"Ma, I already told you. Hindi ako papakasal at mas lalong hindi niyo 'ko mapapauwi ng Pilipinas, okay?" Padabog na ibinagsak ni Madison ang hawak niyang baso sa lamesa. Obviously unable to contain her frustration.
"I don't even know him or that family."
"Madi, you know you can't do that." Matigas na saad ng kanilang ina. Tinapik nito ang magkabilang balikat ng anak upang ito’y mapakalma. "We already talked about this. Wala tayong ibang choice kung hindi sumunod."
Mula sa sala, tahimik na pinagmamasdan ni Alison ang kanyang ina at kapatid. Napabuntong-hininga na lamang siya sa ginagawang pagtatalo ng dalawa. Wala namang bago sa tagpong ito. Eversince the arranged marriage for Madison had been brought up, they’ve been bickering like there’s no tomorrow.
Sa totoo lamang, maging siya’y nahihiwagaan na sa mga nangyayari. Hindi na siya nagtaka sa naging reaksyon ng kapatid, 'pagkat sino ba naman ang matutuwa na malamang ikakasal ka sa taong ni hindi mo kilala? There were no explanations. All they know is that it's part of tradition and even their mother can't ignore it.
"Hindi ko lang talaga maintindihan," Hindi na napigilan na sumabat ni Alison sa gitna ng pagtatalo ng dalawa. Tumayo siya at nagsimulang magmartsa sa direksyon nila. "Bakit kailangan may ikasal na Barcelona sa isang Villaroman sa loob ng labing-dalawang taon? It's just so weird, creepy even."
"Alison, sinong nagsabi sa'yong pupuwede kang makisali sa usapan ng matatanda?" May awtoridad na babala ng kanyang ina kasabay ng isang matalim na tingin.
She rolled her eyes over her warning. If this was twelve years ago, she’ll cower in fear. Isa kasi ito sa mga tradisyon na kinalakihan nila. Bukod sa misteryosong deka-dekadang pagpapakasal sa mga Villaroman, itinatak din ng kanyang ina sa musmos nilang isipan na walang karapatan ang nakababatang miyembro ng pamilya na manghimasok sa ganitong klaseng usapan.
"Ma, hindi na kami bata. Hindi niyo na mapagkakait sa'min na magtaka sa kakaibang tradisyon na 'yan." May himig ng inis na sagot ng dalaga sa kanyang ina at nilingon ang kapatid na si Madison. "Alam ba ni Madison ang nangyari kay Tita Celeste sa puder ng pamilyang ‘yon? She was the one who married a Villaroman twelve years ago - "
"Alison, stop it. Tigilan mo ‘yang mga walang saysay na haka-haka mo kundi makikita mo ang hinahanap mo." Sa unang pagkakataon, nakita ni Alison ang takot sa mga mata ng ina.
"W-Wait. What do you mean by that, Alison? Anong nangyari kay tita Celeste?" nauutal na tanong ni Madison, naghatid ito ng tensyon sa paligid.
Hindi agad nakasagot si Alison. Nagpalipat-lipat siya ng tingin kay Madison at sa kanyang ina. Tinitimbang niya ang mga nararapat niyang sabihin. Sa totoo lamang ay aksidenteng narinig niya lamang iyon isang araw bago sila pinalayas sa mansyon ng mga Barcelona.
"Alison." Nagsusumamong tawag ng kapatid sa pangalan niya.
"She went missing." Tipid na sagot niya na sinundan ng isang buntong hininga.
"M-Missing?" Napuno ng pagkalito ang mga mata ni Madison at bumaling sa kanilang ina. "Totoo ba ang sinabi ni Alison, Ma?"
Walang nagawa ang ginang kung hindi dahan-dahan na tumango. "Mas makakabuting sabihin na nawalan kami ng komunikasyon sa kanya sa loob ng mahabang panahon."
"Hindi niyo pa rin siya nahahanap hanggang ngayon?" Segundang katanungan muli ni Madison. Panic was apparent to her voice.
Umiling ang kanilang ina. "Hindi pa. Pinapahanap pa rin siya hanggang ngayon ng lolo niyo." wika nito at hinawakan ang kamay ng anak upang mapakalma ito.
"You don't have to worry, anak. That's just one incident - "
"One incident? Sigurado ka ba d'yan, Ma?" May panghahamon ang tono ni Alison. Tumungo siya sa isang drawer at may mga papel na inilabas mula dito. "Nakikita niyo ba 'to?"
"Alison, ano na naman ba 'yan?" Her mother cried out, as if begging her to stop.”Kung wala kang mabuting sasabihin, huwag ka nang makisali sa usapan na ‘to.”
"Barcelona multiple missing cases for the last fifty years." Lumakad siya pabalil at ini-abot ang mga papel na hawak niya. "Ma, sinabi ko sa'yong hindi na 'ko bata. Matagal ko nang hinahanapan ng butas ang mga Villaroman na 'yan. I can't find any information relating to them except that."
Since the day their mother informed them about Madison's arranged marriage, Alison made it her life's mission to investigate about the Villaroman family. Noong una'y wala siyang makitang impormasyon tungkol sa mga ito. Ngunit tatlong taon na ang nakakalipas, may isang misteryosong sulat ang dumating sa kanya. Batid niyang hindi siya dapat nagtitiwala sa mga dokumentong hindi naman niya alam kung saan ang pinanggalingan, ngunit nang mabanggit nito ang pagkawala ni Celeste ay may kakaibang kirot siyang nadama sa kanyang dibdib. She had a strong feeling that this might be true. At base sa reaksyon ng kanyang ina, nakakasigurado na siya na hindi ito isang haka-haka lamang. Siguro'y panahon na rin upang gamitin niya ang baraha na matagal niyang itinatago para sa ikabubuti ng kapatid.
"Ma, ano ba 'to? Hindi mo ba ipapaliwanag sa'min o kahit sa'kin man lang? I'm so clueless about this." Pagmamakaawa ng ni Madison sa ina habang isa-isang tinitignan ang mga papeles.
"Siguro naman may karapatan akong malaman? Ako ang pinipilit niyong magpakasal sa isang Villaroman."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang mag-iina. Humakbang si Alison patungo sa pintuan ng kanyang kwarto. Batid niyang hindi siya maaaring manghimasok sa usapin na ito sapagkat wala naman siyang kinalaman dito. Ang mahalaga lamang sa kanya'y kahit papano natutulungan niya ang kapatid sa kinakaharap nitong problema.
"Kung may kailangan kayo, sa kwarto lang ako." Paalam niya at tuluyang pumasok sa kanyang silid.
Maaliwalas ang panahon, ngunit may lamig ang simoy ng hangin. Tahimik na pinapanood ni Alison ang nagsisihulugang dahon mula sa puno na matatanaw sa bintana ng kanyang silid. Niyakap niya ang kanyang sarili upang maibsan ang lamig na nararamdaman. Unti-unting gumihit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi habang nagbabalik-tanaw sa nangyari kanina.
Hindi ito ang unang beses na naramdaman niya ang kawalan ng puwang sa pamamahay na ito. Sa pamilya nila, tanging ang panganay na anak lamang ang may halaga. Buong buhay niya yata'y puro na lang para kay Madison nakasentro ang mga desisyon na ginagawa ng kanilang ina. She suddenly wondered what is it like to be able to live her sister's life. Gusto niya sana na maranasan ang buhay nito kahit isang araw lamang.
"Sira ka talaga, Alison." Bulong niya sa sarili at bahagyang natawa. Hindi niya akalain na aabot pa siya sa ideyang palitan ang posisyon ng kapatid sa pamilyang ito.
Matagal din siyang nakatulala sa kawalan. Naputol lang ang malalim niyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang pagbubukas ng pintuan. Nilingon niya kaagad ito at ang malungkot na mukha ni Madison ang bumungad sa kanya.
"Anong nangyari?" Nasidlan agad ng pagaalala ang kamalayan ni Alison, ngunit imbes na sagot ang kanyang marinig ay niyakap siya ng kanyang kapatid. "Madi, what's wrong?"
"Hindi ko na alam, Ali." Sagot nito sa pagitan ng mumunting paghikbi.
"Kung ayaw mo, pwede ka naman umurong eh. You don't even know that person. Wala silang karapatang pilitin ka." May paninindigang payo niya sa kapatid habang niyayapos ang buhok nito.
Kilala niya ang ugali ni Madison, hinding-hindi ito mangangahas na tumutol sa kanilang ina hindi tulad niya. They’re sisters, but they’re polar opposites.
"No, Alison. Sa ayaw at sa gusto ninyong magkapatid, magpapakasal si Madison. That's final." Sabad ng kanilang ina na nakatayo sa pintuan at nakasunod pala kay Madison kanina. "Pack your clothes. Aalis na tayong tatlo bukas."
"Tayong tatlo?" Gulat na usal niya at kumalas sa pagkakayakap sa kapatid. "Kasama ako?"
Hindi niya gustong magreklamo at makadagdag sa problemang kinakaharap ni Madison ngunit kung siya ang tatanungin, hinding-hindi niya na gugustuhin bumalik sa lugar na iyon. It's where all bad memories reside. At ngayon, tila mapipilitan pa siya na muling harapin ang mga taong minsang tinalikuran silang mag-iina.
"No questions. Sumunod na lang kayo."
Matapos ng mga katagang 'yon, wala nang ibang nagawa si Alison kung hindi akapin na lamang muli ang kapatid. Kasabay ng pagkalito kung paano ito madadamayan, nangangamba siya sa mga maaaring mangyari sa oras na umapak siya muli sa mansyon ng mga Barcelona. Because the last time she checked, they're not welcome there.
Bakit sila babalik sa lugar na itinakwil na sila? What kind of homecoming should they expect?