"Ina, bakit Florence ang madalas ninyong itawag sa'kin tuwing tayo lang ang magkasama? At bakit Alison naman ang tawag sa'kin nila Eleonor at Jahel?" Tanong ng batang si Alison habang nasa kandungan ni Celeste at nakahilig ang ulo sa dibdib ng ina. Hinaplos nito ang pisngi niya at pinukulan siya ng isang matamis na ngiti. "Malalaman mo rin sa tamang panahon, anak. Basta't lagi mong tatandaan - kahit anong mangyari, mahal na mahal kita." Wika nito kasabay ng paghawi sa buhok na humarang sa mukha ng paslit. Luminga ito sa direksyon kung saan nakatayo ang batang si Herra, nang magtama ang mga mata nila ay lumapit na rin ito sa kanila. "Ano po iyon, mahal na hinirang?" Magalang na saad ng musmos at bahagyang yumukod upang magbigay galang. "Herra, gusto kong mangako ka