Episode 05

1201 Words
Katty’s POV “Ma’am, sir, here’s your order,” sambit ng waiter at nilapag ang mga pagkain na inorder namin ni Patrick. “Thank you,” nakangiting sagot ko at ngumiti naman pabalik sa akin ang waiter bago siya umalis. Napaharap ako kay Patrick na ngayon ay naka kunot ang noo sa akin. Dumukwang ako sa kanya at hinilot ang noo niya para mawala ang pag ka kunot-noo nito. “Huwag kang nag ku-kunot noo kasi tumatanda ang itsura mo,” sambit ko. “Bakit ba kasi kailangan na ngumiti ka pa sa waiter?” Iritadong tanong niya at nag-umpisa na siyang kumain. “Wala namang masama sa ginawa ko hah,” kibit balikat na sambit ko. “Nag serve siya kaya dapat pasalamatan ang tulad niya,” dagdag ko pa. Kahit simpleng waiter lang siya kailangan pa rin niya ng pasasalamat galing sa mga pinaglilingkuran niya. Hindi rin dapat tayo nagmamaliit ng kahit anong trabaho. “Alam ko pero kailangan ba nakangiti ka pa?” Saad niya. “Paano ba dapat magpasalamat? Kailangan ba naka poker face?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman ako akala mo naman sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hayst, minsan talaga hindi ko maintindihan ang ikot ng utak ni Patrick pero kahit ganun mahal na mahal ko pa rin talaga siya. “Never mind, kumain ka na lang diyan,” sambit niya. Napatango na lang ako sa kanya at kumain na. Napangiti ako ng malasahan ko ang napakasarap na beef bulgogi. Ang tagal na rin ng huli akong makakain ng ganito kasarap na putahe. “May pa diet-diet ka pang nalalaman diyan samantalang sunod-sunod kang napapasubo,” aniya. Napa thumbs up naman ako sa kanya at uminom ng tubig bago nagsalita. “Ang sarap kasi ng beef bulgogi nila dito.” Sambit ko. “Bakit hindi ka ba kumakain ng ganyan sa Guimaras?” He asked. “Nope, kailangan konti lang ang kainin ko dahil sa diet plan ko,” saad ko. “Ngayon bawal ka ng mag diet lalo na kapag kasama mo akong kumain,” sambit niya at napatango na lang ako. Ayoko naman tanggihan ang gusto niya. Mukhang kailangan kong magpaggawa ng bagong diet plan sa doctor ko. “Ito pa, kainin mo pa ito,” sambit niya at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. “Tama na busog na ako,” sambit ko. Medyo marami na rin kasi akong nakain at baka nga nabigla pa ang tiyan ko. Ibinalik ko sa pinggan niya ang inilagay niya sa pinggan ko. “Busog ka na agad? Konti pa nga lang ang nakakain mo,” sambit niya habang nakatingin sa pinggan ko. Anong konti? Nakalahati ko na nga ang pinggan ko na sandamakmak ng pagkain ang laman. Konti pa rin ba ‘yun? Baka ma bondat na ako nito dahil sa dami ng gusto niyang ipakain sa akin. “Busog na talaga ako,” sambit ko. “Rest room lang muna ako,” pagpapaalam ko para maiwasan ang pagpapakain niya sa akin ng marami. “Ok ka lang ba? Gusto mo samahan na kita?” Nag-aalala niyang tanong sa akin. “No need. Diyan ka na lang saglit lang naman ako,” sambit ko at tumayo na sa upuan ko. “Ok, bilisan mo hah. Susunod na ako sayo kapag nagtagal ka pa,” aniya. Napatango na lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa rest room. Hindi pa ako nakakalalayo ng may lumapit kay Patrick na isang babae. “Hey, Patrick! It’s been a month,” malanding sambit ng babae. Agad akong naglakad pabalik sa table namin at naupo sa pwesto ko. Buti na lang at nakaupo agad ako dahil balak sana ng babaeng ‘to na maupo sa pwesto ko. “Ang bilis mo naman,” nagtatakang saad ni Patrick sa akin. Hindi niya pinansin ang bumati sa kanya at sa akin lang nakatuon ang tingin niya. Gusto ko sana mag flip hair sa babaeng ‘to kaya lang baka umiyak sa inggit. “Umurong kasi ‘yung ano ko,” pagdadahilan ko. “Excuse me,” sabay naman na napaangat ang tingin namin ni Patrick sa nagsalita. “It’s been a month, Patrick and I miss you so much,” malambing niyang sambit at bigla na lang kumandong sa harapan ni Patrick. Halos malaglag ang panga ko dahil sa ginawa ng babae ‘to sa Patrick ko! Who is she para kumandong sa lalaking gusto ko?! “Ahm I’m sorry pero may girlfriend na ako,” sambit ni Patrick at pinaalis ang babae sa kandungan niya. Bigla naman sumama ang mukha ng babae ng paalisin siya ni Patrick sa kandungan nito. Tumayo si Patrick sa upuan niya at inilipat ang upuan niya sa tabi ko at bigla na lang akong inakbayan. Totoo ba ‘to? Naka-akbay sa akin si Patrick?! Sobrang bilis ng kabog ng puso ko at parang malapit ng makawala sa rib cage ko. Sobrang lapit niya sa akin at parang mahahalikan na niya ang ilong ko. “This is my girlfriend, her name is Katty Lei Peterson,” sambit ni Patrick. Girlfriend? Girlfriend na niya ako? Oh my gosh! Thank you, Lord! Sana hindi ko lang ‘to imagination o panaginip. This is dream come true! “Girlfriend? Are you sure?” Natatawang tanong ng babae sa amin. “Baka naman isa lang ‘yan sa mga ka fling mo.” Anong fling?! Hindi uso sa akin ang fling lang ‘no. Gusto ko pang matagalan hindi tulad ng ibang mga tao diyan na panandalian lang ang gustong klase ng relasyon. “Yes, I’m sure. So can you please don’t disturb our dinner date?” Patrick asked. “Ayoko rin kasing magselos ang girlfriend ko. Selosa pa naman ‘to,” dagdag niya pa. Hinalikan ni Patrick ang buhok ko na kinalunok ko ng sarili kong laway. Hinalikan niya ang buhok ko for the first time! I’m very happy! “Tsk,” Inis na sambit ng babae at inirapan muna ako bago nag walk-out. Nang kaming dalawa na lang ni Patrick biglang namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya. “Sorry about what happened,” he said. “Hah?” Nagtatakang tanong ko. Wala naman nangyaring masama ‘di ba. Ok naman ako at ok rin naman siya. So bakit siya nag so-sorry? “Sorry kasi pinagpanggap pa kitang girlfriend ko.” Nawala ang kaninang masayang ngiti sa labi ko at ang saya na nararamdaman ng puso ko. Akala ko girlfriend na niya ako pero kasinungalingan lang pala. Bakit ba kasi ang bilis kong umasa pagdating sa kanya. “A-ah o-ok lang,” nauutal na sambit ko at napayuko na lang. “Hindi ko kasi maalala ang babaeng ‘yun kaya naisip ko na pagpanggapin ka na lang na girlfriend ko para umalis na siya,” pagpapaliwanag niya. “Ok lang. Basta huwag mo ng uulitin ‘yun kasi baka sa susunod maniwala na naman ako,” natatawang saad ko kahit hindi naman talaga ako natatawa. “Bakit naman? Malay mo sa susunod totoo na talaga, totoong girlfriend na kita.” ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ To Be Continue... Sa October, araw-araw na po 'to. XOXO
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD