Chapter 8

2055 Words
THIRD PERSON'S POV Natapos ang araw, na laging napapansin ni Khendrey ang kakaibang tingin nina Izyll sa kanila. Kahit na ayaw niyang pansinin ang mga tingin nito ay talagang nararamdaman niya. Kaya naman nang pauwi na sila ay napang-abot sila sa parking lot. Magkatabi rin ang kanilang mga kotse, kung saan sila naka-park. "Uhm, hi? Can we ask something?" biglang tanong ni Yuan sa kanila ni Heart. Kaya naman agad na bumaling si Heart sa mga ito, habang napaikot naman ni Khendrey ang kanyang mga mata bago lumingon sa mga ito. "Yes? Anong itatanong niyo?" tugon agad ni Heart sa mga ito. "Well, itatanong ko lang sana kung matagal na kayo dito sa university, lalo ka na Ms. Heart," sabi ni Yuan at nakangiting bumaling kay Hearthelle. "Well, since freshmen, nandito na ako. Bakit mo naman natanong?" sagot naman ni Heart dito. Samantalang nakikinig lang si Khendrey at tulad kanina ay nakatingin pa rin si Izyll sa kanya. Bahagya pa siyang tumingin dito at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Kaya napairap na lang siya at umiwas na dito. Naiirita na siya sa nararamdaman niya sa tingin ng mga ito. Nasisiguro niyang sinasadya lang nitong magtanong sa kanila, para makausap sila. "Ah, siguro hindi mo kami naabutan, kaya hindi mo kami nakikilala," sabi naman ni Yuan. Bahagyang napataas ang kilay ni Khendrey, matapos marinig ang sinabi ni Yuan. "Ano naman ang pakialam niya, kung bakit hindi niya kayo nakilala? Bakit? Kailangan ba talagang kilala kayo?" mataray na sabi ni Khendrey sa mga ito. Bahagya siyang siniko ni Heart, upang pigilan kung ano mang ang sasabihin niya. "Well," tanging nasabi nito at napatingin sa kasama niya. "We're trying become friends to two of you. So, we think that she know us," sabi naman ni Izyll at napangisi kay Khendrey, na bahagyang napairap nang tingin. "Oh, I remember! But, I'm a new student that time and I heard about the three of you. Bigla kayong nawala after a month, bakit nga ba?" mayamaya ay biglang sabi ni Heart. Napakunot-noo naman si Khendrey at tumingin sa kanyang pinsan, matapos iyong sabibin. Samantalang nagkatinginan naman sina Izyll, nang sabihin iyon ni Heart. "Well, we both went to abroad. We continue our study there and comeback again here for some reason," sagot ni Jarryl dito. Napatango naman si Heart sa sinabing iyon ni Jarryl. Hinawakan naman ni Khendrey ang kamay ni Heart at bahagyang hinila. "Siguro tapos na kayong magtanong. Aalis na kami," saad ni Khendrey at hinila na papasok sa kotse si Heart saka umalis. Naiwan naman sila Izyll, na bahagyang napailing sa ginawa ni Khendrey. Nasisiguro niyang umiiwas ito sa kanila. "Mukhang mahirap nga paamuhin ang manok mo, Izyll," natatawang sabi ni Yuan. "Tsss," tanging tugon lang ni Izyll. "Hmm, mukhang kakaibiganin ko iyong pinsang niyang si Hearthelle. Pakiramdam ko ay madali lang ito, kaysa doon kag Khendrey," puna naman ni Jarryl. Napaisip naman si Izyll, na dapat ngang ganoon, lalo na at ito ang bagong tagapagmana ng white pixie dust. "Iyong si Khendrey," mayamaya ay sabi ni Izyll. Napatingin naman sa kanya si Jarryl at Yuan. Nakita nila si Izyll, na bahagyang seryosong nag iisip. "Anong mayroon kay Khendrey?" nagtatakang tanong ni Jarryl. "Bukod na siya ang mission ko ay may kakaiba pa akong nararamdaman sa kanya. Para bang hindi lang siya simpleng babae, tulad ng pinsan niya. Ewan, hindi ko matukoy kung ano, basta may iba pa akong nararamdaman sa kanya," seryosong sabi ni Izyll. Nagkatinginan naman ang dalaw at bahagyang napangisi. "Baka naman iba na iyan ah? Huwag mong sabihing na love at first ka sa kanya?" pang aasar ni Jarryl. "Sabagay, maganda naman si Khendrey, para ngang bagay kayo," segunda naman ni Yuan. "Mga siraulo talaga kayo! Tara na nga!" anyaya ni Izyll at pumasok na sa kotse. Natatawang sumunod naman ang dalawa at pumasok na sa kotse. Si Izyll na ang nagmaneho. Ngunit bago pa niya mapaandar ang kotse ay may nasulyapan siya sa likod nila at natigilan. Nakasuot ito ng itim na damit at may belo na nakatakip sa kalahating mukha nito. "Mabuti at nahanap niyo na ang bagong tagapagmana," sabi nito. Kaya maging si Jarryl at Yuan ay nagugulat na napalingon sa likod ng inuupuan nila. Nakilala nila ito. "Mrs. Trinity!" sabay nilang sabi sa pangalan nito. Inalis nito ang belo na nakatakip sa mukha, kaya tuluyan nilang nakita ang mukha nito. "Mahusay at nahanap niyo agad sila. Naalala ko na sila. Sila ang binabantayan ko noon at ngayon nga ay malaki na sila. Alam na ni Khendrey na gumagamit kayo ng Majika at malakas ang pakiramdam niya. Subalit sa tingin ko ay talagang mahihirapan kayo sa kanya," seryosong sabi nito sa kanila. Sumang ayon naman ang mga ito sa sinabi ni Trinity. Kaya napabuntong-hininga ito. "Khendrey was a daughter of mafia lord. She's the Empress of a Mafia organization. If you didn't know about mafia, then try to search about it. But, remember this boys, don't be harsh to them and be patient. I will give you a days of your mission. I think, 100 days is enough to end this mission. As soon as possible, tell them about your true intentions. Ngunit tulad nang sabi ko, huwag niyong madiliin pero huwag niyo rin tagalan. Dahil alam niyo kung para saan ang misyon na ito. See you again," sabi nito sa kanila at bigla na lang nawala. Hindi sila nakapagsalita at parehong natahimik. Tila ba napaisip silang mabuti sa kung ano ang gagawin nila ngayon. Tama ang sinabi nito, hindi sila pweding magmadali, subalit hindi rin nila pweding tagalan. Napabuntong-hininga si Izyll at pinaandar na ang kotse. "Gagawin natin ang lahat, mapalapit lang sa kanila," mariing sabi ni Izyll at sumang ayon naman ang dalawa. Hindi mawala sa isip ni Izyll ang sinabi nito, lalo na tungkol sa kanyang ina. Para sa ina niya ang misyon na ito, kaya gagawin niya ang lahat para mapalapit kay Khendrey at masabi ang totoo nilang motibo. Dahil kung magmamadali naman sila ay nasisigurong mas lalo silang mahihirapan. Kuno't noo pa rin si Khendrey habang nagmamaneho. Napapasulyap naman sa kanya si Heart, dahil nararamdaman nito ang kakaibang aura niya. "‘coz, galit ka ba sa nangyaring usapan kanina? Pasensya na, hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang gwapo kasi nila at mukhang mababait naman," katwiran ni Heart sa kanya. Napaikot ni Khendrey ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. "I'm not mad. I just don't like them. The way they look at us was strange. You know, I don't like people like that," seryosong sabi ni Khendrey. Napaismid naman si Heart sa sinabi nito. Alam niya kung anong ugali mayroon ang pinsan niya at kahit hindi niya iyon maintindihan ay iniintindi niya. Wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang sinabi nito. "But still, I feel like, they are a good people. Don't you feel it?" muling sabi ni Heart dito. Hindi naman agad nakasagot si Khendrey dahil ganoon din ang nararamdaman niya kina Izyll. Aminin man niya o hindi ay pareho sila nang nararamdaman ni Heart. Ngunit naroon pa rin ang pag aalangan niya dahil nga kamakailan lang nila ito nakilala. Isa pa, kakaibang nilalang ang mga ito, kaya mahirap magtiwala agad. Hindi niya masasabi kong kalaban ba ang mga ito o hindi. "But, I didn't trust them even if they are a good persons," tanging sagot ni Khendrey kay Heart. "By the way, doon sa sinabing nakilala mo sila at bigla silang mawala. Ano pang nalaman mo noon?" mayamaya ay tanong ni Khendrey. Napalingon naman si Heart sa kanya at napaisip bago sinagot ang tanong ni Khendrey. "Well, sa pagkakaalala ko ay sikat sila dito sa campus. Ngunit hindi ko sila binibigyang pansin noon. Dalawang buwan matapos ko silang makilala dito sa campus ay bigla silang nawala. Naging usap-usapan iyon kung bakit sila nawala. Walang ediya ang iba sa dahilan kung bakit sila nawala. Nang lumaon ay nawala na rin sila sa usapan. Then now, they're back. I'm not satisfied for their reason and I'm interested about it," sabi ni Heart kay Khendrey. Napatango naman si Khendrey sa sinabing iyon ni Heart. Napaisip siyang mabuti sa kung ano nga ba ang posibleng nangyari sa mga ito. Naalala niya ang unang araw na nakita nila ito sa may gubat. Kakaiba ang damit ng mga ito, na tila ba mula sa ibang mundo. Maging ang mansion noong muli niya itong makita. Kakaiba ang aura na naroon, lalo na doon sa malaking portrait na nakita niya. 'Wait! The woman in that portrait. She's also the woman in the bulletin board, we saw earlier. Anong koneksyon ng babaeng nakita ko sa mansion at iyong nasa campus?' sambit niya sa sarili. May nabuong tanong sa isip niya, lalo na sa kung ano ang koneksyon nito kina Izyll. Naging seryoso siya habang iniisip ang mga posibleng mangyari at nagkaroon tuloy siya nang interes na kilalanin ang mga ito. "Heart, I want to ask something. Iyong tinanong kong babae na nasa bulletin board. Alam mo ba kung saan ito nakatira?" mayamaya ay tanong niya kay Hearthelle, na nagtatakang napatingin sa kanya. "Hmm, wala akong ediya kung saan siya nakatira eh. Tulad nga nang sabi ko, nawala rin raw siya noon sa school. Maging doon raw sa tinitirhan niya, ay nawala rin siya," sagot sa kanya ni Heart. Napatango naman si Khendrey at muling napaisip. 'I'm still confused. But I think, they are connected to each other. That woman, who really she is?' sambit niya sa sarili at napabuntong-hininga. Alam niyang hindi masasagot ang tanong niya. Nais niyang alamin pero hindi niya alam kung dapat nga ba. Kung kailangan pa ba niyang alamin ang tungkol dito. "Bakit mo naman natanong iyon, ‘coz?" biglang tanong ni Heart sa kanya. "Ha? Well, I'm just curious about that woman. But it's nothing," tanging sagot ni Khendrey dito. Napatango naman si Heart sa naging tugon ni Khendrey. Naging tahimik ang biyahe nila pauwi, ngunit hindi mawala sa isip ni Khendrey ang mga katanungan niya tungkol kina Izyll. Nang makauwi na sila ay sinalubong sila ng kanilang mga bodyguard at yumuko sa kanila. Nagpatuloy sila sa pagpasok sa mansion at nang makapasok sila ay napaupo si Heart sa couch at napapikit. Napatingin si Khendrey kay Heart, lalo na sa may dibdib nito dahil nakita niyang nakabukas ang isang botones nito. Nakita niya ang isang puting bagay na pumorma ng half moon. Nakakunot noo siyang nakatingin dito. Mayamaya ay bigla lang itong nawala. "What's wrong?" Natauhan lang siya nang magsalita si Hearthelle, nang makita siyang nakatingin dito. "Oh, nothing. Maybe, I'm tired. I'm going to my room," tanging sabi ni Khendrey at ngumiti kay Heart. "Oh, okay. I will call you later for dinner," sabi sa kanya ni Heart. Tumango lang siya dito at umakyat na sa hagdan. Nang nasa itaas na siya ay napatingin pa siya kay Heart, na nakahawak ngayon sa cellphone nito at may tinitingnan. 'Ano itong nakikita ko saiyo, Heart. Bakit nangyayari sa kanya ang nangyari sa akin? Ngunit bakit ngayon pa? Ano bang ibig sabihin nito,' nakakunot noo niyang sambit sa sarili. Napabuntong-hininga siya at nagpatuloy siya patungo sa kanyang kwarto. Nang makapasok siya ay isa-isa niyang hinubad ang mga damit niya at naglakad patungo sa mahabang salamin. Tinitigan niya ang sarili dito at napapikit. Tila ba pilit niyang inaalala ang sandaling iyon, kung paano lumabas sa katawan niya ang kakaibang enerhiya na kulay ginto. Nang magmulat siya, ay natigilan siya nang makita ang kulay ng kanyang mata. Naging kulay ginto ang mga ito at nakita niya ang unti-unting paguhit ng isang kulay ginto rin sa may dibdib niya, katulad nang nakita niya kanina ka Heart. Isang half moon na kulay ginto. Bahagya siyang napaatras at pilit na inaalis ang bagay na nakikita niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakaramdam siya nang kaba sa sandaling iyon. Nang magmulat siya ay nawala na ito. "What was that? Bakit ko nakikita iyon?" wala sa sariling sambit niya at muling lumapit sa salamin. Hinawakan niya ang kanyang dibdib, kung saan naroon ang isang bagay na umuukit kanina. "Ano ba ang ibig sabihin no'n? Namamalikmata lang nga ba ako o totoo ang nakikita ko," sabi niya sa sarili. Kahit anong tanong gawin niya sa sarili ay hindi niya malaman kung ano ang sagot. Nalilito siya sa nangyari at hindi niya alam kung totoo nga ba ang nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD