Episode 04

1046 Words
Katty’s POV   Busy ako sa pag ty-type sa laptop ko ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Nilingon ko si Patrick na nasa office table niya na nakatingin pala sa akin.   “Bakit ka nakatingin sa akin? Nagagandahan ka ba sa mukha ko?” Sambit ko at kinindatan siya. “Payag ka na bang maging f**k mate mo ako?” Dagdag ko pa.   Agad naman siyang napailing at tumayo sa swivel chair niya at isinuot ang coat niya. “Kung ano-ano na naman ang iniisip mo,” saad niya.   “Huwag mo kasi akong tignan ng ganun. Baka sa susunod isipin ko na may gusto ka na rin sa akin,” natatawang sambit ko at pinagpatuloy na ang pag t-type sa laptop.   “Tara na,” anyaya niya.   Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at sabay na napataas ang dalawang kilay ko. Pumapayag na ba siya na maging f**k mate ako?   “Saan ba? Sa condo mo o sa condo ko?” Nakangiting tanong ko sa kanya na kinakunot-noo niya.   “Hah? Diyan lang tayo sa baba mag di-dinner. Masarap mga restaurant dito sa kumpanya ko,” sambit niya.   Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ano ba naman kasi ang iniisip ko. Kakain lang naman pala kami ng dinner akala ko magkakainan na kami. Nakalimutan ko na oras na pala ng dinner. Hindi naman kasi ako sanay na mag dinner.   “Ahm I mean, hindi pa ako tapos sa pinapagawa mo,” pag-ibaba ko sa usapan habang nakatingin sa screen ng laptop ko.   Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nahihiya ako. Buti na lamang at hindi niya masyado naintindihan ‘yung sinabi ko. Dahil baka isipin niya napaka-desperada ko na pero totoo naman na desperada ako.   “Bukas mo na ‘yan tapusin. Alas-otcho na kaya dapat kumakain na tayo ng dinner ngayon,” sambit niya.   “Ah ok,” naiilang na sagot ko at pinatay na ang laptop at inayos ang mga gamit ko.   Ayoko naman na tanggihan ang alok niya na mag dinner. Ang grasya na nga ang lumalapit, tatanggihan ko pa ba? Matagal na rin ng huli kaming makapag dinner ni Patrick na mag kasama kaya maling tanggihan ko ang alak niya ngayon dahil baka sa susunod hindi na niya ako yayain.   “Tara na,” anyaya ko sa kanya at sabay kaming lumabas ng office niya.   Nakakalakad na ako dahil napahinga ko ang paa ko kanina. Hindi naman na siya masyadong masakit kaya hindi na niya ako kailangan na buhatin pa.   Pagsakay namin sa elevator agad kong pinindot ang push botton at tumabi na kay Patrick.   “Bukas dapat hindi na ganyan kaikli ang suot mo,” saad niya sa akin.   Actually ilang beses na niyang sinabi ‘yan ngayong araw. Habang nag tra-trabaho kami kanina puro tungkol sa suot kong skirt ang pinupuna niya.   “Ok,” masiglang sagot ko.   Ayoko naman siyang suwayin sa gusto niya dahil baka isipin niya hindi ako masunuring babae. Lahat ng utos niya handa ko naman sundin basta’t magustuhan niya lang ako.   Pagbukas ng elevator agad kaming lumabas ni Patrick at dumiretso sa isa sa mga restaurant ng kumpanya niya. Naupo kami sa pandalawahang lamesa. Binigyan naman kami ng menu ng waiter.   “I want kebab rice, sweet and sour fish and beef bulgogi,” sambit ni Patrick at tumingin sa akin. “Ikaw anong gusto mong kainin?” Tanong niya.   “Ikaw, ikaw ang gusto kong kainin,” diretsong sagot ko.   Bigla kong na realize na hindi pala ako dapat mahiya kay Patrick. Dapat palagi kong ipakita at sabihin ang nararamdaman ko tungkol sa kanya.   “Ehem, ehem! Iba naman po pala ang gusto ng girlfriend nito, sir.” Sambit ng waiter.   “Actually, hindi ko pa siya boyfriend. Magiging boyfriend ko pala siya pero kung ayan ang gusto mong isipin ok lang sa akin,” sagot ko at napakibit balikat pa.   Wala namang mawawala sa akin kung isipin nila na may relasyon kami ni Patrick. Mas masaya nga kapag ganun ang inisip nila para alam nila na akin na talaga si Patrick.   “Hey, Katty, I’m serious. What do you want to eat?” He asked.   Napatingin naman ako sa tenga niya na namumula. Is he shy? Oh my gosh! My man is shy in front of me! Dapat hindi siya ma awkward sa akin.   “Ahm, I want tea,” nakangiting sagot ko.   Sineryoso ko na ang sagot ko dahil ayokong naiilang o nahihiya siya sa akin. Gusto ko palaging maging open sa akin si Patrick. Kung mahihiya siya sa akin siguradong lalayo ang loob niya sa akin at ayokong mangyari ‘yun.   “Ano pa po, ma’am?” Nakangiting tanong sa akin ng waiter.   “Wala na, ‘yun lang ang gusto ko,” nakangiti rin na sambit ko.   “Katty, dito ka nga sa akin tumingin,” utos ni Patrick kaya naman inilipat ko ang tingin ko sa kanya at napataas ang dalawa kong kilay habang may ngiti sa labi ko.   “Why?” I asked innocently.   “Mag di-dinner tayo tapos tea lang ang order mo? Mabubusog ka ba sa kakapiranggot na tea na ‘yan?” Kunot noong tanong niya sa akin.   “May sinusunod akong diet plan kaya dapat mag tea lang ako ngayong dinner,” sagot ko sa kanya.   “Diet? Seriously??” He asked while giggled. “Ang payat-payat mo tapos mag di-diet ka pa. Kayo talagang mga babae palagi niyo na lang iniisip ‘yung katawan niyo. Puro kayo diet kahit na ang payat-payat niyo naman talaga.”   “Pero kapag tumaba naman ako mas lalong imposibleng magustuhan mo ako,” nakangusong sambit ko.   “Sa tingin mo kaming mga lalaki puro sexy na lang ang gusto namin? Gusto rin namin ng healty” saad niya.   Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako healthy. May diabetes ako kaya hindi ako makakain ng marami kahit na gusto ko naman talaga. Once na tumaas kasi ang sugar ko siguradong mahihilo na naman ako at hindi makakabangon sa kama.   “Kaya kalimutan mo na ‘yang diet mo kung gusto mo talaga ako. Gusto ko sa babae ang maganang kumain kaya mag-order ka na ng kakainin mo,” utos niya sa akin.   “Ahm ok,” sambit ko at humarap sa menu na nakapatong sa lamesa namin at namili na ng pagkain na kakainin ko. “Asian pork belly bites and salmon salad,” I ordered.   Minsan lang naman ako kumain ng marami. Hindi naman siguro masama kung kakalimutan ko ang diet plan ko kapag kasabay ko si Patrick na kumain.     “Dagdagan mo na rin ng beef bulgogi at kebab rice ang order niya,” sambit ni Patrick.   “Masyado na ‘yan marami baka hindi ko na maubos,” sambit ko pero umiling lang siya.   “Tama lang ‘yan para sa katawan mo. Boss mo ako kaya dapat lang na sundin mo ako. Ayokong magkaroon ng payat na secretary kaya dapat kumain ka ng marami.”  ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ To Be Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD