"I know you trust me, but right now you have to trust yourself." Malumanay na saad ng binatang Alpha kay Alison. Walang bahid ni katiting na pag-aalinlangan o takot ang mga mata nitong nakapukol sa kanya. Patayin mo si Gael Villaroman. Dumadagundong pa rin sa kanyang isipan ang mga katagang iyon ng kanyang Lolo Rogelio. Muli niyang nagunita ang paghaplos nito sa kanyang pisngi at ang kakaibang pagkislap ng mga mata nito. She suddenly felt lost - as if hypnotized to do what he commands. "Paano?" Mapait niyang tanong. Gustuhin man niya na bitawan ang punyal na hawak ay tila hindi nakikinig ang kanyang katawan. "I don't want to hurt you, Gael. Kaya lumayo ka na habang kaya 'ko pang pigilan - " "I don't mind." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Gael. "Kumpar
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books