Chapter 44

2045 Words
Nahinto ako sa pagbaba ng hagdan at mula rito ay natatanaw ko si Gajeel na nakaupo. Kasama niya si Zhennie at mukhang nag uusap silang dalawa. Batid kong pinipigilan lang rin ni Zhennie ang galit na nararamdaman niya kay Gajeel. Sa ngayon ay iyon muna ang magagawa namin, ang makisama sa kanya. Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagbaba. Doon lang nila ako napansin at pareho silang napatayo. "Khen, I'm sorry, hindi ko alam na nawawala pala si Heart. Pasensya ka na, huwag na lang natin ituloy ang lakad natin," agad na sabi ni Gajeel at pinapakita niyang nag aalala siya sa nangyari kay Heart. "No, it's okay. Pinapahanap na namin siya ng mga tauhan namin. Huwag ka nang nang mag alala," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sigurado ka?" Napatango ako. "Tara na, Zhennie, ikaw na munang bahala dito at kung may balita kay Heart tawagan mo ako," sabi ko kay Zhennie. Napatango naman siya sa sinabi ko at inaya ko nang lumabas si Gajeel. Hinawakan niya agad ang kamay ko at hinayaan ko lang iyon. Bago pa kami tuluyang makalabas sa mansion ay naalala ko bigla si Izyll. Tsk! Napahinto at bumaling kay Zhennie, na nakatingin pa rin sa amin. "Oonga pala, may pesteng pumasok sa kwarto ko, ikaw nang bahala," sabi ko. Hindi ko alam kung nakuha ni Zhennie ang tinutukoy ko pero bahala na siya. Ang importante ngayon ay kasama ko si Gajeel, siya ang magiging daan upang magtagumpay ang plano namin. Nang makalabas na kami ng Mansion ay sumakay kami sa kotse niya at umalis. "Pasensya talaga, Khen, kung hindi ko kaagad nalaman na nawawala pala si Heart. Ngayon ko lang nalaman nang sabihin ni Zhennie iyon," mayamaya ay sabi niya habang nagmamaneho siya. "Ayos lang, hindi mo naman kailangang malaman kung anong nangyayari sa amin," sabi ko sa kanya. Pinanatili ko pa rin kung paano ko siya kausapin dahil siguradong magtataka siya kung biglang magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Mautak din kasi ang isang ito kahit may pagkatanga minsan. "Ano ka ba, magiging parte na rin ako ng pamilya niyo kung sakali. Kaya hindi pa rin maiwasang mag alala ako, lalo na ngayon na nawawala si Heart," muling sabi niya. Napabuntong-hininga ako. "Okay," tanging sabi ko sa kanya. "Huwag kang mag alala, tutulong na rin kami sa paghahanap kay Heart," sabi niya. Napatango lang ako sa sinabi niya at ibinaling na ang tingin sa labas ng kotse. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Izyll kanina. Muli akong nakaramdam nang inis at kaba dahil sa kanya. Alam ko sa sariling nagustuhan ko ang halik na binigay niya sa akin. Ngunit iyong sinabi niya kanina, na minarkahan na niya ako, dahil para lang ako sa kanya. Bakit? Bakit ako para sa kanya? Nakakalito din ang isang iyon at kung ano-ano na ang sinasabi. Tsk! "Si Heart pa rin ba ang iniisip mo? O ibang tao?" mayamaya ay narinig kong sabi niya. Natigilan pa ako sa tuno nang pananalita niya, kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatuon sa kalsada ang kanyang mga mata, ngunit bahagya siyang napasulyap sa akin. "Tama ba ang naiisip ko? Na ibang tao ang iniisip mo ngayon at hindi si Heart?" muling sabi niya. Kuno't noo naman akong nakatingin sa kanya. Paano naman niya nalamang ibang tao ang naiisip ko sa sandaling ito. "Bakit mo naman nasabing ibang tao ang naiisip ko ngayon at hindi si Heart? At sinong ibang tao naman ang tinutukoy mo?" seryoso kong tanong sa kanya. Hinintay ko naman ang sagot niya at mayamaya ay natawa siya. Napabuntong-hininga na lang ako at iniwas ang tingin sa kanya. Minsan pa naman may pagkabaliw din ito, kung kailan seryoso saka ka lang tatawanan. Kaya nakakainis din talaga ang ugali nito. Ganyan siya palagi kapag naging seryoso na ang usapan at talagang maaasar ang kasama niya. "Wala lang, baka nga kasi na ibang taong iniisip mo. Ngunit alam ko naman na sa ganitong sitwasyon ay talagang mag aalala ka kay Heart. Sana magkaroon na tayo ng balita sa kanya," tanging sabi niya. "Yeah, sana rin ay walang ginawa ang taong may hawak sa kanya. Dahil hindi ko palalampasin iyon, talagang pagbabayaran ng taong iyon ang lahat ng gagawin niya kay Heart," seryoso kong sabi. Napansin ko namang napalingon siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Sana nga, kilala pa naman kita. Malas lang ng taong iyon at kinalaban ka pa niya. By the way, may kinalaman kaya si Rigor sa nangyari kay Heart?" mayamaya ay sabi niya. Napailing ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam at aalamin ko pa. Isa rin ang lalaking iyon, sumasakit ang ulo ko doon," napapailing kong sabi. "Sabagay, maging ako ay walang makuhang balita tungkol sa kanya. Mautak din sa pagtatago ang lalaking iyon," sabi niya. Sang ayon ako doon sa sinabi niya. Mautak sa pagtatago si Rigor, lalo na kung isa rin siya sa nagtatago kay Rigor. "Nandito na pala tayo," muling sabi niya at napaitingin ako sa lugar na tinutukoy niya. Nasa isang restaurant kami, at hindi lang ito simpleng restaurant. Masyadong engrande ang palamuti sa paligid nito, maging ang ilaw ay umaatrak din sa paligid. Nauna siyang lumabas sa kotse at mabilis na umikot upang buksan ang pinto na nasa tabi ko. Hinayaan ko na lang ang gusto niya dahil iyon naman ang plano ko. Ang hayaan siyang gawin ang nais niya, pwera na lang sa ibang bagay tulad no'ng ginawa ni Izyll kanina. Tsk! Nakakainis pa rin talaga iyon, hays! Inabot niya sa akin ang kanyang kamay, nang mabuksan na niya ang kotse. Kaya tinanggap ko iyon at humawak na sa kamay niya. Inaya niya na akong papasok sa restaurant at pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang staff sa restaurant na iyon. Sinabi niya sa staff na naka-reserve na siya, kaya inakay kami nito sa bakanteng mesa. Sumunod kami sa kanya at inalalayan pa rin ako ni Gajeel, maging sa pagkakaupo. Masasabi kong napaka-gentleman niya sa lagay na ito. Kahit na alam kong sa sarili, na pareho kaming nagpapanggap sa isa't isa. Inabutan kami ng menu at pinapili ako ni Gajeel. Kaya naman sinabi ko na ang aking gusto at maging kay Gajeel. Habang naghihintay kami sa aming order ay nagsimula siyang kausapin ako. "By the way, my mom ask me to tell you about our wedding. Sinasabi niya kung nakapag isip ka na kung anong araw o buwan. Sana lang raw ay huwag na sa sunod na taon," mayamaya ay sabi niya, habang nakangiting nakatingin sa akin. Tss, isa rin ang desperadang ina niya. Hindi ko talaga maintindihan kong bakit minamadali nila ako sa kasal namin, ganoong wala naman talaga sa plano ko ang makasal sa kanya. Pinapakisamahan ko na nga lang siya, tapos ngayon heto at kinakausap na naman ako sa kasal, tsk! "Hindi ko pa naisip ang tungkol diyan, pasensya ka na at medyo naging abala din ako nitong nakaraang araw. Ngunit pagkatapos ng mga nangyayaring ito ay pag uusapan na natin iyon. Okay lang ba saiyo?" malumanay kong sabi sa kanya. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko, ngunit mayamaya ay ngumiti siya sa akin. "Okay, naiintindihan ko. Akala ko kasi nakalimutan mo na dahil may isang taong dumating saiyo," sabi niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Kanina ko pa napapansin na may isang tao kang tinutukoy. Maaari mo naman sigurong sabihin sa akin kung sino iyon di ba?" Napatitig siya sa akin nang mabuti at napangiti. "Iyong si Izyll, napapansin kong medyo malapit kayong dalawa. Kamakailan mo lang naman sila nakilala, kaya nagtataka ako kung bakit ganoon kadali mo lang sila naging kaibigan. Bukod sa naging kaibigan mo sila ay si Izyll ang napansin kong kakaiba kung tumingin saiyo. Hindi mo ba iyon napapansin?" saad niya sa akin. Napaiwas ako nang tingin sa kanya, madali lang naman sagutin ang sinabi niyang iyon pero hindi agad ako nakapagsalita. Kaya nanatili siyang nakatinging sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko. Napabuntong-hininga ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong mong iyon. Ngunit tama ka, naging malapit kami pero hindi ibig sabihin ay may iba na sa aming dalawa. Siguro naman kilala mo ako, hindi ako iyong tipong makikipagkaibigan kung wala akong kailangan," mariing sabi ko sa kanya. Nilabanan ko ang tingin na binibigay niya sa akin at pareho kaming natahimik dalawa. Napukaw lang ang tensyon sa pagitan naming dalawa, nang dumating ang in-order naming pagkain. Inaya na niya akong kumain, kaya naman kumain na rin ako. "Kung ganoon, maaari ko bang malaman kung ano ang kailangan mo sa kanya? Siguro naman maaari ko nang malaman ang lahat nang mayroon saiyo, dahil magiging asawa mo na naman ako," mayamaya ay sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya habang kumakain. Napangiti ako. "Hindi naman purket magiging asawa na kita ay maaari mo nang alamin ang lahat ng mga bagay-bagay na nasa akin. Maaaring may masabi ako, ngunit sana maintindihan mo rin na hindi lahat. Subalit ang tungkol kina Izyll ay hindi ko alam kung sasabihin ko nga ba saiyo. It's very confidential. Isa lang ang masasabi ko, hindi mo kailangang mag alala kay Izyll. Ikaw ang pakakasalan ko at wala ng iba," sabi ko sa kanya. Gusto kong isuka ang kinakain ko dahil sa huli kong sinabi. Sana nga lang at maniwala siya doon. Hays! Hindi ko alam kung matatagalan ko siyang makasama ngayon. Kaya ang nais ko ay matapos na ang gabing ito para makalayo na ako sa kanya. Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko at mayamaya ay hinawakan niya ang kamay ko. "Inaasahan ko lahat ng sinabi mo. Sana huwag mo akong biguin, Khen," sabi niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya at hinawakan rin ang kamay niya. "Huwag kang masyadong mag alala, Gajeel. Tutuparin ko ang mga sinabi ko saiyo, kaya huwag munang isipin pa ang mga bagay-bagay na bigla na lang dumating sa atin. Ang importante ay nandito tayo para sa isa't isa. Hindi ko man maamin saiyo ang totoo kong nararamdaman, asahan mong may puwang ka sa puso ko," pagkakailang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya, mukhang natutuwa siya sa mga sinabi ko. Napatango naman siya sa sinabi ko at nagpatuloy kami sa pagkain. Habang nag uusap pa rin. Muling bumalik sa usapan namin ang tungkol kay Heart. Kaya naman pinaparamdam ko sa kanya, na hindi ko sasantuhin ang gumawa no'n kay Heart. Matapos naming kumain ay niyaya niya akong bay walk at nanatili kami doong ng ilang oras, habang nagkukwentuhan. Kung wala lang siyang ginawang masama sa pamilya ko ay aaminin kong magiging kaibigan ko siya at maaari kong sabihin sa kanya ang lahat. Subalit kahit anong isip ko na inosente siya ay lumalabas pa rin ang nakatagong ugali niya. Masaya siyang kasama at pala-kwento, higit sa lahat ay mapagpanggap. Matapos naming manatili doon ng ilang oras ay inaya ko na siyang umuwi dahil gusto ko na rin magpahinga. Kaya naman pumayag siya at umuwi na kami. Inihatid niya ako sa Mansion at hindi na siya pumasok pa. Umalis na rin siya, kaya naman pumasok na ako sa mansion. Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Zhennie, na agad na napatayo nang makita ako. Kuno't noo siyang nakatingin sa akin at sinalubong ako. Pak! Bigla na lang niya akong hinampas sa balikat at medyo masakit iyon. Kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Para saan naman iyon?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Para saan? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo kanina, na may peste sa kwarto mo? Akala ko pa naman kung ano, tapos tao lang pala? Nagdala pa naman ako insect spray para mawala ang pesteng sinasabi mo! Hays!" napapailing niyang sabi sa akin.. Oh? Si Izyll? Tsk! "Alangan namang sabihin ko saiyo kanina na nasa kwarto ko siya, sa harap mismo ni Gajeel? Malamang magtataka iyon, temang," napapailing kong sabi at napaupo sa couch. "Well, you're right. So, kumusta ang lakad niyo, no'ng baliw mong fiancee?" tanong niya sa akin. "Tsk! Huwag mo na akong tanungin at naiinis ako. Magpapahinga na muna ako," sabi ko sa kanya at tumayo, saka naglakad patungo sa kwarto ko. Hindi na niya ako pinigilan pa at hinayaan na lamang. Dumeritso ako sa kwarto at pumasok. Pagkasara ko ay naramdaman ko kaagad na hindi ako nag iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD