Chapter 52

2008 Words
Napapailing na lang ako, matapos sabihin iyon ni Izyll. Hindi ko alam kung bakit iyon ay isinagot niya kay Gajeel. "Really?" komento ni Gajeel. "Yes, so, why are two together here?" si Izyll naman ang nagtanong ngayon kay Gajeel. Naramdaman kong hinawakan ni Gajeel ang kamay ko at nakita ko kung paano tumingin si Izyll sa kamay namin ni Gajeel. "Well, we're here to talk about our marriage," sagot naman ni Gajeel sa kanya. "Ahh, your marriage, I see," napapatango niyang sabi. Napasulyap siya sa akin at nakita ko kung paano niya ako tingnan ng masama. Pakiramdam ko ay may pinahiwatig siya sa akin. Tss! Ano na naman kaya ang naisip niyang gawin. Nasisiguro akong may binabalak na naman siya sa akin. Nang bumukas ang elevator ay nauna na kaming lumabas ni Gajeel. "Mauna na kami saiyo," paalam ni Gajeel kay Izyll, na tumango lang sa amin. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil alam kong ang matutulis na mga mata lang niya ang makikita ko. Bahala siya! Tahimik ang pasilyo dahil halos private rooms ang mga ito at kasing lawak ng sala sa mansion ang bawat silid dito. May mga crew din na agad umaasikaso sa mga nakacheck-in sa silid. "Anong room ba sina tito?" tanong niya sa akin. "Hmmm hindi malinaw ang pagkakasabi niya pero sa tingin ko ay Room 507," sagot ko sa kanya. Tiningnan niya naman ang mga numbers ng room. Ganoon din ako. "Room 506, ang meeting place ni Rigor sa kasamahan niya," narinig kong sabi ni Kherra. Hindi na ako tumugon sa kanya dahil baka mapansin pa ni Gajeel na may kausap ako. Napatingin ako sa pinto kung saan naroon ang room 506. Maging siya ay napatingin din dito, ngunit tinungo niya ang kasunod na room nito ang 507. "Ito na ata iyon," sabi niya. "Oo, iyan na," tugon ko sa kanya. Siya na ang kumatok sa pinto at mayamaya ay dahan-dahan itong bumukas. Bumungad sa amin ang isang nakasuot ng black suit, na mukhang bodyguard. "Nandito na po pala kayo, Empress. Pasok po kayo, hinihintay na kayo ng inyong ama," sabi niya sa akin at napayuko. Tumango lang ako at tuluyan na kaming pumasok. Naglakad kami papunta sa gitna ng kwarto at doon naabutan namin ang mga ito na nakaupo sa dalawang nakahilirang mahabang mesa. Nakahanda na rin ang mga pagkain na naroon. Napatayo ang mga ito nang makita kami. "Maligayang pagdating, Empress," pagbati nila sa akin. Napatingin ako kay Gajeel at alam kong hindi niya inaasahan na maraming tao ang nandito ngayon. Dahil buong akala niya ay para sa amin lang ito ng pamilya niya. "I didn't expect this," sambit niya. "Me too," tugon ko sa kanya. Lumapit na kami sa kanila at inakay nila kami sa bakanteng upuan. Lumapit kami sa magulang ni Gajeel at bumati. Ganoon rin ang ginawa namin kina Daddy. Matapos no'n ay inalalayan ako ni Gajeel na makaupo, bago siya umupo. "I thought, it's just a family lunch, tito?" nagtatakang tanong ni Gajeel Napangiti naman si Daddy sa tanong na iyon ni Gajeel at bahagyang tumingin sa lahat ng bisita na narito. Pamilyar sa akin ang mga nandito, subalit may ilan sa kanila na bago lang sa paningin ko. "Well, iyon din ang inaasahan ko. Subalit may importanti pa kasing dapat nilang malaman bukod sa kasal ninyo. Ngunit syempre mas pinaka-importante pa rin ang kasal niyo. Di ba, Sean?" wika ni Daddy at bumaling sa ama ni Gajeel na napangiti naman agad. "Of course, ngunit nakakapagtaka talaga kung bakit narito din sila. Kung pwedi naman sa ibang araw na natin pag usapan ang tungkol diyan sa sinabi mong importante din bukod sa kasal ng ating mga anak," nakangiting saad naman ni Tito Sean. "Oonga naman, pero dahil nandito na rin tayong lahat hayaan na lang natin," sabi naman ng ina ni Gajeel, na si tita Geel. Napatango naman si Daddy at napatingin sa akin. Walang emosyon ko siyang tiningnan dahil alam na naman niya ang kanyang gagawin. Kailangan lang muna namin silang paamuhin para sa aming magiging surpresa sa kanila. "Nasa kabilang kwarto na iyong kasama nilang si Rigor. Naroon na rin si Izyll at nakikinig sa usapan ng mga ito," narinig kong sabi ni Kherra sa akin. Mabuti na lang at may kapangyarihan din siyang itago ang kanyang sarili at hindi marinig ng mga ito. Umaayon ang lahat sa plano. Sana makuha nila si Heart at madala dito, para malaman ng lahat ang ginawa nila. "Bago natin simulan ang tungkol doon sa sinasabi ko ay pag usapan muna natin ang tungkol sa kasal. Ako ayos lang sa akin kung kailan, basta pag usapan nating mabuti," mayamaya ay sabi ni Daddy. Nagsimula akong kumain at pinakinggan ang mga sinasabi nila. "Ikaw na ang magdesisyon kung kailan, Khen," sabi sa akin ni Gajeel, kaya napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanila. "Hmm, for me, I want to graduate in college before I got married. But if you really want it too early, then let's make it next month," sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila sa sinabi kong iyon at bahagyang napaisip. Napatingin naman ako kay Gajeel at nakita kong nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napangiti na rin ako sa kanya. "Are you sure about that?" komento ni Daddy. Napatango ako sa kanya. "Okay, let's make it next month. Anong araw naman iyon, Khen?" tanong sa akin ni Tita. "Hmm, I want it in 15 sunday," sagot ko sa kanya. Napatango-tango siya sa sinabi kong iyon at nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. "Okay, kami na ang bahala sa lahat sa kasal ninyo ni Gajeel. Masaya ako dahil ikakasal na kayong dalawa, ija," sabi sa akin ni Tita. Ngumiti naman ako sa kanya at napatango. Subrang saya naman ata niya, wala ba siyang alam sa ginawa ng mag ama niya? O sadyang nagbubulag-bulagan lang siya? Ang galing naman ata niyang magpanggap. "Papunta na sila Zhennie dito at nakapaligid na sila, gamit ang kapangyarihan ni Cindy. Sina Jarryl naman ay kararating lang kasama ma si Heart. Habang iyong sa kabilang silid naman ay napag usapan na nila na nandito sila Gajeel at pupunta sila dito," bulong sa akin ni Kherra. Nandito na rin pala si Heart. Mabuti naman kung ganoon at malalaman na ng lahat ang kalokohang ginawa nila. Napatikhim ako at nakuha ko ang atensyon ni Daddy. Tiningnan ko siya nang kakaiba, upang ipahiwatig sa kanya na simulan na niya. "Okay, ngayon maayos na nating napag usapan ang kasal at sa susunod na buwan na, kaya naman ngayon ay pag uusapan natin ang nangyari kay Heart, sa anak ni Herbert," sabi ni Daddy at naging seryoso ang tingin niya sa lahat. "Oonga, totoo ba iyong nangyari sa anak ni Herbert?" "Nabalitaan ko rin iyon.." "May balita na ba kung nasaan siya?" "Sinong dumukot sa kanya?" nag aalala pang sabi ni Tita Geel. Napasulyap ako kay Gajeel at nag aalala siyang nakatingin sa akin ngayon. Malumanay siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Bukod sa may dumukot kay Heart ay nalaman din namin kung paano namatay ang asawa namin ni Herbert. Nalaman naming hindi lang iyon simpleng pagkamatay dahil sa panganganak. May isang traydor na tinurukan sila ng gamot, na naging dahilan kung bakit sila namatay. May ebidensiya din akong hawak, na nagpapatunay kung gaano sila kahayop," mariing sabi ni Daddy. "A-Anong ibig mong sabihin, Dad?" kunwaring tanong ko kay Daddy. "Makinig ka lang, Khendrey," seryoso niyang sabi sa akin. Tinawag niya ang sekretarya niya at binigay nito ang isang itim na attache case. Lahat na narito ay napatingin sa bagay na nasa harapan ni Daddy. "Nandito ang ebidensiya laban sa taong matagal nang tumatraydor sa atin, lalo na sa pamilya ko. Sila din ang dahilan sa pagdukot kay Heart at nahuli na rin namin si Rigor, na isa sa mga inutusan nilang ipahamak ang aming anak. Nasa kabilang silid lang si Rigor, kasama ng ilan sa tauhan namin. Kaya naman ngayon, panuorin niyo ang isang video kung paano nila pinatay ang asawa ko," mariing sabi ni Daddy. Kinuha niya isang USB, na mukhang pinalitan niya ng bago. Binigay niya iyon sa sekretarya niya at isinaksak sa dala nitong laptop. Mula sa isang pader ay lumabas doon ang isang screen. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Gajeel sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko kung paano siya ka-seryosong nakatingin ngayon sa screen. Hanggang sa lumabas doon ang isang video kung saan ang mukha agad ni tito Sean ang nakita ng lahat. Napapikit ako habang naririnig ang boses ng ina ko, na nagmamakaawa. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Gajeel. Hindi na niya ulit iyon hinawakan at mukhang naiintindihan na niya ang nangyayari. "W-What's the meaning of that?" narinig kong sabi ni Tita Geel at napatayo pa. Tumingin ako kay Tita at nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata. May ilang dokomento pang lumabas doon at nabasa iyon ng lahat. "You plan this?" mayamaya ay narinig kong sabi Gajeel. Walang emosyon akong nakatingin sa kanya. Pareho kaming napatitig sa isa't isa. "Dinala mo ako dito para ipakita ang lahat ng ito? Na ang pamilya ko ang dahilan kung bakit namatay ang ina mo? Ginawa mo rin ito para hindi matuloy ang kasal natin? Nang dahil lang sa gusto kitang pakasalan ay ito ang binalik mo sa akin? Inaamin kong may kasalanan ang magulang ko, ngunit bakit kailangan mo pa akong paasahin na magpapakasal ka sa akin? Alam mo kung gaano kita kamahal, pinapakita mo sa lahat na napakahangal ko para pakasalan ang babaeng anak ng isang tao na pinatay ng magulang ko, ganoon ba?" sabi niya at nakita ko kung paano dumaloy sa pisngi niya ang luha. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya. Seryoso ba siya sa paiyak-iyak niya? Bigla siyang tumayo at sinipa ang upuan niya. Habang nakatingin sa akin nang masama. Agad na naglabasan sa kung saan ang mga tauhan namin at tinutukan sila ng baril. Nakita ko kung paano siya matigilan at maging ang magulang niya ay nagulat sa pagsulpot ng mga ito. Narinig kong natawa siya. "Haha! Ibang klase! Nabitag mo kami dito. You're playing safe and sound? Mali nga talagang minahal ko ang isang tulad mo," mariin niyang sabi sa akin. Naikuyom ko ang aking kamay at napatayo. Sinalubong ko ang kanyang masamang tingin sa akin at walang ano-ano'y sinampal ko siya nang malakas. "You!" sita sa akin ng kanyang ina. Ngunit agad siyang hinarang ng dalawang tauhan namin. "Talagang saiyo ko pa maririnig iyan, Gajeel? Unang-una, talagang nagkamali ka na. Dapat noon pa, hindi muna ako minahal dahil alam mo na posibleng mangyari ito. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo sa akin, pero sana bago mo ako minahal inalam mo kung mapapawi ba ng pagmamahal mo ang galit na mararamdaman ko, lalo na sa ginawa ng magulang mo. Nararamdaman kong mabuti kang tao, pero ang malas mo dahil napunta ka sa masasamang tao," galit na sabi ko sa kanya at bumaling sa magulang niya. Nakita ko ang galit sa mga mata nila, habang nakatingin sa akin. "What? Hindi niyo ako nagawang patayin noon, kaya naman ngayon pinagpipilitan niyong ikasal ako sa anak niyo. Para ano? Para pag kasal na kami, makakalimutan na ang ginawa niyo? O di kaya kayo na ang may kayang mamuno sa buong mafia? Nakakabaliw iyon kung ganoon, kayo ang makikinabang sa pinaghirapan ng ama ko. Gusto niyo kaming mawala upang angkinin ang hindi dapat sainyo. Nakakaawa naman kayo," galit kong sabi sa mga ito. Hindi sila nakapagsalita sa sinabi kong iyon. Naging tahimik ang silid, matapos ko iyong sabihin. Pinakiramdaman ko kung kikilos ba sila, maging si Gajeel. Ngunit wala silang ginawang kilos, bago pa ako makapagsalita ay may narinig akong mga yabag. Hanggang sa magtama ang mata namin ni Izyll. Kasama niya si Rigor na nagulat sa kanyang nakitang tagpo. "W-What's the meaning of this?" nagugulat na tanong nito. Napangisi ako sa kanya. "We're having a meeting here. Ikaw na lang ang hinihintay," nakangisi kong sabi sa kanya. Nakita ko kung paano siya napaatras, ngunit nakita ko kung paano siya nahawakan ni Izyll. Now, si Heart na lang ang kulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD