*****JUSTINE POV#****
Pumunta ako sa opisina ni Jade para ayain siya sa maglunch pero tinangihan niya ako. Next time na lang daw marami Kasi siyang tatapusin. Kaya hinayaan ko na lang siya.
"Sorry sir hindi po daw kayo mahaharap ni ma'am ngayun marami po kasi siyang ginagawa." Sabi ng secretary ni Jade.
"Ganun ba paki bigay mo na lang sa kanya ito. Paki Sabi babalik na lang ako bukas." Sabi ko na lang Saka binigay ang flowers at lunch na dala ko. alam ko Kasi na Hindi na naman siya sasama sa akin mag lunch kaya dinalahan ko na lang siya ng lunch.
"Alam ko na iniwasan mo ako Jade. Pero kahit anong pagtataboy mo sa akin mananatili ako sa tabi mo. Hindi ako susuko. " Bulong ko Bago ako tumalikod at umalis na.
"Justine Buti dumating kana." Sabi ni Julluis.
"Bakit?" Tanong ko dito.
"pinapatawag ka ng papa mo." Sabi nito kaya dumeretso ako sa opisina ni papa.
"Pinapatawag niyo daw ako papa." Sabi ko pagpasok ko.
"Maupo ka kayo na muna nila Mario ang pumick up ng mga kargamento sa Pier. Alam mo na naman kumilatis ng magandang klase diba. Ikaw na Ang bahala. Alas 10:00 ng gabi ang dating ng barko." Sabi nito sa akin.
"Sige Papa kami na po ang bahala." Sabi ko dito Saka nagpaalam na.
Pagdating ng gabi nasa Pier na kami hinihintay ang pagdating ng kargamento.
"Justine. Nandiyan na ang Barko." Sabi ni Mario sa akin. Lumabas ako ng sasakyan. Nakita ko na dumaong na Ang Barko. May nagpailaw sa taas at pinatay sindi nito ang ilaw . Pinatay sindi ko ang ilaw ng sasakyan namin. Ilang sandali lang may lumabas na malaking tao. Armadong ito.
"Pumasok na daw kayo sabi ni Boss." Sabi nito pumasok kami. Tiningnan kami ng mga armadong lalake sa loob. Pagpasok namin sa isang kwarto Nakita ko ang isang German Na lalake Naka itim na tuxedo ito. napapalibutan ng mga nakaitim na lalake. Ngumiti ito sa akin.
"Vlad. Son of Black night." Pakilala ko. Ngumiti siya sa akin.
"Sapphirus. Nice to meet you Vlad. Your Father call me." Sabi nito. Saka niyaya kami sa isang silid punong puno ito ng ibat ibang klase ng armas.
"Titanium Gold Desert Eagle sa .440 Cor-Bon." Sabi niya ng Hawakan Ang nasa lalagyan.
"Ito ay isang advanced na pistol na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na $ 5,000 - $ 7,500. Ang Desert Eagle ay nailalarawan sa pamamagitan ng malaking frame at malakas na pag-urong nito.
Dinisenyo ng Magnum Research at Israeli Military Industries, ang Desert Eagle ay isang pistol na pinapatakbo ng gas na kasalukuyang ginagawa sa .357 Magnum, .44 Magnum, at .50 Action Express." Paliwanag niya. Napatango ako Nagytingin pa ako ng iba. maya maya sinenyasan ko na si Mario. binaba na nito ang attache case. Saka binuksan ito. Binilang Ang laman nito ng kasama nung German. Maya maya nagsigned ito ng good. pinahakot niya sa sakyan namin ang mga armas.
Kinabukasan tinawagan ako ni Mang Berting. Kaya pumunta ako sa mansion nila Jade.
"Pasensiya kana iho. Nagaalala lang Kasi ako sa alaga ko. Alam ko kasi na may pinplano si Jade. Kaya pinilit niya na gumaling agad. Kilala mo naman si Jade kung ano ang maisip talagang gagawin niya at buo ang loob ng batang yun. Kahit kailan hindi marunong matakot.Kaya ako kinakabahan baka kung ano ang gawin niya at ikapahamak niya." Sabi ni mang Berting.
"Naiintindihan ko po kayo mang Berting. Ano po ba Ang ginagawa ni Jade?" Tanong ko dito.
"Nagpapahanap siya sa akin ng magaling na agent. Nais niyang malaman kung sino ang nagpadala ng mga death threat sa papa niya Nung buhay pa ito." Sabi nito. Napakunot ng noo ko.
"So tama ako na may binabalak nga si Jade." Bulong ko sa isip ko.
"Ako na po ang bahala mang Berting Basta sabihin niyo na lang po na komontact na kayo ng agent pag nagtanong siya. Wag po kayong magalala hindi ko po pababayaan si Jade." Sabi ko dito Saka ngumiti.
"Naku salamat Iho. Kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit papano ngayun nakahinga ako ng maluwag." Sabi nito uli. Napangiti ako Saka nagpaalam na sa kanya.
"Sabi ko na nga ba na may pinaplano ka Jade. Kahit ano pa yan sosoportahan kita ganyan ka kahalaga sa akin at sana pag natangap mona Ang hustisya na hinahanap mo mapansin mona ang totong nararamdaman ko sayo." Bulong ko. Saka huminga ng malalim. Kinuha ko ang Cellphone ko at may tinawagan.
"O Bro Napatawag ka." Sabi sa kabilang linya.
"Bro may favor sana akong hihilingin sayo kung pwede." Sabi ko dito.
"Oo naman Ikaw pa malakas ka sa akin." Sabi nito. Natawa na lang ako.
"May kakilala Kasi ako na naghahanap ng agent may ipapaasikaso kasi siya baka pwede mo namang tulungan." Sabi ko dito.
"Oo ba sino ba yan?" Sagot nito sinabi ko.
"Yung friend mo na lagi mong kasama. Kayo na ba nun?" Tanong nito. Na tawa ako.
"Ano kaba magkaibigan lang kami." Sabi ko dito.
"wee di nga?" Sabi nito. Natawa uli ako.
"Hindi nga kami. Close lang kami." Sabi ko dito.
"Pero may gusto ka sa kanya?" Tanong nito.
"Oo naman." Sagot ko dito.
"Halata naman. E bakit hindi mo ligawan?" Tanong nito uli.
"Saka na may problema pa Kasi siya ngayun." Sabi ko dito. Natahimik ito.
"Ok. Sige para sayo tutulungan ko siya." Sabi nito.
"Ah Bro wag mong sabihin na ako ang nagpapunta sayo. Ang sabihin mo si mang Berting ang tumawag sayo pag nagtanong siya."
Sabi ko dito.
"Sige."
Sabi niya.
"Salamat Bro." Sabi ko.
"Wala yun Basta Ikaw." Sabi niya. Nagpaalam na ako.
Kinabukasan nasa opisina ako ni Jade Sabi ng secretary niya may kausap daw ito sa loob. kaya nagpaalam na ako.
Naging Busy ako sa sumunod na araw may ni rade Kasi kaming Bar na Nagbebenta ng mga babae.
Kinabukasan Tumawag sa akin si Troy Ang agent na tinawagan ko pinsan ko ito.
Isa siyang magaling na Secret agent.
"O Bro napatawag ka?" Tanong ko dito Katatapos ko lang mag practice bumaril.
"Bro hawak ko na ang pinahahanap ng nobya mo." Sabi nito. Natawa ako sa sinabi nito. Saka napailing.
"Sige magkita tayo titingnan ko." Sabi ko sa kanya. Nagkita kami sa malapit na Coffee shop.
" Bro Anak pala ni Don Mouricio Montecarlo. Ang tinambangan sa airport.
Diba kaparehas ng papa mo yun na mafia Leader. Mukhang Hindi niya pa alam kung sino ang ama niya. At ones na malaman niya malalaman din niya kung sino kayo. Ano itutuloy ko parin ba Ang pagbibigay ng Impormasyon sa kanya?" Tanong niya. Alam ko yun at handa na ako dun.
"Ayos lang Bro." Sabi ko sa kanya.
"Mukhang hindi madali ang babangain ng nobya mo. At alam ng papa yun kaya hindi na niya pinalam sa nobya mo kung sino talaga ang nagtambang sa kanila." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Alam ni Papa kung sino ang nasa likod ng nangyari kayla Jade?" Tanong ko dito. Tumango ito.
"Maari dahil Isa din itong Mafia. Ang tao na yan ay tao ni Don Elmundo Esguera Kilala bilang business tycoon at isang leader ng mafia Ang alam ko hawak niya ang kamaynilaan. Kung kayo Batangas at ang papa naman ng nobya mo ay Cavite kanya ang maynila. Alam mo ang batas ng mafia hindi pwedeng makialam Ang papa mo sa kaso ni Don Mouricio kahit kaibigan niya pa ito na matalik. dahil maari niyang makalaban ang mga Elder." Sabi nito. Napakuyom ako ng kamao ko.
"Ano na ang plano mo nagyun Bro. Ones na Ibinigay ko ito sa Nobya mo malalaman niya na ang lahat." Sabi nito.
"Ayos lang Bro. Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ko dito. Tumingin ito sa akin.
"Sana alam mo kung ano ang pinapasok mo Bro.Alam ko na mahal mo siya." Sabi nito saka huminga ng malalim.
"Sige Bro. good luck!" Sabi nito. Saka tinapik ang balikat ko.
Kasama ako ni Troy ng ihatid niya ang folder sa opisina ni Jade.
"Ano Ang sabi niya?" Tanong ko dito.
"Wala naman nagtanong lang tungkol sa lalake. Saka nagpasalamat sa akin." Sabi nito.
Kinabukasan maaga pa nasa labas na ako ng bahay nila Jade Inabangan ko siya. Maya Maya Nakita ko na palabas na siya ng bahay. Sinundan ko siya. Nakita ko na pumunta siya sa lugar ng mga skwater. Pinagmamasdan ko siya sa malayo.
Maya maya Nakita ko na lumabas sa skinita Ang lalaking hanap niya. Tiningnan ko ang paligid. Wala naman akong nakita na kasama ng lalake.
Do nagtagal Umalis na si Jade. Nagbantay lang ako sa labas ng Bahay niya. Pagdating ng hating gabi.Maya maya nakita ko na palabas na ng bahay ang kotse niya. sinundan ko ito pinarada niya sa isang Bar Ang kotse. Nakita ko na bumaba siya. Nagulat ako ng makita na suot niya ang damit na suot niya ng tambangan sila sa airport. Ang ganda ganda niya nung araw na yun. Hindi nga matangal ang tingin ko sa kanya nun. Hindi mo mahahalata na Isang malakas na babae siya. Dahil babaeng babae siya sa dress na pula na yan.
Pumasok siya sa loob. Maya maya pumasok narin ako. Nakita ko na nakaupo siya malapit sa grupo ng mga lalake. Naupo ako sa sulok. Nakita ko na nilapitan siya ng Isa humanda ako sa mangyayari. Pero nakita ko na hindi ito pinapansin ni Jade. Kinukulit nito si Jade Hangang lumabas na ito. Nakita ko na nagbulungan ang mga Gago.
"Pag sinundan niyo yun patay kayo." Bulong ko. Saka kinuha ko ang wallet ko at nagiwan ng Pera Saka lumabas na ako sa Bar.
******JADE MARLEY POV#*****
Pagdating ko sa Kalinga bar, pinarada ko ang kotse ko sa madilim at bumaba ako sa sasakyan saka pumasok sa bar. Maraming tao rito madilim sa loob hinanap ko ang taong kailangan ko. Nakita ko ito sa di kalayuan na lamesa may mga kasama ito sa lamesa at may mga kanya kanya silang babaeng katabi.
Pinili ko ang katabi nilang lamesa. Nang makarating ako sa lamesa tinawag ko ang waiter at umorder ako ng beer at chitcharong bulaklak.
Buti na lang minsan sinasama ako nila Justin kapag gumigimik sila ng mga barkada niya. Kung ano ang inoorder nila na inumin yun ang iniinom ko. Nung una nalasing ako agad pero nung katagalan na nakakasabay na ako sa kanila. Kaya Kilala ako ng mga kaibigan niya.
"Pare may pinatatrabaho na naman sa atin si boss." Sabi nung isa na kasama nung lalaki na kailangan ko.
"Ano daw ang pinagagawa niya sa atin?"
Tanong nito sa kasama niya na nagsalita.
"Babae pare mukhang nakorsunadahan ni boss." Sabi uli ng kausap niya.
"Buti naman at hindi na tayo tatambay tambay may trabaho na tayo."
Sabi naman nung isa na nasa kaliwa niya.
"Maganda siguro ang babae na nakukursunadahan ni boss?"
Tanong nung nasa harap niya.
"Syempre maganda.May nagustuhan ba si boss na pangit yung huli nga lang ang sexy at ang bata pa. Naalala niyo ba yun pinatikim pa nga sa atin bago pinadispacha sa atin. Hindi ko pa nga nakakalimutan yun ang bango at sariwang sariwa." Sabi nung nasa kanan niya.
"Saan daw ba natin kukunin?" Tanong niya sa mga ito. Mukhang siya ang leader nila. Pinakikingan ko ang mga pinaguusapan nila.
"Sa Ateneo, studyante pare katulad nung dati bata pa. Kung yung dati cashier sa SM ngayun studyante. Makakatikim na naman tayo ng sariwang laman."
Sagot ng nasa hatapan niya na matabang lalaki at nagtawanan pa sila na akala mo mga demonyo na nakawala sa lupa.Ng mapatingin ang isang kasama nila sa lamesa ko. Nagpangap ako na busy sa iniinom ko pero pinakikiramdaman ko sila. Nagtinginan sila at maya maya naramdaman ko ang isa sa kanila na tumayo at lumapit sa lamesa ko.
"Miss nagiisa ka yata gusto mo ba ng kasama sasamahan ka namin."
Sabi nito na itinukod pa ang kamay sa lamesa ko. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo ko.
"Hindi ko kailangan ang kasama."
Sabi ko sa kanya at tinawanan niya ako.
"Bakit miss ayaw mo ba sa amin?"
Tanong uli nito na naka ngiti ng nakakaloko. Tiningnan ko lang siya ng masama at ibinaling muli ang tingin ko sa inumin ko.Aktong iinumin ko na sana ang laman ng hawakan niya ang baso at ininom ang laman nito.Tiningnan ko lang siya. Kinuha ko ang daladala kong bow at tumayo na.