Chapter 3

2039 Words
Hanggang sumapit ang ang araw ng laban ko sa korea. Kasama ko silang umalis, dahil susuportahan daw nila ako sa laban ko. Ganyan nila ako kamahal kahit anong laban ko nandiyan sila sa tabi ko kahit nung lumaban ako ng karera ng kabayo nandun sila nanood sa akin. "Good luck iha ilampaso mo ang kalaban mo." Sabi ni papa na tumatawa. Tumango ako sa kanya. Labing dalawang bansa kaming maglalaban laban sa archery pang huli ako na titira at pumunta na ako sa harap para tumira. Ako na ang papana puro ten ang mga puntos ng kalaban ko sa unang round kaya ako naman ang tumira. Puro ten din ang puntos ko patas kami sa unang round hangang sa sumunod na mga round. Kaya sa huling roud na kami maglalaban ang titirahin namin nakasabit sa malayo at gumagalaw ito ng mabilis ang papanain namin kaya mahirap puntiryahin. Naka walo lang ang iba ang iba naman ay nine ang score. Kaya ako na ang titira sanay ako dito kasi lagi kaming nangangaso ng papa ko kahit malayo pa ang hayop at tumatakbo pinapana ko iyon at natatamaan ko. Kaya sandali ko lang ginawa at tinamaan ko lahat. Nagsisigaw ang papa ko sa kinauupuan niya dahil ten ang score ko. "Sabi na nga ba at mani lang sa anak ko ang ganyan." Sabi nito at tumatawa ng malakas, kaya siniko ito ni mama at tinuro ang mga katabi nila. Tumigil naman ito at bumulong na lang. Nagulat ako ng salubungin ako ng yakap ni Justin at buhatin. "Aay! Ano ba Justin bitawan mo nga ako." Sabi ko dito habang pinapalo ito sa braso. "Ang galing galing mo Jade. Grabe ang bilis ng galaw ng titirahin mo natamaan mo parin lahat." Sabi nito na tumatawa at binitawan na ako. "Bat ka narito e diba laban mo ngayun?" Tanong ko dito. "Mamaya pa ang laban ko manood ka ha.Ipapakita ko sayo kung pano ko din ilalampaso ang kalaban ko." Sabi nito na nag tataas baba pa ang kilay habang sinasabi yun. Natawa na lang ako sa kanya. "Yabang. Siguraduhin mo lang na may napala ang pagkatalo ko sayo." Sabi ko dito. Kasi nung mag sparing kami natalo niya ako. Pano ewan ko kung bakit nailang ako nung yakapin niya ako sa likod. Hindi tuloy ako naka galaw kaya natalo niya ako. Hindi kagaya nung bata pa kami kahit anong pulupot niya sa akin nakakawala ako at natatlo ko siya. Pero ngayun nung mag sparing kami hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pag nagkakalapit kami kagaya kanina nung yakapin niya ako. Dati naman wala akong kinakatakutan kahit sino at kahit ano. "Oo ba. Ipapakita ko sayo kung gano ako kagaling." Sabi nito na inakbayan na ako at hinayaan ko na lang kahit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Bat ganito ang nararamdaman ko magmula ng madulas ako sa pag akyat sa malaking bato sa bundok guiting guiting buti at nasalo niya ako at nagkatitigan kami. Dun nagumpisa ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung Anong nangyari sa akin nun. Nung makalapit kami sa mga magulang ko tuwang tuwa ang mga ito at niyakap ako. Maya maya umalis kami at na nood kami ng laban ni Justin. Nandoon din ang mga magulang nito binati ako ng mga ito at nanood na kami ng laban. Ang laban nila Justin kailangan nitong bumunot kung sino ang makakalaban niya labing dalawang bansa rin sila. Kung sino ang mananalo bubunot uli kung sino ang makakalaban niya uli at ganun pa rin ang gagawin nila sa susunod. Hangang tatlo na lang sila Justin na natira ang kalaban niya China at Korea. Una niyang nakalaban ang Korea. Natalo niya ito kinalaban niya naman ang china. Talo niya rin ito. Kaya tuwang tuwa kami. Niyakap na naman niya ako ng makababa siya ng stage at salubungin ko. Hindi niya alam na naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ba kasi Ang lakas lakas ng kabog ng dib dib ko. Nung magtawag na ng sasabitan ng medal tuwang tuwa ang papa ko ng samahan niya ako umakyat sa stage. Pagdating namin dun kinamayan siya ng mayor at congressman ng korea at sinabitan ako ng gold medal. Perehas ang nakuha namin ni Justin kaya nag selebrate kami sa isang sikat na restaurant dun. At nag check in kami sa isang Hotel. Kinabukasan na kami umuwi lulan kami ng private airplane namin. Kwentuhan ng kwentuhan ang mga magulang namin palibhasa dating mag babarkada. "Kumusta ang mga pasa mo." Sabi ko kay Justin magkatabi kaming nakaupo sa lamesa. "Ok lang pasa lang yan maalis agad yan." Sabi nito at ngumiti sa akin. Natawa na lang ako. Habang pababa kami ng airplane nauuna kami kayla Justin nasa likod namin sila. Ng may biglang huminto sa harap namin na sasakyan at lumabas ang mga sakay nito Saka pinagbabaril kami naramdaman ko na may tumama sa akin at nawalan ako ng malay. Nagising ako sa isang puting kwarto. Nagtaka ako bat nandito ako. Yumingin ako sa nakahawak sa kamay ko. Si Justin tulog na tulog, inisip ko kung anong nangyari sa akin. Naalala ko ang lahat. Tinangal ko ang nakatusok na dextrose sa akin at tatayo na lang ako ng magising si Justin sa pagkilos ko, nagulat ito ng makita ang kamay ko na nagdudugo. "Jade, oh my god. Anong nangyari? Bat natangal ang dextrose mo. Teka wag kang kikilos." Sabi nito na inihiga ako uli at pinindot ang red botton na nasa tabi ng higaan ko. "Justin kumusta ang mga magulang ko?anong nangyari sa akin? Bat nasa hospital ako? Nasan ang mga magulang ko?" Sunod sunod ang tanong ko kay Justin kasi nalilito ako sa mga nangyayari. "Sssh. Wag ka munang magsalita at kumilos baka makasama sayo. Ok sasagutin ko lahat yang mga tanong mo pagkatapos kang tingnan ng mga doctor." Sabi nito sa akin kaya tumango na lang ako. Maya maya dumating ang doctor. Inasikaso ako. "Anong oras siya nagising?" Tanong nang doctor habang tinitingna aang mga mata ko. "Kakagising niya lang doc." Sagot naman ni Justin. "Ok naman lahat sa kanya, magaling narin ang mga sugat niya kailangan niya na lang mag pahinga at therapy para makalakad siya." Sabi ng doctor at tumango naman si Justin. Maya maya umalis na ang doctor. Tumingin ako kay Justin. "Anong nangyari sa akin?" Tanong ko kay justin ng makalabas na ang doctor. "Wala ka bang natatandaan sa nangyari?" Tanong niya sa akin. "Ang natatandaan ko lang pababa na kami ng airplane ng may humintong sasakyan at may bumaba dito saka pinagbabaril kami may naramdaman akong tumama sa akin at nanlabo na ang lahat bago ako mawalan ng malay narinig ko ang sigaw ng mama mo tinatawag niya ang pangalan ni mama." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa kanya, yumuko siya at nilaro ang kamay niya. Anong nangyari kay mama at nasan ang papa ko?Justin." Tanong ko uli ng hindi siya umimik. "Nagulat kami ng may bumaba na lalaki sa kotse at ng makita ni papa na naglabas ito ng baril at paputukin ito itinulak kami ni papa padapa. Nagulat kami ng tumigil ang putok at nakita namin kayo na nakahandusay sa lapag kaya pinaputukan ni papa ang mga lalaki. Mabilis itong sumakay sa sasakyan at umalis saka lang namin kayo nilapitan dinala namin kayo dito sa hospital na ito. Kaso wala ng buhay ang mga magulang mo ang Sabi ng doctor dead on arrival daw sila Ikaw naman tatlo ang tama mo isa sa binte isa sa balikat at isa sa dib dib na siyang dahilan kung bakit ka na comma ng isang buwan, inilibing na lang namin ang mga magulang mo Jade kasi hindi ka pa nagigising." Kwento nito sa mga nangyari. Tumingin ito sa akin, natulala ako parang hindi ko matangap ang lahat ng sinabi niya sa akin wala na ang mga magulang ko. "Hindi!..Hindi! Hindi totoo yan!" Sigaw ko naghisterya ako hindi ko matangap na wala na ang mga magulang ko. Kaya nataranta si Justin pinindot ang red botton. Maya maya dumating ang mga doctor. Tinurukan ako ng pang pakalma. Nakatulog ako na may luha sa mga mata. *****JUSTIN POV#**** Awang awa ako Kay Jade, habang nakatingin ako sa kanya. Nung malaman namin na buhay siya itinago namin siya dito at pinalabas namin na patay narin siya. Upang maging ligtas siya sa gumawa sa kanila. Hangang ngayun iniimbistigahana pa nila Papa ang nangyari. Wala pa silang lead sa motibo ng gumawa at kung sino ito. "Anong nangyari bakit nagwala ang pasyente." Tanong ng doctor sa akin. "Nagtanong po siya tungkol sa mga magulang niya hindi niya matangap na wala na ang mga ito." Sagot ko sa doctor huminga ng malalim ito. "Hindi talaga madaling tangapin ang lahat." Sabi ng doctor habang nakatingin ito Kay Jade na natutulog. "Pag nagising siya at nagwala uli tawagin mo lang ako." Sabi nito uli. Tumango ako at umalis na ang doctor. "Jade kailangan mong tangapin ang lahat. Magpakatatag ka wag kang ganyan nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan. Nandito pa ako hindi kita iiwan." Bulong ko sa tulog na si Jade. *****JHADE POV#**** Nagising ako umiyak ako ng umiyak ng maalala ang sinabi niya sa akin. Pinabayaan niya lang ako. "Jade magpakatatag ka nandito lang kami iha hindi ka namin pababayaan ." Sabi ng mama ni Justin sa akin habang yakap ako na umiiyak. Paano ako magiging matatag ang sakit sakit ng nangyari sa amin, ganun ganun na lang nila binawi ang mga magulang ko. Ni hindi man lang ako nakapag paalam. "Tita saan nakalibing sila mama at papa ko?Tanong ko rito ng kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Sa Dasmarinas Manila Memoria Park namin sila inilibing." Sabi nito sa akin. "Anak magpalakas ka alam ko na hinihintay ka nila na dumalaw sa kanila ngayung darating na araw ng mga patay." Sabi nito na hinawakan ako sa balikat. Napatingin ako sa kaniya. "Anong araw na po ba ngayun?" Yanong ko ulit dito. "October 14 ngayun at araw ng lunes buti naman at nagising kana. Alam mo ba na sobra ang pagaalala sayo ni Justin hindi pa yan umuuwi magmula ng dalahin ka namin dito ni ayaw magpahinga." Sabi nito at napatingin ako kay Justin. "Pano nagaalala ako sayo kasi hindi ka pa nagigising." Sabi ni Justin habang nakatingin ito sa akin. "Alam mo ba iha na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sayo. Dahil hindi ka daw niya naprotektahan." Sabi uli ng mama ni Justin sa akin. "Wala kang kasalanan sa nangyari, walang nakakaalam sa atin na tatambangan nila kami." Sabi ko kay Justin. Yumoko naman ito. Maya maya dumating ang Papa ni Justin na may dalang pagkain. Pinakain ako ni Justin ng dala ng Papa niya na lugaw. Kinain ko ito dahil kailangan kong lumakas para mapuntahan ang puntod ng magulang ko. Hindi ako iniiwan ni Justine lagi siyang nakaalalay sa akin. "Hindi ka na ata pumapasok sa school mo." Sabi ko sa kanya. "Ok lang malapit na naman ang closing kukunin ko na lang ang mga record natin sa school." Sagot nito. "Ano Ang Plano mo ngayun?" Tanong niya sa akin Habang kumakain kami. "Hindi ko alam naguguluhan pa ako." Sabi ko na lang sa kanya. Tumango siya. Nagulat ako ng iangat niya ang kamay. Napatulala ako sa kanya. Tinangal niya ang buhok na nakatabing sa pisngi ko Saka nilagay niya ito sa likod ng tenga ko. Saka ngumiti siya sa akin. Napakurap ako Ang lakas ng t***k ng puso ko.At Hindi na ako umimik. Nakatulog ako pagkatapos naming kumain Nagising ako ng tumingin ako sa gilid ko natutulog si Justine. pinagmasdan ko siya. "Sorry Justine Kailangan ko ng pigilan ano mang nararamdaman ko para sayo. May mga dapat akong gawin na Hindi na dapat kayo madamay. Sana balang araw matangap mo pa ako kahit isang kaibigan na lang." Bulong ko saka hinimas Ang buhok niya. Hindi man lang ito Nagising sigurodahil sa sobrang pagod nito. Nagpalakas ako kahit anong pinapainum sa aking gamot ni Justin iniinom ko lahat ng binibigay niyang pagkain kinakain ko. Araw araw pumupunta kami sa therapy session ko. Hindi niya ako iniiwan kahit na pinauuwi ko na siya kasi kaya ko na naman ang sarili ko medyo nakakalakad na ako. Pero gumagamit parin ako ng welcher at alalay ng mobility walker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD