Mabilis na kumilos si Gael upang alalayan si Alison nang makita niyang muntikan na itong matumba. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa dilag ngunit ang itsura ng mukha nito ay tila nagpapahiwatig ng labis na pagkagulat. "Herra, bakit? Bakit mo nagawa iyon?" Nanghihina nitong tanong at bumaling sa direksyon ng kinatatayuan ni Herra. Inaamin niyang hindi niya lubusang kilala ang katiwalaang ito ng mga Barcelona. Iilang beses niya lamang itong nakita sa mansyon at sa tuwing magkakasalubong sila'y parang hangin lamang siyang dinadaanan nito. Ngunit salungat sa madalas nitong kamaldong postura, pinanood ng binatang Alpha ang unti-unting pagguhit ng poot sa mga mata nito na nakapukol sa dalagang kanyang tinatangi. Iyong tingin na tila maaaring humiwa ng kaluluwa ng kahit si