CHAPTER 14 "Oh my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!" Tinuro niya ang bunganga ko at nang utak ko. "Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!" Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko. Napabuntong-hininga ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi dahil nakita mo kami sa ganoon na tagpo ay tama na ang iniisip mo sa amin. Ganoon ang nakita mo dahil iyon ang gusto naming palabasin. Pinapaselos kita, inaamin ko dahil gusto kong umamin ka sa akin na mahal mo ako. Napakahirap mo kasing sabihin ang gusto mo. Nangangapa ako. Naguguluhan ako. Noong bumalik tayo dito, binigyan ako ng idea ni Jake na paselosin ka, napapayag ako dahil sobrang desperado na a