Ch 3 - The Underground Society

1508 Words
    "Kung mahal mo pa ang buhay mo, hindi ka magiingay."     Imbes na matakot ang dalagang si Alison sa pagbabanta nito, nanatili ang kanyang paningin sa makislap na mga mata ng lalaking nasa kanyang harapan. She suddenly felt lost and tantalized. Hindi niya na nakuha pang manlaban muli sa kabila ng mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Miski ang pagkakatakip sa kanyang bibig ay hindi niya na rin nabigyang pansin.     "Bibitawan na kita basta't hindi ka gagawa ng kahit anong ingay. Naiintindihan mo?" pabulong na sabi nito sa kanya.     Hindi niya malaman kung anong mahika ba ang ginamit nito sa kanya at napatango na lang siya agad. Matapos niyang sumang-ayon dito'y dahan-dahan nitong pinakawalan ang kamay niya at inalis ang pagkakatakip sa kaniyang bibig. Dito lang bumalik sa realidad si Alison. Kumurap-kurap siya at muling naalala na isa palang estranghero ang kaniyang kaharap!     "Tu - "     Hindi pa siya tuluyang nakakasigaw ay natigilan na siya, ang sunod na lang niyang naramdaman ay ang init ng labi nito sa labi niya. He's kissing her! And it's not just a normal kiss, he's doing it roughly. Savouring her like a beggar at feast. At ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya makuhang manlaban. Tila ba nanigas ang mga kalamnan niya. It almost felt like he's taking something from her. Unti-unti siyang nakakaramdam ng panghihina, para bang kahit anong oras ay bibigay ang kanyang mga tuhod.     Matapos ng mainit na tagpong 'yon, napasinghap si Alison upang habulin ang kanyang hininga. Nang mahimasmasan siya, umakyat ang init at galit sa kanyang mukha. Umangat siya ng tingin upang singhalan ang estranghero na nagnakaw sa kanya ng halik ngunit muli lamang napako ang kanyang paningin sa mga mata nito. Isang matamis na ngiti ang ginanti nito sa nalilito niyang ekspresyon.     "See you tomorrow, Alison." Sambit nito at naglaho ng parang bula ang lalaki na kanina'y nasa harapan niya lamang. Saglit siyang napatulala sa kawalan bunga ng labis na pagkagulat sa nasaksihan.     "W-What the heck was that?" napalakas na bulalas niya at mabilis tinakpan ang kanyang bibig.     Dumbfounded and finally realizing what happened.     Maya-maya'y narinig na ang yabag mula sa likuran kaya't agad siyang napalingon. Tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng kanyang pinsan na si Eleonor. Mukhang hingal na hingal pa ito at nagmamadaling pumunta kung saan siya naroroon.     "Anong nangyari, Ali?" nag-aalala na tanong nito sa kanya.     Napalunok muna siya bago nagawang ibuka ang kanyang bibig. "I saw someone here." May takot pa ang tono ng pananalita niya. She was gathering her thoughts. Hindi niya pa magawang isaad ang mga nakita niya sapagkat nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga mata ng lalaking iyon.     "Ano? Sino? May ginawa ba siya sa'yo?" sunod-sunod na usisa ng kanyang pinsan habang yapos-yapos ang kanyang mga balikat.     "Hindi ko alam, Eli. Basta, yung mga mata niya - It's different. Kumikislap!" Napasinghap siya nang muling magunita ang nakita niya kanina at muling bumaling kay Eleonor. "Is this real? Am I just imagining things?"     Puminta ang dismaya sa mukha nito at umiling. "No, you're not. Sa tingin ko, alam ko kung ano ang nakita mo."     "Are you implying that I’m not imagining things? Tao ba 'yung nakita ko?" she asked with a horrified look. Agad siyang nakadama ng takot sapagkat hindi nga malayong kakaibang nilalang ang nakadaupang-palad niya. He just disappeared in thin air! Paanong mapapaliwanag ng kanyang isipan ang pangyayaring iyon?     "Ali, calm down. Hindi ko maipapaliwanag sa'yo 'to kung ganyan ka." Pagpukaw ni Eleonor sa kanyang malalim na pagiisip.      "Let's go inside. Ako na ang magpapaliwanag sa'yo."     Ilang sandali pa’y nagawa ni Alison na kumalma matapos siyang painumin ni Eleonor ng mainit na tsaa. Nasa kusina na sila ngayon at kapwang nakaupo sa harap ng malaking hapag. Nang tuluyan niyang maubos ang laman ng tasa ay mas gumaan ang kaniyang pakiramdam.     "Okay ka na ba?" paninigurado ng kanyang pinsan.     Tumango siya at nagawa namang bahagyang ngumiti. "Oo, medyo. Salamat, Eleonor."     "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo." Bumalik ang lungkot sa tono ni Eleonor at sinapo ang kamay niya. "I mean - I grew up and naturally found out about this. Pero kayo ni Madison, ang tagal niyong nawala."     Hindi napigilan ni Alison ang pagpinta ng mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Eleonor was right, they've been gone for far too long. Hindi man niya aminin, Nangungulila siya sa mga alaala ng kanyang pagkabata. She can’t recall some of it but a part of her long for it. Eleonor was the only daughter of their Tito Foncio, who was already dead like her father Ramses. Kaya nga ito lang ang naging kalaro nila noon ni Madison sapagkat mahigpit na i***********l noon na lumabas ng mansyon.     "Hindi lang ba 'to tungkol sa nakita ko kanina? What the heck is he?"     Tumango ito. "He's an Alpha, Alison. At kung tama ang hinala ko, naamoy niya ang aroma mo kaya siya pumasok dito." paliwanag ni Eleonor na may madilim na ekspresyon sa mukha.     Kumunot ang noo ni Alison. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang pinsan. "Anong Alpha? At anong kinalaman ng aroma? I can't understand what you’re saying."      Napahilamos ito ng dalawang palad sa mukha. Halatang hindi nito malaman kung saan magsisimula ng pagpapaliwanag. Humugot ito ng malalim na paghinga bago muling bumaling sa kanya.     "Unang-una, alam mo ba kung anong klaseng lugar ang kinalalagyan natin ngayon, Alison?" Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Eleonor sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay tumayo ang mga balahibo niya sa braso. Her words suddenly sounded eerie for her, especially now that a man magically disappeared in front of her.     "Anong tanong ba 'yan, Eli? Syempre alam ko, dito tayo lumaki 'di ba?" kumpiyansang sagot ni Alison. Idinaan niya sa isang tawa ang pag-aalinlangan na nadarama bunga ng katanungan ng pinsan.     "You know that's not what I meant. Alam mo ba kung anong lugar itong kinatatayuan ng mansyon na 'to? Nakita mo na ba kung anong nasa labas ng mga rehas na 'to?" Dagdag na usisa ng pinsan. Tila naglalatag ito ng mga bugtong sa kanyang harapan at hinahamon siyang sagutin ang mga ito.     Hindi siya nakaimik sa dami ng posibilidad na lumutang sa kanyang isipan. Come to think of it, she have never been outside this mansion - except when they were chased away. Mahigpit na i***********l sa kanilang magpipinsan na lumabas o sumilip man lang sa pagitan ng malalaking rehas ng gate. Noong pauwi naman sila, nakatulog siya sa biyahe kaya't hindi niya rin malaman kung pano siya nakarating sa mansyon.     "Hindi mo alam, 'di ba? This is the Underground Society, Alison. Hindi ito parte lang ng Pilipinas tulad ng alam natin noon." Her voice became shaky.      "Nahahati ang lugar na 'to sa apat na grupo. Ang mga Alpha, Beta, Gamma at Omega. Apparently, the man you saw was an Alpha, base sa pagkakalarawan mo sa kanya kanina."     Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila matapos ng sinabi ni Eleonor. Tila hindi pa rin kasi ma-proseso ng utak ni Alison ang mga sinabi ng kausap. Underground Society? Alpha? Lahat ng mga 'yon ay bago sa pandinig niya. Hindi niya maiwasang mapaisip kung totoo nga ba ang mga sinaad nito.     "Hindi mo ba 'ko pinagti-tripan lang, Eli?" paghihinala niya dito.     "Alison, mukha ba 'kong nagbibiro?" Nanatiling neutral ang ekspresyon ng mukha nito at hindi rin inalis ang tingin sa kanya.  "You ought to know everything. Hindi na tayo bata para balewalain 'tong mga kakaibang nangyayari sa pamilya natin."     "What is this society for? At bakit tayo andito? Kapareho ba natin 'yong lalaki kanina?" Sunod-sunod na tanong niya sa pinsan. Eager to know more because her head was about to explode out of extreme curiosity.     "I don’t know all the details. Katulad mo, hindi rin naman ipinaliwanag sa’min ang mga bagay na ito. We naturally found out through events happening around us as we grow up. Iyong lalaki kanina, hindi natin siya katulad. He's part of an Alpha family. At tayong mga Barcelona ay parte ng lahi ng mga Beta." Wika ni Eleonor kasabay ng paghawak sa kanyang batok at bahagyang pag-iling.     "Alpha's are driven by Betas' aroma. May pakiramdam ako iyon ang dahilan kung bakit napadpad dito ang Alpha na nakita mo kanina."     Kinilabutan ang dalagang si Alison sa mga sinabi nito. Mabuti na lamang pala at natauhan siya kanina at umakma na sisigaw. If she didn’t, who knows what that guy would’ve done to her?     "Sabihin natin kay Lolo. This is so damn dangerous!" bulalas niya at tumayo para magmartsa papunta sa kwarto ni Rogelio.     Agad na hinagit ni Eleonor ang braso niya upang pigilan siya. "Hindi mo na kailangan sabihin, Ali."     "H-Ha? Bakit?"     "Wala silang gagawing aksyon. Betas are supposed to submit to Alphas. He won't go against them. Kaya nga hindi din mapipigilan ang kasal ni Madison."     "You mean to say - Alpha ang mga Villaroman?"     Tumango ang pinsan niya. That statement strucked her hard. Ngayon ay mas naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang pagpupumilit kanilang ina upang matuloy ang kasal.      Betas are supposed to submit to Alphas. Ang hindi niya lamang maintindihan ay kung bakit - bakit sila nabibilang sa lugar na ito? Anong meron ang mga Alpha upang mapilitan ang pamilya niya sa tradisyong ito? Are they that powerful? Everything seems to be messed up. She needs to know more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD