Ch 2 - The Encounter

1685 Words
    Malakas ang buhos ng ulan, kasabay nito ang mumunting hakbang ni Alison papalapit sa duguang katawan ng kanyang ama. Tuluyang nanghina ang mga tuhod niya at napa-upo sa harapan ng walang buhay nitong katawan.     Humagulgol siya, ngunit hindi niya mawari kung ang naririnig niya ba'y tunog ng pagdadalamhati niya o ang malakas na pagtangis ng langit. Together with the heavy downpour, the blood of her most beloved ran towards her feet.     "This is all your fault."     "Isa kang malas sa pamilyang 'to! Pinatay mo ang anak ko."     "Ikaw na lang sana ang namatay."     Those words were pierced to her head all at once. Kahit anong takip niya sa kanyang tenga, umaalingawngaw pa rin ang mga katagang 'yon. Mga salita na naging marka na ng pagkatao niya. She had been branded as the bad luck of the family ever since that event.      Siguro’y mas matatanggap niya kung siya lamang ang naapektuhan ng pangyayaring 'yon, ngunit pati ang kaniyang ina at si Madison ay tinakwil din ng mga Barcelona. Para silang itinapon sa kawalan at wala siyang ideya kung bakit. Why did her father die? Is it her fault? No one would tell her. Isa itong kutsilyong nakatarak sa dibdib niya at dadalhin niyang habang siya'y nabubuhay.     "Ali, gising na." Isang malambing na tinig ang pumutol sa masamang panaginip na 'yon.     Pilit niyang minulat ang kanyang mga mata at agad na bumulaga sa kanya ang nag-aalala na mukha ng kapatid. Nang tuluyang bumalik ang kamalayan niya'y mabilis siyang bumalikwas ng bangon at luminga sa paligid.     "Madi, nasaan tayo?" Puno ng pagtatakang tanong niya habang ginagala ang mga mata sa kwarto kinalalagyan nila. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Ang huli niya kasing naaalala ay nasa sasakyan sila bago siya nakaramdam ng matinding antok.     "Ano ka ba, Ali? Nasa Pilipinas na tayo, dito sa mansyon." Noong una'y may sigla pa ang ekspresiyon ni Madison, ngunit unti-unti rin itong napawi. "Nakatulog ka kasi sa biyahe, pinadala ka na lang ni mama dito sa kwarto."     "May nangyari ba?"     Umiling ito at halatang pinilit na ngumiti. "Wala. Everything's just fine." paninigurado nito sa kanya.     "Lumabas ka na, kakain na daw tayo."     Hindi na umimik si Alison at tumango na lamang bilang tugon. Nang tuluyang nakalabas ang kapatid mula sa kwarto, dito siya napasipat ng noo. Sa totoo lang, hindi niya malaman kung paano niya haharapin ang mga Barcelona - lalong-lalo na ang lola Pontia nila. Mga galit at namumuhing mukha ang tanging niyang naalala noon kaya't aminin niya man o hindi, natatakot pa rin siyang makita ang mga ito.      Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, napagpasyahan niyang tumayo at ayusin ang sarili sa harapan ng salamin. Gustuhin man niyang maglaho at tuluyang umalis sa lugar na ito ay wala na siyang magagawa. This is the day she prayed would never happen but here she is - ready to hear those sick words and insults all over again.     Kabaligtaran ng inaasahan ni Alison, walang ni isang masakit na salita siyang narinig mula nang masimulan silang kumain sa hapag. Normal ang naging palitan ng pag-uusap sa pagitan ng bawat isa, pinilt niya rin na maging kaswal sa bawat sagot na binibitawan niya.     "By the way, bukas na ang pamamanhikan ng mga Villaroman." wika ng matandang si Pontia matapos ang mahabang kamustahan.     Agad niyang nilingon si Madison, tulad ng inaasahan niya'y bakas sa mukha nito ang alinlangan.      "Ah, talaga ho?" Iyon lamang ang tanging nasambit nito.     "You'll finally meet Gael. Hopefully, magkasundo kayo agad." dagdag pa ng kanilang lolo Rogelio.     "Is he a nice guy?" Isang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat. Napalingon sila sa direksyon kung saan kaswal na nakaupo at kumakain si Alison. Kumurap-kurap ang dilag na tila ba nagulat sa reaksyon ng mga ito.  "What? May masama ba sa tanong ko?"     Alam niyang hindi dapat siya nakikisali sa usapan, lalo na't hindi niya pa alam kung paano siya lulugar at aakto sa pamamahay na ito. Hindi niya lang matiis na hindi magtanong sapagkat batid niyang hindi mangangahas si Madison na kuwestiyunin ang mga desisyon ng pamilya nila. This is the least she could do for her beloved sister. She’ll think about the consequences later.     "Alison!" pabulong na saway ng kanyang ina sa kanya. "Ah, pagod lang po si Alison sa biyahe - "     "Dalawa lang naman ang pwedeng maging posibilidad, hija." putol ng lola Pontia niya sa pagsasalita ng kanyang ina. Napalunok si Alison, alam niya kasing ito na ang hudyat ng diskusyon sa pagitan nila. She triggered it so she wouldn’t expect any less from the woman who hates her the most.     "Kung siya ba ang magdadala ng swerte sa pamilyang 'to - o dadagdag lang siya sa malas na dala mo."     Wala ni-isang nangahas magsalita matapos ng mga salita na  'yon. Ramdam ni Alison ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang mga katagang 'yon ang senyales na hindi pa rin nawawala ang lamat na ginawa niya sa pamilyang ito. Back then, she was too young and naïve. Akala niya sapat na saluhin niya lahat ng sisi sa kamalasang dinala niya sa pamilyang 'to pero hindi pa pala. But this time she won't back down, not again. Not anymore. Hindi na siya iiyak sa isang gilid para sa kasalanan na hindi niya alam.     "In that case, ako pala dapat ang unang humarap sa kanya. Who knows? Baka 'pag nakilala ko siya, mawala lahat ng kamalasan na lagi niyong isinisisi sa'kin." May panunuyang pahayag niya kasabay ng isang mahinang bumingisngis. "Or better yet, ipabasbas niyo po ulit 'tong bahay. Baka kasi nagkalat na naman pala ako ng kamalasan dito."     "Alison, ano ba?" Nagtaas na ng boses ang kanyang ina upang mapatahimik siya. "Tama na. Mag-sorry ka sa lola mo, ngayon na!"     "No, I won't." Pagmamatigas niya at kinuyom ang magkabilang palad. "I've been saying sorry all my life. Hindi pa ba sapat 'yon?"     "Kahit anong gawin mo, kahit mamatay ka pa - hinding-hindi magiging sapat 'yon." Mabagsik na sagot ng matanda sa kanya.      Tumayo ito mula sa hapag-kainan. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin sa kanya ng matanda, malamang ay kanina pa siya nakabulagta sa sahig. "I was planning to make this peaceful, hija. Considering your sister's upcoming wedding -"     "Isa pa 'yan. Tinanong niyo na ba si Madison kung gusto niyang magpakasal? Did you?" Lumingon si Alison sa direksyon ng kanyang kapatid bago tulyang tumayo na rin.      "Bakit hindi mo sabihin, Madi? Why don't you tell them to stop their silly little cultural wedding game?"     "Alison, please." Pagsusumamo ni Madison at humawak sa kamay niya. Her eyes were pleading her to stop. "That's enough. It’s okay."     Umiling siya at binaling ang tingin sa kanyang lola Pontia. "You want to get rid of me, right? Ba't hindi na lang ako ang ipakasal niyo sa mga Villaroman na 'yan? Tutal bawat pinapakasal niyo naman sa kanila nawawala nang parang bula 'di ba?"     Napako ang mga paa ni Alison sa kinatatayuan niya nang lumakad sa harapan niya ang matanda. Ang sunod na lang niyang naramdaman ay ang hagupit ng palad nito sa kanyang pisngi. Ramdam man niya ang hapdi ng sampal nito, pinilit pa rin niyang ngumisi. To show her that she's not the same kid anymore. She wouldn't cry because of those petty words or that slap. Tapos na ang pagpapalampas niya sa mga pang-aabuso nito.     "Is that it? Baka gusto niyo pang sipain at sakalin ako? Tutal gusto mo naman na 'kong mamatay 'di ba? Go ahead!" sigaw niya habang tuluyang nagbagsakan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.      "I'm so done with this s**t fake family dinner. Hindi mo na kailangang magpanggap, alam kong hindi mo gusto na naririto ako."     "You - "     Akma pa sanang hahagupit muli ang kanyang Lola Pontia ngunit agad nasalag ni Rogelio ang kamay nito. Nakatayo na ang matanda sa pagitan nilang dalawa at halatang hindi nasisiyahan sa kaguluhan na namamagitan sa kanila.     "Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo?" galit na bulalas nito saka marahas na bumitaw sa kamay ng asawa. "Mercedes, pumunta muna kayo sa kwarto ng mga anak mo. Mag-uusap lang kami ni Pontia."     Agad na tumango ang kanilang ina. "Opo, Papa."     Matapos nito'y inakay silang dalawa ni Madison paalis sa harap ng hapag-kainan at papunta sa kwarto. Hindi niya maalis ang tingin sa dalawang matandang iniwan nila doon. Bakit hindi nagalit sa kanya ang kanyang lolo? Bakit tila hindi nito kinampihan ang Lola Pontia niya katulad dati? It seems like it's another mystery that she needs to solve.     Hindi nagawa ni Alison na makatulog nang mahimbing kinagabihan. Marami pa rin siyang gustong malaman tungkol sa misteryo ng pamilya nila. In fact, her father's death was also a mystery to her. Kahit anong pilit niya upang maalala ang lahat ng nangyari, pili lang ang natatandaan niya. All she remembered is her father lying dead in front of her and everybody blamed her for that.     Napailing na lang siya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Natagpuan niya ang kanyang sarili na nabibighani sa kabilugan ng buwan. Dahil dito, kanyang napagpasyahan na lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin. Nagbabaka-sakali din siya na mapawi nito ang mga gumugulo sa kanyang isipan at tuluyan na siyang dalawin ng antok.     Isang kaluskos ang pumukaw sa kanyang atensyon sa gitna ng payapang paglalakad sa hardin. Buong akala niya guni-guni niya lamang, kaya’t pinagsawalang-bahala niya ito. Ngunit nang muli siyang makarinig ng kaluskos, nakasigurado na siya kung saan ito nagmumula.     "Sinong nandyan?" Saad niya ngunit walang sumagot sa kanya.     Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa taniman ng mga kumpol na rosas. Sigurado siyang dito nanggagaling ang mga kaluskos na kanina niya pa naririnig. She's not scared, though. May pakiramdam din siya na baka pusa lamang ang kumakaluskos na 'yon.     Just when she's about to reach out, she almost screamed in horror. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa harapan niya at dagli-dagling tinakpan ang kanyang bibig. Manlalaban sana siya ngunit ginapi nito ang kamay niya at kulang na lang ay mapa-ngiwi siya sa higpit ng pagkakahawak nito.     "Kung mahal mo pa ang buhay mo, hindi ka magiingay." mahinang babala nito sa kanya.     Hindi mabuo ni Alison ang itsura ng lalaki sa kadahilanang madilim ang kinatatayuan nito ngunit naka-agaw sa kanyang pansin ang kakaibang pungay ng mga mata ng lalaking kaharap. It was different, almost tantalizing. Sigurado siyang hindi lamang ito repleksyon mula sa liwanag ng buwan sapagkat kakaiba ang kislap nito.     Sino nga ba ang estrangherong ito? At anong ginagawa niya sa bakuran ng mga Barcelona?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD