. Kasi nga namimiss kita at ayokong mapahamak ka, lalo na hinahabol ka ngayon nina Rigor," malambing niyang sabi sa akin. Napapikit ako. Sana hindi na lang siya pinayagan eh, para walang sakit sa ulong susunod-sunod sa akin. Nakakairita pa naman ang lalaking ito. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya, ngunit may pagdududa ang isip ko sa mga ikinikilos niya. Oo, ipinagkasundo kami upang kami ang mamahala sa susunod kapag ikinasal na kami. Mayaman sila sa korea at ang pamilya niya ang gumagawa ng mga imported na baril. May kapit sila sa gobyerno at ang malaki din ang kompanya nila, tulad sa amin. Pantay lang ang antas namin, subalit may pagdududa pa rin sa isip ko lalo na sa pinanggalingan ng pamilya niya. Sa hospital kasi, kung saan nanganak sina Mommy at tita sa amin ay may usap-usapan noon na dapat mabubuhay pa sana sila. Ngunit hinayaan na sila ng doctor at hindi na inasikaso, kasi nga patay na, namatay sa panganganak. Normal delivery ang nangyari sa kanilang dalawa at maayos ang paglalabor nila, kaso bigla na lang raw nahirapan sa paglabas sa amin at iyon ang ikinamatay. Subalit may narinig naman akong may ininject ang isang doctor sa kanina kaya sila nahirapan. Hindi ko alam kung ano iyon, kaya inaalam ko kung totoo iyon. Sa pamamagitan ni Gajeel ay aalamin ko iyon. Hindi talaga ako pumayag noon sa kasunduan na ito, subalit napilitan lang ako dahil sa iba kong motibo sa kanya. Kaya ngayon, kahit na masyado siyang clingy sa akin ay hinahayaan ko lang. Ayokong may maisip siyang dahilan para magka-problema ang relasyon naming dalawa. We've been engage for 2 years, after my 18th birthday. Noong unang meet up ko sa kanya ay seryoso talaga siyang tao. Hindi ko nga alam noon kung seryoso siya o hindi sa arrang marriage namin eh. Naging ganito lang siya ka-clingy noong isang taon at hanggang ngayon. Kaya nga ayaw nila Heart sa kanya ay dahil mysteryoso rin ang ugali nito at minsan nagiging ganito. Kaya nagdududa ako sa ugali niya. "Huwag ka nang mag alala sa akin, kaya ko ang aking sarili ," tanging sabi ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya at uminom ng beer na hawak niya. "Hindi ko kasi maiwasang mag alala saiyo, nabalitaan ko ang nangyari dito. Someone send me a message that someone tried to kidnap, Heart. Kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ako pumunta dito. You're still a woman, and a woman can't handle a man. Hindi ko minamaliit ang kakayahan mo, pero alam mo rin sa iyong sarili na minsan ay hindi mo rin mapo-protektahan ang sarili mo," sabi niya sa akin. Kaya napatingin ako sa sinabi niya. I feel sincerity of what he said. Paminsan-minsan ay ganyan din ang ugaling mayroon siya. Out of nowhere, he loves to say a word that can feel me better. Habang nakatingin ako sa kanya ay pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid. Napakunot-noo tuloy ako at tumingin kina Heart. "Bakit parang ang init naman ngayon, kanina lang ang lamig," narinig kong sabi ni Gajeel. Nakita kong ayos lang na nakatayo ang mga ito at para bang nararamdaman nila ang malamig na paligid. Napatingin ako sa gawi nina Izyll at nagtama ang paningin namin. Kuno't noo siyang nakatingin sa amin at pakiramdam ko doon nanggagaling ang init na nararamdaman namin ngayon ni Gajeel. Wait! Is he use a heat magic to us? No, I think much better to say, it's a Fire. Napansin kong kahit nakatago ang isang kamay niya ay nakikita kong may ginagawa siya. Nasisiguro kong nagpapalabas siya ng kapangyarihan. I'm sure of it! Inirapan ko siya. "Do you some water or a beer?" narinig kong tanong sa akin ni Gajeel. Napatingin ako sa kanya. "I want a beer," sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo. Naglakad siya palapit kina Heart na malapit nang matapos sa ginagawa at humingi doon ng beer. Kumuha siya ng beer sa Ice buckets at muling naglakad palapit sa akin. "Uy! Ang aga naman niyan, kumain muna tayo. Mamaya na iyan!" sita sa amin ni Heart. "Just this one," sagot ko sa kanya at binuksan ang beer. Napasulyap ako kina Izyll at ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Napansin ko pang siniko siya ni Jarryl dahil sigurado kanina pa siya nakatingin sa gawi namin. "Those guys," mayamaya ay narinig kong sabi ni Gajeel. Kaya napatingin ako sa kanya. "I've heard about them, but still, their too mysterious. I can't find an information about them," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. Inalam din niya ang pagkatao nina Izyll? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at bahagyang napasulyap kina Izyll. Nakita kong hindi na siya nakatingin sa amin. Malamang paano niya malalaman, eh hindi naman sila nagmula sa mundong ito. Syempre hindi ko sasabihin iyon sa kanya at baka maging bading siya pansamantala kapag sinabi ko kung anong klaseng nilalang sina Izyll. "Why?" tanging tugon ko sa kanya at pasimpleng uminom ng beer. "Hindi ko alam, kaya itatanong ko sana kung paano kayo nagkakilala," saad niya sa akin. Napahinto naman ako sa pag inum dahil sa sinabi niyang iyon. Itatanong niya sa akin kung paano kami nagkakilala? Muli na naman akong napasulyap kina Izyll at napansin kong napasulyap siya sa gawi namin. "Well, I meet them before at the mall and we suddenly agrue for some reason. Then, we meet again at the School where we studying right now and become classmates. Doon nagsimula ang pagiging malapit namin at isa din sa kanila ay ex-boyfriend ni Zhennie, iyong si Yuan. We become friends, because they were also our classmates. That's all," sagot ko sa tanong niya. Napansin kong napatingin siya sa gawi nina Izyll at mabuti na lang hindi siya nakatingin sa amin. "Ganoon ba? Ngunit nararamdaman ko pa rin na may kakaiba sa kanila at base sa mga sinabi mo. Masasabi kong ang bilis niyong napalapit sa kanila at napapansin ko rin ang tingin no'ng Izyll saiyo. Talaga bang magkaibigan lang kayo?" sabi niya sa akin. Agad naman akong napalingon sa kanya, dahil sa sinabi niyang iyon. Matagal bago ako nakasagot doon ,dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Madali lang naman ang sinabi niyang iyon, pero bakit pakiramdam ko napakahirap sagutin iyon. "Bakit parang natahimik ka?" nagtataka niyang tanong sa akin. Napatikhim ako bago sumagot sa kanya. "We're friends, that's all," sabi ko at inubos ang beer na hawak ko. Hindi ko na hinintay na magsalita siya at tumayo na ako, upang makaiwas sa susunod niyang tanong, dahil pakiramdam ko ay hindi ko na iyon masasagot ng maayos. "Saan ka pupunta?" tanong niya at tumayo na rin. "I'm hungry," tanging sagot ko sa kanya at naglakad na palapit kina Heart. Napansin ko namang sumunod siya sa akin, kaya hinayaan ko na lamang siya. "Ang ganda pala ng bahay niyo ah, ang laki!" narinig kong sabi ni Cindy, nang makalapit na ako sa kanila. "Haha, bahay ni Khendrey, nakikitira lang ako," natatawang sabi naman ni Heart. "Sus! Kunwari ka pa, ganoon mayaman naman kayo. Hula ko, hindi lang ito ang bahay niyo sa buong pilipinas at sa ibang bansa," puna ni Cindy kay Heart. Napatingin sila sa akin nang makalapit ako. Napatingin ako sa mga niluto nila. Marami iyon at talagang para rin sa iba pang nandito. "Ayos ka lang ba, Khen?" narinig kong tanong ni Heart sa akin. Napatingin naman ako sa kanila at nakita kong nakatingin silang apat sa akin. Nagtataka naman akong tiningnan sila. "Bakit? Hindi ba ako ayos sa paningin niyo?" nakataas-kilay kong tanong sa kanila. Hindi naman agad sila nakaimik sa sinabi ko. "Naku! Ganyan talaga ang babae kapag nabibitin, tumataray," narinig kong sabi ni Zhennie at pasimple pa akong kinindtan. "Anong nabitin? Saan?" nagtataka namang tanong ni Heart at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Zhennie. Sinamaan ko nang tingin si Zhennie at kung ano-ano na lang ang sinasabi. Trip niya ba talaga akong asarin ngayon. Akmang magsasalita ako nang may maramdaman akong aura mula sa likod ko. Subrang lapit nito at nasisiguro kong kapag lilingon ako ay mababangga lang ako dito. "Saan ka naman nabitin, Khen? May nangyari ba sa lakad mo?" narinig kong sabi ni Jarryl na nasa gilid ko. Nasisiguro akong si Izyll na naman itong nasa likod ko. Kaya umatras ako at sinadya kong apakan ang paa nito. "Aw!" narinig kong daing niya, kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong paika-ika siya umatras at muntik pang mahulog sa pool dahil nga nasa gilid lang kami ng pool. "Ow! Sorry, bakit kasi nasa likod kita? Tsk!" kunwaring sabi ko pa sa kanya at napapailing siyang tiningnan. "I-It's okay," tugon niya sa akin at napabuga ng hangin. Bumaling siya sa akin at agad na ngumiti. Inirapan ko lang siya at muling tinalikuran. "Pwedi ba Zhennie, huwag mo akong inaasar at baka batuhin kita diyan," sabi ko kay Zhennie na nakangisi ngayon sa akin dahil sa ginawa ko kay Izyll. "Oo na haha! Bitin kasi eh," pang aasar pa niya at agad nagtago sa likod ni Flare na natatawa na lang sa nangyayari. "Tsk! Ano? Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko sa kanila. "Ready na po, Ma'am! Maari na kayong kumain," sagot naman sa akin ni Zhennie. Hindi ko na pinatulan ang pang aasar niya sa akin at umupo na lang ako. Hinintay ko silang maupo na rin para sabay na kaming kumain lahat. Tumabi agad sa akin si Gajeel na bahagya pang kumindat sa akin. Mayamaya ay nagsimula na kaming kumain. Kukuha na sana ako ng pagkain, nang agad akong pinagsilbihan ni Gajeel. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at pinapili ng ulam. Kahit anong pigil ko sa ginagawa niya ay namilit pa rin na gusto niya akong pagsilbihan. Kaya hinayaan ko na lang at sinabi sa kanya ang gusto ko. Nang magsimula na akong kumain ay nakita ko pang nakatingin sa amin si Izyll, na kaharap lang namin. Nakita ko ang masama niyang tingin habang kumakain. Ano na naman bang problema ng lalaking ito? Nababaliw na naman ba siya? "Ang sweet niyo naman," narinig kong sabi ni Flare sa amin ni Gajeel. "Naku, mukhang ma-swerte ka sa mapapangasawa mo, Khen. Maasikaso at malambing pa," komento rin ni Cindy. Kaya naman muntik na akong mabilaokan sa sinabi nilang iyon. Ganoon rin ang naging reaksyon nina Heart Zhennie. "Haha! Salamat, syempre dahil nandito ako ay talagang aasikasuhin ko siya. Di ba, my loves?" sabi niya at bumaling sa akin. "Tsk! Kumain ka na nga lang," tanging sabi ko sa kanya at muling kumain. Pasimple pa akong sumulyap kay Izyll at ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Napapabuntong-hininga na lang ako, dahil talagang hindi ko maintindihan ang pinapakita niya ngayon. Habang kumakain ay panay kwento naman sila at nakikinig lang ako. Tanging kaming dalawa lang ni Izyll ang tahimik. Binalikan nila ang nangyari kanina at tulad nang inaasahan ko ay nagulat din sina Cindy at Flare sa nangyari sa akin. Hindi sila makapaniwala sa nangyari sa akin. Nang matapos ang dinner na iyon ay nagpaalam na rin sila na umalis at hinayaan na namin sila. Maging si Gajeel ay umalis na rin dahil nga sinabi ko na sa kanya, na hindi siya pweding mag-stay sa mansion namin. Pinagbigyan naman niya ako at hindi na siya nagreklamo pa. Nang makaalis na sila ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinapakita ni Izyll. Ang gulo niya at hindi ko makuha ang kakaibang tingin na binibigay niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD