Katty’s POV Late akong nagising ngayong araw dahil medyo masama ang pakiramdam ko kaya mabilis ang bawat kilos ko. Pagkasuot ko ng bath robe ko agad akong lumabas ng bathroom. “Aish!” Asik ko ng marinig kong nag ri-ring ang cellphone ko na nasa sahig. Bagong bili ko lang ang cellphone na ‘to dahil nga nanakaw ang dati kong cellphone. Pinulot ko ito at agad na sinagot ng makita kong si Doc. Francoise ang tumatawag. Ang doctor ko na kaibigan ko na rin. “Oh bakit ka na patawag?” Iritadong tanong ko habang sinusuklay ang basa kong buhok. Late na late na ako ngayon sa trabaho ko. “Pumunta ka muna sa terrace mo,” utos niya. Dali-dali naman akong nagpunta sa terrace ko. Pagtingin ko sa kabilang terrace nakita ko ang nakangiting si Francoise. “Dito ka na rin nakatira?”