"Miss san ka pupunta wala pang humihindi kay amo?" Sabi nito na hinawakan ako sa braso.Binawi ko ang braso ko sa kanya at tiningnan siya. "Wala akong panahon sa inyo." Sabi ko dito at tinalikuran na siya. "Tingnan natin miss ganda." Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko siya iniwan. Pagdating ko sa labas pumwesto ako sa dilim kinuha ko ang palaso sa may binti ko at inilagay ko iyon sa gitna ng bow ko. Maya maya nakita ko na naglabasan na ang mga lalaki na nasa tabi ng lamesa ko. "Nasan na siya?" Tanong ng lalaki na siyang kailangan ko sa bar na ito. Siya ang lalaki na namaril sa amin na siyang ikinamatay ng mga magulang ko. Siya rin ang pinahanap ko sa agent na kinuha ni mang Berting ."Kakalabas lang niya tiyak nasa paligid lang yun.hindi pa yun