Chapter 3

1050 Words
Chapter 3 VANESSA'S POV "Ahh." Isang mahinang unggol ang kumuwala sa aking bibig at una ko kaagad nakita ang madilim na kwarto sa pag mulat ko pa lang ng aking mga mata. Nang hihinang umupo ako sa malambot na couch, pikit-matang napa hawak sa ulo ko na dinadama ang pananakit no'n na dala ng kalasingan. Ang malamig na hangin na nag mumula sa aircon, na tumatagos sa aking balat na mapag tanto kong wala pala akong saplot sa pang itaas. Naka baba pala ang suot kong itim na dress hanggang baywang ko kaya nag expose ang aking mayaman na dibdib, na kaagad ko naman tinakpan nang aking dalawang kamay para ayaw ipakita iyon. Sandali, bakit ganito ako? Ano bang nangyayari? Bakit ako naka hubad? Naging malilikot ang mata ko at pilit na inaala ang mga nangyari pero wala talaga akong maalala. Naalala ko lang kanina, na hinahalikan ako ni Lucas, tapos doon na ako nawalan sa ulirat. Takot na takot kong sinuot ang bra ko, na nasa isang tabi at sinunod ko nang sinuot ang aking tube dress na para bang walang nangyari. Asan na ba siya? Umalis na kaya ang lalaking naka sama ko? Ang aking pag iisip, biglang natigil ng makita ko ang itim na maskara ko na sa kabilang bahagi nang couch, na kina lunok ko naman ng laway. Nanginig kong kinuha ang maskara kong itim na suot kanina at tangkang isusuot sana sa mukha ko nang marinig ko ang britono at nakakatakot na boses ng lalaki na mag pakabas sa akin. "There's no point in wearing that mask because I've already seen your face." Kabado kong hinanap kong saan nag mumula ang boses at nakita ko si Lucas naka dekwatrong naka upo sa couch, at kahit madilim sa kwartong iyon nakita ko ang madilim na mustra ng mukha nito at ngisi na sumilay sa labi. Kusa na lang ako napa lunok sa sarili kong laway at hindi ko alam ang mararamdaman ko na nakita niya na ang mukha ko. Nakikita ko ang maitim na pigura ni Lucas na kanina pa ako pinapanuod na natutulog at ang isang kamay naman nito hawak ang baso laman ng alak at sinisimsim iyon na nag papalipas lamang ng oras. Nang matapos ni Lucas mainom ang huling alak sa baso nito, sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang nilagay nito ang alak sa lamesa at tumayo. Rinig ko na lang ang yabag ng paa nitong palapit sa akin na mag pakaba pa lalo sa buong katawan ko. Ang yabag ng paa huminto sa harapan ko na kusa naman akong mapa anggat nang mukha. "Hindi ko aakalain na makikita ko ang mukha ng isa, sa mga Angels ng One Dreamers Club." Pangisi nitong wika. Bago paman ako makapag salita, kinuha ni Lucas ang isang bagay mula sa bulsa nito at nilagay sa table na hula ko kaagad cheke iyon. Bago umalis, tinignan muna ako ni Lucas sa huling pag kakataon at nag lakad na ito palabas ng silid na maanggas na paraan. Pinapanuod ko lamang siyang nag lakad paalis, hanggang maka apat itong hakbang ng mag salita ako. "Isusumbong mo ba ako? I-Isusumbong mo ba na nakita mo ang mukha ko?" Hindi ko alam sa hina ng boses ko maririnig niya ang sinabi ko. Di naman ako nag kamali dahil napa hinto si Lucas sa pag lalakad at naka pako lamang ang mata ko sa malapad nitong likod. Kay bilis na ng pintig ng aking puso at natatakot akong isumbong niya ako mawalan ako ng trabaho. Iyon kasi ang bilin sa akin ni Sarah bago mag simula, na hindi ko hahayaan na makita ng iba ang mukha ko, lalo-lalo na ang customer dahil posibilidad na matatanggal ako sa trabaho. At kapag sinumbong ako ni Lucas, mawawalan ako ng pag kakakitaan at hindi na rin ako makaka ipon ng pera sa pang papagamot ni Tiyo. "Huwag mo akong isusumbong kay Madam Pabe o kong sino m-man, ayaw kong mawalan ng trabaho." Mahina kong pakiusap at hindi ko inaalis ang mata ko naka titig sakanya na wala pa rin akong nakuhang sagot. Natatakot ako na baka, mag sumbong na lang siya at iyon ang ayaw kong mangyari. Naging emosyonal ang mata, na maluha-luha na. "Nakakahiya man na makiusap ako sa'yo, pero ang totoo talaga niyan ayaw ko naman talaga mag trabaho dito, a-at napilitan lang talaga ako dahil kailangan ko ng pera sa pag papagamot ng Tiyo ko..Walang-wala kasi ako, at ito lang ang trabahong alam kong makaka tulong sa akin. P-Parang awa mo na, huwag mo akong isumbong.” Katahimikan ang sumagot sa akin at mamasa-masa na ang mata ko na baka hindi siya sumang-ayon sa pakiusap ko. "Huwag kana dito mag trabaho sa Club, at sa akin kana lang mag trabaho." Ang malagong na salita ni Lucas ang mag pahinto sa akin at naguguluhang akong tumitig sakanya na naka talikod pa rin siya sa akin. Ano? Anong ibig niyang sabihin? "Ibibigay ko lahat ng gusto mo at ako na rin ang bahala sa pag papagamot ng Tiyo mo pero may kapalit." Pang bibitin nito at lumingon sa akin at pinakitaan niya ako ng malamig na expression. "Give me a child." Ang salita nito ang mag pagimbal sa akin. Ano? Anak? "H-Huh?" Hindi pa gaanong nag process sa utak ko ang sinabi niya at naguguluhan din. "I will give you everything that you need, I will help your auncle with his medical treatment." Tuloy na salaysay nito. "You will leave and give me the child after our agreement is over and I will give you a big sum of money and house so that you can start over when you finish giving birth. What do you think? Will you accept my offer?" Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi ni Lucas at ang dibdib ko naman pumipintig ng malakas. Tolero at naguguluhan. “Mukhang ayaw mo naman sa offer ko, sige.” Tangkang aalis sana na kaagad naman siyang pinigilan. “S-Sandali.” Mahinang wika ko at inipon ang lakas ng loob na tumitig sa mata ni Lucas na kay lamig. “S-Sige payag na ako sa kagustuhan mo.” Kasabay ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Para sa’yo Tiyo, gagawin ko ang lahat para gumaling ka lang. Sana wala akong pag sisihan sa desisyon ko pag katapos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD