Chapter 2

1830 Words
"V!" Malayo pa man kami ay rinig na namin ang sigaw ni Oceanie na tuwang tuwa na makita si Hivo. Nasa likuran niya si Agatha na nakangiti sa amin. "Kamusta ang biyahe?" tanong niya sa amin. "Tiring," ikling sagot ko. Humalik si Hivo sa pisngi ni Agatha at lumapit naman sa 'kin si Oceanie. "Hello baby girl," sabi ko dito at yumuko para mahalikan niya sa pisngi. "Hello po tita Ri." Hindi na kami hinintay ng dalawang bata at agad na nagtutumakbo papasok sa loob ng bahay. "What happened? I received your text last night," nag-aalalang tanong ni Agatha sa 'kin. "Pag-usapan nalang natin sa loob. Sila Divine, wala pa ba?" tanong ko dito. "On the way na raw ang tatlo," sagot nito. Nang makapasok kami sa loob ay busy ang lahat sa paghahanda. Wala ang presensya ng asawa ni Agatha dahil may pinuntahan daw saglit so basically kami lang ang nandito at mga katulong. Hindi kami lagi nagkaka-abutan ni Kael. Agatha's husband. "What happened? Spill it Ri," hindi na makapaghintay si Agatha na ikwento ko ang tungkol sa nangyari kahapon kaya sinimulan ko na ang pag ki-kwento ko sa nangyari sa airport at sa pagdating ni Hannah. (Nangyari sa hotel) Hannah waited me dahil inasikaso ko pa ang bata. Pinalitan ko nang damit saka pinatulog. Hindi na nagtanong masiyado about Hannah ang anak ko dahil inaantok na rin so wala na siyang kamalay-malay anong nangyayari sa paligid niya. Kung hindi ito inaantok, kanina pa niya for sure dinadaldal si Hannah. "He looks exactly like kuya at kung magsalita siya o kumilos ay parang si kuya," sabi niya habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog. I must to agree with her dahil sa dalawang Linggo na paninilbihan ko kay Steven ay minsan natutulala ako pagnakatingin sa kaniya dahil parang ang nakikita ko ay ang mature na version ng anak ko. "Ilang taon na siya?" tanong niya. "5" sagot ko. "I see. Pero bakit?" I know what she means bakit. Bakit ko tinago ang bata? Bakit ko nilayo ang bata? Bakit hindi ko siya pinakilala sa kapatid niya. "Because hindi naman matandaan ng kuya mo ang nangyari sa ‘min 6 years ago. Kaya magugulat siya kung malaman niya na may anak siya sa ‘kin bigla lalo na't one night stand lang ang nangyari sa 'min before," paliwanag ko. "Really? Doubt that. Natatandaan ko pa nga itsura mo kahit na bata pa ako no'n," sabi niya na ikinalaki ng mata ko. "What do you mean by that?" tanong ko. "Kasama ako ni kuya that time sa bar. I excused myself for a while dahil nagbanyo ako and when I came back, nag-uusap na kayo so hindi nalang ako lumapit pa at hinayaan kayo. Kaya nga malakas ang loob ko na lumapit sa inyo kanina dahil sa kamukhang kamukha ng kapatid ko si Hivo at ang fact na nagsama kayo for one night. Kaya hindi malabo na anak ng kapatid ko ang anak mo." Literal akong napanganga sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," "Besides, may girlfriend na siya. Isa pa, nitong buwan ko lang nalaman na sa Pilipinas siya nakatira. Akala ko kasi ay taga Canada siya kaya hindi ko siya mahanap. It was my friend ang nagsabi sa 'kin ng tungkol sa kaniya. At for the same reason, dahil kamukha daw ng anak ko si Steven, naghinala sila na baka nga siya ang ama ni Hivo." Natawa si Hannah sa sinabi ko. Napaka ano naman kasi na dahil lang sa kamukha ng anak ko kaya nakumpirma nila na siya ang ama ni Hivo. I can't blame them tho. dahil totoo naman. Hindi na daw kailangan ng DNA, ika pa nila. Mga abnormal. "Well. Yeah, kamukha nga naman talaga ni Kuya. Ang weird nga lang nang basehan," sabi niya. "Hivo wants to meet his dad. As his mother, gusto kong masiguro na mabuting ama ang daddy niya. Baka kasi itakwil niya ang anak ko lalo na ng may girlfriend siya ngayon. Pumasok ako bilang katulong sa kuya mo para kilalanin siya, kung tama ba na ipakilala ko ang bata sa kaniya o hindi," tapat na sabi ko kay Hannah. "I don't like that b***h!" Sabi pa niya. "It's not my right na manghimasok sa decision mo sa buhay. At tama ka naman na dapat kilalanin mo si kuya. Hindi porke kapatid ko siya e susuportahan ko siya. He's an ass so he needs to change first. Pero mabait naman siya minsan. I can guarantee you with that," nakangiting aniya. "Thank you," sabi ko. She's nice, malayo sa ugali ng kapatid niya. "What is your name by the way?" natawa siya. Oo nga naman, kanina pa kami nag-uusap pero heto at hindi pa niya ako kilala. "Rialyn. Just call me Ri o Ria," sagot ko. "It's nice meeting you, Ria. Anyway, gusto ko lang e clarify sa 'yo regarding sa sinasabi mong girlfriend ni kuya. That b***h, Amanda, kini-claim niya na si kuya ang ama ng pinagbubuntis niya. Kuya denied it pero mapilit pa rin ang bruha kaya we don't have a choice kun’di kupkopin siya para after delivery, pwede na kaming mag pa DNA test. Ayaw namin nang scandalo." Sabi niya na puno ng panggigigil. Oh so ‘yong girlfriend na lagi niyang kausap ay buntis pala. Ipupush ko ba na ipakilala ang anak ko? O hindi nalang? "Kinukulit na nga nina mama at papa si kuya para sa bagong taga pagmana pero ayaw ko namang galing sa bruhang ‘yon ang magmamana nang legacy namin. Kahit ganoon si kuya, hindi naman niya tinatakbuhan ang responsibilidad niya. Matagal na silang wala ng Amanda na ‘yon kaya nang sabihin niya na hindi kaniya ang bata ay naniniwala ako sa kaniya." Dagdag pa niya saka tumayo at lumapit sa anak ko. "But I guess, hindi nako dapat na ma stress pa. Your son is the first born of kuya so dapat lang na siya ang tagapagmana niya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Please huwag mo munang sabihin. Hindi ko hinangad ang kayamanan ni Steven. Kaya kong buhayin ang anak ko. Ang gusto ko lang ay lumaki siya na malayo sa gulo," sabi ko. Ayaw kong makisawsaw sa kaguluhan nila. Ayaw kong madamay ang anak ko. "I respect your decision Ri. Hindi ko rin sasabihin kay kuya kahit hindi ka makiusap sa 'kin. Kailangan ko munang makita na responsable na siya sa buhay niya." Sabi niya at ngumiti. "Mas gusto kita maging sister in law," sabi niya na ikinapula ko. Nakakahiya! Hindi naman sumagi sa isip ko na maging kami ng ama ng anak ko. Ang gusto ko lang ay mapagbigyan ang anak ko sa kagustuhan niyang makilala ang ama niya. "Maaari ko bang dalawin ang bata sa ‘yo? Maari ba akong magpakilala bilang tita niya? Pwede ko ba siyang hiramin kahit sandali lang? Promise, mag-iingat ako," sabi niya na puno ng pagsusumamo. Natawa ako sa tinuran niya. Ewan ko pero kahit bago palang kami nagkausap e pakiramdam ko, ilang dekada na kaming magkakilala. "Ayos lang sa 'kin. Pero dapat ka muna niyang makilala at dapat masanay siya sa ‘yo. Sandali lang kami dito sa Canada, uuwi rin kami ng Pinas sa susunod na lingo." Sabi ko na ikinatuwa niya. "Sige. Can I have your address doon? And your number as well. If okay lang naman." "Sure," sabi ko at ibinigay sa kaniya ang address at cellphone number ko saka siya nagpaalam para umalis. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nararamdaman ko na namang gising na rin 'tong anak kong 'to na nasa tabi ko. "Good morning mama," masiglang bati ng anak ko na halos mapunit ang bibig sa laki ng ngiti. "Good morning anak," sabi ko at hinalikan siya sa magkabilang pisngi na tinawanan niya. "Mama, where's the beautiful lady last night?" agad na pumasok sa isip ko si Hannah. Kung ganoon, nakita siya ni Hivo kagabi. "Nasa room niya anak but magkikita tayo later sa kaniya. Sasabay siya sa atin sa breakfast." Biglang lumiwanag ang mukha ni Hivo at nagtutumalon sa tuwa. Agad naming ginawa ang morning rituals namin dalawa saka kami bumaba para e meet si Hannah. Kompleto ang facilities dito sa hotel at may something like resto sila dito and well-accomodated lahat that's why I like it. Simple yet cozy. "Oh! Hi darling," sabi ni Hannah nang makalapit kami sa kaniya sa table. Bahagya siyang lumuhod para pantayan ang tangkad ng anak ko na nakatingin sa tita niya. "Hello po," medyo nahihiya na bati ni Hivo. "Hi Hivo. Do you know me?" tanong ni Hannah. "No po but I saw you last night in our room. I wasn't able to talk to you because I'm sleepy. I'm sorry po.." Aw! My baby is so adorable! Nakakaproud maging ina niya. "It's okay darling. By the way I am your tita Hannah." "You're so pretty po tita Hannah. My name po is Hivo," masiglang sagot ng anak ko at nang mapatingin ako kay Hannah ay nakatingin na siya sa akin. "Hello Hivo. C'mon, let's eat. I already order the food," sabi ni Hannah at umupo kami sa round table na hindi naman spacious para sa aming tatlo. Magkadikit si Hannah at Hivo and it seems fine to me. I know this is sounds weird but wala akong choice kung hindi maki get along kay Hannah. Isa pa, she's nice and kind so I hope na hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan siya. Afterall kapatid niya si Steven and naniniwala ako na blood is thicker than water. "Say bye to tita Hannah, anak." Sabi ko sa anak ko dahil tutungo na kami sa bahay ni Agatha. "Bye po tita Hannah," magiliw na sabi ni Hivo kay Hannah na ngayon ay naiiyak dahil gusto pang makasama ang anak ko. "Sama niyo nalang kaya ako Ri," sabi ni Hannah na tinawanan ko lang. Sumimangot siya at kinarga ang anak ko. "Tangi. May e me-meet kang producer diba?" sabi ko at mas sumimangot pa siya. Yun kasi ang sabi niya kanina kaya nandito siya sa Canada ngayon. "Sama niyo ako baby Iv," pa cute na kausap niya sa anak ko. Lumingon sakin si hIvo na tila nanghihingi nang tulong kung paano sagutin si Hannah. "Kasi tita Hannah, mama and I, will go to the house of tita Agatha po and after that, we will find my papa po," napabuntong hininga ako at alanganing ngumiti kay Hannah. Hivo didn't know na kapatid ng ama niya si Hannah. Hindi naman pinaalam ni Hannah ang kaugnayan niya sa ama nito kaya nagpapasalamat ako dahil doon. "Do not worry baby Iv. For sure kung nasa'n man si papa mo ngayon, love na love ka niya. Besides, andito si mommy mo at ako para sa ‘yo," sabi nito at hinalikan ang anak ko sa magkabilaang pisngi. Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami sa kaniya at dumiretso sa bahay ni Agatha. Pagkatapos kong mag kwento kay Agatha ay literal din siyang napanganga. "What a small world," sabi pa niya. "Indeed!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD