Chapter 31

2026 Words
Matapos ang buong klase ay sumabay sa amin sina Izyll, patungo sa parking lot. Tsk! Nasasanay na nga ata silang sumasabay sa amin. Sabagay alam ko naman kung bakit sila ganyan. Ang sabi nga ni Izyll, misyon nila kami kaya siguro ay ganoon sila sa amin. Kaya naman hinayaan ko na lang, mabuti na rin iyon at may nakabantay rin kay Heart bukod sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa Parking lot ay nasalubong namin si Clarise, na paika-ika pa rin sa paglakad. Hindi na sana namin siya papansinin, pero talagang humarang siya sa dinaraanan namin. "What?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. Sinamaan niya ako nang tingin, maging ang kasama ko. Kaya mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay. "Kung inaakala mo ay tapos na ang lahat sa atin, pwes nagkakamali ka. Kung nakaya mong takutin ang magulang ko, hindi ako. Kaya maghanda ka sa susunod kong pasabog," banta niya sa amin at tumalikod. Bahagya akong natawa sa sinabi niya at mukhang narinig naman niya iyon dahil huminto siya. "Why are you laughing at?" naiinis niyang sabi sa akin. "Talagang humarang ka pa sa harapan namin para sabihin iyon? Bakit? Ano bang kaya mong gawin?" nakangising tanong ko pa sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Izyll sa balikat ko, na para bang pinipigilan ako. "Marami akong kayang gawin, tulad nito," sabi niya at bigla na lang siyang lumapit sa akin. Nagawa niya akong hawakan at sakalin sa leeg. Natigilan pa ako dahil hindi agad ako nakakilos sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay naging ibang tao siya bigla sa ginawa niya sa akin. Namimilipit naman akong nakahawak sa kamay niya upang tanggalin ito, ngunit subra itong mahigpit. "Hey! Clarise, stop it!" awat ni Heart at nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Clarise, na nakahawak sa leeg ko. Subalit nagawa siyang itulak ni Clarise at tumilapon siya sa malayo. Nagulat ako sa nakita ko, bakit bigla na lamang siya lumakas nang ganoon. "G-Get of me! You!" daing ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin. Naiinis ako sa ginawa niya kay Heart, kanya ginamit ko ang buong lakas ko upang makawala sa kanya. Napatitig ako sa mga mata niya at nagulat ako sa nakita ko. Naging kulay itim ang kanyang mga mata at tila may lumalabas na itim na aura mula sa kanya. "Khen! Hey, Clarise enough!" narinig kong awat ni Izyll at pilit rin na tinatanggal ang kamay nito na nakahawak sa akin. Napansin kong natigilan siya nang lumingon si Clarise sa kanya. Mukhang nakita rin niya ang pagbabago ni Clarise. Muling napatingin sa akin si Clarise at mariin akong tiningnan. "I'm going to kill you," sambit niya at diniinan ang pagkakasakal niya sa akin, kaya nahihirapan na rin akong huminga at napapapikit na ako. "C-Clarise!" impit na sigaw ko at pilit pa rin na kumakawala sa pagkakasakal niya sa akin. "I'm going to kill you," muling sabi niya. "Hey! Stop it! Do something guys! Khendrey!" naririnig kong sigaw ni Heart. Napalingon ako sa gawi niya at nakita ko inalalayan siya ni Jarryl at pilit na lumalapit rin sa akin. Naririnig ko ang bawat sigaw nila at pinipigilan si Clarise sa kanyang ginagawa sa akin. Napansin ko rin na tila nahihirapan silang makalapit sa amin kaya sa tingin ko ay may ginawa si Clarise. Ngunit nasisiguro kong hindi si Clarise ang may gawa nito, kundi ang taong gumagamit ngayon kay Clarise. Kahit nahihirapan na akong imulat ang mga mata ko ay pinilit kong buksan muli ang mga mata ko. Inilibot ko ang aking paningin, baka sakaling makita ko ang taong iyon. Habang pinipilit kong labanan ang ginagawa ni Clarise sa akin ay nagawa kong hanapin ang isang taong kilala ko. Nakita ko kung paano lumabas sa mga kamay niya ang isang itim na enerhiya, habang nakangisi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nakita ko. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan nang malay ay ang mukha niya ang nakita. Bakit siya? Anong klaseng nilalang siya? Isa kaya siya sa tinutukoy ni Izyll? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nang maramdaman ko ang kakaibang ihip ng hangin. Nakita kong maliwanag ang paligid at napansin kong nakahiga ako sa damuhan. Kaya nagtataka ako kung bakit nakahiga ako sa damuhan. Ang naalala ko ay nasa campus kami at kasama ko sina Heart at Izyll. Maging ang eksenang sakal-sakal ako ni Clarise. Napahawak tuloy ako sa aking leeg dahil naalala ko ang pagsakal niya sa akin. "Teka, nasaan ba ako?" sambit ko sa sarili at muling napatingin sa paligid. Napakalawak nang nakikita ko at maraming puno sa paligid. Ngunit napahinto ang aking mga mata sa isang bahay. No! Hindi ito isang bahay lang, para itong kastilyo na nakikita ko minsan sa T.V. Natatanaw ko ito mula dito sa kinaroroonan ko. Kaya naman dahan-dahan akong napatayo at pinakiramdaman ang paligid kung may iba bang tao bukod sa akin. Ngunit wala akong nakita, kaya nagsimula akong maglakad patungo sa natatanaw kong kastilyo. Bago ako makarating doon ay may nadaan akong hindi gaanong malawak na fountain. Kaya naman huminto ako at dumungaw doon. Ngunit mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Dahil mula sa tubig ng fountain ay nakikita ko ang aking sarili na sinasakal pa rin ni Clarise. "W-What's this?" naguguluhan kong tanong sa sarili habang nakatingin dito. "Your in other part of my vision.." Natigilan ako nang may narinig na boses, kaya napalingon ako dito at nagulat sa nakita ko. Kaya napaatras ako palayo sa kanya. Nakilala ko siya. Siya iyong nakita kong babae na nakaitim, na bigla na lang nawala ng araw na iyon. Kaya hindi ko alam kung bakit nakikita ko na naman siya ngayon. "S-Sino ka?" nagugulat kong tanong sa kanya. Naglakad siya palapit sa akin, kaya bahagya akong napaatras. Nakita kong paano siya napangiti at tumingin sa tubig kong saan nakikita ko pa rin ang sarili ko na sinasakal pa rin Clarise. "Huwag kang mag alala, wala akong gagawin saiyo at hindi mo rin ako kaaway," sabi niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Nasisiguro kong katulad rin siya nina Izyll, na hindi normal na tayo. "Sigurado akong nakita mo ang taong gumagamit ngayon sa babaeng iyan. Sa totoo lang ay talagang nakakainis ang pag uugali ng babaeng iyan. Subalit mas naging grabe pa iyon dahil siya ang nakita para gamitin laban saiyo. Kaya naman ang maipapayo ko saiyo, ay huwag kang masyadong maging kampante sa kakayahan mo," sabi niya sa akin. Napaiwas ako nang tingin dahil talagang ganoon ang nararamdaman ko. May kakayahan ako at maaari ko iyong gamitin ano mang oras. Ngunit magagamit ko lang iyon kung normal na tao ang makakalaban ko, hindi katulad ng taong tinutukoy nila. "Alam kong may kakayahan ako, pero hindi ko iyon magagamit kung katulad nila ang makakalaban ko. Wala pa akong kakayahan para doon," sabi ko sa kanya. "Alam ko iyon, ngunit para sabihin ko saiyo ay may laban ka pa rin. Kaya sila gumagamit ng ibang tao ay dahil hindi ka nila mahahawakan at masaktan. Kaya naman malas lang ng babaeng iyan dahil siya ang ginamit. Ngunit nanganganib din ang buhay niya, na saiyo kung hahayaan mo siyang mawala," seryoso na niyang sabi sa akin. Kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya at muling tumingin sa tubig kong saan nakikita ko pa rin ang nangyayari. "K-Kung ganoon anong pwedi kong gawin para mailigtas si Clarise?" tanong ko sa kanya. "Kalabanin mo ang taong iyon, gamit ang kakayahan mo. May sandata para doon. Nakikita kong mahusay ka sa martial arts at sa paggamit ng iba't ibang sandata. Kaya naman pweding-pwedi iyon saiyo," sabi niya sa akin. "Anong klaseng sandata iyon?" "Maraming uri nang sandata iyon. Maaari kang mamili doon at makukuha mo lang iyon kung pupuntahan mo ang lugar na kinaroroonan nito," sabi niya. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya, lalo na sa kanyang huling sinabi. Pupuntahan ang lugar na kinaroroonan nito? "Bakit? Saan ba nakalagay ang mga sandatang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. "Nasa kaharian ng Legendarya, sa nakatagong silid sa dulo ng palasyo. Kung gusto mong may proteksyon laban sa mga taga-itim na salamangkero ang mga taong nakapaligid saiyo ay maari mo iyong gamitin. Subalit tanging ikaw lang ang pweding kumuha no'n at hindi mo iyon dapat sabihin kina Izyll. Dahil maging sila ay hindi hinahayaang makapasok doon. So, I'm giving this mission to you, just to protect you love ones," sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, matapos ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko rin alam kung magagawa ko ang sinasabi niyang misyon para sa akin. "H-Hindi ko alam kung magagawa ko ang sinasabi mo. Hindi pa ako kailanman nakapunta sa sinasabi mong lugar," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya. "Alam ko iyon, kaya nga natatanaw mo ang palasyo na iyon di ba?" sabi niya at itinuro ang kastilyo na sinasabi niyang palasyo. Sandali, palasyo nga ba iyon? "K-Kung ganoon, nandito ako sa Kaharian ng Legendarya?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi kong iyon, kaya nagugulat akong napatingin ngayon sa palasyo at nailibot ang paningin sa paligid. Nasa kaharian na nga ba ako nina Izyll? "Ipapaalala ko lang saiyo, na hindi ka rin pweding magtagal sa lugar na ito, dahil bahagi lamang ito ng aking alaala. Binibigay lang kita nang pagkakataong alamin ang mga bagay na sinabi ko saiyo kanina. Sundan mo ang arrow na iyon at ituturo nito ang bagay na sinasabi ko. Ngunit kailangan mo ring tandaan ang bawat daan na madadaanan mo, dahil iyon ang magiging gabay mo sa pagpunta sa totoong palasyo ng Legendarya," paalala niya sa akin. Napatingin ako sa arrow na tinutukoy niya at nakita ko nga iyon. Patungo iyon sa palasyo na tinutukoy niya. "Bago ka pumunta doon ay gusto sanang sabihin saiyo, na kapag nagtagumpay ka sa misyon mo ay siguraduhin mong gagamitin mo sa kabutihan, kung ano man ang kukunin mo doon. Dahil ang sandatang iyon ay para lamang sa mga may mabuting puso, laban sa masasamang tao o elemeto. Huwag mong gamitin iyon laban sa taong walang itim na aurang taglay dahil kapag nagkamali ka ay mapaparusahan ka," paalala niya ulit sa akin. Napatango lang ako sa sinabi niyang iyon. "Aalalahin ko iyon," sabi ko sa kanya. "Sige, hanggang sa susunod nating pagkikita," sabi niya at unti-unting nawala. Napabuntong-hininga ako at bago pumunta sa palasyo ay napatingin ako sa tubig. Nakita kong tuluyan na akong nawalan ng malay at pabalyang binitawan ni Clarise. Napapailing na lang ako at naglakad na patungo sa palasyo. Siguro naman ay hindi nila ako pababayaan doon. May tiwala ako sa kanila lalo na kay Izyll. Sinundan ko ang arrow na patungo doon. Binilisan ko ang paglakad dahil nga ang sabi niya ay hindi ito magtatagal. Tinitingnan ko ang paligid upang alalahanin ang bawat dadaanan ko, kung sakaling makapunta nga ako doon sa palasyo. Sinundan ko lang ang arrow at napansin kong pababa ito patungo sa isang hagdan. Nasisiguro kong kapag nasa palasyo na ako ay maraming mga nakapaligid na kawal. Ganoon ang nakikita ko sa mga palabas, kaya naman hindi ko ako dapat maging kalmado sa pagpasok sa palasyo. Habang tinatahak ko ang silid na sinasabi niya ay napansin kong tila may sumusunod sa akin. Impossible namang siya iyon dahil umalis na naman siya. Nang nasa dulo na ako at natatanaw ko na ang silid ay bigla akong huminto, saka lumingon. Nagkagulatan kaming dalawa, pero mas nagulat ako nang husto dahil sa nilalang na nakita ko. Kaya napaatras ako at hindi makapaniwalang nakatingin dito. "S-Sino ka?!" nagugulat kong sigaw sa kanya. Nasa harapan ko ang isang maliit na nilalang na may pakpak. Para bang isang maliit na fairy ang nasa harapan ko o sadyang isa ngang fairy ang nakikita ko. Nakita kong tila nahihiya pa siyang nakatingin sa akin. "A-Ahm, isa pala akong fairy mula sa fairythena. Ikinagagalak kitang makilala, Khendrey. Ako nga pala si Kherra, ang guardian fairy mo," pakilala niya sa akin. Napakurap ako ng ilang beses, matapos niyang magpakilala sa akin. Sandali! Isang fairy na mula sa F-Fairythena? Anong lugar iyon? At higit sa lahat, g-guardian fairy ko? Paano ako nagkaroon ng guardian fairy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD