Sabi nito sa akin. "Oo bakit nagulat ka. Na ang babaing nagiisang anak ng pinatay niyo ang papatay din sa inyo." Sabi ko dito at tinawanan niya ako. "Sino. Ikaw. Ang sinasabi mong papatay sa amin." Sabi nito at tumawa ito ng tumawa. " Siguro kasi nandito ka sa harap ko at inubos ko ang mga tauhan mo." Sabi ko dito. Natigilan ito. "Naka chamba ka lang sa amin ni Benjamin. Pero ang amo ko hindi mo kakayanin at kahit patayin mo pa ako hindi ako magsasalita " Sabi nito sa akin. "Tingnan na lang natin narinig ko na yang sinabi mo at nag uumpisa pa lang ako sa inyo." Sabi ko dito. "Kung ako nagulat mo. Pero ang amo hindi. Dahil alam ko na ngayun palang pinaghahandaan ka na niya." Sabi nito na tinawanan ko lang at tinawag ko si mang Berting. "Yung pinahanda ko sa inyo." Sabi ko dito.