Chapter 5

2071 Words
"Ayos na ako unti unti ko ng nakakaya ang sarili ko. Lagi lagi kasi pumupunta dito ang kinuha mong personal therapist ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Buti naman kung ganon." Sabi niya sa akin. Ilang sandali pa kami nag usap ng kung ano ano.Tapos maya maya umalis na rin siya. Umakyat ako sa kwarto ko at naligo pagkatapos pumasok ako sa kwarto ng papa ko pinag aralan ko ang negosyo namin. Pagdating ng umaga pagkatapos kong mag almusal Nagpahatid ako sa gubat kong nasaan ang piring range namin.Doon ko binubuhos ang galit ko. Ganito ako lagi tuwing umaga pag hindi ako dito nagpapahatid sa archery room ko. Sinusundo lang ako ni mang Berting kapag dumarating ang physical therapist ko. Pagkaumalis na ito sa kwarto naman ako ng magulang ko mag aaral tungkol sa negosyo. Araw araw ganito ang ginagawa ko. Gusto kong gumaling na ako. Minsan nga nagaalala sa akin si mang Berting. Baka daw mabinat ako sa mga ginagawa ko kasi hindi daw ako nag papahinga. Minsan nga dumating si Justin hinanap niya ako dinala siya ni mang Berting sa piring range at sinabi sa kanya ang mga ginagawa ko. Umiling na lang ito. "Hi! Sabi ni mang Berting dito daw kita makikita, kaya na ba ng katawan mo baka pinipwersa mo ang sarili mo. Makakasama sayo yan." Sabi nito ng makita na nakatayo ako at binabaril ang mga lumalabas na larawan ng tao sa malayo. "Dont worry kaya ko na ang sarili ko.Tingnan mo nakakaya ko ng tumayo ng walang alalay na mobility aid." Sabi ko dito. Ngunit nagulat ako paglingon ko na nasa likod ko na ito. Nginitian ko na lang siya habang pinapakalma ang puso ko. Tinatangal ang ear mask at eye glass ko. Paagkatapos umupo ako uli sa welcher ko at nag patulak sa kanya pabalik sa mansion. Naiilang ako na kami lang dalawa. Mabilis lumipas ang araw halos dalawang lingo na rin ng magusap kami ni mang Carlos. Ngayun nakakalakad na ako ng maayos.Nakakapag Gym na ako. at nakikipag sparing narin sa mga tao na pinapupunta ni mang Berting para maging ka sparing ko. Handa na akong harapin ang negosyo namin. "Mang Berting paki tawagan po si mang Carlos paki sabi po sa kanya na papasok na ako ng opisina bukas." Sabi ko kay mang Berting habang nagdidilig ako ng halaman ng mama ko. Mag mula ng makaya ko ng lumakad tuwing umaga pumupunta ako dito para personal na alagaan ang mga halaman ni mama.Nagulat sa akin si mang Berting. "Pero seniorita Nagaalala po ako sa inyo. Baka po napwepwersa na po Ang katawan niyo?" Sabi nito sa akin. Nginitian ko ito. "Wag kayong mag alala kaya ko na po ang sarili ko handa na po akong hawakan ang negosyo namin." Sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya. "Seniorita ako na lang po ang naiwan na magaasikaso sayo dito sa bahay. Alam ko po na may binabalak kayo sana po seniorita kalimutan niyo na po ang pag hihiganti sa sinapit ng mga nagulang mo. Hindi ko po kakayanin kong pati kayo mapahamak seniorita." Sabi nito sa akin na nakayuko.Nag buntung hininga ako at nilapitan ko ito. "Mang Berting alam ko po na hindi ako makakapaglihim sa inyo, pero kailangan ko po itong gawin para sa ikakatahimik ng kalooban ko. Hindi ko po makakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko habang naiisip ko na buhay at hindi pa pinapanagutan ng taong gumawa sa amin ang ginawa niya. Kung ang batas hindi siya kayang hanapin ako kaya ko siyang makita." Sabi ko sa kanya. Nabuhay na naman ang galit sa dib dib ko Naalala ko nanaman ang mga magulang ko kaya napa luha ako sa galit. "Anak may diyos tayong hindi natutulog. Mag babayad din ang taong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang mo. Wag mong ilagay sa kamay mo ang batas.baka ikapahamak mo ito." Sabi ni mang Berting sa akin habang hinihimas niya ang likod ko. "Mang Berting nakapag desisiyon na po ako. Sana po suportahan niyo na lang po ako. Wag kayong magalala magiingat po ako." Sabi ko dito. Napabuntung hininga na lang ito. Kilala niya ako kapag nag desisiyon hindi na mababago.kaya tumango na lang ito. May magagawa pa ba ito kung hindi tulungan ako. Busy ako pag dating ng umaga dahil ngayun ang umpisa ko na hahawakan ang negosyo namin. "Seniorita nandiyan na po si Carlos hinihintay kayo sa living room." Sabi ni mang Berting sa akin. Tumingin ako dito at tumango kinuha ko ang mga gamit ko at sumama na ako sa kanya bumababa. "Ready ka na po ba seniorita?" Tanong nito sa akin ng makalapit ako sa kanya, Tumango ako sa kanya at nagpaalam na kami kay mang Berting, Pagdating namin sa building na pagaari ni papa. Nakahilira ang mga empleyado sa ibaba ng building. Bumati ang mga ito ng pumasok kami sa loob. "Siya si Jade Marley ang nagiisang anak ni Don Mauricio Montecarlo. Siya na ang hahawak sa iniwan ng kanyang ama na mga kompanya. Kaya siya na ang magiging Boss natin." Pakilala ni mang Carlos sa akin sa kanila. Binati ko sila. Nagsalita ako sandali at pinabalik na sila sa kanya kanya nilang pwesto. Naging busy na ako sa mga naiwan ni papa na mga gawain. "Ma'am may nag hahanap po sa inyo. Justin daw po ang pangalan niya." Sabi ni Ellena na kinikilig pa. Personal secretary ko ito .Tumingin ako dito. "Sige papasukin mo siya." Sabi ko sa kanya. Nakita ko na kinikilig ito. Natawa na lang ako. Kahit kailan malakas talaga ang dating ni Justin sa mga babae. Sabagay hindi naman nakakapagtaka gwapo ito kamukha ito ni Xu Kai na sikat na artista sa china. Maya maya pumasok na si Justin naka puting long sleeve shirt ito at puting pants. "Pumunta ako sa inyo sabi ni mang Berting nandito ka na daw. Kaya pumunta ako dito, hindi mo manlang nasabi sa akin na balak mo na palang hawakan ang mga negosyo niyo." Sabi nito sa akin.ng makaupo ito sa may bangko sa harap ng lamesa ko. "Pasensiya na naisip ko kasi wala ng hahawak sa negosyo namin kundi ako." Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Tumango naman ito at tumingin sa akin. "Basta pag kailangan mo ng tulong nandito lang ako.Masaya ako na hinaharap mo na uli ang buhay mo." Sabi nito sa akin. Tumango ako sa kanya at niyaya niya ako na mag lunch. Pero nagdahilan ako. Kinabukasan kinausap ko si Mang Berting na ihanap ako ng magaling na detective agent. "Ma'am may nag hahanap po sa inyo. Pinapunta daw po siya ni mang Berting." Sabi nito sa akin. Ngumiti ito. "Sige papasukin mo." Sabi ko sa kanya. Pumasok ang isang lalaki na naka jacket na itim at naka sang glass na itim din. "Good morning Ma'am ako po si Albert Sanchez ako po ang kinuha ni Mr Asuncion na agent may ipapagawa po daw kayo sa akin." Sabi nito ng makaupo. "Good morning din sayo Mr Sanchez ako nga pala si Jade Marley Monte Carlo.Tawagin mo na lang ako na Jade. Gusto ko sana malaman kung sino ang nag pahatid nito sa bahay namin." Sabi ko sa kanya.tumingin siya sa hawak kong papel tiningnan niya ito. Tinanong niya kong kailan iyon pinadala sa amin. "Sige Miss Monte Carlo. Aalamin ko po kung sino ang nagpadala sa inyo nito." Sabi niya sa akin at nagpaalam na ito.Pag alis nito hinarap ko na ang mga gagawin ko naging busy ako sa maghapon. Kaya hindi ko na naman namalayan na natapos na naman ang isang araw. Pagdating ng Isang lingo may natangap akong tawag galing sa agent na kinuha ng mayordomo namin. "Ma'am Jade nalaman ko na po kung sino ang nagpadala sa inyo ng mga sulat. Dadalahin ko po sa inyo bukas Ang lahat ng Impormasyon na nakalap ko." Sabi niya. Napangiti ako. "Sige hihintayin kita bukas dito sa opisina ko." Sabi ko dito. Kinabukasan dumating siya na dala Ang isang folder. "Nandiyan Ang lahat ng Impormasyon na nakuha ko." Sabi niya sa akin. Kinuha ko ito at binasa. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang litrato. "Siya po si Benjamin Moore. 33 years old Siya ang nagpapadala ng mga sulat sa inyo. Isa po siyang Hired killer. Nagpapart time bilang massager sa post office dati" Sabi niya. Napatango ako. "Maari mo bang hanapin kung saan ko makikita ang lalake na yan?" Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagpasalamat ako dito. at nagpaalam na ito sa akin. Pagkalipas ng dalwang linggo Nakatangap ako ng tawag sa kanya. "Ma'am nalaman ko na po kung saan niyo makikita ang lalaking pinapahanap niyo." Sabi nito na ikinatuwa ko. Sinabi nito kung saan ko makikita ang lalaki na pinahahanap ko sa kanya. Itinago ko iyun sa mga pulis na nagtanong sa akin nung magising ako sa pagkakacoma. Hindi ko sinabi sa kanila na kilala ko ang lalaki na namaril sa amin. Dahil gusto ko na ako ang makahuli sa kanya. Kaya ng makalakad ako pina drowing ko ang lalaki na nasa isip ko pa ang mukha niya at iisa sila sa binigay na litrato sa akin ng agent na inupahan ko ang nagpapadala ng sulat sa papa ko. Kaya pinahanap ko siya sa inupahan kong agent. "Sige ihuhulog ko na lang sa account mo ang kabuoang bayad ko sayo.Salamat" Sabi ko sa kanya at nagpasalamat din ito.At sinabi nito sa akin na kung kailangan ko daw ng agent tawagan ko lang daw siya. Kinabukasan nagbihis ako ng itim na t-shirt na fit sa akin Pinaresan ko ito ng itin ding pantalon na fit din sa akin at inibabawan ko ito ng puting jacket. Saka kinuha ang isang traveling bag at lumabas na ako ng kwarto. "Jade iha hindi ka ba papasok ngayun?" Tanong ng mayordomo namin pagkakita sa akin. Nagulat ito ng makita na hindi ako nakasuot ng pang opisina. "Opo mang Berting may pupuntahan lang po ako sa labas." Sabi ko dito at ngumiti dito. "Sige iha magiingat ka." Sabi nito at sumakay na ako sa kotse ko. Hindi ako nagsama ng driver. Ako ang nagmaneho ng sasakyan ko. Kumaway muna ako dito bago ako umalis. Pagdating ko sa skwater erea pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi at bumaba ako dito naglakad ako papunta sa isang kanto ng skinita, Bumili ako ng soft drink sa may tindahan na malapit sa kanto. Ng may lumabas na isang lalaki. kinausap ito ng nakasalubong na lalaking walang damit pangitaas. "Hoy Ben. Anong oras na kayo umuwi kagabi galing sa Kalinga bar. Araw araw kayo nandoon ng mga tauhan mo. Wala parin bang pinatatrabaho sa inyo ang amo niyo.?" Tanong nito sa lalaking lumabas sa kanto ng skinita. "Wala pa Edong kaya nagsasaya na lang kami habang naghihintay ng tawag " Sagot nito sa lalaking hubad baro. "Matagal na rin nung may pinatrabaho sa inyo ang amo niyo diba. Pero ok din yan dahil kahit walang trabaho may sahod kayo at nakakapag good time pa kayo." Sabi uli ng lalaki na hubad baro. "Oo nga. So pano dito na ako." Sabi ng lalaki na galing kanto ng skinita, pinalo pa sa likod ang lalaki na hubad baro at nag lakad ito papunta sa tindahan na kinatatayuan ko. Tumalikod ako ng makalapit na ito, tumingin ito sa akin bago humarap sa tindahan. "Manang pabili nga ng isang Marlboro." Sabi nito at tumingin uli ito sa akin. "Eto na ang sigarilyo mo Ben." Sabi ng tindera dito. Ng humarap uli ang lalaki sa tindahan inubos ko na ang iniinom ko bago ako umalis. Pagdating ko sa amin nagpahinga ako sa kwarto ko at pagdating ng gabi nagbihis ako ng gown na pula binili ito ng mama ito Ang suot ko nung tambangan kami sa airport. Gandang ganda sila sa akin nung isuot ko ito pauwi nung nasa Korea kami. Kinuha ko ang Bow na ginamit ko nung huling laban ko na kasama ko ang mga magulang ko. Kinuha ko rin ang pares nitong mga arrow. Kinuha ko din ang paborito Kong baril sa tuwing nag prapractice kami ni papa bumaril. Ikinabit ko iyon sa hita ko.may hiwa ang gown ko sa gilid hangang hita ko iyon.kaya madali lang kuhanin Ang baril dito sa hita ko kahit mahaba ang gown ko.Nilagay ko sa traveling bag ang bow at ang arrow ko saka sinara ito at bumaba na ako. Pumunta ako sa sasakyan ko. Buti na lang hating gabi na wala ng makakapansin sa pag labas ko kung hindi ang guard namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD