Chapter 73

1268 Words
Agad naming dinaluhan si Heart at binuhat siya ni Jarryl sa may cottage. Seryoso akong nakatingin kay Heart, habang pinapagaling ni Cindy ang sugat nito. Alam ko namang laro lang iyon at hindi iyon sinasadya ni Jarryl. Ngunit, nakaramdam pa rin ako nang inis dahil sa nangyari. "Heart, pasensya ka na talaga. Hindi ko iyon sinasadya," hinging-paumanhin ni Jarryl kay Heart. Napapikit na lang at napaupo sa gilid, habang nakatingin pa rin sa kanila. "Pasensya ka na, Khen. Hindi naman iyon sinasadya ni Jarryl," narinig kong sabi ni Izyll sa akin, na tumabi pa sa akin. "Okay lang... Laro lang naman iyon, sa ganoong laro ay may posibilidad talaga na may masasaktan," tanging sabi ko sa kanya. "Hindi nga namin alam kong matutuwa ba kami, dahil nanalo kami sa laro eh. Napaka-unfair iyon sainyo," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Nanalo kayo at walang dahilan para hindi kayo matuwa. It's just an accident. Hindi niyo kailangang makaramdam ng ganyan," sabi ko sa kanya. Mayamaya ay nakita kong unti-unti siyang napangisi, habang nakatingin sa akin. Tsk! Mukhang may naiisip na naman ang isang ito. "Ibig sabihin, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko saiyo?" nakangisi niyang sabi sa akin. Natigilan ako at napaiwas nang tingin sa kanya. Tsk! "Wala na akong magagawa, kayo ang nanalo at ako ang nagbigay nang pagpupustahan natin. Gawin mo kong ano ang gusto mo," sabi ko sa kanya at muling tumingin sa kanya. Nakita kong nakangisi pa rin siyang nakatingin sa akin, na parang may gagawin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan nang pagtingin niya sa akin. "Ngunit, hindi mo maaaring gawin iyon kapag maraming tao. Give me some privacy too.." muling sabi ko sa kanya. "Uhm, okay... pero pwedi ko namang gawin ito, di ba?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako umangal pa sa ginawa niya at hinayaan na lang siya. Napatingin ako kina Heart at nakita kong tapos na siyang pagalingin ni Cindy. "Okay, mukhang nagkasundo na nga kayo sa pustahan niyo. Tsk! Dapat nagpustahan din tayo, Cindy," saad ni Flare at bahagyang natawa. "Tsk! Oonga no? Bakit hindi natin naisip iyon? Sila lang tuloy ang may pustahan at mukhang pabor sa boys natin ang pustahang iyon, haha!" sabi ni Cindy at tumawa. Tama siya, pabor sa mga lalaki ang pustahang iyon. Lalo na sa lalaking katabi ko at bahagyang hinahaplos ang kamay ko. Imbes na mas kabahan ako ay tila gumaan pa ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa niya. Nakaka-relax, kumbaga. Hays! Bahagya akong napasulyap sa dagat at may natanaw akong yate na papalapit sa isla. Pamilyar sa akin ang yate, at mukhang sina Daddy na ang sakay nito. Kaya naman tumayo ako. "Sasalubungin ko lang sina Daddy," sabi ko sa kanila. Hindi ko na hinintay pang sumagot sila at tumalikod na ako. Ang kaso, parang ayaw naman humiwalay sa akin ang isang ito at nakasunod pa rin sa akin. Kaya hinayaan ko na lang. "Magpapaalam ako sa Daddy mo, na liligawan kita," narinig kong sabi niya. Kaya naman napahinto ako at napatingin sa kanya. Seryoso ba siya? "Sasabihin mo kay Daddy na nanliligaw ka sa akin?" kuno't noo kong sabi sa kanya. "Oo, para naman may basbas ako sa kanya na ligawan ka. Para na rin pagkatiwalaan niya ako saiyo," nakangiti niyang sabi sa akin. Napasinghal na lang ako sa sinabi, saka napairap at naunang naglakad. Nakita kong malapit na sina Daddy, kaya naghintay na lang ako na makarating sila. "Sigurado naman akong papayagan niya ako. Gusto kaya ako ng Daddy mo," nagmamayabang niyang sabi. "Ganoon? So, hindi na kita maaaring magustuhan dahil nandiyan na pala si Dad," nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "Sandali, hindi naman sa ganoon. Ang ibig kong sabihin, gusto ako ng Dad mo para saiyo... ganoon iyon," paliwanag niya pa. Tsss. Napairap na lang ako sa kanya at inalis na ang tingin. Hindi na siya nagsalita pa, hanggang sa makarating na ang yate kung saan lulan sina Daddy. Mayamaya ay nakita ko si Daddy na bumaba sa yate. Napansin ko pang napahinto siya, nang makita kami. Kaya naman ngumiti ako at kumaway sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon sa akin, bago muling nagpatuloy sa pagbaba. Kasunod naman niya si Tito, na tila hinahanap nang tingin si Heart. Nang mapansin niyang wala ito ay nagpatuloy na siya sa pagbaba, tulad ni Daddy. Nang makababa na si Dad ay sabay kaming lumapit ni Izyll sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at bahagyang niyakap. "Hello, sir," bati ni Izyll kay Dad. "Nagustuhan niyo ba ang isla?" nakangiting tanong ni Dad sa kanya. "Of course, we like it!" masiglang sabi niya. "Mabuti naman kung ganoon," saad ni Daddy. "Khen? Nasaan sina Heart at ang iba?" narinig kong tanong sa akin ni tito, kaya napatingin ako sa kanya. Umalis ako sa pagkakayakap kay Dad at sinagot si Tito. "Nandoon sa cottage, nasugatan kasi siya kanina sa laro namin. Ngunit maayos na rin siya dahil nagamot na siya ni Cindy," paliwanag ko kay tito. Tinuro ko sa kanya kung saan naroon ang cottage. Nakita ko naman ang pag alala niya, nang marinig niya ang nangyari kay Heart. Sabagay, ama siya. Kaya naman talagang mag aalala siya, kung may mangyari man kay Heart. "Ganoon ba? Sige, pupuntahan ko siya," sabi niya at mabilis na naglakad patungo sa cottage. Kaya naman naiwan kaming tatlo ni Izyll at Daddy. "Let's go," angyaya ni Dad. Ngunit bago pa kami makahakbang ni Daddy ay biglang nagsalita si Izyll. Kaya naman, pareho kaming napahinto ni Daddy. "Sir, may sasabihin lang sana ako," sabi niya at batid ko ang kaba sa boses niya. Wow ah? May tinatago rin pa lang kaba ang isang ito? "Izyll, huwag mo na akong tawaging sir, tito na lang kung maaari. Kaibigan ka na ng anak ko, kaya iyon na ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi ni Dad kay Izyll. Hays! Mukhang palagay na nga ang loob ni Daddy kay Izyll. Sa aura pa lang nila pareho ay talagang magkakasundo sila. "Okay, thank you, tito. By way, may sasabihin po sana ako saiyo o sa madaling salita ay magpapaalam po sana ako sa inyo na may balak akong ligawan si Khendrey. Gusto ko sanang hingin sa inyo ang basbas niyo, bilang manliligaw niya," pormal na sabi ni Izyll kay Daddy. Hindi ako nakapagsalita at bahagyang napaiwas sa sinabing iyon ni Izyll. Naramdaman ko naman ang tingin sa akin ni Daddy, subalit hindi ko siya tiningnan. Bumalot sa akin ang kakaibang kaba. Teka nga! Nanliligaw pa lang naman di ba?ay posibilidad pa rin na hindi magiging kami, kung hindi ko siya sasagutin. Hays, talaga nga kayang hindi ko siya sasagutin? Tsk! "Oh? Ibig sabihin ay nanliligaw ka pala kay Khendrey?" nagugulat na sabi ni Daddy. "Oo, tito... alam na rin niya kung ano ang gusto ko at kung bakit ko siya nagustuhan. Gusto ko lang ipaalam sainyo ang balak ko saiyong anak. Umaasa rin po ako sa suppurta niyo," muling sabi ni Izyll kay Daddy. Napatingin naman ako kay Dad at nakita kong nakangiti siya, saka napatingin sa akin. "Ganoon ba? Sige, huwag kang mag alala. Ipapaubaya ko saiyo ang anak ko at sana maging totoo ang nararamdaman mo para sa kanya. Huwag ka rin masyadong kampante dahil pumayag ako. Si Khendrey pa rin ang magdedesisyon kung sasagutin ka niya o hindi," sabi sa kanya ni Daddy. "Okay, tito, naiintindihan ko," sabi ni Izyll at nakangiting tumingin sa akin. Napaismid lang ako. Matapos naming mag usap ay inaya ko na sila patungo sa cottage. Sabay na kaming naglakad patungo doon. Habang si Izyll ay hindi maalis ang malaking ngisti sa kanyang mukha. Baliw talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD