"Wag mong sabihin na iyan ang ilalagay mo sa ulo ko." Sabi nito na naka tingin sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Sira ulo ka ba ang liit liit niyan tatamaan mo ba yan bat hindi ka na lang mag umpisa." Sabi nito sa akin. "Ano ka ba hindi pa nga ako nageenjoy sayo. Wag kang malikot at ngayun ko pa lang ito gagawin." Sabi ko at nangatog ang lalaki. Natawa si mang Berting. Pumunta na ako sa may lamesa at kinuha ko ang pana ko at tinira ang nasa ulo ng lalaki "Yes. Ang galing ko talaga." Sabi ko na tumalon pa at kumembot. Pagtingin ko sa lalaki nag kandaihi na ito sa pantalon niya. Tawa ng tawa si mang Berting. "Ano ka ba bakit ka naman umihi sa pantalon mo. Nageenjoy pa lang ako." Sabi ko dito ng makalapit ako at marami pa akong pinag gagawa sa kanya meron yung pinahawak ko pa siya ng