Chapter 62

2103 Words
Sabay na pumasok sina Heart at Zhennie, kasama si Cindy sa silid kung saan naroon sina Jarryl at Yuan. Kasama ang walang malay na sina Clarise at Khendrey. Nagugulat namang nakatingin si Heart sa walang malay na si Khendrey. "What happen? Bakit walang malay si Khen?" nag aalalang tanong ni Heart at nilapitan si Khendrey. "Nawalan lang siya nang malay dahil sa panghihina, matapos niyang makalaban si Clarise," paliwanag ni Jarryl at bumaling sa katabi nitong si Clarise na wala rin malay. "Nasaan na sina Demeria at Sahara?" tanong naman si Cindy. "Umalis na sila at hinayaan na nila si Clarise," sagot naman ni Yuan. "Teka, nagawang laban ni Khendrey si Clarise? Wala naman siyang taglay na kapangyarihan ngayon di ba?" nagtatakang tanong ni Zhennie. "Oonga naman, paano nangyari iyon?" nagtatakang sabi naman ni Cindy at napatingin kina Jarryl. Napabuntong-hininga ang dalawang lalaki, dahil hindi nila alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kanina. "Hindi rin namin alam kung paano nangyari iyon. Ngunit, silang dalawa lang nina Khendrey at Kherra ang makakasagot tungkol diyan. Basta nakita na lang rin namin, na iginamit ni Khendrey ang kapangyarihan ni Kherra. Sa ngayon ay nanghihina siya, siguro ganoon din si Kherra dahil nawala siya bigla," paliwanag ni Jarryl sa kanila. "Nakakagulat nga iyong nangyari kanina, kung nakita niyo lang iyon, naku! Siguradong magugulat din kayo," sabi naman ni Yuan. Hindi na nakapagsalita pa sina Zhennie, lalo na si Heart na nag aalalang nakatingin pa rin kay Khendrey. "Dalhin natin sa hospital si Clarise at iuwi natin si Khendrey," mayamaya ay sabi ni Zhennie. Sumang ayon ang mga ito sa sinabi ni Zhennie. Kaya naman muling binuhat ni Jarryl si Khendrey. "Teka, makikita tayo ng mga studyante sa labas. Nagawan na ni Cindy nang paraan na makalimutan nila ang eksena kanina, kaya naman ngayon ay hindi tayo maaaring lumabas na ganyan ang kalagayan nila," sabi ni Zhennie sa kanila. "Tama si Zhennie, hindi tayo maaaring lumabas na lang basta-basta dahil makikita nila tayo," sang ayon naman ni Heart. Nagkatinginan ang tatlo at mukhang iisa lang ang nasa isip nila ngayon. "We will use our teleportation magic," sabi ni Jarryl sa dalawa. Kaya bahagyang natigilan ang mga ito sa sinabi ni Jarryl. "Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Zhennie. "Well, iyong mapupunta ka sa kabilang lugar. Basta malalaman niyo rin iyon," tanging sagot ni Yuan sa tanong ni Zhennie. "Ganoon ba iyon? Hmm, sige na umalis na tayo," ani ni Zhennie. Napatango sila at mayamaya ay hinawakan ni Cindy ang kamay ni Heart at Zhennie, saka biglang nawala kasama ang dalawa. Sumunod naman sina Jarryl at Yuan. Napunta sila sa parking lot, kung nasaan ang kotse nila. "Oh? Ganoon pala ang teleportation?" namamanghang sabi ni Heart. "Ganoon nga," nakangiting sabi ni Cindy. "Pwedi ko rin kaya matutunan iyon?" natutuwang tanong ni Heart. "Well, yes, pweding-pwedi kaso mahabang proseso bago mo magamit iyon. Ngunit kung matiyaga ka ay talagang magagamit mo kaagad," paliwanag ni Cindy sa kanya. "Okay, I want to learn that," saad ni Heart at napatango lang si Cindy sa kanya. Mayamaya ay dumating na rin sina Jarryl at Yuan, kasama ang walang malay na sina Clarise at Khendrey. Isinakay agad nila ang dalawa sa kotse, saka sila pumasok na rin sa loob. Dalawang sasakyan ang dala nila. Kaya naman doon na sa kabilang sasakyan sina Zhennie, Yuan at Cindy. Samantalang si Jarryl na ang nagdala ng kotse nila Khendrey paalis. "Idadaan ba natin si Clarise sa hospital?" mayamaya ay tanong ni Heart. Napaisip naman si Jarryl sa sinabing iyon ni Heart. Sa lagay ni Clarise ay hindi gamot sa hospital ang kailangan nito. Hindi rin malalaman ng mga taga-hospital kung ano ang totoong nangyari dito. Kaya naman napaisip siyang isama na lang ito, kung saan nila dadalhin si Khendrey. "Huwag na, wala rin naman silang magagawa sa kalagayan ni Clarise. Mas mabuting isama na muna natin siya sa inyo," sabi ni Jarryl kay Heart. "Kaya niyo bang ibalik sa dati si Clarise?" "Depende iyon sa magagawa nina Izyll. Sinabi niya sa amin bago sila umalis ni Flare, na kukunin rin nila ang gamot para kay Clarise upang bumalik sila sa dati," paliwanag ni Jarryl. Napatango naman si Heart bilang tugon dito at tumingin kay Khendrey, na wala pa rin malay. Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya aakalain na sa ganitong tagpo ay makikita niyang ganito si Khendrey. Gusto rin niyang malaman kung anong ginawa ni Khendrey at Kherra, kung bakit nagawang makipaglaban ni Khendrey kanina. Hindi man niya nakita ay nasisiguro niyang magaling pa rin ang pinsan niya. Ngunit naroon pa rin ang pag aalangan niya, lalo na nang malaman niya ang lahat, tungkol kina Jarryl. Pasimple siyang napasulyap kay Jarryl, na nagmamaneho ng kotse. Hindi niya pa rin lubos akalain, na hindi ito normal na tao lalo na siya. Buong buhay niya ay umikot lang sa pagiging spoiled brat sa ama niya at nakukuha ang lahat nang kung anumang gustuhin niya, lalo na pagdating sa gamit. Hindi niya siya pumasok sa organisayon ng kanyang ama, dahil gusto niyang maging normal pa rin kahit papaano ang buhay niya. Subalit, magbabago rin pala iyon dahil sa pagdating ng mga ito at naging komplekado ang simple niyang buhay. Napabuntong-hininga na lang siya, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Jarryl. Napatingin si Jarryl sa kanya, na ngayon ay nasa labas na ang kanyang mga tingin. "Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Jarryl, nang mapansing tahimik ito at tila ba malalim ang iniisip. "Ayos lang naman ako," tugon nito ja hindi man lang lumingon kay Jarryl. Napatango lang si Jarryl sa sagot ni Heart, kahit alam niyang hindi ito okay. Nararamdaman niya ang pagkalito at pag aalala nito. Kaya nasisiguro niyang may iniisip ito, na konektado sa kanila. "Kanina, noong sinabi mong alam mo na ang lahat tungkol sa amin. Kahit na nakangiti ka at tila masaya dahil may kapangyarihan ka. Hindi pa rin nakaligtas sa akin, na malungkot ka at nag aalalangan sa kung ano ka talaga. Sabihin mo, tanggap mo na nga bang katulad ka namin?" sabi ni Jarryl kay Heart. Natigilan naman si Heart sa sinabing iyon ni Jarryl at napatingin dito. Nagtama ang paningin nila, subalit siya na rin ang umiwas nang tingin dito. "Tanggap mo nga ba kung ano ka?" muling tanong ni Jarryl dito. "To tell you the truth, it's really hard to accept everything. Lumaki akong nakukuha lahat nang gusto ko at binibigay ang lahat nang kailangan ko. Proteksyon, kaarangyaan, kaibigan at pera, lahat nang iyan mayroon ako. Subalit hindi ako makapaniwala, na sa pagdating niyo ay magbabago ang takbo nang buhay ko. Napakahirap tanggapin no'n, lalo na at maiiwan ko ang aking ama. Isa iyon sa napakahirap na desisyon na gagawin ko, para lamang sa nakatadhana sa akin," malungkot na sabi ni Heart. Hindi rin maiwasan ni Jarryl na malungkot sa sinabi nito. Alam na nilang darating talaga ang araw na ito at makikita nila kung gaano ito maghihirap sa pagpili ng kanilang magiging desisyon. Subalit, kahit anong gawin ng mga ito ay kailangan nilang gawin ang nararapat na nakatadhana sa kanila. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo," sabi ni Jarryl at malungkot na ngumiti kay Heart. "Nasisiguro naman akong may magagawa rin kayo para sa amin. Nagtiwala kami sa inyo noong una, kaya alam kong hindi niyo kami bibiguin. Sana magawa niyong sabihin sa ina mo ang nais namin. Kahit iyon lang, dahil talagang hindi ko pa kayang tuluyang hindi makita ang ama ko," sabi ni Heart kay Jarryl. Hindi agad nakapagsalita si Jarryl dahil hindi niya alam, kung ano nga ba ang magiging desisyon ng kanyang ina. Ngunit sinisiguro niyang hindi niya bibiguin si Heart sa nais nito. Napangiti siya dito. "Oo naman, gagawin namin iyon para sa inyo ni Khendrey," pangako niya dito. Napangiti naman si Heart sa sinabing iyon ni Jarryl at napatango dito. Naging tahimik na silang dalawa, habang si Heart ay marami pa ring pumapasok sa kanyang isipan. Nang makarating sila sa Mansion, ay hinintay muna nila sina Zhennie. Upang umalalay sa dalawang babaeng walang malay. Nang makarating ang mga ito ay binuhat na nina Jarryl at Yuan, sina Clarise at Khendrey papasok sa loob. Sakto namang naroon ang ama nina Heart at Khendrey. Nagulat ang mga ito sa nakikita, lalo na ang ama ni Khendrey. Nagugulat itong nakatingin sa anak na walang malay. Dinala nila si Clarise sa Guest room, samantalang si Khendrey ay sa kwarto naman nito. "What happen to her?" nag aalalang tanong ng ama ni Khendrey. "Tito, may nangyari kasi kanina sa school. Lumusod doon ang mga... hays, hindi ko alam kung paano sasabihin pero, sila iyong dahilan kung bakit biglang nagbago si Clarise at laging kinakalaban ni Khendrey," nalilitong paliwanag ni Heart dito. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kanina, dahil nagulat lang sila at hindi nila nakita ang nangyari, bukod kina Jarryl at Yuan. "Huh? Sinong lumusob?" nagtatakang tanong ng ama ni Khendrey at tiningnan sina Jarryl. Napatingin sina Zhennie at Heart, kina Jarryl upang ang mga ito ang magpaliwanag sa ama ni Khendrey. Kaya napatingin naman ang ama ni Khendrey sa mga ito. "Anong nangyari?" seryosong tanong nito. "Pasensya na kayo sa nangyari kay Khendrey, dapat kami ang magp-protekta sa kanya. Tapos ganito pa ang nangyari sa kanya. Kung dito sa mundo ninyo ay may mga nagiging kalaban kayo, sa negosyo man o kung kanino. Sa mundo namin ay ganoon rin," sabi ni Cindy sa ama ni Khendrey. "May masasama at mabubuting mga may taglay na kapangyarihan. Iyong sumugod kanina sa campus, sila iyong masasamang tao o blackmagic, kung saan ginagamit nila sa masasamang gawain ang kanilang kapangyarihan. Nandito rin sila para kilalanin sina Heart at Khendrey. Nasisiguro kaming wala silang balak na patayin sina Khendrey, ngunit magagawa pa rin nilang subukan ang kakayahan ni Khendrey, kahit na wala siyang taglay pa na kapangyarihan. Ginawa nilang kasangkapan si Clarise upang kalabanin si Khendrey. Ngunit nagawa pa ring matalo ni Khendrey ang mga ito, gamit ang kapangyarihan ni Kherra na siyang guardian niya. Ngunit dahil hindi niya inaasahan iyon ay masyado niyang nagamit ang kapangyarihan ni Kherra at maging kapangyarihan niya na hindi niya alam na unti-unti nang lumalabas. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nawalan nang malay," paliwanag ni Jarryl dito. Hindi nakapagsalita ang ama ni Khendrey at nag aalala pa rin na napatingin kay Khendrey. Hindi niya alam kung paano iintindihin ang mga sinabi ni Jarryl sa kanya, dahil nga wala naman siyang kaalam-alam tungkol sa sinasabi nitong kapangyarihan, lalo na kung paano ito ginagamit. Ang tanging alam lang niya ay may kapangyarihan si Khendrey, hindi pa nga lang niya nakita nang harapan. "Kung ganoon, nawalan lang siya nang malay dahil napasubra ang paggamit niya ng kapangyarihan ni Kherra?" tanging sabi nito. "Yes sir, kaya huwag pa kayong mag alala. Kailangan niya pa munang makabawi ng lakas dahil sa nangyari kanina," sagot ni Yuan dito at napatango rin sina Jarryl. Napabuntong-hininga na lang ang ama ni Khendrey at napatango sa mga sinabi nila. "Eh, iyong si Clarise? Anong mangyayari sa kanya?" muling tanong nito. Nagkatinginan sila, bago sinagot ang tanong nito. "Magiging maayos lang siya, kapag nagamot siya. Umalis sina Izyll at pumunta sa kaharian namin. Kukunin nila ang mga bagay na ibibigay nina Khendrey sainyo, bago sila sumama sa amin at dadalhin din nila ang gamot para kay Clarise. Mabuti na lang at hindi nila tinuluyan si Clarise. Kaya naman, magagamot pa siya ng isang gamot mula sa kaharian namin," paliwanag ni Cindy. Napatango naman ang ama ni Khendrey sa paliwanag nila. "Okay, sige, puntahan niyo muna si Clarise. Ako na munang bahala sa anak ko," sabi nito sa kanila. "Sige, tito, lalabas na kami," paalam ni Heart. Tumango lang ito at inalis na ang tingin sa kanila. Bago sila tuluyang lumabas ay sinulyapan pa nila si Khendrey, saka sila umalis. Naiwan ang ama ni Khendrey, na agad hinawakan ang kanyang kamay. Dumaloy sa pisngi nito ang luhang gabi-gabi niyang itinatago sa kanyang anak. Simula nang malaman niya ang lahat ay subra siyang nasaktan, dahil mawawalay na sa kanya nang tuluyan ang kanyang anak. Tulad nang sabi niya kay Khendrey, ginawa niya ang lahat noon para mailayo ito. Ngunit sadyang, kung anuman ang nakatadahana dito ay talagang mangyayari pa rin kahit anong gawin niyang paglayo dito. Ngayon ay dumating na ang araw na malapit na itong mawala sa kanya ay hindi niya maiwasang malungkot. Pinipilit niyang itago dito ang kanyang nararamdaman, para hindi ito malungkot. Ngunit sa tuwing nakikita niya si Khendrey, lalo na ngayon ay talagang sumisikip ang dibdib niya. Hindi niya kayang mawalay sa anak, pero iyon ang nakatadhana sa kanilang dalawa at wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD