Chapter 10

2004 Words
Napahinto si Khendrey sa bulletin board, nang makita niya ulit ang larawan ng babaeng nakita niya sa mansion nina Izyll. Muli siyang napatitig dito at nararamdaman niya talagang pamilyar ito sa kanya. Kahit na ngayon lang naman niya ito nakita. "What's special about that picture? Mukhang kahapon ka pa nakatingin diya ah," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. Nakita niya ang paglapit ni Izyll at tumingin sa tinitingnan niya. Iniwas niya ang tingin dito at napaismid. "I'm just curious, that's all," tanging sagot ni Khendrey at muling tumingin sa larawang nasa harapan nila. "You're curious about her?" tanong sa kanya ni Izyll. Hindi agad siya sumagot. Bigla na lang niyang natanong ang sarili, kung bakit ba siya nakikipag usap dito. Ngunit may iba rin siyang dahilan kaya gusto niyang makausap ito. Hindi man siya matanong nang deretso ay naisip niyang maari niyang dahan-dahanin ito. "Sa tuwing dumadaan kasi ako dito, pakiramdam ko ay tinatawag niya ako. Para bang nakatingin siya sa akin, kahit na isang larawan lang naman siya. Parang may buhay ang mga mata niya," sabi niya habang nasa litrato pa rin ang kanyang tingin. Natigilan naman si Izyll at bahagyang napatingin kay Khendrey, na doon pa rin nakatingin. Hindi niya alam kung tama ba ang naririnig niya o binibiro lang siya nito. "Paano mo naman nasabing ganyang nga?" muling tanong ni Izyll dito. "Dahil nga nararamdaman ko at pakiramdam ko rin ay pamilyar siya sa akin kahit na ngayon ko lang nakita ang mukha niya," sagot naman ni Khendrey dito. Hindi maiwasang mapatitig ni Izyll kay Khendrey, matapos marinig ang mga iyon mula dito. Para bang pakiramdam niya ay tumutugma ang mga naiisip niya ngayon dito, na nararamdaman nito ang kapangyarihan ng kanyang ina. Dahil nga pareho ang kapangyarihang taglay ni Khendrey at ng kanyang ina. "Tsk! Bakit ko nga ba ito sinasabi saiyo at bakit nga ba kita kausap? Tss!" mayamaya ay sabi ni Khendrey at napatingin kay Izyll. Napaismid siya dito at biglang tinalikuran si Izyll. Hinayaan naman siyang makaalis ni Izyll at sinundan lang siya nito nang tingin. Mayamaya ay nakita niya sina Heart at ang babaeng kasama nito na hinabol si Khendrey. Kumaway lang sa kanya si Heart, nang dumaan ito sa kanya. Mayamaya ay dumating naman sina Yuan at Jarryl. "Kinausap mo ba si Khendrey?" tanong sa kanya ni Jarryl. Napatango siya sa tanong ni Jarryl at muling tumingin sa larawan na tinitingnan ni Khendrey kanina. "Sinabi niyang nararamdam niya ang mga tingin nito sa kanya. Pakiramdam niya ay pamilyar ito sa kanya, kahit na ngayon lang niya ito nakita," seryosong sabi ni Izyll. Napatingin naman ang dalawa sa larawang nasa harapan nila. "Talaga?" "Oo, nararamdaman niya siguro iyon dahil nga pareho sila nang taglay na kapangyarihan ni Mommy. Hindi ko alam kung masasabi ko ba agad sa kanya ang totoo," sabi ni Izyll at inalis ang tingin sa larawan ng kanyang ina at napabuntong-hininga. "Hayaan mo na, kailangan lang talaga nating hintayin ang tamang oras para masabi sa kanya ang totoo nating motibo. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay ang isang ito," sabi ni Jarryl at bumaling kay Yuan, na napatingin naman sa kanila. "Anong mayroon sa babaeng kaibigan nina Heart at natulala ka sa kanya? Kilala mo ba siya?" Kuno't noo'ng tanong ni Jarryl kay Yuan. "H-Ha? Ano, w-wala... t-tara na baka ma-late pa tayo," pagdadahilan nito at nauna nang naglakad paalis. Nagkatinginan naman ang dalawa sa sinabing iyon ni Yuan. Nararamdaman nilang may hindi sinasabi ang kaibigan nila, tungkol sa babaeng tinutukoy nila. "Siguradong kilala niya ang babaeng iyon. Hindi magiging ganoon ang reaksyon ni Yuan kanina, kung hindi dahil sa kaibigan nila Heart," puna ni Jarryl. "Siguro nga... tara na, sundan na natin iyon," anyaya ni Izyll at sumunod na sila Yuan, hanggang sa maabutan nila ito. Tahimik pa rin itong naglalakad, nang malapit na sila sa room nila ay napahinto ito, gano'n rin sila. Nakita nilang nagpapaalam ang babaeng kaibigan nila Heart, nang pumasok na sa silid ang dalawa. Matapos magpaalam ay umalis na ito at bumaling sa kinaroroonan nila. Napahinto rin ito at nakita nila kung paano nawala ang ngiti nito. Ngunit mayamaya ay pasimple itong ngumiti sa kanila at naglakad palapit. "Hai, kayo 'yong bagong kakilala nila Khendrey di ba? Sorry for being rude earlier, by the way I'm Zhennie. Nice meeting you," muling pakilala nito sa kanila. "Oh, yeah it's okay, nice meeting you too, Zhennie," agad na tugon naman ni Jarryl at ngumiti sa dalaga. "Yeah, nice to meet you, Zhennie," tugon rin ni Izyll at ngumiti din dito. Napatango si Zhennie at napasulyap kay Yuan, na nakatingin din sa kanya. "Nice meeting you again, Yuan. Nagulat lang ako kanina, kaya hindi agad kita pinansin. What a small world, right? Well, I have to go. Maybe, we will see each other again," sabi ni Zhennie dito at ngumiti. Tumango si Zhennie sa kanila, bago tumalikod. Hindi naman sila makapagsalita sa sinabing iyon ni Zhennie at sabay na napalingon sina Izyll at Jarryl kay Yuan, na lalong hindi nakapagsalita. Ngayon nasagot na ang tanong nila na magkakilala nga ang dalawa. Ngunit hindi nila alam kung paano nga ba nagkakilala ang mga ito. "P-Paano kayo nagkakilala?" nagugulat na tanong ni Jarryl. "Yuan," tawag ni Izyll kay Yuan. Nakita nilang napayuko ito at wala silang nakuhang salita mula dito. Kaya naman muli silang nagkatinginang dalawa. Nanatili silang nakatayo at hinihintay ang magiging tugon sa kanila ni Yuan. Mayamaya ay nagsalita ito sa kanila. "Alam kong marami kayong gustong itanong, sa kung paano kami nagkakilala. Ngunit sa ngayon hindi ko muna masasabi sainyo. Sana maintindihan niyo ako," tanging sabi ni Yuan at naunang naglakad sa kanila, saka pumasok sa silid. Pareho silang napabuntong-hininga. Wala silang nagawa kundi ang intindihin ito. Sumunod na lang sila sa pagpasok at narinig nila ang sigawan ng mga babae. Hindi naman nila ito pinansin at hinayaan na lang. Napatingin naman si Izyll kay Khendrey, na bahagyang umiwas nang tumingin siya dito. Inalis rin niya ang tingin dito at nilampasan na lamang. Umupo siya sa upuan niya at napatingin kay Yuan, na nakayuko sa inuupuan niya. Napatingin naman siya kay Jarryl at umiling lang ito. "Oonga pala, ibibigay pa pala natin ito," sabi ni Jarryl at pinakita kay Izyll ang hawak nilang invitation cards. Doon lang nag angat nang tingin si Yuan. "Sige, ibigay muna natin bago dumating ang mga teachers," saad ni Izyll. "Ako na ang magsasalita," sabi sa kanila ni Yuan at ngumiti sa kanila. Napatango naman ang dalawa at sabay silang tumayong tatlo. Hinayaan nilang magsalita si Yuan, para maalis kung ano man ang nasa isip nito. "Uhm, hello guys! May sasabihi lang sana kami!" biglang sigaw ni Yuan, kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat, maging sina Khendrey ay napalingon sa kanila. "We're having a party this coming Friday night at my cousin's house. It's a pool party for welcoming the three of us. Sana makapunta kayo, heto pala ang invitation card," nakangiting sabi ni Yuan sa mga ito. Agad naman napatayo ang mga babae at nakangiting lumapit sa kanila nina Yuan. "Talaga? Invited kami, ang saya naman!" "Mukhang maganda ito haha!" "Tayo lang bang narito ang pweding makapunta sa party? May kaibigan kami na siguradong sasama, baka pwedi namin silang isama?" "Oonga naman! Baka pwedi!" Nagkatinginan naman ang tatlo at sabay na napatango sa isa't isa. "Sure, but every cards you have, you can only invite one person. I hope, it's enough. Kayong nandito lang talaga ang imbitado, kaya isa lang ang pwedi niyong maisama," nakangiting sabi ni Yuan sa kanila. "Okay! Thank you, guys!" Isa-isa nilang binigyan ng invitation card ang kanilang mga kaklase at tuwang-tuwa naman kinuha ng mga ito, maging ang mga lalaki. Mayamaya ay lumapit si Izyll kina Khendrey at inabutan ng invitation card. "Siguro naman pupunta kayo di ba?" sabi sa kanila ni Izyll. Agad na tinanggap ni Heart ang ibinigay na card ni Izyll at tiningnan ang laman nito. Samantalang si Khendrey ay napatitig muna sa card at bahagyang tumingin kay Izyll. "Hmm?" Napairap na lang si Khendrey at kinuha ang card na inaabot nito sa kanya. Tiningnan niya pa ito saglit at nilagay sa bag. Muli siyang tumingin kay Izyll, na nakatingin pa rin sa kanya. "What?" nakataas-kilay na tanong ni Khendrey dito. "I thought, your going to say 'thank you', but it's okay," sabi ni Izyll at bahagyang kumindat kay Khendrey, saka umalis. Natigilan naman si Khendrey sa ginawang iyon ni Izyll. Napalunok na lang siya at napaiwas na nang tingin dito. "Omo! Sino kaya ang isasama ko? Right! Si Zhennie! Ikaw, ‘coz? Sino ang isasama mo?" masiglang tanong ni Heart kay Khendrey. "Ha? Tsk! Wala, sino pa bang isasama ko, bukod sa isasama mo na si Zhennie. Tsk! Kung pwedi nga lang huwag pumunta eh," sabi ni Khendrey at napaismid. Pinalo naman siya ni Heart sa balikat niya, dahil sa kanyang sinabi. "Ikaw talaga, hindi mo pa rin ba nakikita? Ginagawa lang nila ito, para makilala tayo dahil nga kaklase nila tayo. They are good person. So, give them a chance to know us," sabi sa kanya ni Heart. Hindi siya nakapagsalita sa sinabing iyon ni Heart. Napaisip siya. Hanggang sa mapagtanto niya, na maaari ngang pwedi rin niyang makilala ang mga ito, kung makipaglapit sila. Ngunit, hindi niya gustong ipahalata sa mga ito na ganoon din ang pakay niya. "Tsk! Bahala na nga," tanging sabi niya. "Alam mo ‘coz, kanina? Na-wierduhan ako sa reaksyon ni Zhennie, nang ipakilala ko siya kina Jarryl at Yuan. Natahimik kasi siya at maging si Yuan ay napansin kong tahimik din. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanilang dalawa. Gusto ko nga sanang itanong kanina, kaso hindi ko na nagawa," mayamaya ay sabi ni Heart. Napatingin naman si Khendrey kay Heart, matapos iyong marinig. "Talaga?" "Oo, umalis ka kasi agad, kaya hindi mo nakita ang naging reaksyon niya. Pakiramdam ko nga magkakilala sila ni Yuan, dahil sa naging reaksyon niya kanina," muling sabi ni Heart. Napakunot-noo naman si Khendrey at bahagyang napasulyap kina Izyll. Nakita niyang masayang nag uusap ang tatlo, kaya bago pa siya mapansin ng mga ito ay inalis na niya ang tingin dito. "Sigurado ka? Hmm, tatanungin ko na lang mamaya si Zhennie," tanging sabi ni Khendrey. Napatango lang si Heart sa sinabi niya. Samantalang hindi naman mawala sa isip ni Khendrey ang sinabing iyon ni Heart. Naisip niyang kung magkakilala nga ang dalawa, ay paano naman ito nagkakilala at nasa isip rin niya kung alam niya ba ang pagkatao ni Yuan. 'It's make sense, but how? How did they meet, if they really know each other? Alam ko talagang kakaibang nilalang sila, ngunit alam rin kaya ni Zhennie?' saad na lamang niya sa sarili. Kahit hindi siya sigurado kung may alam ba si Zhennie sa pagkatao nina Yuan ay parang ganoon na rin. Kaya naman desidido siyang malaman mula rito ang totoo. Nanatiling maingay ang silid nila, dahil sa imbitasyon nina Izyll. Naging usap-usapan iyon ng mga kaklase nila. Samantalang pareho namang napangiti ang tatlo, dahil nagawa na nila ang unang hakbang. Naimbitahan na nila ang magpinsan at ang susunod nilang gagawin ay mangyayari lang sa party. Nakahanda na ang lahat, dahil na rin sa tulong ng kaibigan nilang si Flare at Cindy, na lagi lang ring nakasunod sa kanila. Isang apoy ang kapangyarihan ni Flare, samantalang si Cindy ay katulad ng kanyang ina na marunong magbagong anyo ng kung ano. Kaya naman nakasunod lang sila kina Izyll, gamit ang kapangyarihan ni Cindy. Kaya naman naririnig at nakikita nila ang pinag uusapan nina Heart. Kaya naman nalaman rin ng mga ito, kung ano ang koneksyon ni Zhennie at Yuan sa isa't isa. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nalaman, dahil nga paminsan-minsan lang nila nakikita lumalabas sa mundo ng mga mortal ang mga ito. Hindi sila agad-agad nakakalabas, kung wala silang misyon sa mundo ng mga mortal o di kaya walang pahintolot mula sa nakakataas sa kanila. Kaya palaisipan sa kanila kung paano nga ba nagkakilala ang dalawang iyon. Masasagot lang iyon, kung makakausap nila si Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD