Katty’s POV “’Yun naman pala eh. Kaya walang masama na makipag-usap ka sa akin dahil ako, gusto mo ko pero ang lalaking ‘yun hindi mo gusto. Kaya huwag na huwag ka na ulit makikipag-usap ng naka bath robe lang lalong-lalo na sa mga lalaki maliban sa akin. Do you understand, Ms. Peterson?” Sambit niya na kinabilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Nagseselos ba siya? Oh My! Ito na ba ang araw na pinakahinihintay ko? Ang magselos siya sa ibang lalaki na kinakausap ko. “Yes, boss.” I answered. “That’s good,” aniya. Pagbukas ng elevator agad kaming lumabas at sabay na naglakad pa punta sa kotse niya. Sumakay ako sa front seat habang siya ay sa driver seat. Kung nagseselos siya sa amin ni Francoise ibig sabihin ba na may gusto na rin siya sa akin? Pwedeng possible dahil im