Chapter 4

2367 Words
Chapter 4 VANESSA'S POV Bandang alas dyes ng umaga na maka rating siya sa Hospital. Suot niya ang fitted na pantalon na sky blue at malaking tshirt na puti at ternuhan ng puting sapatos na medyo may kalumaan na nga. Hinayaan lamang niya na naka laylay ang mahaba niyang buhok, na tinatahak na mag lakad sa hallway sa Hospital at dala-dala palagi ang paborito niyang sling bag. Sa kabila niya naman kamay hawak na supot na plastic laman lamang ng kanyang pinamili na pasalubong at kailangan ni Tiyo Lando, kagaya ng biscuit, gatas, prutas at iba pang pag-kain. Pangiti-ngiti pa siya habang nag lalakad, hindi man kalakihan ang kinita niya sa Club, sapat na rin iyon na pang dagdag gastos na pang bili ng kanilang pangangailangan at gamot na rin. Humawak siya sa kabilang batok, dama ang pananakit no'n at medyo inaantok na medyo kulang ang tulog. Palapit na palapit na ako sa mismong silid ni Tiyo Lando at hindi na ako makapag hintay na makita siya. Bago paman ako tuluyang maka pasok, sakto naman na lumabas sa kwarto ang naka busangot na mukha ni Tiya Erlinda at naka sunod naman sakanya ang bunso nitong anak na si Maxine. Hindi pa rin maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, na lapitan si Tiya para mag mano. "Mano po, Tiy——"at labis ko naman kina-bigla ang pag lapit ko sakanya nang sinampal niya ako na ubod ng kay lakas at biglang nag pagting ang taenga ko sa lakas nang impact at pag kirot ng aking pisngi. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang umuusok na ilong ni Tiya Erlinda at galit na galit. "Napaka kapal talaga ng pag mumukha mo. Bakit ngayon ka lang?!" Singhal na sigaw na salubong niya sa akin. Maririnig mo ang malakas na sigaw niya na maagaw namin ang atensyon ng mga taong naroon, ngunit wala lamang siyang pakialam. "Kagabi pa ako nag hihintay sa'yo, at sinadya mo pa talagang hindi umuwi at hindi kami nakakain nang hapunan dahil sa pagiging layas mo." Patuloy na sermon ni Tiya at paulit-ulit akong dinu-duro nito sa aking noo para ipamukha lamang sa akin na kasalanan ko, kong bakit hindi sila nakaka kain kagabi. Hindi ako magawang maka sagot kundi lamang, sobrang sakit ng aking dibdib sa aking makukuha na pag trato sakanya at nag simula na ring uminit ang sulok ng aking mga mata. "N-Nag hanap lang ho ako Tiya ng pera kaya hindi ako naka uwi kagabi." Sagot ko pa na mahinang wika. "Aba! Sasagot-sagot ka pa talaga." Galit pa rin siya sa pag sagot ko. "Ano iyan?" Tukoy nito sa bitbit kong supot, na mga pag kain. Bago paman ako makapag salita lumapit na siya sa akin at inagaw niya ang supot. "P-Para ho, kay Tiyo iyan na pagkain niya." Wika ko naman na isa-isa talagang hinalughog ni Tiya na tignan sa supot ang pagkain at tumitingin kong may pakikinabangan siya doon. Nang wala siyang makita doon na kahit na ano, lukot na lukot ang kanyang noo sa pag kadismaya at galit na rin siguro. Padabog na sinauli sa akin ni Tiya ang supot na pag-kain na kamuntik ko pa na hindi masalo. Sunod niya naman pinag diskitahan na agawin sa akin ang dala-dala ko parati na sling bag para mag hanap ng pera. "T-Tiya." Nakikipag hilahan pa ako sakanya na buong pwersa nitong hinahatak ang aking sling bag para kunin niya at matignan na. "Lintik nang! Ibigay mo na ito sa akin! Kundi tatamaan ka sa akin. Vanessa." Sindak niya at buong pwersa nitong natahak ang sling bag ko kaya't napa bitaw ako sa pag kakahawak doon. Pinapanuod ko lamang si Tiya na kalkalin ang laman ng bag ko at labis naman akong nabahala na makita nito ang perang iniinggat-ingatan kong itago. Hawak-hawak na ni Tiya ang makakapal na libo-libong pera, na natira sa kinita ko sa Club. Galit na galit na tumitig sa akin si Tiya at pinakita pa sa akin ang napaka kapal na libong pera na hawak niya. "Ano ito, huh?" May pag dududa sa tinig nito at padabog na binato sa akin pabalik ang sling bag ko na wala nang halaga sakanya. "Natuto kana talaga mag tago sa akin ng pera, Vanessa? Ang kapal naman talaga ng pag mumukha mo. Baka nakaka limutan mo, na napaka rami mo pang utang sa akin sa pag papalamon at pakikitira ko sa'yo." Panunumbat nito. Parati naman siya ganiyan na parati niyang sinusumbat niya sa akin ang tulong na binibigay niya sa akin. "T-Tiya, hindi ho." Sagot ko naman na pilit na inaagaw sakanya ang pera ngunit nilalayo niya ito. "Kinita ko ho iyan sa pag tra-trabaho ko para pang bili ng gamot ni Tiyo at pag babayad na rin sa Hospital. Akin na h-ho." Lumapit ako sakanya para kunin sa pangalawang pag kakataon ngunit nilayo niya na naman sa akin. Maluha-luha na ang mata ko na naiiyak na lamang na panigurado kapag nasa kanya na ang pera, mahirap nang bawiin pa. "Anong sinabi mo? Ipang babayad mo sa gamot at Hospital? Hindi." Pag diinin nito at nag mamakaawa na ako sakanya kundi hindi nito pinapakinggan. "Itong pera na ito, ikakaltas ko ito sa utang mo sa akin, huh! Kaya mag hanap ka ulit ng panibagong pera sa pag babayad sa Hospital at wala akong pakialam kahit mag benta ka man ng laman basta humanap ka ng pag papa-opera ng Tiyo mo. Kuha mo?" "H-Huwag naman po Tiya, sa susunod na lang ho. Kailangan po natin maka bayad muna sa Hospital at gamot rin po ni Tiyo." Pag mamakaawa ko at tinalikuran na ako ni Tiya para umalis. Hinakbang ko ang paa ko para habulin at pigilan ito. "Tiya, huwag muna h——" hinawakan ko siya sa pulsuhan at galit na galit naman siyang tinulak ako kaya't kamuntik na akong matumba. Mabuti na lang talaga naka hawak ako sa pader, para kumuha ng suporta sa lakas ng pwersa nito. Domoble ang galit at pandidilim sa mukha ni Tiya Erlinda na tumitig sa akin. "Tangina talaga! Tigilan mo ako sa kaartehan mo diyan Vanessa." Banta nito na dinu-duro niya ako. "Isa pang lapit sa akin at makaka tikim ka talaga!" Uyam na banta nito at doon na bumuhos ang luha ko sa mata. Napaka bigat na ang aking dibdib na naka tingin kay Tiya, wala akong magawa para kunin sakanya ang pera. "Halika na Maxine, samahan mo ako kay Aling Susan mag laro ng bingo." Utos nito sa kanyang bunsong anak at sabay na silang nag lakad paalis samantala naman ako naka pako pa rin ang paa ko sa sahig, sinusundan sila nang tingin hanggang mawala sa aking paningin. Pinunasan ko ang daplis na luha sa mata ko, at inayos ko na rin ang sarili ko. Nalulungkot lamang na ang isang araw na trinabaho ko sa Club, sa isang iglap lamang nawala na parang bula. Tumitig ako sa may pintuan na silid ni Tiyo Lando na naka bukas, may anong kirot sa aking dibdib na makita siyang gising na pala at naka silip. Mukhang nasaksihan nito ang ganap na pag kuha sa akin ni Tiya Erlinda nang pera. Patay malisya na lamang akong pumasok sa loob, ikubli ko man na umiyak ako pero huli na dahil nakita nito ang pag iyak ko kanina. Nilagay ko na ang supot na aking pinamili sa lamesa at pag katapos lumapit kay Tiyo. Naka higa siya sa kama at medyo okay-okay na rin ang itsura nito kumpara no'ng huli ko siyang binisita "Kumusta na Tiyo? May gusto ka po bang kainin o kaya naman inumin?" Tanong ko sakanya at iling lamang ng ulo ang sinagot nito sa akin. Naka titig sa akin si Tiyo, pinag mamasdan at sinusuri ako ng pag dating ko pa lamang. "Pag pasensiyahan mo na ang Tiya Erlinda mo." Sa wakas nagawa nitong mag salita na malambing na tono. "Kumusta nga pala ang exam mo? Diba kahapon iyon? Mahirap ba ang pag susulit niyo? Panigurado perfect kana naman sa exam mo" Sunod-sunod nitong tanong at malamlam akong tumitig sakanya at labi naman ni Tiyo may ngiti, sabik na pakinggan kong ano ang isasagot ko. "Hindi po ako nakapag exam, Tiyo." Sagot ko naman at piniling maupo sa bakanteng upuan na katabi lamang ng Hospital bed kong saan siya naka himlay. "Nag hanap po kasi ako ng pera at siguro po, ititigil ko na muna ang pag aaral ko at hahanap na lang ng bagong pag kakakitaan para ma opera na ho kayo." Humawak si Tiyo sa aking kamay kaya, napa tigil at napa titig ako sa kanyang mga mata. Kay lungkot niya ako tinitigan at ang kanyang mga mata naman, nangingiusap. "Hindi pwede." Sagot nito. "Hindi pwedeng hindi ka mag tigil sa pag aaral mo, diba ito ang pangarap mo ang makapag tapos ka?" Hindi ako naka sagot at pinisil ni Tiyo ang aking kamay. Pigilan ko man na hindi maapektuhan at maging emosyonal pero napaka lambot ng aking puso kapag ganito na. Kapag si Tiyo na ang pinag uusapan. "T-Tiyo." Wika ko pa. "Vanessa, huwag mo na akong problemahin at unahin mo na lang ang buhay at pag aaral mo, para naman iyon sa'yo. Kami na bahala ng Tiya Erlinda mo ang mamroblema sa gastos at iba pang kakailanganan at gusto kong tuonan mo na lang ng atensyon ang pag aaral mo." Kusa nang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang, maupo na lamang at walang gawin samantala naman ang Tiyo ko ang nahihirapan. Wala pa siyang lakas para humanap ng trabaho para sa kanyang pag gagamot at hindi kakayanin ng konsensiya ko na pabayaan na lang si Tiyo na ganito. "Okay lang po Tiyo, tutulong pa rin po ako sa'yo." Mapait akong ngumiti at sumukli ako sa higpit na pag kakahawak sa kanyang kamay. **** Medyo madilim na ako naka uwi sa bahay. Nilakad ko pa kasi pabalik dahil wala man lang akong nakubling pera sa kinita ko sa Club dahil inubos ni Tiya Erlinda na kunin. Iniwan niya muna sandali si Tiyo sa Hospital, na mag-isa, at babalik din naman siya pag katapos para makapag ligo muna saglit at palit na rin ng damit. Balak niyang mag palipas na magdamag sa Hospital para mag bantay at samahan si Tiyo. Pag pasok ko pa lang sa maliit na inuupahan namin na bahay, kaagad din naman sumalubong sa akin ang katahimikan at konti lamang na ilaw ang naka bukas. Inalis ko na ang pag kakasabit ng sling bag sa balikat ko at nilapag muna sa upuan, dama ko rin ang pananakit ng aking mga paa na nilakad ko mula Hospital mahigit mag-iisang oras na lakaran din naman. Ginala ko ang aking paningin sa maliit na sala, at hindi mahagip ng aking mata si Tiya Erlinda, panigurado nasa labas pa ito kasama ang kanyang anak na nag bi-bingo o kaya naman nag susugal kasama ang kaibigan nitong si Alin Susan. Sinimulan ko ng ligpitin ang mga kalat at nag hugas na rin ng pinag kainan na mga plato na tantya ko, simula kahapon pa iyon na mga hugasin. Hinihintay lamang na ako ang gumawa no’n at ang aking pag liligpit biglang natigil nang marinig akong mahinang inggay na nag mumula sa silid. Dali-dali naman akong kumilos para tignan kong anong inggay ang narinig ko at pag hawi ko ng kurtina na mag sisilbing pintuan sa kwarto at biglang natigil sa aking nasaksihan. “Bwisit, asan na ba kasi iyon?” Himutok na wika ni Alexa, ang pinsan ko. Nadatnan kong napaka gulo at nag kalat ang mga damit ko sa sahig at nag hahalungkat ito na maisusuot. Nang mapansin nito ang pag dating ko, kina-taas naman ng isang kilay nito. Hindi naman talaga kami mag kasundo ng pinsan ko, manang-mana ito kay Tiya Erlinda sa pagiging maldita at napaka sosyal at arte rin kumilos. “Ano?” Pag tataray nito na naka pamaywang pa. “Kinuha mo ba ang damit ko? Iyong puti na bagong bili sa akin ni Mama.” Sagot nito sabay winasiwas ang mga damit kong naka kalat sa sahig at tinapon kong saan-saan. “Hindi, hindi ko nakita.” “Sigurado ka? Baka ninakaw mo dahil inggetera ka!” Pag dududa nito at hindi na lang ako kumibo kahit gustong-gusto ko na siyang upakan. Nakakapang-init ng dugo, manang-mana talaga siya sa kanyang Ina na bruha. “Tsk! Kainis!” Himutok nito. Sa huling pag kakataon ginulo niya na naman ang mga damit ko sa sahig at labis na nairita ba hindi nito mahanap ang kanyang damit na paborito. “Bwisit talaga.” Inapakan ni Alexa ang damit kong malilinis gamit na suot niyang pang labas na sapin sa paa at bago lumabas sa kwarto, huminto muna ito sa gilid ko para mag paiwan ng sasabihin. “Ano pang tinu-tunganga mo diyan? Ligpitin mo na iyan na kalat! Kapag nalaman ko lang talaga na kinuha o ginamit mo ang damit ko, Isusumbong kita kay Mama at may pag kakalagyan ka rin.” Banta nito na pahapway na tinitigan ako ng kay sama. Bago pa man ako maka sagot nang, binunggo niya ako at dire-diretsong nag lakad palabas ng kwarto. Tumitig na lang ako sa iniwan na kalat ni Alexa at sabay hingga ng malalim bago ko isa-isang niligpit ang mga kinalat niya. Binalik ko sa pag sisiayos na pag kakatupi ng mga damit ko at binalik iyon sa karton kong saan naka lagay. Ang aking pag aayos biglang natigil na makita ko sa lapag ang picture frame kong saan kasama ko sa litrato ang mga yumao kong mga magulang, na kaylan man hindi ko na sila makakasama pa. May konting kirot at pait sa aking dibdib na makita na basag na ang frame, at panigurado nabasag iyon sa pag hahalungkat kanina ni Alexa. Bigla naman ako naka ramdam ng lungkot at pangungulila sa aking mga magulang. Ano kaya ang buhay ko ngayon, kong buhay pa sila ngayon? Siguro, hindi ko nararanasan ang ganito na hirap ng buhay. Sana, hindi ko nararamdaman na nag iisa ako sa panahon na kailangan ko ng kausap at taong masasandalan. “Miss na miss ko na ho kayo, sana kasama ko kayo ngayon.” Mapait kong wika at ang mata ko nama’y mamasa-masa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD