Tahimik na nakatulala si Gael sa hawak na piraso ng mansanas. Naglalaro pa rin sa isipan niya ang nangyaring pagsugod ng mga Omega kanina. Nakakapagtaka sapagkat bihira lamang makikita ang mga nilalang na iyon, paubos na rin ang lahi nila kaya't sa pagkakaalam niya'y nagtatago ang mga ito. Ito marahil ang naging bunga ng kumalat na balita tungkol sa naudlot na kasal nila ni Madison. Naging laman din ng mga bulong-bulungan na ini-utos ng lahat ng pinuno ng bawat lahi na kuhanin ang kamay ng isa sa mga magpipinsan upang pakasalan, bagamat hindi siya sigurado sa impormasyon na ito. "Nasaan na ang itinakda? Ibigay ninyo siya sa amin!" Muling bumalik sa binata ang mga katagang sinambit ng isang Omega kanina. Napa-iling siya dahil nakadagdag na naman ito sa mga bugtong na dapat n