Chapter 5

3066 Words
Chapter 5 LUCAS POV Naka tayo ang isang lalaki malapit sa malaking glass window, malaya nitong pinapanuod ang nag lalakihang mga building at establishment sa paligid ng kompaniya mula sa kanyang Opisina. Matangkad at maganda ang hubog ng katawan ng lalaki at naka itim na kasuotan, base pa lang sa kilos at galaw kagalang-galang na ito at kinakatakutan ng kanyang mga nakaka-kilala sakanya. Siya si Lucas Walker, dalawampu't siyam na taong gulang at nag may ma-may ari ng Golden Empire Airlines kong saan niya namana na iniwan sa kanyang Ama na negosyo. Bukod pa doon, tanyag at kilalang-kilala si Lucas sa kanyang husay pag dating sa kanyang mga negosyo at marami din siyang mga ari-arian at isa rin sa kanyang pinapamahala ang ilang mga lupain sa ibang mga lugar sa Pilipinas. Ilang minuto naka tayo si Lucas sa ganung posisyon, seryoso at puno ng misteryo ang kanyang mga mata. Ilang sandali lamang, bumukas ang pintuan ng kanyang Opisina at sunod na lang maririnig ang yabag ng tunog ng sapatos tanda na may pumasok. Ang yabag ng paa, biglang nahinto sa tapat mismo ng lalaki at kaagad naman kina-lingon ni Lucas nang tingin at makita ang kanyang katiwala na tauhan na si Kevin. Nag vow pa si Kevin sa harapan ng Amo tanda ng pag galang at pomosisyon na ito na pag kakataon , at handa ng mag balita kong ano man pinag-uutos nito. "Naka hanap na po ako ng impormasyon sa pinapahanap niyo sa akin, Sir." Wika ni Kevin. Isang ngisi na lang ang sinagot ni Lucas dito at nag lakad na patungo sa bakanteng couch kong sa loob ng kanyang Opisina. Pinili ni Lucas na maupo sa single black couch at nag dekwartro, para itong hari sa kanyang pwesto at pamamaraan ng upo. Samantanla naman ang kanyang katiwala na tauhan na si Kevin, mabilis at maliksi ang kanyang kilos na kinuha sa table ang tablet ng kanyang Amo at malayang binigay dito para masimulan nang matignan kong ano man ang kanyang nagawa. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Lucas na binuksan na ang ipad at tinignan na isa-isa ang mga litrato at ilang mga impormasyon na kanyang pinahanap sa kanyang tauhan. "Naka hanap na ako ng impormasyon at nalaman ko ang totoo niyang pangalan. Siya si Vanessa Mangubat, dalawampu't tatlong taong gulang." Salaysay ni Kevin na naka posisyon na tindig sa gilid ng kanyang Amo at pinapaliwanag dito lahat kahit naka saad naman sa pinadala niya sa mail ang ilang impormasyon na kanyang nakalap. Mahigit limangtaon na nag tra-trabaho si Kevin bilang katiwalang tauhan ni Lucas. Tapat siya dito at pinag bubutihan niya pa lalo ang kanyang trabaho na hindi maka gawa ng anumang pag kamamali, dahil na rin iniiwasan rin na masaksihan nito kong paano ito magalit. Hindi strikto si Lucas sa mga ibang mga bagay at tahimik lamang ito kong mag trabaho, subalit hindi siya ang tipong lalaking nanaisin mong galitin o kaya naman banggain. Pinapadaanan lamang ng tingin ni Lucas ang mga naka saad na mga impormasyon doon. "Ulila na siya sa kanyang mga magulang, at sa ngayon nasa pangangalaga siya ng lalaking nangangalang Lando, na kapatid ng kanyang Ama. May asawa si Lando, at may dalawa rin silang anak na babae." Lihim na imbestigahan ni Lucas ang babaeng naka kilala niya sa Club. Gusto niyang kilalanin pa ito nang lubusan at alamin ang background ng babaeng magiging Ina ng kanyang anak. Umuwang na lang ang ngisi sa labi ni Lucas, na pinapasadahan ng tingin ang litrato sa tablet. Naka paloob doon ang mga samo't-saring mga litrato na palihim na kinunan ng kanyang mga tauhan para mag hukay pa ng impormasyon tungkol sa babaeng nakilala niya. "Isang beses lang siya nag trabaho sa One Dreamers, Club at pinasok siya ng isa sa kanyang kaibigan na nangangalang Sarah." Pag swipe ni Connor sa tablet, tumambad sakanya ang litrato ng isang babae na kasama si Vanessa, at kuha iyon sa Club no'ng araw na mag sisimula pa lang itong mag trabaho. "Did you get any other information, why did she work there?"Malagong at nakaka takot na boses ni Lucas na tumitig sa kanyang tauhan na kina-hinto naman nito. "Kasalukuyan nasa Hospital ang kanyang Tiyo Lando at kailangan ng malaking halaga na pera sa kanyang pag papa-operasyon. Isang jeepney driver lamang si Lando at napag alaman ko rin na baon ang asawa ni Lando sa utang dahil sa pag susugal kaya't kapos na kapos sila sa pera." Lumawak pa lalo ang ngisi ni Lucas sa kanyang mga narinig at pag swipe niya ulit nang tablet, tumambad sakanya na makita ang litrato ni Vanessa na nag lalakad sa Hospital at sumunod naman na litrato na kuha sa Tiyo Lando na nasa silid nito. "Ahh, I see." Wika pa ni Lucas at kina-sandal ng kanyang likod sa couch. Nag karoon siya ng lihim na plano sa kanyang isipan sa kanyang mga nalaman. Nang matapos na matignan ni Lucas ang naka paloob sa naging report sakanya ni Kevin, binigay niya na iyon. "Ihanda mo na ang mga kailangan ko." Isang senyas lamang ni Lucas ng kanyang kamay nakuha kaagad ni Kevin ang kanyang pinag uutos. "Yes Sir." Nag vow pa ito sa harapan ng kanyang Amo at sunod mo na lang marinig ang yabag ng paa paalis at pag bukas-sara ng pintuan na hudyat tuluyan na nga itong naka alis. Naiwan na lang si Lucas mag isa sa kanyang Opisina at ilang sandali pa, gumuhit ang nakaka-lokong ngisi sa kanyang labi na binanggit ang pangalan ng dalaga. "Vanessa, huh!" Nanuya na wika na may laman na plano ang kanyang isipan. VANESSA'S POV "Oh, uminom ka muna." Nilapag ni Sarah ang baso na may lamang tubig at wala naman akong pang-aalinlangan na ininom iyon. Nahimasmasan na ako at ang aking lalamunan na maka inom ng tubig sa labis na uhaw. "Maraming salamat." Nang matapos kong uminom nilapag niya muli sa lamesa at umupo naman ang kanyang kaibigan sa bakanteng silya na gawa sa kahoy sa mismong bahay nito. Pag kagaling niya sa Hospital sa bahay ng kaibigan kaagad ako dumiretso, saktong-sakto naman naabutan niya si Sarah sa bahay at mamayang gabi pa naman ang pasok nito sa Club. Binabantayan ni Sarah ang maliliit niyang mga kapatid at pinatulog niya muna sandali. Ang kanyang mga magulang naman, wala sa bahay dahil pareho nag hahanap-buhay at ilan rin sa kanyang mga kapatid nasa skwela. "Oh, mukhang antok na antok ka ata. Mukhang wala ka pa atang tulog Vanessa." Pukaw na atensyon ni Sarah na kina-ngiti ko naman. "Binabantayan ko kasi si Tiyo sa Hospital." Wika ko pa. Dalawang araw na akong nag babantay sa Hospital at inaasikaso si Tiyo, ako lang na mag isa na kasa-kasama niya habang nag papagaling siya at dalawang araw na rin ako na walang maayos na tulog. "Ikaw lang na mag-isa? Wala kang kapalit sa pag babantay mo?" Umiling naman ako, na kina-nuot naman ng noo ng kaibigan ko. "Sinasabi na nga ba eh. Hindi kana naman tinutulungan man lang nila? Asan ba ang mga pinsan mo, ang Tiya mo?" Tukoy nito. "Nag aaral pareho si Maxine at Alexa kaya hindi sila makapunta-punta na maka dalaw, at si Tiya naman, hindi ko alam kong asan siya." Saad ko pa. Matapos kasi na kunin ni Tiya Erlinda ang pera na kinita ko sa Club, hindi na siya nag pakita pa sa akin. Hindi na siya dumalaw sa Hospital, hindi naman ako nag karoon ng pag kakataon na hanapin o umuwi sa inuupahan namin na bahay dahil hindi ko maiwan-iwan si Tiyo dahil na rin wala siyang kasama. Ngayon sana, wala pa akong balak na umuwi at iwan muna si Tiyo pansamantala sa Hospital ngunit pinilit niya na lang ako na makapag pahingga muna kahit saglit dahil maayos naman siya na mag-isa lamang doon sa Hospital. "Sus, kahit nag aaral sila bakit hindi na ba sila uuwi? Sa school na ba sila tumitira? Grabe ha? Hindi man lang nagawa ng mga bruha mong mga pinsan na dalawin o bisitahin man lang ang kanilang Ama at isa pa din ang pinsan mong si Alexa, manang-mana sa Nanay niya na kay sama ng ugali." Kuda na wika ni Sarah, at halatang mas naiinis pa ito sa pinapakita ng mga pinsan ko. "Hayaan mo na Sarah, okay lang naman iyon at hindi naman ako nag rereklamo. Okay lang sa akin na ako muna ang mag babantay kay Tiyo." Pinandilatan ako ng mata ni Sarah at umayos sa pag kakaupo. "Nakita ko nga kanina ang Tiya Erlinda mo, ayon kasama na naman si Aling Susan, nag lalaro ng sugal doon sa kabilang kanto." Singit ni Sarah at hindi naman ako nag taka kong nasa sugalan na naman si Tiya. Iyon naman talaga ang araw-araw niyang libangan ang pag susugal o kaya naman pag bi-bingo na walang pinalya ito na araw sa pag lalaro. "Kumusta na pala si Tiyo Lando? Pasensiya kana Vanessa, hindi man lang ako maka dalaw man lang. Alam mo na, parating marami ang booking ko sa Club." "Okay lang iyon Sarah, ngayon. Iniisip kong maka hanap ng pera sa pag papa opera ni Tiyo. Kaso iyong ipang babayad ko sa sana sa kinita ko sa Club, sa Hospital ayon kinuha ulit sa akin ni Tiya." Sinapo ko ang aking mukha at ngayon na sstress muli ako, kong saan ako hahagilap ng pera sa pag bibili ng gamot o kaya naman pangangailagan ni Tiyo na maski ako, hindi ko magawang makapasok sa raket ko dahil hindi ko maiwan-iwan si Tiyo. "Anak naman ng tinapa. Pati ba iyon kinuha sa'yo? Wala talagang puso ang Tiya mo na iyan at nuknukan ng sama ng ugali.. Panigurado iyong tinataya niya ngayon sa pag susugal kasama si Aling Susan, galing iyon sa pag tra-trabaho mo sa Club ano?" Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Sarah, dahil tama naman siya. Domoble ang stress at galit na naramdaman ng kaibigan ko na tama siya sa kanyang hula. "Grabe ang Tiya mo ha, sobrang adik sa pag susugal. Ipa rehab mo na kaya iyon." "Sarah." "Oh bakit? Eh kaysa naman na mag susugal, isuko mo na lang siya sa rehab para maging ayos-ayos naman ang pananaw sa buhay, hindi pasarap at pag waldas na lang ng pera ang alam. Nakakapang-gigil." Natatawa na lamang ako sa expression na pinapakita ng kaibigan ko, na siya pa ang dala-dala sa kwento ng buhay ko. "Kong ako sa'yo Vanessan, iwan mo na lang sila dahil malaki kana. Kaya mo nang buhayin ang sarili mo.. Aba, ikaw na lang inaasahan sa pang araw-araw na pag kain pati ba naman sa pag papagamot ng Tiyo mo, sa'yo pa naka asa ang Tiya Erlinda mo.. Tignan lang natin anong mangyayari kapag iniwan mo sila, mararanasan nilang mag hirap at mataranta kapag wala na silang maasahan na pera mula sa'yo." Nag cross arms pa ng kamay si Sarah sa harapan ko at hindi ako nakapag salita. "Hindi ko kayang umalis Sarah, lalo't nahospital si Tiyo at ganito ang kalagayan niya." Wika ko pa. "Hindi pa niya kayang makapag trabaho at nag aaral pa rin ang mga pinsan ko at si Tiya naman nakita mo na diba ang sitwasyon nila, diba? Hindi ko kayang iwan na lang si Tiyo na ganito ang kalagayan." Naging mahina ang tinig ko at malamlam kong tinignan ang kaibigan ko. "Si Tiyo na lang ang pamilya na mayron ako at ayaw ko rin na pati siya mawala rin sa akin." "Iyan kasi, nanaig parati sa'yo ang awa at lambot ng puso mo. Kaya pinag sasamantalahan ka parati ng Tiya Erlinda mo dahil alam niyang hindi mo matiis at mahihindian ang Tiyo Lando mo." "Masisisi mo ba ako, Sarah?" Malambing kong tinig. "Mahal ko ang Tiyo at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang gumaling siya." Mapait akong ngumiti at hindi na naka- imik pa ang kaibigan ko. "Sige na nga, susuportahan na nga kita kahit hindi ko talaga gusto ang Tiya mo at ang mga kontrabida mong pinsan." Pag susungit nito, na napa-ngiti na lang ako. "Tutulungan kita maka hanap ng pera para naman makapag ipon ka para sa pag papa-opera niya. Alang-alang na lang ito sa Tiyo Lando mo, hindi bruhita mong Tiya." "Salamat talaga Sarah." "Maiba ako, kumusta na pala ang naging customer mo?" Pag iiba ni Sarah nang usapan at sa isang iglap naging seryoso ang usapan namin. "Naikwento sa akin ni Madam Pabe na regular daw iyon sa Club, at madatong at galante daw iyon kaya't kong ako sa'yo Vanessa, kapag bumalik siya sa Club ulit. Ipakita mo ang the best mo at gumiling ka sa harapan niya." Sabay palakpak nang kamay na nasasabik pa. "Oh game ka ba mamaya, Vanessa? Dalawang gabi kana, hindi pumapasok sa Club, sayang din naman ang libo-libong kikitain mo doon. May mga bago akong biling dress dito na paniguro bagay sa'yo." Tumayo na si Sarah sa kina-uupuan para ipakita sa akin ang kanyang bagong nabili. "Hindi na siguro ako tutuloy doon na mag trabaho, Sarah." "Ganun pala eh. Hindi kana tutuloy sa Club kaya't ipag handa ko na ang sexy dress na ipapasuot ko sa'yo mamayang gabi a——Ano?!" Sigaw ni Sarah na mag sink-in sa utak niya ang sinabi ko. Namilog ang kanyang mga mata at kita mo naman na nabigla ito sa sinabi ko. Kagat-labi pa ako at hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kaibigan ko ang totoo. Gulong-gulo at kahit na rin si Sarah, gustong mag karoon ng kasagutan ang mga sinabi ko sakanya. "Ano kamo?" Pang uulit pa nito na hinuhuli ang aking titig. Inipon ko muna ang lakas bago sumagot sakanya at tumitig sa kanyang mga mata. "Hindi na ako babalik pa doon para mag trabaho." "Ha? Bakit?" "Natatandaan mo ba iyong unang customer ko sa Club?" "Oo." Unti-untint binabalik ni Sarah ang sarili sa pag kakaupo muli sa upuan. "Sakanya na ako mag tra-trabaho." Sapat na hina ng boses ko na maging klaro sa kanyang pandinig ang sinabi ko. "Wow talaga? Mabuti naman, kaysa mag trabaho ka pa sa Club at baka magaya ka pa sa akin." Anito. "So anong trabaho ang inalok niya sa'yo? Mag trabaho sa business niya, o kaya naman katulong?" Pag uusyoso nito na bigla ko naman kina-tahimik. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin kay Sarah ang totoo, na hindi siya magugulat. Tumitig sa akin si Sarah, hinihintay ang magiging sagot ko. "B-Bibigyan ko siya ng anak." "Ano?!" Kong may kinakain lamang si Sarah, naibuga niya na sa akin sa labis na pag kagulat. "Anak ba kamo? Bakit?" Taranta nitong wika sabay napa tayo pa itong muli. "H-Hindi ko alam Sarah, basta ang sabi niya sa akin. Bigyan ko lang siya ng anak tapos, iiwan ko sakanya ang bata pag katapos at tutulungan niya na ako sa problema ko at pag papagamot na rin kay Tiyo." Tumitig ako sa kaibigan ko na sapo-sapo na ang mukha at hindi mapakali. "Oh my god! Pumayag ka sa gusto niya, bakit?" "Wala akong choice Sarah, gulong-gulo na rin kasi ako ng gabing iyon kaya't napa oo na lang ako." "Huwag mo na ituloy iyan, Vanessa. Kayang-kaya mo naman makuha ang pera sa Club kong gabi-gabi ka mag trabaho doon at tutulungan rin kita maka ipon ng pera." Giit nito kaya't ako napa yuko. Labag man sa kalooban ito pero wala rin naman akong magagawa. Buhay na ang naka taya ng mahal ko sa buhay at hindi ko kayang hayaan na lang si Tiyo na mag hirap sa kanyang sakit. "Hanggang kaylan ako mag tra-trabaho doon, Sarah?" Mamasa-masa na tumitig ako sa kaibigan ko. "Gabi-gabi akong makikipag kita kong sino-sinong mga lalaki na hindi ko naman kilala, at hahayaan ko silang gawin ang gusto nila sa akin at sa katawan ko. Iyon ba iyon Sarah? Ilang araw at buwan ako mag titiis na mag trabaho sa Club, para mabuo lamang ang perang kailangan ko?" May kirot sa aking dibdib ang aking salita ng pag kakasabi ko, pero kailangan kong lunukin at tanggapin. Nanahimik si Sarah at may pag-aalala niya ako tinitigan. Kagat-labi siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Nag alala lang naman ako, Vanessa. At makakaya mo bang ibigay sa lalaking iyon ang anak mo? Ang dugo't-laman mo?" Umiwas ako ng tingin, at hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong na maski sa akin ang hirap gawin at isipin kong dumating na sa puntong kailangan ko ng iwan ang anak ko. "S-Saka ko na lang iyon iisipin basta ang mahalaga sa akin ang kaligtasan ng Tiyo ko." Mapait akong ngumiti sakanya at kasabay no'n ang pag agos ng luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Humigpit ang pag kakahawak sa kamay ko si Sarah at may bakas rin ng luha ang mata niya'y, kong paano niya ako tignan. **** Bagsak balikat kong tinatahak ang daan papunta sa bahay namin. Ilang pagitan lamang na bahay ang distansya ng bahay ni Sarah sa inuupahan na bahay ni Tiyo. Mag a-alas tres na ng hapon na banda iyon at may sapat pa naman akong oras para makapag paligo at umidlip muna kahit tatlong oras at babalik din naman kaagad ako sa Hospital para mag bantay muli kay Tiyo. Pinikit ko ang mata ko at sumagi sa isipan ko ang guwapong mukha na naging customer ko sa Club. Matapos namin mag usap iniwan niya na ako at pag katapos noon hindi ko na siya nakita. Hindi rin ako naka kuha ng ibang impormasyon mula sakanya,o saan ba ito naka tira? Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at kusang napa hinto ang aking mga paa nang mahagip ng tingin ko ang magara at mamahalin na itim na Mercedes Benz na naka parada, ilang pulgada kong saan ako naka tayo. Nag tinginan ang mga tao at ang ilan sa kanila naman, nangingiusap ang mga mata. Panigurado manghang-mangha sila na na ngayo’y lamang naka kita ng maganda at mamahalin na sasakyan. Mula sa sasakyan, lumabas ang isang lalaki. Naka porma at naka suot ito na itim na kasuotan at hindi naman gaanong may katandaan. Bumilis ang t***k ng aking puso at may kaba akong naramdaman na makilala kong sino ito. Malamlam at seryoso na tumitig sa akin ang lalaki at nilapitan ako—- dahil ang lalaking iyon ang tauhan na kasama ni Lucas at nag tataka ako kong paano nila ako natunton. “Vanessa Mangubat.” Tawag nito sa pangalan ko at kusa naman akong napa lunok. Sinusundo niya na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD