CHAPTER 13 Naging mahirap na ang subjects namin sa second year. Nagkaroon na kami ng subject na Logic, Cosmology and Psychology, Ethics, Apologetics at Church History. Hindi parin nawawala ang Sacred Scripture na mahirap kong intindihin ngunit kailangan dahil iyon ay isang subject na incorporated hanggang 6th year. Bilib ako sa mga kaklase kong pinag-iigihan at naka-focus sa kanilang pagpapari. Iyon bang, ginagawa nila ito dahil gusto nilang maglingkod sa Diyos. Ilan kaya sa amin ang may pinagdadaanan katulad ng sa amin ni Alden at Jake. Kung nakikita kaya nila ako ay tulad din ng pagtingin ko sa kanilang may takot sa Diyos at determinadong pagsilbihan ang simbahan at ang mga nagtitiwala dito? Hindi ang mga subjects na iyon ang sadyang nagpahirap sa akin. Sisiw lang iyon sapagkat utak la