Chapter 9

2008 Words
Nakatingin sina Izyll at Yuan sa ginagawa ni Jarryl sa computer. Bihasa na si Jarryl dito kaya siya ang inaasahan ng dalawa. Inalam nila ang pagkatao ng magpinsan. Ngunit kaunti lang ang nalaman nila kay Khendrey. "Wow, subrang yaman pala ng magpinsan na ito ah," komento ni Yuan. "Oonga, bigatin, kaya pala maraming tauhan ang dinala ni Khendrey, noong pumunta siya dito," sang ayon naman ni Jarryl, habang nakatingin sila sa mga litrato ng magpinsan. "Di ba nga sabi ni Mrs. Trinity, isang Mafia Empress si Khendrey? Bakit parang hindi naman natin makuha ang impormasyong iyon?" nagtatakang sabi ni Izyll. Natigilan naman ang dalawa at mukhang ngayon lang nila naalala kung bakit sila nakaharap ngayon sa computer. "Oonga no? Kanina ko pa inaalam ang pagkatao nila pero walang lumalabas tungkol sa mafia. Hindi kaya lihim na organisasyon nila iyon?" wala sa sariling sabi ni Yuan. "Siguro nga," tugon ni Jarryl. Muling nag type si Jarryl tungkol sa mafia, ngunit walang kahit anong lumalabas na may koneksyon ito kay Khendrey. "Mukhang tama nga ang hinala natin. Nakatagong organisasyon nga ang mafia, kung saan siya nabibilang," seryosong sabi ni Jarryl. "Ano nga ba ang ibig sabihin ng Mafia?" tanong ni Izyll, dahil nga hindi naman sila palaging nasa mundo ng mga mortal, kaya wala siyang alam sa mga ito. Maging ang dalawa ay kaunti lang ang nalalaman. "Well, kaunti lang ang alam ko tungkol diyan. Ngunit ang masasabi ko ay malulupit ang mga membro nito at marunong makipaglaban, maging sa paggamit ng sandata. Kung makapangyarihan tayo sa mundo natin ay ganoon rin ang mga ito sa kanilang lihim na organisasyon," paliwanag ni Jarryl. Natigilan si Izyll sa sinabi nito, maging ang dalawa matapos iyong marinig at sabihin ni Jarryl. "Ibig sabibin lang nito.." "Marunong makipaglaban si Khendrey!" sabay na sabi nilang tatlo. Nagkatinginan sila at natawa na lang sa kanilang nalaman. "Kung isa siyang Mafia Empress, malamang malakas siya, lalo na pagdating sa laban. Naku! Mukhang mahihirapan talaga tayo," natatawang sabi ni Jarryl at napasandal sa upuan. Hindi naman nakapagsalita si Izyll, dahil hindi rin siya makapaniwala. Kahit hindi pa nila alam ang lahat tungkol kay Khendrey ay mukhang mahihirapan pa rin sila, lalo na sa kaunting impormasyon nakuha nila. "Ngunit kahit ganoon ay kailangan pa rin nating gawin ang misyon natin. Wala tayong magagawa kundi ang harapin ang katotohanang iyon," sabi ni Izyll at napabuntong-hininga. Napatango naman ang dalawa sa sinabi niya at napabuga ng hangin. "Kailangan nating planuhing mabuti, kung paano tayo mapapalapit sa kanila," seryosong sabi ni Izyll. Napatango ang mga ito. "How about a party? Then we will invite them?" suhesyon ni Yuan sa kanila. Napatingin silang dalawa kay Yuan at napaisip saglit sa sinabi nito. "Hmm, mukhang magandang ediya iyon. We will invite some of our classmates and also those cousin. Right, let's do that," sabi ni Izyll at napatango-tango sa kanilang naisip. Isinara ni Jarryl ang computer at pinag usapan nila ang gagawing party. Habang nag uusap sila ay pareho silang natigilan nang may nagsalita. "What a lame plan.." "Right, do you need some help?" Sabay silang nagsalita sa dalawang boses babae. Nakita nila ang mga ito na unti-unting lumitaw at umupo sa isang bakanteng upuan. Nagulat ang sila nang makilala ang dalawang babae. "Flare, Cindy?" tawag nila sa pangalan nito. "Yes?" sabay sabi ng dalawang babae. "Anong ginagawa niyo dito?" nakakunot noo na tanong ni Izyll. "Well, to help your mission?" sabi ni Flare at napangisi kay Izyll. "What?" nagugulat na sabi ni Jarryl at nagkatinginan silang tatlo. "Paano niyo nalaman ang misyon namin? Sinabi ba sainyo ni tita?" nakakunot noo'ng tanong ni Izyll dito. "Hmm, sort of, actually, nagpumilit kaming pumunta dito dahil nalaman naming babae ang bagong tagapagmana ng pixie dust. Baka kasi kailangan niyo ng makakatulong. Wala naman kasi kaming misyon, kaya pumunta na kami dito at wala na kayong magagawa lalo na at nandito na kami," nakangising sabi ni Cindy sa kanila. "Tsk!" Nasapo ni Izyll ang kanyang noo. Habang napailing naman sina Yuan at Jarryl sa sinabi ng mga ito. "So, about this 'party' thing, sigurado na ba kayo dito?" tanong sa kanila ni Flare. Nagkatinginan silang tatlo at napatango sa tanong na iyon ni Flare. "Right! At dahil babae ang magpinsang iyon ay gagawa rin kami ng paraan para mapalapit sa kanila. Well, bago kami nagpakita sainyo ay inalam din namin ang pagkatao nila. So, we have already a plan to be close with them. Ngunit kayo lang ang magsasabi sa kanila kung ano ang totoo niyong motibo, naiintindihan niyo ba?" sabi naman ni Cindy. "Got it," sang ayon ng mga ito. "Okay, then let's talk about the party," sabi naman ni Flare at pinag usapan nila ito. Hindi alam ni Izyll kung makakatulong nga ba o hindi, sa misyon nila ang dalawa. Kilala pa naman nila itong pasaway at magkakasundo sa mga kalokohan, lalo na sa misyon. Nababahala tuloy siya kung ano ang plano ng mga ito para mapalapit sa magpinsan. Ngunit may tiwala naman siya sa kakayahan ng mga ito. Kinabukasan.... maagang nagising si Khendrey. Naghanda siya para sa pagpasok niya sa araw na ito at naligo. Matapos makapag ayos ay lumabas na siya sa kwarto niya. Napatingin pa siya sa kwarto ni Heart at naalala muli ang nakita niya dito kahapon. Napabuntong-hininga na lang siya at bumaba na sa hagdan, upang pumunta sa dining area para mag almusal. Pagdating niya doon ay nakita niyang nakatayo si Heart, malapit sa may ref at tila may kinukuha doon. "Good morning," bati niya dito. "Oh, good morning too, ‘coz," sagot naman ni Heart. Umupo siya sa upuan at inasikaso naman siya ng isa sa katulong nila. "Good morning, Khen.." "Good morning din," sagot ni Khendrey sa taong bumati sa kanya. Mayamaya ay natigilan siya at napatingin sa taong bumati sa kanya. "Zhennie?" nagugulat na sabi niya dito. "Hello? Haha! Nagulat ka no!" natatawang sabi nito. "Sabi ko sa kanya, na sabihing nandito siya. Kaso gusto ka raw niyamg isurprisa kaya ayan, mukhang nasurprisa ka nga haha!" natatawang sabi naman ni Heart sa kanya. "Tsk! Kailan ka pa ba dumating?" napapailing na lang niyang tanong dito. Natawa ito bago sumagot kay Khendrey. "Haha, kanina madaling-araw at naisipan kung dumiretso dito. Mabuti na lang at kilala ako ng mayordoma niyo dito. Pinapasok ako at sa sala ako nakatulog saglit. Si Heart ang unang nakakita sa akin kaya, charan! I'm here!" masiglang sabi nito sa kanya. Napapasinghal na lang si Khendrey sa kakulitan nito. Isa pa itong makulit, katulad ng pinsan niyang si Heart. Nakita niya si Heart na naglapag ng kape sa kanya, bago umupo sa upuan nito kaharap ni Khendrey. "So, ano itong nababalitaan kong may bagong boys kayong nakilala? Totoo ba iyon, Khen?" pang aasar na tanong ni Zhennie kay Khendrey. Napataas-kilay namang tumingin si Khendrey kay Heart. Ngumiti lang naman ito sa kanya. "Nai-kwento ko sa kanya, alam mo naman ang kaibigan mong iyan, mahilig sa gwapo! Haha!" sabi ni Heart at tumawa. "Tsss, kalokohan niyo talaga. So, what happened to your mission?" tanong ni Khendrey kay Zhennie, na bahagyang napairap sa kanya. "Oh c'mon, give me a break. Kakarating ko lang, kaya ang gusto kong marinig ay ang tungkol sa bagong boys na nakilala niyo. I want to meet them, Khendrey!" nanggigil nitong sabi kay Khendrey at tila naiimagine nito kung gaano ka-gwapo ang mga ito. Napasinghal na lang si Khendrey at napapailing na uminom ng kape. "Huwag mo akong kausapin tungkol sa mga 'yon. Iyang isa ang kausapin mo," sabi ni Khendrey at tinuro si Heart na kumakain. Ngumiti naman agad ito dahil sa sinabing iyon ni Khendrey. "Really? Haha, kung ganoon idi kakaibiganin ko sila. Para makilal natin silang mabuti," sabi ni Heart. "Omo! Good idea, Heart! I like that!" natutuwang sabi naman ni Zhennie. Hindi naman makapaniwala si Khendrey dahil sa sinabi ni Heart. "Seriously? Gagawin mo talaga iyon?" napakunot-noo niyang sabi dito. "Yes, of course! Don't worry ‘coz, I will be careful," nakangiting sabi ni Heart at bumaling kay Zhennie. "I'm on it! Don't worry, Khen. You can count on me, of her safety," naniniguro namang sabi ni Zhennie kay Khendrey. Seryoso niyang tiningnan ang dalawa. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya si Zhennie sa kaligtasan ni Heart. She's her friend and one of her allys. Kanang-kamay rin niya ito sa mafia at mahusay din itong makipaglaban tulad niya. Ngunit naisip niya, na ang mga taong nais nitong kikilalanin ay hindi ordinaryong tao. Kung magmamatigas naman siya sa kagustuhan ng mga ito ay nasisiguro niyang pipilitin siya ng mga ito. Kaya naman wala na lang siyang nagawa at hinayaan ang mga ito. Ngunit hindi naman niya pababayaan ang mga ito. Kahit ayaw niyang makisama sa gagawin ng mga ito, ay kailangan niya pa rin itong samahan. "Bahala nga kayo," tanging sabi niya at napasigaw naman sa kilig ang dalawa. Napapailing na lang siya sa naging reaksyon ng mga ito. Pinagpatuloy nila ang pagkain at syempre hindi naging tahimik ang paligid ni Khendrey dahil sa ingay ng dalawang babaeng kasabay niyang nag almusal. Laging bukang-bibig ng mga ito ay ang grupo nina Izyll. Hindi na lang nakisabay sa usapan ng mga ito, hanggang sa matapos ang almusal nila. Nang matapos ang maingay na almusal nila ay umalis na sila para pumasok. Gaya nang inaasahan ni Khendrey ay sumama sa kanila si Zhennie at naging maingay rin ang biyahe nila patungo sa kanilang Campus. Nakasunod pa rin sa kanila ang mga bodyguard nila at nang makarating sila ay tuwang-tuwa naman si Zhennie. Pagka-park ng kotse nila ay bumaba na silang tatlo. "Oh my god! Nakabalik din ako sa school na ito," tuwang-tuwa sabi nito. "Bakit? Dito ka rin ba nag aral?" tanong ni Khendrey. Nagkatinginan naman si Heart at Zhennie, parehong napangiti ang dalawa saka bumaling kay Khendrey. "Well, hindi ko nasabi saiyo dati, na isa ang magulang ko na may shares sa university na ito. Kaya paminsan-minsan ay pumupunta ako dito, para makita ko si Heart. Alam mo na ang tungkol doon di ba?" paliwanag ni Zhennie dito. "Tsss, yeah, whatever," tanging tugon ni Khendrey at nauna nang naglakad. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang, nang bigla siyang mapahinto. Nakita niya sina Izyll, na para bang inaabangan sila ng mga ito. Seryoso siyang nakatingin sa mga ito. "What's wrong, Khen?" narinig niyang tanong ni Zhennie at tumabi pa sa kanya. "Oh! Hi!" bati ni Heart sa mga ito. "Hello Hearthelle, kaibigan niyo?" nakangiting tanong ni Jarryl kay Heart at tinutukoy nito si Zhennie. "Oh, yes, she's our friend. Zhennie, Zhen, they are our classmates. Izyll, Jarryl at Yuan," pakilala ni Heart sa mga ito. Natigilan naman si Zhennie, matapos ipakilal ni Heart ang mga ito sa kanya. Napakunot-noo siyang nakatingin sa mga ito, lalo na kay Yuan na nakatingin sa kanya ngayon. "Mauna na ako sainyo," sabi ni Khendrey at nauna nang naglakad sa dalawa. Hindi naman siya napigilan ng dalawa at hindi rin niya napansin ang biglang pagtahimik ng mga ito. Sinundan naman siya nang tingin ni Izyll. Nang medyo makalayo na siya ay sumunod sa kanya si Izyll. "This is really surprising. Sila ba ang tinutukoy mo, Heart," sabi ni Zhennie at bumaling kay Heart. Kahit nagtataka si Heart sa naging reaksyon ni Zhennie, matapos makilala ang mga ito ay ngumiti siya at tumango dito. "Uhm yes," sagot ni Heart. Maging si Jarryl ay nagtataka rin sa naging reaksyon ni Yuan, matapos makita at ipakilala ang babaeng kasama ni Heart. Bahagya niya pang siniko si Yuan, kaya napatingin ito sa kanya. "What's wrong?" tanong niya dito. "N-Nothing," tanging tugon ni Yuan. "Uhm, mauna na kami sainyo ah? Nauna na kasi si Khen, bye!" sabi ni Heart at hinila na si Zhennie na natahimik. Sinundan naman ni Jarryl nang tingin ang dalawa at muling napatingin kay Yuan, na sinundan rin ng tingin ang dalawa. Seryoso siyang nakatingin sa kaibigan dahil naging reaksyon nito. Ngayon lang niya ulit nakitang ganito si Yuan at nasisiguro niyang dahil iyon sa babaeng pinakilala ni Heart kanina. Napansin niyang pamilyar din ang mukha at pangalan ng babae. Ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD