Chapter 53

2030 Words
Nakangisi pa rin akong nakatingin ngayon kay Rigor at bahagyang bumaling kay Gajeel, na seryoso namang nakatingin dito. "Why don't you greet each other? Di ba magkasama naman kayo? Lalo na sa pagdukot kay Heart?" sabi ko kay Gajeel. Napatingin siya sa akin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, hindi kami ang dumukot kay Heart," mariing sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. "Talaga? Well, malalaman naman natin dahil papunta na naman dito si Heart," sabi ko sa kanya. Nakita ko kung natigilan siya habang nakatingin sa akin. Hinintay ko kung ano man ang sasabihin niya. Subalit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinila at may itinutok na patalim sa leeg ko. Nakita ko kung paano sila na alarma sa ginawa ni Gajeel. "Talagang binitag mo kami, huh?" galit na sabi niya sa akin. "Dahil gano'n din ang ginawa niyo sa amin. Hindi mo kami masisisi kung bakit ito nangyayari ngayon. Kahit anong gawin mo, kahit patayin mo ako ngayon, hindi mo na mababago ang lahat ng ito na kayo din ang nagsimula. Wala na kayong takas sa ginawa niyo," mariing sabi ko sa kaniya. Napapikit ako nang hilain niya ang buhok ko. Naramdaman ko ang paggalaw ni Izyll, pero binalaan ko siya sa pamamagitan ng isang tingin. "Hindi na rin mababago na niloko mo pa rin ako," galit niyang sabi sa akin. "Bitawan mo na ang anak ko, Gajeel. Dahil talagang hindi niyo magugustuhan ang maaaring mangyari sainyo dito," babala sa kanya ni Daddy. "Bakit? Papatayin niyo kami dito? Ipapakita niyo sa lahat nang nandito na kaya niyo talagang gawin iyon?" sita niya kay Daddy. Nakita ko si Daddy na sinamaan niya nang tingin si Gajeel. Inilabas niya ang isang baril mula sa kanya attache case at itinutok ito sa ama ni Gajeel. Habang nasa amin pa rin ang tingin ni Daddy. "Sa mundo ng Mafia na ginagalawan natin. Marami talagang tuso at tumatraydor. Kaya oo, maaari kong gawin ngayon ang sinasabi mo," mariing sabi ni Daddy at walang ano-ano'y kinalabit niya ang gatilyo, na agad tumama sa braso ng ama ni Gajeel. Natumba ito dahil sa ginawang pagbaril ni Daddy dito. Hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Daddy. Siguradong dahil ito sa galit na nararamdaman niya sa mga ito. "Dad!" gulat na sigaw ni Gajeel. Nakita kong naalarma ang mga tauhan nila, subalit wala itong magawa dahil nakapaligid ang maramint tauhan namin sa silid na ito. "Patikim ko pa lang iyan, Sean dahil sa ginawa mong pagpatay sa asawa ko at sa asawa ng kapatid ko. Hindi ko palalampasin ang ginawa mo," narinig kong sabi ni Daddy sa mga ito. "Hayop ka!" galit na sigaw ni Tita Geel at nilapitan ang kanyang asawa. "Kayo ang naunang maging hayop, Geel," seryosong sabi ni Dad dito. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Gajeel. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya sa akin. Narinig kong napamura siya sa kanyang nakikita. "Nandito na sina Heart," narinig kong sabi ni Kherra na nasa gilid ko lang. Hindi ako tumugon at tumingin ako kay Izyll. Nakita ko kung gaano na siya ka-seryoso sa sitwasyon ko at nasisiguro kong hindi niya nagugustuhan ang kanyang nakikita. "Nandito na sina Heart," sabi ko at napansin kong napatingin sa akin si Gajeel. "Nagtataka ka kung paano namin nagawa ang planong ito? Dahil nga naging kampante kayo sa sitwasyon niyo," mahinahon kong sabi. "May gana ka pa talagang magsalita ngayon? Huwag mong kakalimutang hawak kita at maari kitang patayin," banta niya sa akin. Napangisi naman ako at nanghahamon ang tingin ko sa kanya. "Try it, if you really want to kill me," hamon ko sa kanya. Sinamaan niya ako nang tingin. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata, subalit naroon pa rin ang pagmamahal na alam kong totoo niyang pinapakita sa akin. Ang saklap lang talaga dahil naging ganito pa ang sitwasyon namin. Alam ko naman na may kabutihan pa rin sa puso niya, subalit natatabunan lang iyon lalo na sa nangyayari ngayon. Natigilan ako, nang maramdamang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at tuluyan na niya akong binitawan. Napatingin ako sa kanya. "Lahat ng pinapakita ko saiyo ay totoo. Minahal kita noon pa, nang makilala kita. Inaamin ko ngayon na hindi gusto nina Mommy na mapalapit ako saiyo. Ngunit nagpumilit pa rin ako, dahil gusto na kita. Kaya kahit alam kong malabo ay sumugal ako dahil sa nararamdam ko saiyo. Ngunit hindi ko matatanggap na ganito ang mangyayari sa akin!" sigaw niya sa huli niyang sinabi at nakita ko kung paano siya mabilis na dumukot ng baril, saka pinaputok sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa bilis ng kanyang ginawa. Ngunit wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko. Narinig ko na lang ang mahinang tunog na nasa sahig. Nakita ko mula doon ang bala na mula sa baril ni Gajeel. Hindi ko alam ang nangyari pero nasisiguro kong may nangialam. "Ginamit ko ang aking kapangyarihan para hindi ka madaling masaktan at tamaan ng balang iyon," narinig kong sabi ni Kherra. Dahan-dahan akong napatingin kay Gajeel at nanlaki ang mga mata niya, matapos niya iyong ginawa. Napapaatras siya at nabitawan ang baril na hawak niya. "I-Imposible! Bakit hindi ka man lang nasaktan?" nagugulat na sabi niya. "Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit, isa lang ang ibig sabihin no'n. Hindi ako madaling patumbahin, di ba? Rigor?" sabi ko at bumaling kay Rigor. Nakita ko kung paano siya nagulat, nang ibaling ko sa kanya ang aking tingin. Nakikita ko sa mukha niya ang takot. "W-What is this?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita at mula sa likod nina Izyll ay nakita ko si Heart kasama si tito, maging sina Jarryl, Flare, Yuan, Zhennie at Cindy. Nakita kong may pasa siya sa may labi ay maging sa braso niya. Naikuyom ko ang aking kamay, habang nakatingin ngayon kay Heart. "You," sabi ni Heart at tinuro si Rigor na bahagyang umiwas nang tingin kay Heart. "Siya ang nanakit sa akin," sabi niya at ang tinutukoy ay si Rigor. "Siya ang may pakana na dukutin si Heart at itago sa amin, dahil nga palihim siyang kumikilos para sa amin. Ngunit wala akong ginawang kahit ano, upang saktan si Heart," narinig kong sabi Gajeel, na nakayuko. Ibig sabihin, talagang si Rigor ang dahilan sa pagdukot kay Heart. "Ngunit alam mo pa rin ang nagawa ng magulang mo. Kahit naging mabait ka sa amin at minahal mo ako. Hindi pa rin iyong magiging sapat upang makalimutan ang sakit na binigay niyo sa amin," mariing sabi ko sa kanya. "Alam ko iyon at sa lagay na ito ay talo na ako. Kayo na ang bahala kung papatayin niyo ako o hindi. Basta huwag niyo nang masyadong pahirapan ang magulang ko," sabi niya at nag angat nang tingin sa akin. Pinakita ko sa kanya na wala akong awa na natitira pa sa kanya. Dahil galit na galit pa rin ako sa aking mga natuklasan. "Dad, Let's go home. Ayokong nakakakita ng ganito karaming tao at kasamahan niyo pa sa Mafia. ‘Cous, tapusin mo na ito at parusahan ang may sala," sabi sa akin ni Heart. Napangiti ako sa sinabi niya at napatango. "Okay, let's finish this. You can go home first. Aayusin muna namin ito," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya at hinila na si Tito na umalis. Sumama na sa kanila sina Zhennie at nagpaiwan lang si Izyll, habang nandito pa rin ang iba. "Ikulong niyo silang apat, maging ang kanilang mga tauhan. At huwag na kayong magtangkang tumakas pa, dahil mas lalo ko kayong pahihirapan," banta ko sa kanya. Napatingin ako kay Izyll at tumango sa kanya. Agad na nilapitan ng mga tauhan namin ang mag asawa, maging si Gajeel na walang salitang nagpaubaya na lang sa nangyari. I feel pity on him, but it's already done. They made a mistake and they need to pay what they have done. Pinusasan sila at kinuha ang kanilang mga armas. Alam kong hindi na sila magtatangka pang tumakas dahil maraming nakabantay sa kanila atay tumutulong din sa akin. "Khendrey," tawag ni Daddy nang lumapit siya sa akin. Nakaupo ako ngayon sa inuupuan ko kanina at kakaalis lang ng mga ito, upang dalhin sa headquarters sina Gajeel at magulang niya, maging si Rigor dinala rin ng mga ito. Nanatili akong nakaupo na tila ba hindi ko alam ang susunod ko nang gagawin. "Princess," muling tawag sa akin ni Daddy. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "Anong problema?" nag aalala niyang tanong sa akin. "Kahit pala nalaman na natin ang lahat, wala pa rin magbabago. Hindi na rin maibabalik ang buhay ni Mommy," wala sa sariling sabi ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin, matapos ko iyong sabihin. Hinawakan niya ako sa balikat at marahan iyong hinaplos. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ngunit mali ka sa iyong naiisip na walang nagbago. Nakuha natin ang hustisya sa pagkamatay ng ina mo at hindi na natin kailangang pumatay sa kanya. Ngunit kailangan pa rin nilang pagbayaran ang kanilang nagawa at makukulong sila," paliwanag sa akin ni Daddy. Napapikit na lang ako. May punto siya sa sinabi niya. Ngunit nanghihinayang pa rin ako sa nangyari. Pakiramdam ko ay kulang ang kaparusahang matatanggap nila, na para bang hindi ko matatanggap ang sasapitin nila dahil alam kong hindi namin sila mapapatay. "Halika na, tumawag sa akin si Herbert. Hinihintay tayo ni Heart, kanina pa siya naghahanap saiyo," sabi niya sa akin. Napatango ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. May dalawang tauhan pang kasama si Dad at sumabay na ito sa amin paglabas. Ngunit napahinto ako nang makita ko si Izyll, na nakasandal sa pader na tila ba may hinihintay. Napangiti agad siya nang makita ako. "Are you okay?" nag aalalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "You know him?" tanong naman ni Daddy. "Yes Dad, isa rin siya sa tumulong sa atin. I want you to meet, Izyll. He's my classmate," pakilala ko sa kanila. "Hello, sir," bati ni Izyll kay Dad at nakipagkamay pa. "Okay, nice to meet you. So, are you coming to us?" saad ni Daddy sa kanya. "Sure. Well, my friends was already at your Mansion. Hinintay ko lang talaga kayo, para makasabay," nakangiting sabi ni Izyll at bumaling pa sa akin saka napangiti. "Ganoon ba? Sige, sumabay ka na sa amin. Okay lang ba saiyo, Khendrey?" sabi sa akon ni Dad. "Tss, kahit naman ayaw kong makasabay iyan ay doon din naman ang punta niya. Mas makulit pa nga ata iyan kay Heart, tara na," sabi ko at umirap kay Izyll. Hindi ko na pinansin pa ang naging reaksyon nila at nauna na akong maglakad. Tsss, pwedi naman siyang mauna na lang doon sa Mansion. Bakit kailangan pa niyang hintayin ako, nananadya ba siya? Palihim akong napasulyap sa kanila at nakita kong nakangiting nakikipag usap sa kanya si Daddy. Seriously? Ngayon ko lang nakita si Dad, na nakangiti habang may kausap pwera na lang sa amin ni Heart at tito. Nakakagulat naman ata! Nauna na akong sumakay sa elevator, habang sila ay nag uusap habang naglalakad. "Ano? Bagal niyo naman," sita ko sa kanila. Napalingon sila sa akin at mabilis na naglakad papasok sa elevator, maging ang dalawang bodyguard. Napapailing na lang ako sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na lagi na pala siyang pumupunta sa Mansion? Wala kang nai-kwento sa akin ah," nakangiting sabi ni Dad sa akin. Napairap lang ako. "Dad, masyado akong abala para ikwento saiyo ang lalaking iyan at oo lagi siyang pumupunta sa bahay. Bigla na lang sumusulpot kahit hindi ko iniimbita. Isa pa, hindi kami ganoon ka close para imbitahin siya. Nagkataon lang na tinulungan nila tayo ngayon," paliwanag ko kay Daddy. Natawa lang siya sa sinabi ko. "Wow ah? Iyan ba ang sasabihin mo sa akin matapos kitang tulunga at hintayin para makasabay ka lang?" sabi niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa sinabi niyang iyon. Huwag niyang sabihing magpapansin siya ngayon sa Daddy ko, para isipin ni Dad na close nga kaming dalawa? Grabeng ediya iyon huh? Sinamaan ko lang siya nang tingin, habang nakangiti naman siya sa akin. Narinig ko na lang na tumawa ulit si Dad. Wow! Ang saya niya ata ngayon? Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD