Chapter 36

2035 Words
THIRD PERSON'S POV Panay ang sulyap nina Jarryl kay Izyll, nang mapansing tahimik ito. Kanina pa ito tahimik, simula nang makaalis sila sa mansion ng magpinsan. Nararamdaman nila ang kakaibang inis mula rito at alam nila kung bakit. "Huwag mo masyadong ipahalata na nagseselos ka," mayamaya ay sabi ni Flare sa kanya. Natigilan naman si Izyll sa sinabing iyon ni Flare at agad napalingon dito. Kuno't noo siyang tiningan ang babae, na nakapapailing sa kanya. "Hindi ako nagseselos," sagot niya sa sinabi nito at iniwas ang tingin dito. Napasinghal naman si Flare sa sinabing iyon ni Izyll, dahil para sa kanyan ay halatang nagseselos ito. "Hindi kami bulag para hindi makita ang itsura mo," muling sabi ni Flare. "Oonga, maging iyong paggamit mo ng kapangyarihan kanina sa kanila ay napansin namin at nasisiguro akong napansin rin iyon ni Khendrey," komento naman ni Cindy at napangising nakatingin sa kanila. "Tss," tanging tugon ni Izyll at pilit na umiiwas sa mga ito. "Kungay nararamdaman ka sa kanya ay iparamdam mo, para maagaw mo siya doon sa fiancee niya, haha!" mayamaya ay sabi naman ni Jarryl, ja siyang nagmamaneho sa kotse kung nasaan sila. Napakunot-noo namang napatingin si Izyll sa pinsan at bahagyang sinamaan ito nang tingin. "Halata naman talaga na may gusto ka na sa kanya. Kaya nakakagulat rin iyon, kung bakit biglang nagkaganoon," napapailing na sabi naman ni Yuan at tumingin pa kay Izyll saka napangisi. Kaya naman pinulot ni Izyll ang maliit na unan, na nasa upuan niya at binato sa mukha nito. "Tumigil na nga kayo, kung ano-ano ang napapansin niyo," naiinis na sabi ni Izyll sa kanila. "Bakit? Totoo naman ah? Ngunit, seryoso, may gusto ka na ba talaga kay Khendrey?" mayamaya ay sabi na naman ni Flare at nilapitan pa si Izyll, na bahagyang umiwas. "Ano na, sabihin mo na ang totoo para matulungan ka namin," pangungulit ni Flare dito. "Tsk! Oona! Mayroon! Ano, masaya na kayo?" naiinis at napipilitang sagot ni Izyll sa mga katanungan ng mga ito. Kaya naman naihinto ni Jarryl ang sasakyan at sabay silang napatingin kay Izyll habang hindi makapaniwala sa narinig. "Wow! Talaga?!" komento ni Jarryl. "Tsk! Bakit ba ang dami niyong tanong? Kailangan ba alam niyo lahat?" naiinis niyang sabi sa mga ito. Sabay na natawa ang mga ito dahil sa kanya at muling pinaandar ni Jarryl ang kotse. "Then, let's celebrate! Inlove na ang kaibigan natin! Yooho!" masayang sigaw ni Yuan at maging sina Flare ay sumigaw na rin. Hindi alam ni Izyll kung ano ang magiging reaksyon niya dahil sa subrang saya ng mga ito. Napapailing na lang siya at palihim na napangiti. Maging siya ay hindi makapaniwala na may gusto na nga siya kay Khendrey. Hindi niya makalimutan ang ginawa niya sa dalaga, doon mismo sa kusina ng mga ito. Naalala niya ang mukha ni Khendrey, kung gaano ito nakaramdam ng kaba dahil sa ginawa niya at kung hindi lang dumating si Zhennie ay baka nahalikan na nga niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kanina, habang nasa ganoong sitwasyon sila. Marami siyang gusto sabihin dito, ngunit hindi niya masabi. Ngunit alam niya sa sarili na may gusto na nga siya sa dalaga. Hindi niya alam kung kailan iyon nagsimula, siguro ay dahil sa lagi niya itong nakakasama at nakakausap. Magaan ang loob niya sa dalaga at isa iyon sa naging dahilan upang maging malapit pa siya dito. Ngunit ang katotohanan na nakatadhana na ito sa iba ay hindi niya matanggap. Naiinis siya kung bakit may fiancee na ito, ngunit alam niya rin sa sarili na wala siyang magagawa. Kung pareho lamang sana sila nang nararamdaman ni Khendrey ay siguradong ito mismo ang kakalas sa kasunduan nitong makasal sa iba. Napabuntong-hininga na lamang siya sa kanyang naisip. Basta ngayon ay masaya siya sa nararamdaman niya at hindi na niya iyon mapipigilan pa. Nasa isip na rin niya na gagawin niya ang lahat upang iparamdam dito ang kanyang tunay na nararamdaman. Nang makarating siya sa kanilang mansion ay hindi na niya pinansin ang mga ito at dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Agad siyang napahiga at bahagyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi rin mawala sa isip niya ang mga tingin ni Khendrey sa kanya. Pakiramdam niya ay may iba pang sinasabi ang mga mata nito sa kanya, na tila binibigyan siya nang pag asa. Habang nag iisip siya ay may naramdaman siyang pamilyar na aura na pumasok sa kwarto niya. Kilala niya kung sino ito at hindi siya maaring magkamali sa kanyang naramdaman. "Bakit nandito ka, Firen?" mayamaya ay sabi niya at napamulat ng mga mata. Bumaling siya sa isang nilalang nakaupo ngayong sa may mesa, malapit sa kama niya. Nakita niya kung paano tumaas ang kilay nito at napapailing na nakatingin sa kanya. Walang iba kundi ang guardian fairy niya, na katulad rin ng guardian ni Khendrey. Maliit din ito at kulay pula ang pakpak nito. Sumisimbolo ito sa kapangyarihan nitong apoy, na katulad din ng kapangyarihan ni Izyll. "Bakit? Masama bang bisitahin ka?" mataray na sagot nito sa kanya. "Hindi naman, nakakagulat lang kasi dahil nandito ka. Hindi mo naman kasi ugaling sundan ako, dahil talagang bigla ka na lang lumilitaw kahit hindi kita kailangan," saad niya dito. Umakto itong tila nasaktan sa sinabi niya at napahawak pa talaga sa dibdib nito. "Kailangan ko bang masaktan dahil sa sinabi mo? Tsss, natural guardian mo ako at lilitaw talaga ako kung kailan ko gusto. Lalo na at may isang guardian fairy na gumagala sa mundong ito," sabi naman nito. Natigilan naman si Izyll dahil sa sinabi nito. Napakunot-noo siyang nakatingin ngayon dito. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya dito. Napairap naman ito sa tanong niya at bahagyang lumipad. Sinundan niya lang ito nang tingin at hinihintay kung magsasalita ba ito.. "Hindi mo pa rin ba alam na nagising na ang guardian fairy ni Khendrey?" sagot nito at huminto sa paglipad sa kanyang harapan. Natigilan naman si Izyll at hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Firen. Napapailing siya bilang sagot dito. "Hindi ko alam at hindi ko iyon naramdaman," kuno't noo niyang saad dito. "Tss, masyado ka kasing naka-fucos diyan sa nararamdaman mo sa kanya. Tsk! Nagkita at nagkakilala na rin siya," muling sabi nito sa kanya. Nagtataka naman siyang nakatingin ngayon dito, dahil wala siyang kaalam-alam na nagkita na si Khendrey at ang guardian nito. May naramdaman siyang kakaibang aura kanina pero hindi niya masabi kung ito nga ba iyon o hindi. "Paano mo naman nalaman na nagkita at nagkakilala na sila?" nagtatakang tanong niya dito. Nasapo ni Firen ang kanyang noo at napapailing na lang dahil sa tanong na iyon ni Izyll. Hindi nito alam kung paano sasabihin kay Izyll, kung gaano ito kahina mag isip para sa kanya. "My god, Izyll, you know me right? Since you are the prince of your world, then I will be a princess in my world. Alam mo naman siguro na isa rin ako sa namamahala sa mga bagong sumisibol na buhay. Sabagay, hindi ka pa naman nakakapunta sa fairythena, kaya wala kang alam sa lugar namin. But I'm telling you, her guardian is already awake and soon, the guardian of white pixie dust will wake up too. So, you better hurry of your mission, because you know what they can do," saad nito sa kanya at naging seryoso sa huli nitong sinabi. Hindi naman agad nakapagsalita si Izyll at iniisip na tama ang sinabi nito. Alam na ni Khendrey ang lahat, kaya dapat ay sabihin na rin nito kay Heart kung sino talaga sila. "But now, Mrs. Trinity give her a mission. She will enter your kingdom with out you noticing it. Kasama niya ang kanyang guardian na Pupunta doon. Para kunin ang ilang sandata at proteksyon laban sa mga taga-itim na salamangkero. Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy kong mga taga-itim hindi ba?" seryoso nitong sabi sa kanya. Seryoso siyang napaisip sa sinabi nito dahil alam niya ang tungkol doon. Nakita na niya ang kapangyarihan na ginamit ng mga ito kay Clarise at nasisiguro niyang nakabantay lang sa kanila ang mga ito, na kahit ano mang oras ay aatakihin nila si Khendrey. Kaya talagang hangga't hindi pa sila nakakapunta sa kaharian nila ay dapat may proteksyon ang mga ito. "Anong kukunin nila at paano mo naman nalaman iyan?" tanong niya dito. Nakita niya kung paano ito umirap sa kanya. Noong una niya itong nakilala ay talagang ganito na ang ugali nito, mataray pero mabuting kaibigan rin para sa kanya. "Narinig ko mismo na iyon ang pinag usapan nila kanina. Kukunin nila ang nakatagong sandata sa lugar na hindi pa ninyo napupuntahan, dahil nga ipinagbabawal iyon sa inyo. Kaya pag isipan mong mabuti kong anong magagawa mo para sa kanya," sabi nito kay Izyll. Napaisip naman siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano nga ba ang pinupunto nito, ngunit alam niya kung gaano ka delikado para kay Khendrey ang pumunta sa lugar na pinagbabawal na puntahan, lalo na ang katulad nila. "Kakausapin ko siya tungkol sa bagay na iyan," sabi ni Izyll. "Tsk! Ano ka ba, hindi ba malinaw sa iyo na isa itong misyon na ibinigay sa kanya? Tapos ngayon kakausapin mo siya? Tss, narinig ko na nga na walang makakaalam sa plano nila, kaya malamang hindi siya magsasabi saiyo tungkol doon," mataray na sabi ni Firen sa kanya. Napakamot naman siya sa noo at doon niya napagtanto ang tinutukoy nito kanina. "Kung ganoon, palihim ko na lang siyang tutulungan sa misyon niya, nang hindi niya nalalaman," sabi niya at napatango-tango pa. Napasinghal lang si Firen at napapailing na napatingin sa kanya. Ngumiti naman si Izyll sa kawalan at iniisip kung ano ang magagawa niya para kay Khendrey. Gagawin niya ang lahat para makatulong sa misyon nito, dahil alam niyang para kay Khendrey ay hindi iyon madali. Mundo nila ang papasukin nito at hindi nito kabisado ang lugar. Kaya nasisiguro niyang medyo mahihirapan nga ito. "Sigurado ka ba sa nararamdaman mo para sa kanya?" mayamaya ay tanong ni Firen sa kanya. Natigilan naman si Izyll at napatingin dito. Nakita niyang seryosong nakatingin sa kanya si Firen. Napabuntong-hininga na lang siya sa tanong nito, bago sumagot. "Well, sa ngayon oo, sigurado ako. Masaya ako sa nararamdaman ko at sa kanya ko lang ito naramdaman. Kaya naman hindi ko palalampasin, kung ano man ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Ipaparamdam ko kung gaano siya kahalaga para sa akin," nakangiti at mariin niyang tugon kay Firen. Napabuntong-hininga na lang ito dahil sa kanyang sinabi. Ngayon lang nakita ni Firen na naging ganito sa isang babae si Izyll. Maraming nagkakagusto sa kaharian nito, ngunit nakita niya kung paano nito binalewala ang mga nagkakagusto sa kanya. Kaya kahit hindi niya gusto ang nararamdaman nito para kay Khendrey ay kailangan niya pa rin intindihin ang nararamdaman nito para sa dalaga. Nag aalala lang rin kasi siya, dahil ngayon lang naman nito nakilala at nakasama si Khendrey. Natatakot lang siyang masaktan ito nang maaga, dahil sa nararamdam nito. Subalit, may isa pang namumuong pagdududa sa isip niya. Lalo na nang makita at makilala niya ang fiancee ni Khendrey. Hindi man siya makalapit dito ay kaya niya pa ring makita ito kahit nasa malayo siya. "Iyong fiancee ni Khendrey," saad niya. Hindi naman makapagsalita si Izyll, matapos sabihin iyon ni Firen. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay tumusok sa dibdib niya, dahil sa kanyang narinig. "What about him?" "I feel strange at him. Wala naman akong nararamdamang kapangyarihan sa kanya o ano. Kaya lang iyong mga mata at bawat pagngiti na pinapakita niya kay Khendrey ay iba. Para bang nagpapanggap lang ito na mabait," seryosong sabi ni Firen. Napakunot-noo naman si Izyll, matapos iyong marinig. Hindi niya aakalaing kahit ngayon pa lang nila nakita ang Fiancee ni Khendrey ay nagawa na nitong titigan ang lalaki. Alam ni Izyll na kapag ganoon ang sinasabi ni Firen ay talagang may kakaiba talaga at naniniwala siya sa kung anong nakikita nito. Dahil maging siya ay ganoon rin ang kanyang nararamdaman. "Kikilalanin ko pa siyang mabuti, dahil kung hindi natin siya kalaban ay baka kalaban siya nina Khendrey," mariing sabi ni Izyll. Napatango na lang si Firen bilang pagsang ayon sa sinabi nito. Nasisiguro nilang may nakatagong ibang pagkatao ang Fiancee ni Khendrey, na si Gajeel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD