"Kayo na ang bahala sa kanila" sabi nito sa mga attendant na kasama ng ambulancia.nakita ko na nakahiga si Mr Hernandez sa higaan na nakalagay sa gitna. Sa loob ng sasakyan, umakyat ako at umupo sagilid. Umandar na ito ng makapasok na ang mga attendant. Habng nasa sasakyan nag txt ako kay manong Berting na gumawa ng paraan na maharang ang sasakyan namin. Nag reply naman ito na wag daw akong magalala siya daw ang bahala tinanong niya kung saan kami papunta. Sinabi ko ang location ko. Paliko pa lang kami sa kanto papunta sa hospital ng may biglang humarang sa amin na sasakyang itim. "Sir pasensiya na po pinasusundo po ni Mam Hernandez ang mga pasyente sa private hospital na lang daw nila dadalahin namin ang asawat anak niya." Sabi ng kausap ng driver. Tinawag ako nito at tinanong kong kil