Chapter 51

2048 Words
Matapos kong makapag ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Izyll. Alam ko namang may mali din sa akin, subalit may part pa rin sa akin na kung bakit hinayaan ko lang siya na gawin iyon, ganoong wala naman kaming relasyon. Hays! Bahala na nga, kailangan ko munang i-fucos ang aking sarili sa plano namin ngayon. Pagbaba ko ng hagdan ay natanaw kong nag uusap si Zhennie at Cindy. Napatingin sila sa akin, nang tuluyan na akong makababa ng hagdan. "Khen, nakuha mo pa ang dokomentong dinala dito ni Flare?" tanong niya sa akin. Napatango naman ako. "Oo, nakuha ko na. Iyon lang ba ang sasabihin mo?" saad ko sa kanya. Napailing siya. "No, it's about the Lady you called Marjorie," seryoso niyang sabi. Napataas ang kilay ko at naging seryoso ang aking tingin sa kanya. "What about her?" seryoso kong tanong sa kanya. "Before of that, Zhennie told me, that something happen here last night. Nakita mo ba ang mukha niya? Nakilala mo ba siya?" aniya. Napatingin ako kay Zhennie. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon. Hindi rin pumasok sa isip ko iyon, noong kasama ko si Izyll kanina at mukhang pati siya ay nakalimutan iyon. "Well, hindi ko siya nakilala. Tanging isang itim na usok lang ang nakita ko at iyon din ang ginamit niyang pang atake sa akin," sagot ko sa kanya. Napatitig siya sa akin at tila may malalim na iniisip. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Tama ang hinala ko," mayamaya ay sabi niya. Kaya napakunot-noo akong nakatingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Zhennie. "Iyong umatake saiyo kagabi ay si Demeria. Isa iyon sa kapangyarihan niya ang gumamit ng itim na usok at nagiging dahilan nang matinding pagsabog. Nasisiguro kong binabati ka lang niya," paliwanag niya sa akin. Pagbati? Seryoso ba siya doon? "Wow? Ganoon pala sila bumati kung ganoon," komento ni Zhennie at napapailing na lang. "Ganoon na nga, si Sahara naman o mas nakilala niyong Marjorie ay pagkontrol ang isa rin sa kapangyarihan niya. Nagagawa niyang kontrolin ang isang tao at napapasunod nito lahat nang gusto niya. Iyon siguro ang nangyari doon sa babaeng nakaaway mo na si Clarise. Ngunit ang ibang kinokontrol niya ay hindi na kailanman mabubuhay pa kung gugustuhin niya. Kaya hindi natin masisiguro ang kaligtasan ng babaeng iyon," mariin niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin sa mga sinabi niya. Nakakabigla naman ang kakayahang mayroon ang mga ito. Hindi ko alam kung magagawa ko ba silang kalabanin, ganoong wala pa akong taglay na kapangyarihan tulad ng sinasabi nila. "Grabe, nakakatakot din pala kapag ganyan eh no? Paano na lang kung bigla nilang atakihin si Khendrey? O di kaya si Heart?" saad ni Zhennie. Iyon din talaga ang naiisip ko. Paano nga kaya kung aatakihin niya kami, lalo na si Heart. "Iyon lang talaga ang problema. Wala silang laban sa mga iyon, okay lang kung nasa tabi nila kami kapag umatake ang dalawang iyon sa kanila ni Heart," sabi ni Cindy. Sabay silang napatingin sa akin at napabuntong-hininga na lang ako. Dehado kami sa lagay na iyon, ngunit siguro naman ay hindi nila iyon gagawin ngayon. Huwag sana silang sumabay sa problema namin ngayon. Hays! Magsasalita na sana ako, nang marinig ko ang pagbusina ng isang kotse. Nasisiguro kong nandito na siya. "Mukhang nandito na siya," agad na puna ni Zhennie. Napatango ako. "Sige, aalis na ako. Kayo na ang bahala sa parti niyo," sabi ko sa kanila. Seryoso naman silang napatango sa akin, kaya naman iniwan ko sila sa sala at naglakad na palabas ng mansion. Mukhang hindi na kasi siya papasol pa, kaya ako na lang ang lalabas. Pagkalabas ko sa gate ay lumabas na rin mula sa kanyang kotse. "Pasensya na, hindi na ako pumasok," sabi niya sa akin, nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang," tugon ko sa kanya. Napangiti rin siya bago isinara ang pinto. Umikot siya at pumasok na sa kabilang pinto saka na niya pinaandar ang kotse. "Saan pala ang punta natin?" agad niyang tanong. "Sa Villahotel, naroon din kasi sina Daddy at gusto ka nila makita. Kakarating lang nila noong isang gabi at hindi mo pa sila nakikita. Kaya naman sinabi ni Dad na dalhin kita doon upang sumabay sa lunch nila. Actually, naroon din ang parents mo at sa tingin ko ay pag uusapan na natin ang tungkol sa kasal," sabi ko sa kanya. Nagugulat naman siyang napatingin sa akin at hindi alam kung paano makakapagreak sa sinabi ko. Malamang magugulat siya dahil doon din ang punta ni Rigor, upang makipagkita sa ibang kaalyansa nila sa Mafia na palihim na kinakalaban ang pamilya namin. "Sa Villahotel? Naroon pala sila?" tanging sabi niya. Bahagya akong napatingin sa kamay niya at nakita ko kung paano naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Kaya naman palihim akong napangisi sa aking sarili. Tingnan natin kung paano ka kikilos, ngayon kasama mo ako. "Nakasunod na sila Cindy at Zhennie sa atin. Kasama ang ilang tauhan ng inyong mafia.." Natigilan ako nang may narinig akong boses. Napalingon ako sa paligid at napako ang aking mga mata sa dashboard ng kotse. Nakita doon si Kherra na pasimpleng nakaupo at kumaway sa akin. "Huwag kang mag alala, hindi niya ako nakikita, basta huwag ka lang makipag usap sa akin. Sasabihin ko saiyo kung may binabalak siya o kung ano," muling sabi niya. Bahagyang tumaas ang kilay ko bilang tugon sa kanya at bumaling ako kay Gajeel na bahagyang tumahimik. "Oo, naroon sila. Hindi ba sinabi nina Tita na pupunta sila doon kasama si Daddy?" nagtatakang kunwaring tanong ko. "Wala silang sa akin, maging ang pagpunta nila dito," sabi niya. "Ibig sabihin, susurprisahin ka pala nila? Wow, iba din pala sina Tita at hindi nagsasabi saiyo na darating sila. Ngunit ayos lang naman siguro iyon, atleast mapag uusapan na natin ang tungkol sa kasal. Di ba nga iyon ang gusto mo?" saad ko sa kanya. Napangiti siya at bumaling sa akin. "Of course, nagulat lang ako sa sinabi mo ngayon. Oonga pala, kumusta na ang paghahanap niyo kay Heart?" tanong niya. "Huwag kang mag alala, maayos na si Heart. Nakausap na namin ang mga dumukot sa kanya at ibabalik nilang ligtas si Heart. Pinuntahan na siya ni Zhennie," nakangiting kunwaring sabi ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya at napatingin sa akin. "G-Ganoon ba? Mabuti naman at ibabalik na nila si Heart. Sino ba ang mga dumukot sa kanya," napapailing na tanong niya, kahit na nararamdaman ko ang kakaibang aura na nagmumula sa kanya. "Kasamahan ni Rigor, itinakas nila si Heart kanina at ibabalik sa amin. Mukhang natakot ata nang malamang anak ng isang mafia si Heart. Sigurado akong magagalit si Rigor kapag nalaman niya ang ginawa ng tauhan niya. Ngunit hindi ko palalampasin ang ginawa niyang ito, magbabayad siya," mariing sabi ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinaramdam ko sa kanya ang matinding galit ko. Mayamaya ay naramdaman ko ang kama niya na humawak sa akin. "Huwag kang magpadala sa galit, magiging maayos din ang lahat," payo niya pa sa akin. Palihim akong napairap dahil sa sinabi niya. Huwag magpadala? Nagbibiro ba siya? Isa lang naman siya sa dahilan kung bakit ako nagagalit. "Relax, Khen, control yourself," narinig kong sabi ni Kherra. Napabuntong-hininga na lang ako. "Uhm, pwedi ko bang ihinto saglit? May nakalimutan lang akong tawagan," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Malamang ay tatawagan niya si Rigor o kung sino man sa kanyang mga tauhan. "Sige, ikaw ang bahala," sabi ko sa kanya. Tumango siya at lumabas sa kotse. Bumaling ako kay Kherra at seryoso siyang tiningnan. "Gawin mo ang lahat, huwag lang siyang makatawag sa iba. Hindi niya maaaring ipaalam ang mga nalaman niya," sabi ko kay Kherra. Tumango siya sa sinabi ko at mabilis na lumipad patungo kay Gajeel. Tiningnan ko lang sila. Sige lang, Gajeel. Matitikman mo ang matinding galit na pinaramdam mo rin sa akin. Nakita ko kung ilang beses siyang napatingin sa phone niya. Nasisiguro akong hindi siya makatawag. Nakita kong lumipad na si Kherra pabalik sa akin. "Pinatay ko ang signal mula sa cellphone niya, kaya kahit anong gawin niyang pagtawag ay hindi na niya iyon magagawa," saad ni Kherra sa akin. Napangisi naman ako sa sinabi niya at nakita ko nang pabalik na siya. Nakita ko ang inis sa mga mata niya at marahas na binuksan ang pinto. "What happen?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya. "Walang signal, hindi ako makatawag," wika niya. "Bakit naman wala?" "Hindi ko alam, di bale na lang.." Pagkasabi niya no'n ay muli niyang pinaandar ang kotse at umalis na kami. Napatingin ako kay Kherra na tumango pa sa akin. Naging tahimik kaming dalawa saglit, ngunit hindi mapigilang magsalita ulit. "May tanong ako saiyo," wika ko. Napansin kong napasulyap siya sa akin. "Ano iyon?" "Mahal mo ba talaga ako?" tanong ko at bumaling sa kanya. Nakita ko kung paano siya natigilan sa tanong kong iyon. Bigla niyang inihinto ang kotse at napatitig sa akin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. "Alam mo naman noon pa kung gaano kita kamahal at gagawin ko lahat para saiyo," seryoso niyang sabi sa akin. Napangiti na lang ako sa sagot niyang iyon at bahagyang napatango. Hinawakan ko ang kamay niya. "Masaya akong marinig iyan, Gajeel. Sana totoo ang nararamdaman mo, para hindi ako magsisisi sa huli," nakangiting sabi ko sa kanya Napangiti siya sa akin at bahagyang hinapyang pisngi ko. "Oo, Khendrey. Totoo ang nararamdaman ko at patutunayan ko iyon ng paulit-ulit saiyo," sabi niya. Napansin ko ang dahan-dahang paglapit niya sa akin. Wait! Is he going to kiss me? No way! Hinawakan ko rin ang mukha niya. "Napatunayan mo na iyon sa akin. Kaya tara na, baka naghihintay na sila sa atin. Marami pang pagkakataon para sa ganyang bagay na nasa isip mo," sabi ko sa at bahagya pa siyang kinindatan. Lumayo na ako sa kanya. Narinig kong mahina siyang natawa at muling pinaandar ang kotse papunta sa destinasyon namin. Sa Villahotel, kung saan rin namin tatapusin ang lahat. Mas mabuti ng ganito para magkaalam na kami sa totoo naming kulay. Nang makarating kami sa VillaHotel ay napansin kong marami ang sasakyan na nakaparada sa labas. Hindi ko inaasahan na ganito karami ang dadating dito. Hindi ko rin alam kung mga tauhan o kaalyansa namin sa mafia ang narito. "Naghihintay si Izyll sa loob, mukhang inaabangan ka niya at may mensahe na binigay sa akin si Firen. Nakita na nila ang sinasabi mong si Rigor," narinig kong sabi ni Kherra na nasa balikat ko ngayon. Hindi tumugon sa sinabi niya. Ibig sabihin ay nandito na rin pala si Rigor. Hmmm.. "Bakit parang ang daming kotse dito?" narinig kong sabi ni Gajeel, nang pareho na kaming nakababa sa kotse. "Hindi ko rin alam, baka maraming tao lang siguro ngayon kahit maaga pa," tugon ko sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming naglakad papasok. "Hmm, siguro nga pero nakakapagtaka pa rin. May pagdiriwang kaya ngayon dito?" muling sabi niya. "Hindi natin masasabi kong hindi natin makikita ang nasa loob. Alam ko naman kung saan naroon sina Daddy, kaya doon na lang tayo dumiretso. Nasa isang private room sila, " saad ko. "Okay," sang ayon niya. Nang makapasok na kami sa VillaHotel ay nakita namin ang ilang tao na abala sa pag uusap sa paligid. Kilala ang VillaHotel na isa sa pinupuntahan ng mga mayayamang tao. Dito rin kami pumupunta ni Dad, kapag may kinakausap kaming kliyente o kaalyansa namin sa Mafia. Naglakad kami patungo sa elevator at may napansin akong isang lalaki na nakaabang doon. Pamilyar sa akin ang likod niya at nang bumukas ang elevator ay pumasok ito, sumunod naman kami. Bahagya pa akong natigilan nang makilala ito, kunwari ay nagulat din siya nang makita kami. Si Izyll. "Oh? Nandito rin pala kayo?" aniya. "You're Izyll right?" tanong naman ni Gajeel. "Haha yes, hindi ko aakalain na nandito rin pala kayo. Hi, Khen," bati niya pa sa akin. "Tsss," tanging tugon ko pa sa kanya at inirapan siya. "Ano pa lang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Gajeel. "I'm here to capture someone who played my girl," sabi ni Izyll at bahagyang sumulyap sa akin. Seriously? He's girl? Tsss!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD