Chapter 9 Tahimik akong pumasok sa gate. Nakayuko lang ako ngunit alam kong lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin. Alam kong madami silang gustong itanong ngunit nanatiling tikom ang kanilang labi. Alam kong ipinasok na si Papa sa kanilang kuwarto ni Mama dahil wala na akong naririnig na mga bulyaw niya. Lasing si Papa. Hindi ko alam kung sapat ng dahilan iyon para intindihin siya sa ginawa niyang pagpapalayas sa akin. Hindi ko din alam kung kailangan ko ngang umalis pero kilala ko siya. Batas siya sa bahay na iyon. Kung may sinabi siya, lasing man o hindi, sinusunod niya. Pumasok ako sa kuwarto ko. Kanina lamang kahit papaano ay buo ang aking pagkatao. May sariling pamilya na alam kong matatakbuhan ko. Ngayon, lahat nawala na. Parang isang iglap, lahat naglaho kasama ni Aris. Ngunit