Chapter 1

2148 Words
"Tapos ka na ba diyan?" masungit na tanong ni Steven sa 'kin habang prenteng nakaupo sa sofa niya. "Yes po sir," sagot ko saka tumayo at ipinagpag ang mga dumi na nakita sa damit ko. "Good. Now leave," dali-dali akong umalis sa harapan niya dala ang mga ginamit kong panglinis. "Ayos ka lang ba Ria?" tanong ni aleng Lourdes sa 'kin nang makita ang lungkot sa mga mata ko. Ngumiti ako at pinigilang hindi maiyak sa nangyari kanina. Dalawang linggo palang akong katulong dito pero pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. "Uuwi ka na ba?" tanong ni aleng Lourdes. "Opo aleng Lourdes. Naghihintay na po kasi sa ‘kin ang anak ko e," malungkot na sabi ko dito saka nag tungo sa maid's quarter at hinubad ang uniform na suot. Bago ako tuluyang umalis, tinignan ko muna si Steven na ngayon ay umiinom na ng alak habang may kausap sa cellphone nito. Nang makauwi ako sa bahay ay walang tao. Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtantong hindi pa umuuwi ang anak ko kasama ang ninang Divine niya. Umupo ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan. "Mama," nagising ako dahil sa boses ng anghel na tumawag sa ‘kin. It's no other than, my baby angel. "Yes baby?" Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi na ikinatawa niya. Nakatulog pala ako. Anong oras na ba? "Where's Divine?" tanong ko sa anak ko nang mapansin na wala ang anino ni Divine sa paligid. "Nandito ako," napatingin ako sa kusina nang marinig ang boses niya na nanggaling doon. "Thank you Vine," sabi ko dahil inalagaan niya ang anak ko ngayong araw. "Don't mention it Ri. We're best of friends ‘di ba?" natawa kaming pareho sa sinabi niya. "Mauna na 'ko. May gagawin pa kasi ako Ri," paalam nito saka umalis. "Mama, are we going home?" napakunot noo ako nang diko maintindihan ang ibig sabihin ng anak ko. "We are home baby," sabi ko ng maguluhan sa sinabi niya dahil nasa bahay naman namin kami ngayon. "In Canada mama. I want to meet papa," nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng anak ko. Alam kong matagal na niyang hinahanap ang ama niya pero kahit ako, hindi ko alam kung matatanggap ba siya ng ama niya. Base sa pag obserba ko sa ama niya ng dalawang linggo, hindi ako sigurado. Hindi nga niya alam na nakasama niya ko sa isang gabi. Hindi rin niya alam na may anak siyang nangangailangan nang paglinga niya. "Baby, pupunta tayo ng Canada ‘di ba sabi ni mama pero hindi para hanapin si papa. Pupunta tayo ng Canada para bisitahin si tita Agatha at si Oceanie." Sabi ko sa kaniya at ganoon nalang ang lungkot ang nakikita ko sa mga mata ng anak ko. Ayaw ko siyang paasahin kaya kahit na masakit. Dapat malaman niya ang sadya namin sa pagpunta ng Canada. Ang alam niya kasi ay nasa Canada ang ama niya. Maski ako, akala ko sa Canada nakatira si Steven dahil doon kami nagkita sa bar. It was a one night stand and lasing siya that time. Stupid of me, dahil nagpadala ako kahit na hindi naman ako naka inom. Nasa Canada ako that time dahil binisita ko si Agatha doon dahil birthday niya. Agatha is my best friend. Siya ang kasama kong umalis nang tumakas ako sa bansa ng minsang palayasin ako ng mga adopted parents ko pero nauna siyang umuwi sa Pinas dahil sa nagkaayos na sila ng ama ni Oceanie na anak nila. Nagpa-iwan ako to cool off at doon ko nakilala si Steven. It's been 6 years nang umalis ako ng Canada para bumalik ng Pinas at limang taong gulang na ang anak ko. Ang bunga sa isang gabi na nakasama ko si Steven. Naiinitidihan ko na hinahanap niya ang papa niya because he's longing for his father's love na kahit na anong gawin ko, ay hindi ko mapuna. "Mama you always telling me that papa is busy. I haven't meet him even once. I just want to meet him kahit na one minute lang mama." Naiiyak na sabi ng anak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. I am trying my best na lumapit kay Steven. Pumasok ako bilang katulong para makilala siya. Gusto kong makilala siya ng anak ko. Pero natatakot ako na ayawan siya ng papa niya. Ayaw kong masaktan ang anak ko dahil doon. "Okay so ganito, when we arrive in Canada, mama will look for papa and I'll tell him to meet you. Is that good?" Tumango naman siya, umaasang mangyayari ang sinabi ko. I'm sorry baby. Mama needs to lie. Maraming pumapasok sa isipan ko. Paano kung malaman ni Steven at kung tanggapin niya ang anak namin ay ilayo niya sakin ang bata. Paano ako? Pero kapag naiisip ko ang pagnanais na makita ng anak ko ang ama niya, mas nanaig sa ‘kin na kilalanin si Steven para sa anak ko kahit na may possibilidad na ilayo niya sa ‘kin ang bata. (Before Ria work to Steven) Nasa sala kami ng mga kaibigan ko na si Angie, Divine at Lia. Si Agatha lang ang wala dahil nasa Canada ito ngayon. "May ipapakita kami sayo Ri," it was Angie at lumapit siya sa 'kin dala ang isang magazine. Ibinaba ko ang juice na kasalukyan kong iniinom at tinignan siya. "What is it?" tanong ko. Imbes na sagutin ako ay binigay niya sa ‘kin ang magazine na hawak niya. Naguguluhang tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha ng lalaki na nakasama ko sa isang gabi sa Canada. Nang mag angat ako nang tingin ay seryoso na silang tatlo na nakatingin sa 'kin. "He's the man, right?" tanong ni Lia na nakatingin lang sa TV. "How did you know?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hunch! Sabi mo Canadian ang ama ni Hivo pero are you sure na Canadian nga? Baka kasi kagaya mo ay napadpad lang sa Canada that time," unang paliwanag ni Angie. "That was our first clue na baka hindi Canadian o nakatira sa Canada ang ama ni Iv. It was just your assumptions na taga Canada ito since doon mo nga siya unang nakilala. Second is, kahit sino Ri, malalaman na malalaman agad na mag-ama sila dahil kuhang kuhang lang naman po ng anak mo ang buong physical appearance ng ama niya. Galing lang siya sa petchay mo pero nagmana siya sa nagmamay-ari diyan sa pumasok sa petchay mo." Natatawang ani ni Angie. "I heard naghahanap siya ng new maid ngayon." Dagdag ni Lia hindi pinansin ang biro ni Angie. "Yeah. Siya si Steven Marcus Alvante. Isa sa kilalang mayaman na bachelor sa bansa. Naku! Malaking isda nabingwit mo Ri," sabi ni Divine na tinawanan ng lahat. Hindi pa rin mag sink in sa 'kin ang lahat ng mga nalaman ko ngayon. Matagal ko na siyang hinahanap dahil gusto siyang makilala ni Hivo. Buong akala ko nasa Canada siya, Yun pala... Pero teka- paano pag masama ugali niya? What should I do? "Gusto kong mag-apply bilang maid niya," sabi ko na ikinatigil ng tatlo. "We know. We see that coming and don't worry Ri, ikaw na ipapadala bilang bagong maid niya," confident na sabi ni Angie. Perks of having connections. (Back to present) "Saan tayo mag s-stay mama?" "Sa hotel muna anak bago tayo pupunta sa bahay ng tita Agatha mo," sabi ko sa kaniya. Kung excited ang anak ko, kinakabahan naman ako. Gusto ko sanang walang aberya ang pagtapak namin pabalik sa Canada. Agad kong sinecure ang anak ko nang tinawag ang pangalan namin. First time ni Hivo na makasakay sa plane but he seems fine. Hindi siya natatakot o nagtatanong ng bagay-bagay. He's observing to his surroundings. "Hi," napatingin ako sa gilid naming lalaki ng nagsalita ito. Kinakausap niya ang anak ko na busy kakatingin sa paligid. The guy looks like in his thirties. Gwapo at halatang edukado. "Hello po mister," sabi ng anak ko at binalingin ako nang tingin. "Mama, can I talk to him? You're here naman so I'm safe to talk with strangers, right?" Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya. Sa panggigil ko ay hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito. "Of course anak," sabi ko at mukhang narining ng lalaki ang sinabi ni Hivo dahil natawa rin ito. "How old are you kid?" rinig kong tanong ng lalaki. Why is he asking? Baka nacu-cutan lang sa anak ko. "I'm five years old po mister," sagot naman ni Hivo. "I see. You look familiar," nang sabihin niya ‘yon kinabahan ako agad. Kilala ba niya si Steven? s**t! Kung sino man ang nakakilala kay Steven, malalaman agad na magkamuka-magkamuka ito at si Hivo na para bang pinabiyak na bunga dahil carbon copy ng bata ang physical appearance ng ama niya. Baka maghinala ito! "Baby, sleep ka na. Stop talking na with that stranger anak," sabi ko at mukhang inaantok na rin siya dahil isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at humikab. Nang mapatingin ako sa lalaki, taimtim siyang nakatingin sa akin at sa anak ko. Parang inoobserbahan kami. "Don't you mind if I ask you miss kung anong pangalan mo?" tanong niya. "Hindi ako nagbibigay ng impormasyon namin sa kung sino sir. If you don’t mind, please mind your own business." Hindi ko mapigilang magtaray dahil hindi na maayos ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang may hatid siyang hindi magandang balita sa 'kin. "I see," Tumahimik naman siya kaya nakarating kami sa Canada nang walang sagabal. Nang makababa na kami, hindi na mapigilan ng anak ko na makaalis sa airport. Excited na excited na talaga siyang ma explore 'tong bansang ito. "Bro, I saw a kid. Yeah. He looks exactly like you…" Sabi nang lalaki na nakausap namin kanina. May kausap siya sa phone and nakatalikod sa amin kaya hindi niya kami nakikita. Kaibigan ba siya ni Steven? s**t! Kailangan na namin makaalis dito. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang lahat. Hindi pa kampante ang loob ko sa kaniya. Hindi ako sigurado kung mabuting tao ba siya. Ayaw kong isa alang-alang ang kaligtasan ng anak ko kahit na ama pa niya ito. Hinawakan ko ang kamay ni Hivo at dali-daling pumara ng taxi. Lumabas ang driver sa sasakyan at tinulungan kami sa pag pasok ng bagahe namin sa compartment. Nang papasok na kami sa loob, tinawag ni Hivo ang lalaki na nakausap niya sa plane kanina. "Mister!!" Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang marining ang ilang mga malutong na mura nito. Bad timing ka anak, mamaya baka kaibigan ‘yan ng papa mo. "s**t! they are leaving bro," narinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone saka ko sinirado ang pintuan. "Faster mister. Drive us to this address," sabi ko sabay pakita ng address na sinulat ko sa maliit na notebook ko habang nag-aalala na baka kaibigan ‘yon ni Steven. Thank God safe na nakarating kami sa hotel. This is a five star hotel at hindi ko na chineck kung sino ang may ari. Isang gabi lang naman kami dito mag s-stay. Nag pa book na 'ko online way back in the Philippines so wala nang koskos balungos pagdating namin dito. Maayos ang facility and secure naman ang hotel. Hivo seems to enjoy it. "I like it here mama," sabi niya. Nasa may malapit kami sa counter, naka upo dahil hinihintay pa namin sandali ang magle-lead sa amin sa kwarto namin. "Oh my God!" sabi nang babae habang nakatingin sa anak ko. Ang babae ay parang ka edad ko lang. Maraming bodyguards sa likuran niya so she's probably an important person. "Iwan niyo na ako. I'm safe here," sabi nang babae. Nagulat ako ng magsalita siya ng Tagalog. Pinoy ba siya? Bakit siya papunta sa gawi namin? Kilala ba niya si Steven? Kung oo patay kami. "I'm sorry miss. Pero your child looks so familiar." Parang nawalan nang dugo ang buo kong katawan sa tanong niya. "I know na Pilipino rin kayo. I heard this cute little angel said the word po. Am I right kiddo? You came from Philippines?" nakangiting tanong niya sa anak ko. "Yes po," ngumiti lang siya sa anak ko at tinignan ako sa mga mata. "Kilala mo si Steven Alvante?" tanong niya. Hindi ako sumagot at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba. "Based sa reaction mo, it's a yes," sabi niya na seryosong nakatingin sa 'kin. Hindi ako nakapagsalita lalo na ng may staff na nag excuse dahil sasamahan na niya kami sa room namin. Nag excuse ako sa babae nang kinakabahan pa rin but that woman follows us. "Thank you," sabi ko sa staff nang maihatid kami sa room namin. "I am harmless. Can I go inside? No worry I can guarantee you na hindi ako masamang tao. By the way I am Hannah Alvante and yes, I am the sibling of Steven Marcus Alvante." Now. I'm totally doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD