Mabigat at tensyonado ang kapaligiran. Lahat ay tila naghihintay sa magiging sagot ni Madison. Si Alison naman ay palihim na umaasang maiintindihan ng kapatid ang kanyang ibig mangyari. Magulo man ang kanyang isipan ngayon, ito lang ang nakikita niyang paraan. Kahit pa ang ibig sabihin nito'y kinakailangan nilang linlangin ang mga Barcelona. "Kung ito ang nais mo, susuportahan kita." Wika nito sa kabila ng pag-aalinlangan. Tumingin ito sa direksyon ni Gael at pinukulan ng matalim na tingin ang binata. "Ngunit sa oras na malagay ka sa panganib, ang Villaroman na iyan ang papanagutin ko." Batid ni Alison na walang kakayahan ang kapatid laban kay Gael o sa kahit sino mang Villaroman, ngunit ang timbang ng mga katagang binitawan nito'y hindi isang biro. "Makaka-asa kang hin