Chapter 6

2967 Words
CHAPTER 6 VANESSA'S POV Isa-isa ko nang nilalagay ang mga gamit ko sa isang katamtaman lamang na bag, at sa gilid ko naman naka-tayo ang kaibigan kong si Sarah na malungkot akong pinapanuod na sinisilid ang mga importanteng dadalhin ko sa aking pag-alis. Kami lamang na dalawa ni Sarah ang mag kasama sa bahay ng aking Tiyo, samantala naman ang dalawa ko naman na pinsan at si Tiya Erlinda wala ang mga ito. Huli kong sinilid sa bag na aking dadalhin ang picture frame na kasama ko ang aking mga magulang sa litrato, may pait akong napa titig doon sandali at pag katapos sinama ko na ito sa aking mga gamit. Sinarhan ko na ang bag na dadalhin ko at binalingan ko ng tingin si Sarah, na pasilip-silip pa ito sa bintana. Sa maliit na siwang ng bintana ng maliit na kwarto kong saan kami natutulog, nakita ko ang kanina pa may tinitignan ng kaibigan ko. Mula sa labas, nandon pa rin naka parada ang mamahalin na sasakyan at isang katiwalang lalaki, na nag hihintay sa akin na lumabas ako. Napansin ata ni Sarah na kanina ko pa siya tinitignan, kaya't lumapit siya sa akin at hinawakan nito ang kamay ko. "Vanessa, ito ang magandang pag kakataon na umalis at takasan mo sila habang hindi pa nila namamalayan," anito. "Huwag kana kasing tumuloy, baka may iba pa naman na paraan, diba?" Mamasa-masa ang kanyang mga mata at nakikita kong ayaw niya akong paalisin. Labag at mahirap man para sa akin na gawin ito pero kinakailangan. Para sa Tiyo Lando ko, handa akong mag tiis na kahit na ano. Alang-ala lamang sa kaligtasan niya. Umiling ako at kay lungkot ko siyang tinitigan. "Kailangan kong gawin ito, Sarah. Ikaw na muna ang bahala sa Tiyo ko habang wala ako ha? Kong mag tanong sila, kong asan ako sabihin mo na lang na umalis ako para mag hanap ng trabaho para sa pag papamot ni Tiyo." "Hindi kana ba mag papaalam sakanila? Sa Tiyo mo?" bahagya naman akong natigilan at mamasa-masa ang mata kong umiling. Kapag panigurado nag pakita at nag paalam pa ako kay Tiyo bago umalis, alam ko naman sa sarili ko na baka hindi na ako makakaalis pa. "Mabuti na siguro na sabihin mo sakanila ang totoong dahilan ng pag alis mo para hindi sila mag alala sa'yo, lalong-lalo na ang Tiyo mo. Hahanapin ka niya sa akin." "Hindi na siguro, Sarah," wika ko pa. "Mabuti na siguro na hindi niya alam ang bagay na ito. Panigurado naman na pipigilan at hindi ako hahayaan na Tiyo sa aking gagawin kapag sinabi ko sakanya ang totoo, kaya't mabuti na lang na hindi niya alam ito. Ayaw ko siyang mag alala at mag isip, ng kong ano-ano kaya aalis na lang ako na hindi nila alam." Humigpit ang pag kakahawak ni Sarah sa kamay ko at mapait akong ngumiti sakanya. Mahirap ito para sa akin na alam ko naman na matagal akong mawawala. Matagal ko rin na hindi makakasama at makikita ang Tiyo ko Lando ko, at gagawin ko ito para sakanya. "Vanessa, hindi ako sigurado kong magagawa ko ito. Baka kasi madulas ako sa Tiyo mo at masabi ko sakanya ang toto----" humigpit ang pag kakahawak ko sa kamay ni Sarah. Inabot ko sakanya ang isang papel at napa titig naman siya doon. Laman ito ng sulat na pag papaalam ko kay Tiyo. No'ng isang araw ko pa iyon sinulat laman ng mensahe na gusto kong sabihin kay Tiyo. Alam ko naman na darating ang araw na aalis ako kaya pinag handaan ko na ito. "Ibigay mo na lang itong sulat kay Tiyo, Sarah." "Vanessa," tawag nito sa pangalan ko n may pag tutotol sa kanyang tinig. Sinilip ko pa ang tauhan na naka bantay sa labas at emosyonal muli akong humarap sa kaibigan ko at maluha-luha ang mata. "Kailangan ko nang umalis. Babalik din ako kaagad, ikaw na muna ang bahala sa Tiyo ko, tawagan mo na lang ako." Niyakap ko sa huling pag kakataon ang kaibigan ko at dama ko rin na ayaw niyang bumitaw para sa ganun, hindi na ako umalis. Una na akong kumalas sa pag kakayakap namin ni Sarah at kinuha ko na rin sa ibabaw nang kama ang bag at sabay namin tinahak ang daan palabas ng maliit na inuupahan namin na bahay. Nang maka labas na ako, kaagad din naman akong pinag buksan nang pinto ng lalaking naka-itim sa backseat ng sasakyan at sinarhan nito kaagad ang pintuan na maka pasok na ako. Ilang segundo lamang, binuhay na nito ang makina ng sasakyan at unti-unti ng umandar iyon. Kumuway na lamang ako sa kaibigan ko mula sa bintana at nakita ko pa ang lungkot at pait sa kanyang mga mata ang aking pag lisan. Pinapanuod ko na lamang na lumalayo sa lugar na aking kinagisnan, ng mahabang panahon at pag daloy ng luha sa aking mga mata. Pasensiya na kong hindi ko magawang mag paalam sa'yo sa huling pag kakataon. Babalik ako, Tiyo at pangako ko iyan sa'yo. Pag balik ko, makikita ko na muli ang matamis mong mga ngiti at gagaling kana sa iyong sakit. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panunuod na aming madaanan para hindi mabagot at bahagya kong sinilip ang lalaking naka itim at seryoso itong nag mamaneho. At ang isa naman na tauhan na katabi lamang nito at nag pakilala ito sa akin na pangalan Kevin kanina. Simula no'ng umalis kami, hindi ito nag salita o kaya naman hindi nito sinubukan na kausapin ako. Hindi na rin sa akin naging familiar ang dinadaanan namin dahil malayo-layo na rin ang pinuntahan namin at wala rin akong katiting na idea kong saan nila ako dadalhin. Mahigit isang oras na byahe, pumasok ang itim na sasakyan sa isang pribadong lupain. Manghang-mangha ako sa aking nakita na sumalubong sa akin ang isang malaki at bakal na mataas na gate at nakita ko rin ang mga lalaking naka posisyon sila ng tayo sa labas at pare-pareho ang kanilang suot na mga uniforme, na sa loob-loob ko naman siguro mga taga-bantay ang mga iyon. Unti-unting bumukas ang gate kaya't pumasok ang itim na sasakyan at bumunggad sa akin ang malawak na harden na may mga magaganda at makukulay na mga bulaklak. Harden pa lang masasabi ko na katumbas no'n ang isang purok sa barangay namin kalaki. Umikot pa ang sasakyan kaya't nakita ko sa gitna ng Harden ang isang magandang fountain at tumigil ang sasakyan sa harap mismo ng isang malaki at mala-paraisong Mansyon. Manghang-mangha at hangang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ganda no'n na para sa aking paningin mistula iyon na mamahalin at bawat materyales sa pag patayo ng Mansyon na iyon, ginastusan at mapapa nga-nga talaga. Wow. Hindi ko akalain na sobrang yaman niya pala. Nabalik ako sa realidad na pinag buksan ako ng pintuan ni Kevin. Alangan at dahan-dahan pa akong bumaba sa sasakyan at bitbit pa rin ang katamtaman na bag na dala ko. Pag apak ko sa lupain nito, hindi pa rin natapos ang aking pag obserba hanggang mag sawa ang aking mga mata sa ganda na aking nasasaksihan at humahampas din sa balat ko ang masarap na simo'y ng hangin. Ngayon pa lang ako naka kita sa tanang buhay ko ng magandang Mansyon na karaniwang lang ako naka kita ng ganito sa mga magazine o kaya naman sa mga pinapanuod ko sa telebisyon. Umandar na ang sasakyan paalis at mukhang hindi iyon mag paparada mismo sa harap ng Mansyon. Ilang sandal lamang, lumabas ang dalawang katulong mula sa loob at sinalubong ako pareho na tamis sa kanilang mga labi. Tumigil sila sa harapan ko at sabay pa sila yumuko para mag bigay galang sa akin. "Good afternoon po, inaasahan po namin ang iyong pag dating Mam." Bati ng babae na mag lalaro ang edad nito nasa kwarenta at suot na uniforme na dark blue at ganun rin ang kasama nito. "Magandang hapon rin po," formal kong bati na may ngiti rin sa labi ko. "Akin na po ang gamit niyo Mam." Lumapit sa akin ang isang babae na hindi lamang nag kakalayo an gaming edad na nag lalaro lamang sa bente singko at kinuha niya sa kamay ko ang bag na bitbit ko. Ngumiti na lang ako. "Halika na po Mam sa loob," paanyaya ng babaeng mauna na itong pumasok at sumunod na lang ako sa likod nila. Pag pasok pa lang namin sa Mansyon, nalula na kaagad ako sa rangya at dobleng ganda no'n kumpara sa labas. Nakita ko ang kumikinang at malalaki na chandelier at umaapak ang paa ko sa marbled tiles. Lahat ng gamit na naroon sa loob, pawang may halaga at mamahalin kaya ang tingin ko naman pabaling sa kaliwa't-kanan ko at binabati rin ako ng mga katulong sa aming pag pasok. "Ako nga pala si Cora, ang mayordoma dito sa Mansyon." Pakilala ng babae na ito ang sumalubong sa akin. "Siya naman si Tina." Pakilala nito sa babaeng nasa gilid niya na may hawak na bag ko. "Ako naman h-ho pala si Vanessa." Singit ko naman na pakilala na kina-ngiti naman ni Cora. "Alam ko ho Mam Vanessa," anito. "Binilin na sa amin ni Sir Lucas ang iyong pag dating." Anito na tumigil si Cora na matapat na kami sa malawak na sala. "Ganun po ba?" Alangan kong sagot at ang mata ko naman nag mamasid pa rin sa bawat kanto ng bahay. Malawak pala iyon at hula ko lang maraming pasikot-sikot sa loob. "Wala pa si Sir Lucas, at maya-maya rin uuwi na siya. Gusto mo bang makakain or inumin habang hini-hintay mo si Sir?" Anito na kina-iling ko naman. "Huwag na ho, hindi naman po ako gutom." "Maupo kana muna." Pinakita nito sa akin ang mahaba at mamahalin na couch na medyo malapit sa amin. Nag aalangan pa akong tumingin doon at maupo, nahihiya naman akong mabahiran ng dumi kapag inapak ko ang luma kong sapatos sa mabango at malinis na pulang carpet. Kagat-labi akong napa titig sa aking sapatos, nabahiran ng putik at dumi iyon. Nakaka hiya naman kong dudumihan ko lang ang malinis na lugar na iyon. Hindi ko namalayan na, napa-tingin rin pala si Cora sa aking paa na mapansin nitong kanina pa ako doon naka titig. Alangan akong ngumiti sakanya para itago ang hiya at sumukli naman ito na matamis na ngiti. "Hmm, gusto mo bang i-tour kita muna dito sa Mansyon?" Anito at binalingan nito si Tina na naka tayo lamang sa tabi namin. "Tina, paki hatid na lang niyan sa magiging silid niya." "Sige po." Magalang na wika ni Tina at nag lakad na ito paalis. "Halika na, Mam Vanessa." Pag papasunod nito at nauna na itong mag lakad. Una kaagad akong nilibot sa malaking harden at sunod naman pinakita nito sa akin ang palikuran kong saan mo matatagpuan ang malaking swimming pool, mayron pa iyon na jacuzzi kong gusto mong mag relax at mag enjoy. Sa unang palapag naman matatagpuan mo ang dalawang malawak na living area, kitchen, dining area, maids quarter, laundry area at nandon naman ang entertaining room kong saan gusto mo mag laro, kagaya ng billiards, at iba pang mga laruan na hindi ko alam ang tawag. "Dito naman sa second floor, matatagpuan ang master bedroom. Tatlong guest room at theather room kong gusto mo manuod." Salaysay ni Cora habang nag lalakad kaming dalawa. Nauna siyang mag lakad at naka sunod lamang ako sa likuran niya. Malaya kong pinapanuod ang malawak na hallway at sa pader naka sabit ang iba't-ibang mamahalin na mga portrait o kaya naman mga antique na mga gamit. "May library rin po dito sa second floor kong gusto niyo mag basa a——" naputol ang anumang sasabihin ni Cora nang dumating ang isang katulong. "Cora." Anito. "Kararating lang ni Sir Lucas at gusto niya daw pong maka usap ang bisita sa Study room." "Sige maraming salamat Rica." Bumaling ng tingin sa akin si Cora at ngumiti muli ng matamis. Hindi na nito natapos ang pag lilibot niya sa akin sa Mansyon at sabay namin tinahak pababa para pumunta sa Study room kong saan nag hihintay na si Lucas. Hinatid na ako ni Cora sa mismong tapat ng Study room at pag katapos iniwan niya ako at nag paalam na. Bumalik ang kaba at malakas na pintig na aking puso na napa-titig na lang sa malaki at gawa sa special na kahoy na pintuan. Inipon ko muna ang natitirang lakas sa aking dibdib, bago ko hinawakan ang seraura ng pintuan at tinulak iyon pabukas. Una kaagad sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nag mumula sa aircon. Malawak at pinag halong black and white ang combination ng study room, pati na rin ang gamit na naroon. Hinakbang ko na ang paa ko papasok at dahan-dahan kong sinarhan ang pintuan. Sobrang manly ang loob ng silid at kahit na rin ang kagamitan doon. Sobrang linis at wala kang makikita na bakas na dumi at alikabok. May malaking sliding window sa isang tabi, na matatanaw mo ang magandang tanawin sa labas, at swivel chair table at naka patong doon ang laptop, at iba pang mga gamit. Natigil ako sa pag susuri sa silid na mag tama ang aming mata ng lalaking kanina pa pala naka masid sa akin. Doon ko lang naramdaman ang nanalaytay na kilabot sa buo kong pag katao, na makita ang malamig at puno ng misteryoso nitong mga mata. Perinting naka upo si Lucas sa single black couch at naka-de kwatro pa ito at suot ang itim na suit na mag pabagay pa sakanya. Sa isang senyas ng kanyang ulo- nag sasasabi sa akin na lumapit at maupo ako malapit sakanya. Kagat-labi pa akong hinahakbang ang paa ko palapit sa kanyang kinaroroonan samantala naman ang paa ko'y nangangatog na sa ibang paraan na titig niya sa akin, na para bang may nag hahabulan na daga sa sikmura ko. Buong ingat ang kilos at galaw ko at piniling maupo sa mahabang couch at nag haharang na lang sa pagitan naming dalawa ang glass table, na kahit paano mag pakalma pa sa nararamdamanko dahil ibang-iba talaga. Ewan ko ba, pero kinakabahan ako sa presinsiya at ibang pag titig niya sa akin. "So let's start?" Malagong na wika nito na kina-lunok ko naman. "I have already prepared the contract. All you can do is read and sign if you agree to our agreement." Napa titig na lang ako sa harapan ko na naka lapag na pala doon ang isang papel at nasa special na lalagyan at sa tabi naman no'n ang ballpen. Lumunok muna ako ng laway at kabado na kinuha ang contract. Binasa ko ang laman at doon na naka saad ang terms. Marami pa ang naka lagay doon at nasa lenggwahe na english, pinadaanan ko naman basahin ang ilan sa mga naka lagda doon at okay naman sa akin ang mga naka sulat. Binuklat ko ang pangalawang pahina at nakita ko naman ang rules at regulations, na mag paagaw pansin sa akin. 1.1. The employee should not ask personal questions regarding the employer for their privacy. 1.2. During the duration of contract, the employee cannot enter into a relationship with another man. 1.3. Marriage is a no. s*x and the baby are all that matter. The employee cannot ask for anything from the employer except for the 20 million after the agreement, and nothing but the million. 1.4. The employee should not have romantic feelings or intimate relationship with the employer while the contract is still in process. No falling inlove. Napa titig na lang ako at binabasa ko ang mga naka sulat doon at kinuha ko na rin ang ballpen. Ilang segundo akong natigilan sa contract, nag dadalawang isip kong tama ba itong ginagawa ko. Na wala ba akong pag sisihan nito pag katapos? Pinikit ko ang aking mga mata at una kaagad sumagi sa isipan ko ang mukha ni Tiyo Lando, at buo na ang desisyon kong kailangan kong ituloy ito para lamang sakanya. Pag mulat ko ng aking mata, sinimulan ko nang pirmahan ang kontrata at nakita ko naman ang kakaibang ngisi sa labi ni Lucas, habang pinapanuod ako nito sa aking ginagawa. Nilapag ko sa table ang hawak kong kontrata, yumuko ako at pinag lalaruan ang aking kamay. Hindi pa rin mawala-wala ang panlalamig ng aking palad. “Tomorrow, I will move him to a nice room and I will also take care of other expenses at the Hospital and other things he needs, while I am still looking for a compatible donor for him." “Ganun ba? Maraming salama——“ hindi ko na natapos pa ang anumang sasabihin ko nang sabay akong napa kurap ng mata’y na ngayon kinorner na ako ni Lucas sa aking kina-uupuan. Paano? Bakit, kay bilis kaagad niya naka lapit sa akin? Nanlamig ang aking katawan at hindi ko mailagaw ang sarili ko na ngayo’y naka sandal ang isang kamay ni Lucas sa couch at ilang pulgada na lang ang layo ng aming mukha. Damang-dama ko rin ang kakaibang init at bultahe ang nanalaytay sa kalamnan ko sa presinsiya nito at naamoy ko rin ang mabango at mamahalin na pabango nito, na mag pakaba pa sa akin ng husto. Ang mainit na hiningga na tumatama sa aking balat, na mag bigay init sa pisngi ko kahit naman naka bukas ang aircon sa silid. Napa titig na lang ako sa guwapong mukha ni Lucas, at ang kanyang mata nama’y nag hy-hypnotismo at pinapasunod ako sa kanyang mga gusto. Ngumisi pa ito sa akin. “Salamat? May kapalit iyon.” Anito at bahagyang pinisil ang aking baba, na kina-kurap naman ng mata ko. Kay bilis na ang pintig ng aking puso sa simpleng ginawa nito at hindi ko maipaliwanag kong bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Ano ba ito? Normal ba ito? Bakit naapektuhan ako sa simpleng ginagawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD