Chapter 8 Bukod kay tito, wala ng iba pang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Sa edad kong 21, hindi pa ako handang iladlad iyon sa aking mga magulang at mga kapatid. Isang pagkataong hindi ko pa napaghahandaang sabihin sa kanila. May balak naman akong ipagtapat sa mga magulang ko ang tunay kong pagkatao ngunit iyon ang araw na sasama na dapat ako kay Aris. Ngunit ngayong wala na kami at may asawa na siya, ay hindi na kailangan pang malaman nila. Magiging sikreto na iyon at kung mabubunyag man, hindi ko sila bibigyan ng kahit anong kahihiyan o dahil sa isang relasyon sa kapwa ko lalaki. Gusto ko na sanang talikuran ang aking pagiging alanganin dahil wala na din lang dahilan para manatili sa ganoong buhay. Hindi-hindi ko na matatakasan ang pagiging ako ngunit alam kong ang pagsilbi sa Diyo