Kakatapos ko lang maglakad lakad sa labas ng kwarto, nagpaiwan ako kay Justin sa labas. Habang papalayo ito pinagmamasdan ko ito.
"Alam ko ang nararamdaman mo sa akin Justine hindi ako bulag at hindi ako manhid para hindi ko maramdaman yun. Pero hindi tayo para sa isat Isa. Kung ano man ang nararamdaman ko para sayo dapat ko na tong kalimutan. ayaw ko ng madamay kayo sa gulo ng pamilya ko.." Bulong ko saka huminga ng malalim.
Pagpasok ko sa kwarto nandun na ang mga magulang ni Justin.
"Tita pwede na ba akong umuwi dun na lang ako magpapagaling sa bahay. Isa pa gusto ko dalawin sila mama at papa sa sementeryo sa sabado."
Sabi ko sa mama ni Justin habang tinutulungan ako ni Justin na makaupo sa kama ko.
"Sige iha tatanungin namin mamaya ang doctor mo. Tutal pwede na naman sa bahay ka na lang itherapy kukuha na lang kami ng personal therapist mo."
Sagot ng mama ni Justin sa akin kaya napangiti ako sa kaniya. Binalatan ni Justin ang orange na isa sa mga prutas na dala ng ng magulang niya at binigay sa akin ito. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Doc pwede na po ba namin siya iuwi, sa bahay na lang sana siya magpagaling kukuha na lang kami ng personal therapist niya." Sabi ng mama ni Justin sa doctor na tumitingin sa akin araw araw.
"Pwede na naman po siya iuwi tutal magaling na ang mga sugat niya at wala na naman na akong nakikita na problema sa kanya maliban na lang sa paglakad niya. Sa nakikita ko naman malapit na niya magamit ang mga paa niya na walang mobility aid.*
Sabi nito. Natuwa ako sa narinig. Gusto ko na talagang makita ang puntod ng magulang ko.
"Basta ipagpatuloy lang ang therapist niya makakalakad siya. Sige po sumunod na po kayo sa akin para po asikasuhin niyo na po ang relies paper niya. Ng makauwi na si Jade, dahil siguradong naiinip na siya dito. At isa pa makakatulong sa kanya na ipasyal niyo siya sa mga lugar na matao para hindi niya maisip ang trahedya sa buhay niya."
Sabi ng doctor kay tita sa labas ng kwarto at sumama na ito para asikasuhin ang relies paper ko.
"O Jade anak pwede kana euwi namin, nandito na ang relies paper mo."
Sabi ng mama ni Justin habang Winawagayway ang papel na hawak. Ng dumating ito sa kwarto kaya tuwang tuwa ako sa narinig ko.Inasikaso ako ni tita inalalayan niya ako papunta sa CR para magbihis at inayos naman ni Justin ang mga gamit ko.
Gabi na kami nakauwi sa bahay nila ako inuwi.Ayoko nga sana kaso mapilit sila wala daw magaasikaso sa akin sa bahay hindi daw ako pwedeng asikasuhin ng battler ko dahil lalaki ito saka hirap pa daw ako kumilos magisa kaya hindi ko pa daw kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kaya wala akong nagawa kung hindi sumama sa kanila .
Sa kwarto ako ni Justin dinala nila sasamahan daw muna ako ni Justin habang hirap pa akong kumilos, para daw may aalalay sa akin papuntang cr kaya magkasama kami ni Justin sa kwarto.
"Aahm mahiga ka na sa kama dito na lang ako sa sofa matutulog gisingin mo ako kapag pupunta ka sa cr o kaya may kailangan ka. Ok"
Sabi nito at itinabi ang sofa sa gilid ng kama ko para madali ko daw siyang magising. Inalalayan niya ako papuntang cr para makapag bihis pagkatapos naming kumain dito na rin siya kumain para daw may kasama ako kumain.
Pagsapit ng araw ng patay pumunta kami sa sementeryo.dinalaw namin ang mga magulang ko,
habang papunta kami sa mga puntod ng mga magulang ko, naka sakay ako sa welcher at tulak tulak ako ni Justin. Ng makarating kami dun, nakita ko ang puntod ng mga magulang ko na mag katabi. Lumapit ako dito at pilit na tumayo.Inalalayan ako ni Justin na makatayo, binigay sa akin nito ang mobility walker ko na hawak ng PaPa niya.
Umiyak ako ng makalapit ako sa puntod ng mga magulang ko, hindi ko maisip na sa isang iglap dito ko na sila magigisnan. Parang kailan lang kasama ko sila na tuwang tuwa sa laban ko. Tapos ngayun wala ng mag papalakas ng loob ko sa tuwing may laban ako.
Umiyak ako ng umiyak habang yakap ko ang puntod ng mga magulang ko. Hinihimas naman ni Justin ang likod ko, ang mama naman niya ay lumuluha din. Samantalang ang PaPa niya naka tingin sa puntod ng mga magulang ko habang yakap niya ang mama ni Justin.
"Papa, mama. Hindi ako titigil hangat hindi nagbabayad ang may gawa kung bakit nandiyan kayo ngayun.Ipaparanas ko sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko ngayun. Para malaman niya na nagkamali siya na hinayaan niya akong mabuhay. Ipinapangako ko na ipaghihiganti ko ang pagkamatay niyo, sisiguraduhin ko na isasama ko sila sa hukay kung nasaan kayo ngayun.,"
Sabi ko sa isip ko. Habang sige ang iyak ko. Nung kumalma na ako. Iniupo ako ni Justin sa welcher.
"Tito ano po ang balita sa kaso ng mga magulang ko?" Tanong ko sa Papa ni Justin. Habang nakatingin kami sa puntod ng mga mgaulang ko.
"Wala pa kaming nakukuhang matibay na batayan para makilala ang may gawa ng nangyari."
Sagot nito sa akin. Napatango na lang ako.
"Tito,tita. Baka pwede na po akong umuwi. Gusto ko po sana na sa bahay na po magpalakas. Tutal kaya ko na naman po ang sarili ko."
Sabi ko sa kanila at tumingin sila sa akin.Aayaw pa sana sila kaso mapilit ako.Kaya wala na silang nagawa kung hindi pumayag Inihatid nila ako kinabukasan.
Pagdating ko sa bahay. Si mang Berting na mayordomo namin ang sumalobong sa akin. Inalalayan nila ako ni Justin na umakyan sa hagdan papunta sa kwarto ko.
"Kaya mo na ba talaga ang sarili mo?"
Tanong sa akin ni Justin Pagpasok namin sa kwarto ko. Tumango lang ako.
"Wag mo akong intindihin kaya ko ang sarili ko. Saka marami akong dapat intindihin. Justin ako na lang ang natitira sa amin kaya kailangan kong pag aralan ang mga ginagawa ng papa sa business namin." Pagdadahilan ko dito. Tumango naman siya.
"Sige. Pero pag may kailangan ka, wag kang mahiya na tawagan ako. Lagi akong pupunta dito para tulungan ka."
Sabi nito sa akin.Tiningnan ko lang siya. Maya maya nag paalam na siya sa akin, para daw makapag pahinga ako.
Ng umalis na si Justin pinuntahan ko ang kwarto ng mga magulang ko. Ng nasa loob na ako napansin ko na ang linis ng kwarto nila halatang inalagaan ito ni mang Berting. Hinawakan ko ang kama nila at ang mga unan, Umiyak nanaman ako ng umiyak.
nakatulugan ko ang pagiyak ko. Nagising ako ng may kumatok. Binuksan ko ang pintuan.
"Bakit manong Berting?"
Tanong ko kay manong Berting. Ng buksan ko ang pintuan.
"Seniorita itatanong ko lang po kung saan ko po ipapadala ang pagkain niyo. Sa kwarto niyo po ba O dito po sa kwarto ng mama at papa mo?"
Tanong nito sa akin.
"Dito na lang po mang Berting."
Sagot sa kanya.Tumango ito at nagpaalam na sa akin. Dito Ako naghapunan. Pagkatapos pinagpatuloy ko ang paghahalungkat ng mga gamit ng papa ko.
Kinabukasan bumalik ulit ako sa kwarto ng magulang ko. Naghalungkat ako sa mga gamit ng papa ko, inabot ako ng gabi ng kakabasa sa mg gamit ng papa. Ng may makita ako na isang papel nakalagay dito na may nagoofer ng pakikipag business partner sa papa pero walang pirma iti ni papa.
"Ibig bang sabihin hindi tinangap ng PaPa ang inaalok nito."
Bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang petsa kung kailan ibinigay ito. Nakita ko na isang buwan bago ang nangyari sa amin.
"Mang Berting may alam ka po ba tungkol sa papel na ito?"
Tanong ko sa mayordomo namin. Habang kumakain ako binigay ko sa kanya ang nakuha kong papel sa mga gamit ng papa. Tningnan niya ito at nagisip.
"Ang natatandaan ko lang po Seniorita, Narinig ko na naguusap sila ni carlos nung dumating ito na daladala ang papel na ito. Nagalit ang papa mo kasi gagawin lang daw lagayan ng mga shabu ang mga figurine na iniexfort niya. Kaya hindi ito pinirmahan ng papa mo, hindi siya pumayag. Tapos nun seniorita wala na po akong alam. kung gusto mo si Carlos ang kausapin mo tungkol diyan." Sagot nito sa akin. Nag isip ako sa mga sinabi niya. Kaya lalo lang akong kinutuban na may kinalaman ang papel na ito sa pagkawala ng mga magulang ko.
"Manong Berting paki tawagan po si mang Carlos at paki sabi po na gusto ko siyang makausap bukas."
Sabi ko dito na tumango naman ito at nagpaalam na sa akin.
"Good morning seniorita Jade.pinatatawag niyo po daw ako"
Sabi ni mang Carlos ng dumating. Pinapunta ito ni Mang Berting sa Lanai nag aalmusal ako dito.
"Maupo po kayo Mang Carlos may itatanong lang po ako sa inyo. Ano po ang gusto niyong inumin.Tea or Coffee?"
Tanong ko dito pagkatapos kong paupuin.
"Coffee na lang po seniorita."
Sagot nito kaya. Nagpaalam na si mang Berting para magpakuha ng kape.
"Gusto ko lang po sana itanong sa inyo ang tungkol dito, may kinalaman po ba ito sa mga natatangap naming Death Threat." Sabi ko dito habang umiinom ng kape at inabot ang papel, tiningnan niya ito.
"hindi ko po alam seniorita. Basta ang alam ko lang po pagkatapos po na tangihan ng papa mo ang alok ni Don Elmundo may mga tinangap ng mga sulat ang papa mo at may mga pinapadala na kung ano ano sa inyo."
Sagot nito sa akin kaya napatango ako sa kanya.
"Pero seniorita wala pong matibay na ebedensiya na sa kanya galing ang mga iyon." Sabi uli nito sa akin.
"Alam ko po yun mang Carlos."
Sagot ko dito.
"Aahm. Mang Carlos gusto ko po hawakan ang negosyo namin, wala na po si papa at si mama kaya ako na lang ang natitirang magaasikaso sa mga negosyo na iniwan ni papa."
Sabi ko dito maya maya. Tumango lang ito sa akin.
"Kailan po kayo pupunta sa opisina.para hawakan ang kompanya?"
Tanong nito sa akin.
"Papasabihan ko na lang po kayo, pag handa na akong harapin ang kompanya."
Sabi ko sa kanya. Maya maya nag paalam na ito. Dumating si Justin bago ako umakyat sa kwarto,
"Buti at gising ka na.Dumating kasi ako kahapon natutulog ka daw kaya hindi na kita pinagising.kumusta na ang pakiramdam mo?
Sabi nito na pumunta sa likod ng welcher ko at tinulak na nito Ang welcher ko papunta sa may garden.
Naalala ko nga pala pumunta siya kahapon sinabi ko na sabihin sa kanya na tulog ako.Kasi busy ako sa paghahalongkat ng gamit ni papa. At gusto ko ng iwasan siya.
"Ok naman ang pakiramdam ko baka bukas susubukan ko na na hindi gamitin ang welcher na ito."
Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at pumunta sa harap ko. Nasa garden na kami. Ang lakas na naman ng kalabog ng dib dib ko. yumuko na lang ako.
Naguusap pa kami nito Pagdating ng tanghali nagpaalam na ito. para daw makapag pahinga na ako.
Sumunod na araw lagi ko siyang tinataguan. Lagi akong nag iinsayo maglakad magisa. Ng makalakad ako. Lagi naman ako laman ng gym ko. At nagiinsayo ako bumaril at pumana pag hindi naman lagi akong nakikipag sparing sa mga tao na pinapupunta ni mang Berting para maging ka sparing ko.
Ilang lingo din akong nagpalakas. Nitong mga nakaraang araw hindi na bumalik si Justine. Nagsawa din siguro.
"Dapat lang yun. Dapat na niya akong kalimutan. Wala akong panahon para harapin ang nararamdaman ko para sa kanya. At Isa pa hindi nakakatulong sa akin na nakikita ko siya. Dahil ginugulo niya ang sistema ko hindi ako magkapag pocus sa gagawin ko." Bulong ko habang nakahiga sa higaan. Kinabukasan nasa gum ako Nakikipag sparing ako ng boxing ng dumating si Justine. Nagulat ako dito.
"Masaya ako na nakarecover kana. Siya nga pala dumaan lang ako para humingin ng pasensiya sayo. Hindi ako nakapag paalam sayo bago ako pumunta sa isang mission. Tulog ka daw Kasi kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo kakarating ko lang kaya dumeretso na ako dito." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Mission?" Tanong ko sa kanya. Habang hinuhubad ang gloves ko.
"Oo. Pinasa na kasi sa akin ni papa ang ang position niya bilang leader ng grupo. Nakatangap kami ng mission galing sa taas kaya yun ang inasikaso ko nitong nakaraang buwan." Sabi nito. Napaisip ako. Hindi ko na malayan na isang buwan na nga pala mula ng huli naming pagkikita. Na busy ako sa pagpapalakas.