CHAPTER 7 Abala ako sa pag-aayos sa mga gagamitin ni tito sa kasal kaya wala sa isip kong tignan ang pangalan kung sino ang ikakasal. Hindi ko na din pa kinulit si Tito dahil abala din siya, basta ang sinabi lang niya ay malapit na kakilala ngunit medyo iba ang ngiti niya sa akin. Kung kakilala, maaring nakilala lang at hindi siya malapit sa akin. Paglabas ko para ayusin ang mga iba pang kailangan ay nakita ko ang pagdating ng mga ikakasal. Unang napansin ko ang babae na payat ngunit makikita ang tapang sa kaniyang mukha. Naroon ang kakaibang saya ng isang nagmamahal. Alam kong may kakaiba sa kaniya ngunit napalitaw ng make up ang likas niyang ganda. Palapit na ako sa kanila at sabihing maghanda na dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasal nang biglang lumingon sa akin ang