CHAPTER 10 Mula noon ay hindi na muli pang nagpakita o nagparamdam ang dalawa sa buhay ko. Masakit na masakit na parang sa pagdaan ng araw ay mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ko kay Aris ngunit pinipilit kong paglabanan ang lahat. Minsan, gusto kong ituloy na namin ang aming pag-iibigan. Gusto kong ipaglaban siya at agawin kay Angeli ngunit iniisip ko ang kalagayan ni Angeli at ang katotohanang wala na akong karapatan. Pinagtabuyan ko na siya. Nagdesisyon na ako at umaasa na ang mga tao sa paligid ko na ituloy ko ang pagpapari. Hindi na nagiging maayos ang takbo ng aking pag-iisip. May mga sandaling gusto kong makipagbalikan pero mas madalas naman ay gusto kong ituloy na lang ang pagpapari. Alam kong dumadaan ako sa mga stages ng break up. Napagdaanan ko na ang sinasabing unang yug