Chapter 3

1556 Words
Hindi kami nagtagal sa Canada at agad na bumalik sa Pinas. Ngayon ay nasa bahay ulit ako ni Steven para mag trabaho. Wala si aleng Lourdes dahil naka leave ito kaya ako lang ang mag-isa dito dahil dalawa lang naman kaming katulong sa bahay ni Steven. "Good morning sir. Breakfast is ready," sabi ko nang makita siyang hubad barong naglalakad papasok sa kusina. Namula ako bigla at nag iwas ng tingin nang lantad sa harapan ko ang katawan niyang walang saplot. Tanging isang piraso lang sa ibaba ang suot niya. "Sige po sir," sabi ko at iiwan sana siya sa kusina pero tinawag niya ko bigla. "Where are you going?" tanong niya. "Maglilinis lang po sa labas sir," magalang na sagot ko. "You'll stay here tonight," sabi niya na ikinagulat ko. "Po?" hindi pwede ‘to. Hahanapin ako ng anak ko, ng anak namin. "Yes. Dahil walang magbubukas sa ‘kin ng gate mamaya. Manang Lourdes is on leave so stay in ka sa bahay hangga't hindi pa bumabalik si manang." Sagot niya at kumain. Nanghihinang napa-sandal sa labas dahil doon. Sino ang maiiwan sa anak ko? Tawag ko nalang kaya si Lia mamaya? I'm sure she won't mind na maiwan sa kaniya si Iv. Nilinis ko na ang labas at nang bumalik ako sa loob ay nakita ko si Steven na nakaupo sa sofa at may nirereview sa laptop niya. "Paki ready ng suit ko," sabi niya sa ‘kin. Trabaho ba ni manang ‘to? Akala ko ba bawal pumasok sa kwarto niya? "Papasok po ako sa kwarto niyo sir?" tanong ko kahit na kinakabahan ako. "Yes? Dahil kukunin mo nga ‘di ba ang susuotin ko?" sabi niya na nasa laptop pa rin ang paningin. "Yes. Copy po sir," sabi ko at nagmamadali sa pag pasok sa kwarto niya. Nang makapasok ako sa kwarto niya ay agad kong nilapitan ang closet niya. Ano ba ang gusto niyang suotin? Bahala na nga. Agad kong kinuha ang sa tingin ko ay babagay sa kaniya though lahat naman yata ng andito ay bagay na bagay sa kaniya. Agad kong inayos ito gamit ang plantza. Nag-iingat na ‘wag ‘tong masunog dahil mukhang mamahalin ang mga damit niya. Patapos na ako ng pumasok siya sa loob. "Naayos ko na po sir," sabi ko nang nakayuko. "Really?" sabi niya at lumapit sa ‘kin. Napaangat ako ng tingin at nakitang titig na titig ito sa akin. Bakit? May dumi ba sa mukha ko? "Wait here," paos na bulong nito at tumalikod saka pumasok sa banyo. 'Ano nang gagawin ko dito?" buntong hininga ko. Gaya nang sabi niya kanina ay naghintay ako hanggang sa matapos siyang maligo. Nakatapis lang siya ng tuwalya na lumapas sa banyo. Namula ako bigla ng maisip na ganyang katawan ang nakauna sakin. "Help me to wear that suit," sabi niya na titig na titig sa ‘kin. Trabaho pa rin ba ‘to ni aleng Lourdes? Kumuha siya ng boxer kaya tumalikod agad ako nang makita na akma niya nang isusuot ito. Grabe, hindi man lang nagbigay ng signal. "Bakit ka tumalikod?" tanong niya. Nangunot ang noo ko at dahan-dahang humarap sa kaniya. Hindi ko nalang siya sinagot at binigay ang mga susuotin niyang ni ready ko. Tinulungan ko siya na isuot ang coat niya at ako na rin ang nag-ayos ng necktie dahil hinintay naman niya na ako ang gagawa. Ang hirap pala talaga ng trabaho ni aleng Lourdes. Parang may bata lang na binibihisan. Nang makita na ayos na siya ay balak ko na sanang bumaba. "What about my hair?" napahinto ako at napatingin ulit sakaniya. Anong ibig niyang sabihin? Na ako ang mag aayos ng buhok niya? Ibang level ang trabaho ni aleng Lourdes. Umupos siya sa kama at lumapit ako sa kaniya para suklayin ang buhok niya. Bahagya akong lumapit sa gilid niya. Biglang namula ang pisngi ko ng ma realize ang position namin ngayon. Ang dibdib ko’y nasa malapit sa mukha niya. Nakakahiya ‘tong pinaggagawa ko. "T-Tapos na po sir," nauutal na sabi ko. Dali-dali kong binalik ang suklay niya sa table nito at mabilis na nagtungo sa pinto. "Your boobs is bigger than I thought," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi ako sumagot at agad na bumaba para makatakas sa kaniya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa nangyari kanina. 'Ganito ba ang nangyayari sa kanila ni aleng Lourdes? Grabe!' sabi ko sa isipan ko. Nang kumalma na ang kaba sa dibdib ko ay hinugasan ko nalang ang pinggan na pinagkainan ni Steven kanina. "I'm leaving," sabi niya. Anong sasabihin ko? "Ingat po sir," sabi ko ng hindi lumilingon sa kaniya. Akala ko ay umalis na siya kaya sinilip ko ang likuran ko at napasigaw ako bigla ng nasa likuran ko siya at taimtim na nakatitig sa ‘kin. "B-Bakit po sir?" nauutal na tanong ko. "I'm dying to taste that lips," sabi pa nito. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumayo sa kaniya. Pero kinabig niya lang pabalik ang beywang ko kaya naglapit ang katawan namin dalawa. Tumingin siya sa mga labi ko at napalunok ng ilang beses. Tinignan niya muna ako sa mga mata saka niya ibinaba ang ulo papalapit sa ‘kin nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang. Kinuha ko ito at sabay kaming napatingin sa tumawag sa ‘kin. Lumayo siya at kumunot ang noo na tinignan ako. "f*****g taken," sabi niya at umalis. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan ko ng umalis na ito at agad na sinagot ang anak ko. 'My love' ‘yan kasi ang nilagay kong pangalan niya sa contact list ko. Nakakatawang isipin na akala ni Steven ay nobyo ko ang tumatawag sa ‘kin. 'Tangi! Anak natin ‘yon uy' bulong ko. "Yes anak?" sabi ko ng masagot ang tawag niya. "Mama! Tita Divine told me na hindi ka uuwi mamaya," maktol nito. "Yes baby. Mama gonna stay here sa work niya. Pwede bang doon ka muna kay tita Lia mo mamayang gabi?" sabi ko. "Hindi ka ba talaga pwedeng uuwi mamaya mama?" malungkot na saad ng anak ko. "Yes anak. I'm sorry. Naiintindihan mo naman si mama diba?" tanong ko. "Okay po mama. Take care. I love you," sabi nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "I will. I love you too my love." Sabi ko saka binaba ang tawag. Bumalik si Steven sa loob na nakakunot ang noo at madilim ang mukha. Kinuha niya ang suitcase niya na naiwan sa mesa at supladong nag iwas ng tingin. "Dito ako kakain mamaya so cook for me," masungit na saad nito at umalis. 'Anyare doon?' naguguluhang tanong ko sa inasal niya. Kinabukasan ay nandito parin ako at sa bahay niya. Late na ng nagising si Steven. Actually kakababa lang niya galing sa kwarto niya. "I want coffee," sabi niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Yes sir," sabi ko. Dali dali akong nag timpla ng kape at agad na binigay sa kaniya saka ako bumalik sa ginagawa ko kanina. Naiilang ako minsan dahil pakiramdam ko nakatingin sakin si Steven habang naglilinis kaya inaangat ko ang tingin ko sakaniya para makasigurado pero nahuhuli ko siyang nagbabasa ng mga papeles sa table niya. 'Nag iimagine lang yata ako' bulong ko sa sarili pag ganoon ang naabutan kong ginagawa niya. "Sir what do you want for lunch?" tanong ko sa kaniya. "You." Nanlaki ang mga mata ko sa turan niya sakin. Huh? Ako raw? Last time I check naglinis ako ng tenga kaya malabong namali ako ng dinig. "Po?" "I mean, how about you?" ulit niya sa sinabi niya saka nag angat ng tingin sakin hanggang bumaba ang paningin niya sa labi ko at agad na ibinalik sa papeles niya sa mesa. 'Okay, what was that?' "Adobo po. Gusto niyo po ba ‘yon?" tanong ko. Tumango lang siya kaya ni ready ko na ang mga ingredients at gamit na gagamitin ko sa pagluluto. Binilisan ko ang pagluluto para makakain na siya at ng matapos na ay agad ko na itong hinain. "Luto na po sir. Kain ka na po," sabi ko. "Kakain," rinig ko bulong niya ngunit iba ang pagkabigkas niya no'n. Magaspang at hot na nagpa init sa ‘kin bigla. "May sinasabi ka po sir?" tanong ko kunwari para ‘di ako mailang sa kaniya. "Nothing. Let's just eat here- he paused at tumikhim muna sandali "in this table," pagpatuloy niya. Naguluhan ako sandali sa sinabi niya pero nilagay ko nalang sa mesa ang niluto ko. Siguro balak niyang sa veranda kakain o sa garden niya. Minsan kasi pinapadala niya kay aleng Lourdes ang mga pagkain niya sa kahit na anong parte ng bahay. Nang maihanda ko na ay aalis na sana ako ng pigilan niya ko. "Join me. Hindi ko mauubos ‘yan lahat," sabi niya kaya umupo nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Kinakabahan ako dahil basically ‘di ko alam anong lasa ng luto ko. Kung nasasarapan ba siya o hindi. Some says masarap ang luto ko lalo na ng anak ko but he's the boss so dapat hindi ako mapahiya kahit papaano. "Masarap?" Tanong ko. Uminom muna siya ng tubig at biglang namula na ipinagtaka ko. Bakit siya namula bigla? May allergies ba siya? "Masarap," sabi niya at uminom ulit ng tubig. 'Ang weird'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD