Chapter 12 Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito. "Mag-ayos ka anak, may bisita ka, naghihintay sa baba?" Hindi muna ako lumabas. Tinanong ko muna kung sino. "Si Aris ba 'yan tito?" "Aris? Ikaw na mismo nagbilin na ayaw mong pag-usapan natin si Aris tapos si Aris agad ang pumasok sa isip mo. Ano ba talaga Rhon? Nakapag-move on ka na ba talaga o in denial ka padin?" Hindi ko na lang sinagot si Tito pero tinignan ko siya na parang nagtatanong ang aking mukha. "Hindi si Aris." "E, sino?" "Kaya nga lumabas ka para makita at makausap mo siya." "Basta siguraduhin ninyong hindi si Aris 'yan." "Hindi nga...kulit ng batang 'to." "O, siya, susunod na ho ako sa baba." Pagbaba ko sa hagdan ay kinagulat kong makita kung sino ang aking bisita. Parang hindi ko alam kung lulundag